32
Chylee POV
Lahat kami ay nasa harap ng bonfire. Nakabilog kami at lahat ay nakaupo sa buhangin. Katabi ko si Shan sa kaliwang side ko habang si Enzo naman sa kanan na side ko. Katapat ko ang dalawang makulit na kanina pa hindi tinitigilan ang isa't isa sa pagyayabangan--sina Phoenix at Miko.
Napagod na ako suwayin sila kaya hindi ko na lamang sila pinansin. Mag-away sila hangga't gusto nila. Parang mga bata.
"You, two eggs, will you please shut up?" Asik ni Skyler sa dalawa. Kalong niya si Zian na abala sa pagkain ng slice ng apple. Ang cute nilang tingnan. Para silang mag-ama.
Tumingin ako sa dalawa na agad namang natahimik. Mayayabang at malalakas ang loob nila pero halatang halata naman na takot sila kay Sky.
"Okay, game. Laro tayo, spin the bottle." Sigaw ni Shan. Sa aming lahat, pinaka-maingay at kalog talaga si Shan, kaya nga bestfriend ko 'yan.
"Gusto ko 'yan!" Sigaw ni Reiko.
"What about that? I don't know that game. Paki-explain." Agad na sabi ni Kenzo. May pagka-kj iyan minsan dahil siyempre, mas pipiliin niyang magkulong sa kwarto niya at magbasa ng libro kesa maglaro o pagkaabalahan ang mga non-sense na bagay.
Itinaas ni Shanice ang hawak niyang bote ng san mig light. Ngayon, gets ko na kung bakit binitbit niya iyon dito sa tabi ng dagat. Akala ko kanina, dinala niya iyon for protection. Kumabaga, pangpukpok sa ulo. Mali pala ako.
"Eto, bote 'to." Panimula ni Shan.
Tumawa ng malakas si Renzo. "Of course, Ate Shan. Nakikita namin, bote 'yan. Pa-selfie nga sa bote na 'yan."
"Tumigil ka diyan, Renzo. Puro ka selfie. I wonder kung paano ka manliligaw niyan, idadaan mo sa pagse-selfie?" Pang-aasar ni Shan. Close siya sa triplets dahil bestfriend ko siya at may 'something' sila ni Sky na alam kong medyo malabo dahil may Riana--na may boyfriend. Ang gulo nila.
"Wooo!" Pang-aasar ni Enzo. "Kung ako 'yan, idadaan ko sa pakwan. Babatuhin ko ng pakwan 'yung liligawan ko. Wahaha!"
Nagpokerface ako sa sinabi ni Enzo. "You're being rude, Enzo boy." Sabi ko.
"Marry your watermelon, instead." Komento ni Sky na abala sa paglalaro kay Zia. Father figure na ang ka-kambal ko. Sino kayang mapapangasawa niya? Ah, basta kung kanino siya sasaya. Ayoko ng maging kontrabida sa lovelife niya dahil sa mga sakripisyong nagawa niya para sa akin. Panahon na para ako naman ang magsakripisyo--in a way na, halimbawa ayaw ko sa babae pero dahil mahal niya, tatanggapin ko. Ganern.
"Tama na 'yan. Simulan na natin para masaya. Saka, subukan niyo namang mag-ingay people. Ang tahimik niyo." Puna ni Shan saka inilapag ng pahiga ang bote sa gitna, medyo malayo sa bonfire.
Pinanood ko lang siya. Ang sarap din pala sa feeling na makapag-unwind. Kahit kinulit lang ano ng dalawa, masaya naman dahil kasama ko silang lahat. Mga kapatid ko, sina Reiko..si Shan or even the two eggs.
"Ganito, ii-spin ko 'to. Tapos ang matatapatan ng nguso ng bote taanungin ng truth or consequence. Kapag truth, ang magtatanong ay kung sino ang nag-ikot ng bote, kapag consequence naman, iinom ng isang basong alak. Kapag hindi mo kayang sagutin ang tanong sa'yo sa truth, pwede kang utusang gawin ang kahit anong gusto ng nag-ikot ng bote. Kung sino 'yung natatapatan, siya 'yung susunod na mag-iikot ng bote and so on and so forth. Gets?"
Tumango kami.
"Game! Game na." Sigaw ni Reiko. Mukhang excited na excited siya. Minsan, iniisip ko kung sino sa triplets ang crush niya pero dahil magkaka-mukha nga ang triplets, 'di ko maisip kung sino.
"So ako ang magsisimula." Sabi ni Shan saka nag-spin ng bottle.
Hindi ako kinakabahan. Ano naman kung matapatan ako? I can tell them the truth naman kung ano man ang itanong nila dahil sila ay nasa circle of friends and family ko.
"Wooo! Bakit sa akin agad tumapat. Madaya!" Sigaw ni Renzo.
Natawa ako sa reaksyon niya. May pagka-jolly din talaga siya. Tulad ni Enzo. Si Kenzo lang naman ang medyo naiba dahil serious-type iyon tulad ni Sky. Alam na, mga book lover at genius.
"H'wag ka ng magreklamo." Sabi ni Shan. "Okay, truth or consequence?"
"Truth!" Sigaw ni Renzo. "I-video niyo 'to, putek. 'Di ako makakapag-selfie."
Napailing na lamang ako. I wonder kung selfie ba ng selfie si Mom no'ng buntis siya habang kumakain ng pakwan, habang nagbabasa. Multi-tasking kaya ganyan ang nangyari sa triplets. Mga weird.
"So here's your question. May nagugustuhan ka na ba? May tinitibok ang puso?"
"Woooo!" Naghiyawan sila na tira nang-aalaska. Napansin kong hindi nag-aaway sina Miko at Phoenix. Mukhang ine-enjoy na rin nila ang isa't isa.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Renzo. Namumula ang mukha niya. Maputi siya kaya't kitang-kita iyon. So, may nagugustuhan na ang selfie king?
"Baka naman cellphone mo ang itinitibok ng puso mo?" Tanong ko nang nang-aasar.
Nagtawanan sila.
"Grabe, Ate. Hindi. Ano, kasi. Pwede bang 'wag pangalanan? Meron akong nagugustuhang babae kaso sa tuwing tinitingnan ko siya, sa ibang lalaki siya nakatingin. Tch."
"Aww.." Sabi ni Shan. "Better luck next girl nalang, Renzo. Ilipat mo na ang atensyon mo sa iba."
"No. I won't give up on her. Soon, kapag malakas na malakas na ang loob ko, aaminin ko sa kaniya ang nararamdaman ko, and I will surely fight for my feelings."
"Whoah! You're the man, Renzo!" Sigaw ni Phoenix. "Mana ka talaga sa'kin. Fight for our feelings!"
Natatawa na lang ako sa kanila. Ang sarap lang na makinig lang sa kanila.
"Okay, okay. Renzo, ikaw na ang mag-spin." Ani Shan.
Nag-spin ng bote si Renzo at tumapat iyon kay Sky.
"Oh, kuya. Truth or consequence?" Tanong agad ni Renzo kay Sky.
"Truth." Matipid na sagot ni Sky. Naka-kalong pa rin sa kaniya si Zia.
Tumikhim muna si Renzo. "Itinuturing mo bang anak mo si baby Zia?"
Tumango agad si Sky. "Yes. She's my daughter. And I'm her Dad."
Ang sweet talaga ng kapatid ko. Tumingin ako kay Shan. She's teary-eyed. Alam kong sa loob loob niyan, sana siya din ang misis ni Skyler.
"Whoa! Hindi ka na bata, Sky. Mag-asawa kana." Sabi ni Phoenix. "Ayan si Shanice, patay na patay sa'yo 'yan!" Kasunod niyon ang tawanan nila.
Sa halip na sagutin ni Sky si Phoenix ay sa akin siya tumingin. "Laurel said that I'm not getting any younger. So he was sayong na mukha ka na ring matanda, Hera."
"H-Ha? Aba, aba! Wala akong sinabing gano'n baby!" Sigaw agad ni Phoenix.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala ka ngang sinabi. Alam mong kambal kami ni Sky. So kung hindi na siya bata, hindi na rin ako bata."
"What the? It wasn't my intention, I mean, ah shit. Sky naman oh! H'wag mo naman akong siraan sa baby ko."
"Shut up." Sagot lamang ni Sky. Minsa nagbibiro din iyang ka-kambal ko. In serious way nga lang.
"Woo! Laos ka na. Ang babaeng minamahal, dapat pati pamilya ginagalang." Sabat ni Miko.
"Hooo! Nahiya naman ako sa'yong bata ka. Ginagalang? Talk about respect." Sigaw ni Phoenix.
"Ikaw na tanda ka, 'di kita kinakausap. H'wag kang feeling close. Tch." Sagot naman ni Miko.
"Ikaw ang feeling close! Ikaw nga 'tong tatabi-tabi sa akin dito! Wooo! Baka naman nafo-fall ka na sa akin, aba! Maigi 'yun, wala na akong kaagaw sa baby ko." Nang-aasar na sabi ni Phoenix.
"Fck you. Masuka ka nga sa sinasabi mo. Kung magiging bakla lang din ako, bakit sa'yo pa ako mai-inlove? E'di kay Sky nalang para kamukha din ni Hera. Tch!"
"Fck you, Abellano." Sagot agad ni Skyler.
"Ohmy! You mean, type mo si Sky?" Nanlalaking sigaw ni Shanice.
Natawa lang ako. Baliw talaga ang mga 'to. Kapag sila ang kasama mo, sasakit ang ulo mo. Sasakit din ang tiyan sa kakatawa.
"Aba, aba. Kuya Miko, baka naman pati kami ay type mo dahil kamuka namin si Ate. Mahirap 'yan brad. Hindi pang-bakla ang ka-gwapuhan ko." Mayabang na sabi ni Renzo.
"Bigyan mo akong pakwan, Kuya Miko. Papayagan kitang ligawan ako. Wahahah!" Sabi naman ni Enzo.
"Tangna! Masuka nga kayo. Sabi ko, kung magiging bakla. Pero hindi. I'm straight. Damn, wala akong ibang gusto kundi si Hera. Siya lang!" Sigaw ni Miko. Tumayo pa ito at nameywang.
"Wooo! Hindi namin kailangan ng explanation mo!" Sigaw pa ni Phoenix.
Napailing na lamang ako. Bukod sa sasakit ang ulo ko sa pagka-stress sa mga ito, sasakit din talaga ang tiyan ko kakatawa. 'Yung iba naming kasama puro tawa lang din. Napansin ko si Riana na tahimik lang. Pangiti-ngiti tapos patingin-tingin din sa cellphone niya. Nag-e-enjoy kaya siya?
Kahit bitter bitter-an ako sa kaniya dati nung mga bata kami, unti unti na naman iyong nawala. Childish act lang naman iyong dati. Masyado lang siguro akong nainggit sa mga atensyon na natatanggap ni Riana dati mula sa ka-kambal ko at kay Miko na rin. Pero dati pa 'yun. Sa ngayon, medyo naaawa din naman ako kay Riana. Para kasing ang loner niya.
"Okay, next na. Tama na 'yang asaran niyo. Sino na?" Tanong ni Shan. "Ah! Ikaw na Sky ang mag-spin."
Kinuha naman ni Sky ang bote saka mabilis na ini-spin iyon. Tumapat kay Reiko. Namula siya.
"What?" Tanong ni Sky. Talaga 'tong ka-kambal ko, masungit.
"Truth!" Mabilis na sagot ni Reiko. Gets na niya ang pag-what ni Sky.
Skyler cleared his throat. Naka-abang kami sa tanong niya para kay Reiko. Kasi, hindi naman sila gano'n ka-close. Tahimik kaming lahat.
"Are you in love with a Shinwoo?"
Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Reiko. Nanlaki din ang mata niya at namumula lalo. Baliw talaga si Sky. Mga tanungan, e.
"A-Ah, ano.."
"Ano daw, Reiko?!" Excited na sabi ni Shanice. "Inlove ka sa Shinwoo? Sa triplets?"
Napapokerface na naman ako. Si Shanice, binubuko lalo, e. Talaga naman.
"Reiko, masasagot mo ba or uutusan ka nalang? May choice naman, e." Singit ko. Syempre, nahihiya siya. Dapat 'di pinipilit. Hindi naman siya tulad ko na masyadong vocal sa nararamdaman ko--NOON. Na kahit ipagsigawan kong gusto ko si ganito, ayos lang.
"Ate Chylee, sige. Utos nalang. 'Di ko masasagot." Sabi ni Reiko na nahihiya pa.
Tumingin ako kay Sky. "Sky, utusan mo na."
Tumango lamang si Skyler sa akin saka muling binaling ang tingin kay Reiko. "Kiss the guy you like. If he's here."
Lalo akong nagpokerface. "Skyler!" Dinilatan ko siya ng mata.
"What? Tch. Fine. 'Yang mata mo, Chylee Hera." Pagsusungit sa'kin ng ka-kambal ko saka muling tumingin kay Reiko. "Slap the guy you don't like for my twin."
Nanlaki ang mata ko lalo. Si Sky talaga, mga tanungan! Ka-imbyerna.
"Okay!" Mabilis na tumayo si Reiko at lumapit sa gawi nila Phoenix at Miko.
Isang malutong na 'PAK' ang nangibabaw.
"Fcking shit, Reiko! Why did you slap me?!" Sigaw ni Miko. Si Reiko naman ay bumalik sa pwesto niya.
Nagtawanan sila.
"Because I don't like you for Ate chylee. Duh, I'm chynix shipper, remember?"
Napailing ako. Magkapatid ba talaga sila? At may chynix shipper pang nalalaman si Reiko. Mga pauso ng mga 'to.
"Paano ba 'yan, sarili mong kapatid ayaw sa'yo. Lakas ko talaga. Ako na. Gwapo ko, e." Preskong sabi ni Phoenix.
"Duh, Kuya Phoenix. Gusto lang kita for Ate Chylee kasi ayoko kay Kuya Miko. It means, I have no choice that's why." Natatawang sabi ni Reiko.
Lalo silang nagtawanan. Lalo na ang triplets. Idagdag mo pa si Miko na bine-belatan pa si Phoenix. Para talagang mga bata.
"Game, game! Tama na 'yang asaran. Nagkaka-ingay na masyado. Baka magising ang mga isda sa dagat. Tulog na sila." Deklara ni Shanice na tinawanan ko.
"Kahit kelan, baliw ka talaga."
"Syempre. Baliw ka din naman, Chy. H'wag kang magmalinis. Haha!"
Inirapan ko siya. Tawa lang ang sinagot niya. Kinuha niya ang bote at inabot kay Reiko.
"Spin it."
Ini-spin ni Reiko ang bote at tumapat iyon kay Riana. Halatang nagulat siya. Sa aming lahat, siya lang ang kanina pa tahimik at masyadong mahinhin. Konti nalang iisipin kong, pabebe lang talaga siya.
"Okay. Hi, Ate Riana." Nakangiting bati ni Reiko sa kaniya. "Truth or consequence?"
Napatingin ako kay Skyler. Mataman siyang nakatingin kay Riana habang nakatingin ito kay Reiko.
"Truth." Sagot nito.
Tahimik kaming lahat. Siguro'y dahil ni isa sa amin ay walang may close kay Riana. Hindi dahil masasama ugali namin kundi dahil hindi naman siya nakiki-join sa mga kalokohan namin. She's always loner. Kaya hindi kami naging close eh. Isa pa, no'ng bata pa kami, si Skyler ang lagi niyang katabi at kausap.
"Okay, I heard na may boyfriend ka. Alam mo na, ang tsismis sa SWU. Kumakalat and nakikita din naman kita with him. Nakikita mo ba ang sarili mo na ikinakasal sa kaniya? Siya na ba ang man of your dreams?"
Nakakatuwa magtanong si Reiko dahil mukhang inlove siya. Kanino kaya?
Namula ang mukha ni Riana. Sinulyapan ko si Sky. Biglang inalis niya ang tingin niya kay Riana at itinuon kay Zia. Si Shan naman ang matamang nakatingin kay Riana. What's with their love triangle story?
"Honestly, no. I can't see him waiting for me at the altar while I'm wearing my wedding gown. I know it sounded rude but..he's not my man of my dreams."
Napa-oh ako. She's brave for saying those words. So anong pinaparating niya?
"So ibig sabihin, hindi mo mahal ang boyfriend mo? Ano iyon, lokohan?" Nagtataray na tanong ni Shan. Umatake na naman ang bestfriend ko.
"Shan." Sky said in his warning tone.
"What? I was just asking her." Sagot agad ni Shan bago ibinalik ang tingin kay Riana. "What, Riana?"
"I love him. But he's not the man of my dreams. Magkaiba iyon. Hindi dahil siya ang lalaking pinapangarap ko ay niloloko ko na siya." Matapang na sagot ni Riana. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso. Lagi kasi siyang mukhang inosente.
"Ah, get it. Dahil iba ang man of your dreams. Dalawang lalaki, ganern?" Patuloy ni Shanice.
I smell something away kaya sumabat na ako. "Riana! You spin the bottle. Sayang oras oh! At ikaw Shan, 'wag kang maingay, sabi mo nga magigising ang mga isda." Naging korni tuloy ako dahil kay Shan.
Tumango naman si Riana at ini-spin ang bote. Tumama sa akin. What the. Ayan, salita pa Chylee. Sa'yo tuloy tumama.
"Truth or consequence?" Mahinhin na tanong ni Riana. Kung iisipin, open naman akong maging friend niya. Pero medyo awkward pa siguro sa ngayon. Number one hater niya kaya ako no'ng bata kami.
"Truth." Matapang na sagot ko. Syempre, lahat sila truth lagi eh. Na-challenge tuloy ako.
"Sinong mas pipiliin mo, yung mahal mo o mahal ka?" Seryosong tanong niya. Napansin ko ang malulungkot niyang mata.
Bakit ganon, tinamaan ako sa tanong niya. At bakit parang pakiramdam ko, pareho kami ng pino-problema ni Riana? Hindi ko 'to naramdaman kahit kailan. Ngayon lang.
Natahimik kaming lahat. Kahit ako. Naging tanong ko na iyan sa sarili ko at mahirap..mahirap sagutin.
Umiling ako. "Honestly, kung magiging praktikal ka, mas pipiliin mo 'yung mahal ka. Kasi nga, matututunan mo naman siyang mahalin. At least, ang mahalaga mahal ka niya. Pero sa reality, karamihan sa atin, mas pinipili iyong mahal ko, o mahal natin, kasi aminin man natin o hindi, sa kanila tayo sasaya. Iyong kahit hindi ka niya mahal basta mahal mo siya, sapat na iyon." Huminga ako ng malalim. "So 'yun..I can't answer clearly."
Tumango-tango lang si Riana. She's teary-eyed. "Thank you, Chylee."
For the first time, ramdam ko ang sincerity niya sa sinabi niya at ikinagalak ko iyon. May chance na bang maging close kami? Or kahit friends man lang?
"Spin na, Chy."
Panira talaga 'tong si Shan. Halatang bitter kay Riana, e. Sabinutan ko nga 'to mamaya. Buti nga siya naka-chukchakan na si Sky. Si Riana, hindi. So mas lamang pa rin siya. Natikman na niya ang oh-so-yummy-hotness ng ka-kambal ko.
I spin the bottle at tumapat iyon kay Miko. Tumingin ako sa kaniya.
"Truth." Mabilis niyang sagot kahit wala pa akong tanong.
Huminga ako ng malalim. I need to be brave. Bakit naman ako mahihiyang magtanong sa kaniya ng tungkol sa nakaraan namin? Past na iyon at wala na sa 'kin 'yun. Katuwaan nalang 'to.
"Ni minsan ba hindi ka nagkagusto kay Chylee Hera Shinwoo na patay na patay sa iyo, noon?"
Lahat sila ay natahimik. Kapansin-pansin din na nagulat sila sa tanong ko. Well, kung anuman ang sagot niya, I don't care. I just want to ask that question.
"I did. I like you even before. Siguro naging indenial lang ako kasi hindi ikaw ang ideal woman ko. Na-realize ko lang 'yun no'ng umalis ka na ng bansa." Seryosong sagot ni Miko.
"I see." Iyon lamang ang reaksyon ko. "Spin mo na."
Sa kamalas-malasan naman ay sa akin pa tumapat iyon. He can ask me anything he wants.
"Truth." Mabilis na sambit ko kahit hindi pa niya ako tinatanong ng truth or consequence.
Tumikhim siya. "Just be honest, Hera. Do you still love me?"
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Do I still love him? Syempre alam ko ang sagot no'n. But I can't let Miko hurt me again. Ayokong lumaki ang ulo niya 'pag nalaman niyang mahal ko pa rin siya.
"No." Pagsisinungaling ko.
He smiled at me. "That was my last alas, Hera. And..I think, wala na nga talaga." Malungkot na sabi ni Miko saka tumayo. "Goodnight, guys! Mauna na akong matulog. May tama na ako sa nainom kong alak kanina." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya.
Parang bigla ay gusto kong bawiin ang sinabi ko. Bakit ganoon ang in-akto niya? Nasaan ang kanina'y playful na Miko? Anong ibig sabihin ng sinabi niya?
Last alas? What does it mean?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top