33
Chylee POV
Balik sa dating gawi. Narito na kami sa manila. Nag-enjoy ako sa ilang araw na pag-stay namin sa Batangas pero aaminin ko, may parang nakabara sa may dibdib ko dahil sa inaakto ni Miko. Simula kasi no'ng bonfire, tahimik na siya. Kahit sa pag-kain, hindi na siya nakikipagkulitan kay Phoenix. Ni hindi niya ako matingnan. Nakaramdam din yata si Phoenix kaya hindi na rin niya pinagti-trip-an si Miko.
No'ng pauwi na kami, hindi siya tumabi sa amin. Do'n pa siya naupo sa may likod ng van katabi ang kapatid niya.
"Chylee?"
Nag-angat ako ng tingin. "Shanice."
Narito sina Shanice at Zia. Nakilala kasi nila Mom and Dad si Zia nang makauwi kami galing Batangas at tuwang tuwa sila sa ka-bibuhan niya. Kaya in-invite sila dito sa mansyon for dinner.
"Problem? Si Miko ba?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.
I sighed. "I'm just wondering kung ano 'yung mali kong nasabi.."
"Chylee, slow ka ba? Mali mong nasabi? Iyong sagot mo sa tanong niya. Mali. Kasi kahit ako, alam ko mahal mo pa rin si Miko. Hindi naman agad 'yun mawawala, e. Ang sa akin lang, sana hindi mo nalang sinagot 'yung tanong niya. Minsan kasi, mas makakabuting tahimik nalang tayo, kasi hindi natin alam, ang isang salita, maaaring makasakit ng kapwa natin. Tulad no'ng sa'yo. Simpleng hindi na, alam kong nasaktan mo si Miko."
Lumungkot ako. "Aminado naman akong mali ako sa ginawa ko. Pero gusto ko lang naman protektahan ang sarili ko. Ayokong tumaas ang confidence niya kapag sinabi kong mahal ko pa din siya.
"Pero hindi mo ba naisip na sa sagot mo nakasalalay kung lalaban pa siya o magpapatuloy pa siya? Sabi nga niya, last alas niya na iyon. Kumbaga, iyon ang bagay na pinanghahawakan niya kaya narito pa rin siya para sa 'yo. Kaya kahit tinataboy mo siya or kahit nakikipag kumpitensiya siya kay Phoenix, gora pa rin siya."
May point si Shanice. Pero sana maintindihan niya rin iyong point ko.
"Ganito kasi iyon. Logic, Chylee. Sa tanong ni Miko kung mahal mo pa ba siya, kapag sumagot ka ng 'hindi', of course masasaktan si Miko. At kapag sumagot ka ng 'oo', si Phoenix naman ang masasaktan. Kaya nga sabi ko, may pagkakataon na hindi natin kailangang sumagot sa tanong. Kasi kahit alin pa sa choices ang isagot mo, may masasaktan ka."
Napaisip ako sa sinabi ni Shanice. Masama ba ako dahil sa ginawa ko? Naguguluhan din kasi ako. Ayokong ipagkatiwala ulit or ayoko ng i-broadcast pa ulit na mahal ko si Miko. Tulad dati, no'ng bata pa ako, no'ng patay na patay pa ako kay Miko, ipinagsisigawan ko na mahal ko siya pero in the end, masasaktan lang din pala ako.
"I know it's hard for you, Chylee. Pero sana, matuto ka ring magpatawad. Kahit ako, bilang bestfriend mo, highblood ako kay Miko dahil sa ginawa niya before but he deserve a second chance. Everybody deserves a second chance."
Umiling ako. "Nasaktan kasi ako ng sobra, Shan. Kaya ganito ako. Na parang takot na akong sumugal ulit."
"Chylee, buhay mo 'yan. Ayokong makialam sa mga desisyon mo. Narito lang ako para magbigay ng advice. Ang sa akin lang, use your heart and mind. Huwag isip lang, o huwag puso lang. Pareho."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. "Bakit gano'n. Ang complicated. Ang sakit."
Inabutan ako ni Shan ng panyo. Kinuha ko iyon saka pinunasan ang luha ko.
"Gano'n talaga ang love. Hindi naman pwedeng perfect e, kasi nobody's perfect. The point is, sa love talagang nariyan iyong pagsubok, pain, complicated na status, but then, nariyan ka para labanan iyon, para lagpasan ang lahat ng iyon. You just need to be strong. Dahil sa huli, makakamit mo rin ang hinahanap mong happiness. Like your parents. 'Diba, nakita na nila ang happiness nila sa isa't isa?"
Sina Mom and Dad. "Pero hindi lahat ng tao katulad nila. Iba iba naman kasi ang tao.." Sabi ko.
"Hay, Chylee.."
Tumingin ako kay Shan. "Ikaw ba, Shan. 'Di ka ba nasasaktan?"
Ngumiti siya. "I am. Nasasaktan ako Chylee. Pero mas pinili kong maging masaya. Go with the flow. Kasi wala namang mangyayari kung palagi na lang akong magmumukmok o iiyak dahil lang nasasaktan ako."
"You're a strong woman, unlike me." I bit my lower lip. Feeling ko, nahahabag ako sa sarili ko.
"Chylee." She stared at me. "Mabuti pa, huwag mo ng isipin iyon. Go with the flow ka nalang. Basta sabi ko, puso at isip. Forget about the past."
Huminga ako ng malalim saka tumango. Go with th flow..
Pero paano ako magsisimula? Paano ko haharapin si Miko? Paano kung patuloy niya akong iiwasan? Kakayanin ko ba? O hahayaan ko nalang siya?
Napailing nalang ako. Love is really complicated.
-
Miko POV
Nakakailang bote na ako ng alak. I'm here at the bar, chillin' out.
"Brad, tagal mo ding hindi nag-bar, a. Masyado kang naging busy sa nililigawan mo."
I looked at Calvin. "People change."
"Whoa! Gumaganyan ka, brad. Na-basted ka ba?" Tumawa siya pagkasabi niyon.
"Basted is different from rejection."
"Ni-reject ka?" Dinaig pa niya ang babae sa pagtatanong. Tch.
Inubos ko ang laman ng bote ng alak bago tumingin kay Calvin. "Actually, she did not reject me. She just.."
Natigilan ako. I remember that night, when she answered my question. Pakiramdam ko ilang kutsilyo ang tumusok sa buong katawan ko.
"....just moved on."
"Nanliligaw ka pa nga lang, move on agad? Tch. Tindi mo, brad."
Sinamaan ko siya ng tingin. "She love me." Ngumiti ako ng mapait. "Before."
"Nabuhay na ba kayo no'ng sinaunang panahon? Ano iyon, reincarnation kayo? Nagmahalan na kayo dati? Tapos ngayong second life niyo, hindi ka na niya maalala? What the fck, men!"
Lalong sumama ang tingin ko kay Calvin saka ibinato sa kaniya ang isang bote.
"Whoa! Easy!"
"Shut the fck up." Sigaw ko. "Wala kang alam."
"E'di ipaalam mo. Brad naman, kaibigan mo ako. Kahit gago tayo, ako lang pala. Marunong din naman akong makinig sa mga drama."
"I'm not into drama. I'm fcking hurt." Humigpit ang pagkakahawak ko sa bote ng alak. "That was my last alas.."
"Last alas? Poker? Ungguyan?"
I gave him a death glare. Itinaas naman niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko.
"Tuloy ang kwento, brad." Sabi niya.
Tumingin ulit ako sa hawak kong bote. "I can do everything for her. I can fight for her. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuhay, I don't care! But fck, why does it fcking hurts? Why does it hurt this much? Why do I need to feel this fcking pain? Dahil gago ako? Dahil wala akong puso? Damn it, I have!"
"Brad."
I know it's gay pero naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig na ang kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa bote ng alak.
"The fact na pinagtatabuyan niya ako, na sweet sila ni Phoenix, na nagtatawanan sila kahit sa akin hindi niya iyon magawa. Kahit pinagsisigawan niya na ayaw na niya, na hindi na siya 'yong dati, ayos lang! Kaya ko! I'm fcking strong when it comes to her. Pero bakit no'ng gabing iyon. Bakit sa simpleng salitang binitawan niya, naubos lahat ng lakas ko? Tangna, masakit! It was like, I can't bear the pain. Is this karma? Putangna, masakit pala!" Sigaw ko saka napatungo. I am fcking crying right now.
"Brad, lilipas din 'yan."
"Lilipas? Yeah. But my heart keep on telling me to fight, no matter what. Kahit masakit, kahit walang kasiguraduhan, kahit alam ko na ang sagot, nagmamatapang pa rin ang puso ko na ipagpatuloy ang laban. But no, I can't do it anymore. I can't."
"Sinasabi mo ba, brad na.."
Nag-angat ako ng tingin saka tumango. "I give up. Alam kong sinabi ko na hindi ako titigil, na hindi ako maggigive-up. But, it's enough to stop fighting. She gave me the reason to give up. And I want to respect that."
Enough for fcking love because it only cause pain.
-
Chylee POV
"Ate, pwede bang ikaw ang um-attend ng PTA meeting namin?" Tanong ni Renzo sabay selfie.
Napailing nalang ako sa ikinilos niya. Siguro itong kapatid ko, kahit maubusan ng pagkain or everything, huwag lang talaga ang camera niya.
"Si Mom?" Tanong ko. Kadalasan si Mom naman ang uma-attend don, dahil nasa SWU na din naman siya. Tapos ang triplets, iisa lang naman ang room nila.
Nag-selfie ulit siya. "Ipo-post ko lang 'to, Ate. Caption, asking my Ate. Pout emoticon."
Ngumuso ako. "Tigilan mo nga 'yan, Renzo. Adik na adik ka na. So nasaan nga si Mom?"
"May business trip si Dad sa Macau. Mamaya din ang flight niya. Alam mo naman si Dad, masyadong clingy kay Mom. Kaya ayun, isasama daw si Mom. Quality time din daw. Tch. Baka gumawa 'yun ng quadruplets, ah. Putek!"
Tumango-tango ako. Kaya pala. "Kelan ba ang PTA meeting niyo?"
"Mamayang after lunch, Ate. Don't worry, hindi ka namin ipapakilalang nanay namin."
Naningkit ang mata ko. "Malamang! Kelan niyo ako naging nanay? Psh."
Tumawa lang si Renzo. "Basta, Ate ha? Mahalaga daw kasi ang PTA meeting. Baka i-announce do'n na saksakan ako ng gwapo."
Nag-pokerface lang ako habang nakasunod ang tingin kay Renzo na papunta sa kusina.
"Ate! Pwede bang ikaw ang um-attend sa PTA meeting namin?"
Napatingin ako kay Enzo na kakababa lang ng hagdan.
"Nagsabi na sa akin si Renzo. Okay?"
"Pumayag ka?" Tanong niya.
Tumango ako. "Yes, bakit?"
Nag-thumbs up siya. "Ayos 'yan, Ate! Buti naman. Si Dad kasi, e. Tch. Akala mo lagi, aagawin sa kaniya si Mom."
Natawa ako sa sinabi niya. Well, 'di ko naman masisisi si Dad. Buti nga hindi pa rin sila nagbabago kahit matatanda na sila. Sweet pa rin sila sa isa't isa at hindi nagkakasawaan. Marami kasing naghihiwalay na mag-asawa dahil nagkakasawaan o nakakita ng ibang babae, or lalaki.
"Anyway, sa room niyo ba gaganapin iyon?" Tanong ko. Malay ko ba kung saan, first time ko palang a-attend sa PTA meeting nila.
"Sa quadrangle, Ate. Lahat kasi ng year, magkakasama na do'n."
'Yun naman pala. Madali ko na 'yon makikita mamaya. Sa laki ba naman ng SWU, malay ko ba kung saan ang room ng triplets.
"Ano bang ibig sabihin ng PTA?" Nakakabobo. 'Di ko talaga alam 'yun. Hindi ko 'yon naranasan no'ng pumasok ako sa SWU. Saka do'n na din kasi ako nagpatuloy ng pag-aaral sa US.
"Hindi mo alam, Ate?" Natawa siya. "PTA means, pakwan together again! Kaya punta na akong kusina. Miss ko na ang pakwan ko."
Naningkit ang mata ko. What the? Pakwan together again? Baliw talaga. Napailing nalang ako nang mapansin kong pababa na rin ng hagdan si Kenzo.
Malapit na akong mahilo. Tatlong mukha na iisa ang itsura sunud-sunod kong makikita.
"Hi, Ate." Bati sa akin ni Kenzo. I wonder kung aayain niya din akong magpunta sa PTA meeting. Pinaka-matino pa naman 'to sa tatlo.
"Breakfast ka na." Sabi ko.
Tumango siya, "Ikaw, Ate?"
"I'm done." Sagot ko. Mukhang wala akong balak na ayain nitong si Kenzo. Siguro ay alam na niyang kinausap na ako ng dalawa.
Dumiretso na siya ng kusina. Ako naman ay nag-check muna ng facebook sa iphone ko. Nag-scroll ako sa newsfeed hanggang mapatigil ako.
Prince Miko Abellano posted a photo
Having a great time with these girls.
Like • Comment • Share
Riana Buenavista Ano yan ha!
Luke Palermo Yan ang tunay na lalaki! Madaming babae. Wahahaha!
Charisse Alano Walangya kang tingting ka! Wag kang uuwi dito sa bahay!
Luke Palermo Hon hindi ako yan! May naghack ng account ko! Hon!
Yumiko Hayashi Abellano Wag lang may tatawag dito sa mansyon na may nabuntis ka ha!
Prince Miko Abellano MOM! Tch.
Rance Yul Abellano Hanep, Kuya!
Princess Reiko Abellano Unfaithful! Tse! Ayoko talaga sayo. Kainis ka! #ChyNixNaTalagaAko
Phoenix Laurel Masasaktan na naman siya.
Princess Reiko Abellano Waaa! Kuya Phoenix, pa-FS ako!
Enzo Shinwoo *pakwan emoticon*
Shanice Chan Hay...
Jewell Atienza Gusto mo bang kumita? Magiging 10,000 ang 600 mo? Sali ka na sa aking networking business.
Tumigil na ako sa pagbabasa ng comments. Ayoko na ring titigan ang picture. Si Miko sa bar, may katabing apat na babae tapos 'yung kaibigan niyang lalaki na madalas ko din makita dati sa SWU. They are having fun. Naka-akbay pa si Miko do'n sa isang babaeng blonde ang buhok.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bumigat. Napailing na lamang ako saka tinigilan ang pagtingin sa facebook. Sana hindi nalang ako nagcheck. Sana hindi ko 'yon nakita.
Sumandal ako sa couch. Ipinikit ko ang mga mata ko pero nagpa-flash sa isip ko ang picture na iyon.
He's smiling there. He's enjoying.
Bakit apektado ako? Ginusto ko 'to 'diba? Ako ang sumagot na hindi ko na siya mahal. What do I expect? Ang magpatuloy siya? Of course, common sense! Maggigive up siya. Titigil siya!
Huminga ako ng malalim saka pinilit na pakalmahin ang sarili ko.
Forget him. I don't need to think of him. Hindi ko na kailangang masaktan pa dahil sa kaniya. Think positive!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top