30

Chylee POV

Bangag pa rin ako hanggang ngayon. Nakatulala lang ako sa salamin ko dito sa kwarto ko. Kanina ay tumawag si Shanice. Magbe-beach daw kami dahil birthday ni Zia--anak niya. So invited kami. Two days and one night daw.

Tinanong ko pa nga kung saan. Sa Batangas daw, sa resort pala namin. Si Skyler daw ang nagpasya na doon kami mag-beach.

Wala pa akong idea kung sino ang mga invited pero sa pagkaka-alam ko, kami kami lang at ilang kaibigan ni Shanice.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may kumatok roon. Tamad akong tumayo saka pinagbuksan iyon.

Isang kiss sa pisngi ang natanggap ko sa gwapong-gwapo kong ka-kambal. "Ganda yata ng araw mo ah?" Sabi ko.

"Tch. It's too early and you looked like on drugs. Are you okay?"

Tumango ako. "Okay lang ako. Mukha lang talaga akong naka-drugs. Ganito talaga kapag dalawang pasaway at baliw ang nanliligaw sa'yo."

He laughed. "So, you gave them a chance? Great. May the best man wins. Just a twin reminder, Hera. Use your heart and not your mind. Alright?"

Kung puso ang susundin ko...never mind.

"Oo nga pala, nakapag-ready ka na ba papuntang Batangas?" Tanong ko.

"Yeah. That's why I came here. I want to check if you're ready. Ang triplets, mas excited pa sa celebrant. Tch."

"Kasama ang triplets?" Tanong ko. Close ba nila si Shan?

He nodded. "Yes. Actually, ako ang nag-invite sa lahat. Wala rin kasing masyadong in-invite si Shan. You know, only child siya at nasa abroad na rin ang mga pinsan niya. Kung friends man, tayo lang naman ang friends niya."

Nalungkot ako bigla para kay Shanice.

"And I was the one who planned this celebration. Balak niya kasing magpakain lang sa restaurant but I refuse. Zia deserved to be treated like a princess."

I smiled to him. Napaka-caring talaga ng twin ko. Kahit 'di niya anak 'yung anak ni Shan, tinuturing niya itong kapamilya namin.

"Sino pang mga invited?" Tanong ko.

"Abellanos, Riana, Phoenix and more." Sagot niya.

"Abellanos?"

"Yeah. Naisip kong kasama si Phoenix, it would be unfair kung hindi kasama si Abellano. So, I invited them."

Napalunok ako. Bangag na nga ako araw araw dahil kina Phoenix at Miko tapos ngayon sabay ko pa silang makakasama. Jusko!

"Sige. Mag-aayos na ako ng gamit ko. Anong oras ba ang alis? And saan sasakay?"

He looked at his wristwatch. "By ten, aalis na tayo. Dalawang van tayo. Nasa garage pareho. Sila ang pupunta dito para sabay-sabay na ang pag-alis."

"How about Mom and Dad?" Tanong ko ulit.

"I believe, they need quality time. Ngayon lang sila maso-solo dito sa mansyon so let's not disturb them. Malay mo, may sumunod pa sa triplets." He laughed. Minsan lang talaga tumawa 'tong ka-kambal kong mana kay Dad eh. "Isa pa, wala tayong kasamang mga parents. It's a happy barkada trip."

Tumango-tango ako. Barkada huh? "Alright!"

Ginulo niya ang buhok ko. "Make it fast, Hera."

"Oo na!" Sagot ko saka pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Kinuha ko ang traveling bag ko at naglabas ng mga damit na pang-beach galing sa closet ko. Two piece? Check.

Pagkatapos ay inilagay ko sa travel pouch ko ang mga sun block lotion, soap, shampoo and more. Kumuha rin ako ng malaking towel at malong. Inilabas ko ang aking sunny glass at summer hat. Okay na rin ang summer dress ko. So puro pang-summer ang dala ko.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko sakto namang tumunog ang phone ko.

Si Shan.

"Hi!" Sagot ko pagka-pindot ko ng 'accept call'

"Narito na kami sa baba. Halos narito na din lahat ng anak ng mga friends nina Tito Kyle."

Tumawa ako. "Bababa na rin ako. Patapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko." Sabi ko.

"Dapat lang 'no! May lazer beam dito eh."

"Ano?"

"Between Miko and Phoenix. Para silang tangang nagtititigan na parang may lazer. Kaunti nalang, iisipin kong gusto nila ang isa't isa. Hahaha!"

Napa-pokerface ako sa sinabi ni Shan. "And'yan na sila?"

"Oo kaya bilisan mo ng bumaba."

"Oo na." Sagot ko saka ibinaba na ang tawag.

Hay, kalbaryo na naman ako sa dalawang lalaking pasaway na 'yon. Iyon nga lang isa ang makasama ko sa kanila, naba-bangag ako. 'Yun pa kayang sabay? Help me, Jollibee.

-

Batangas

Chylee POV

Wooo! Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Parang on the spot ay nagbakasyon kami. Simoy ng hangin, dagat, tahimik na lugar..heaven!

Nakatayo ako ngayon dito sa terrace ng room namin, and ang sarap ng ganito. Parang may peace.

"Chylee! Baby!"

What the. Tumingin ako sa baba at nakita ko si Phoenix na patalon-talon. Palaka ba siya? Muntanga. "What?" Sigaw ko. Second floor lang naman ako.

"Baba ka dito! Tch. Ihaw tayo ng barbecue."

Inirapan ko siya. Panira ng moment 'tong Phoenix na'to. "Oo na!"

Pumasok ako sa loob ng kwarto saka lumabas. Naalala ko 'yung kanina sa van. Pinaggigitnaan lang naman ako nina Miko at Phoenix tapos parang mga babaeng nagpaparinigan. Nakakarindi kaya. Kaya nga natulog nalang ako buong byahe. Sumasakit ulo ko sa kanila. 'Yung mga kasama naman namin parang mga bingi na hinahayaan lang ang dalawa. Hindi ko nga alam kung nakailang..

"Pakyu ka!"

"Pakyu ka rin!"

Ganyan sila. Hanggang nakatulog na ako. Wala na akong idea kung anong nangyari sa kanila. Basta paggising ko nang makarating kami dito sa Batangas. Naka-akbay silang dalawa sa'kin since nasa gitna ako. Medyo mababa na ang pagsandal ko sa upuan so parang ang nangyari, silang dalawa ang magka-akbay. Sabi ni Shan, kaunti na lang daw talaga, iisipin na niyang bromance ang dalawa.

Lumabas ako ng kwarto ko at muntik na akong mapasigaw nang sumalubong sa'kin si Miko--shitness, bakit naka-boxer lang siya?!

"Hera.."

Nanlaki ang mata ko. Mukha siyang manyak. Jusko, Prince Miko!

"Pffftt. Damn, Hera. You should have seen your face. You're looking at me like I'm a rapist. Damn it." Natatawang sabi ni Miko. Isa ring baliw. Bagay talaga sila ni Phoenix eh.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ginugulat ka?"

Nag-pokerface ako. Anong tinira nitong si Miko? "Nagulat nga ako eh. Sobra."

"Yeah. Nagulat ka sa boxer ko. Do you like it?" He grins. Mukhang nang-aasar talaga siya.

Paano? Jusmiyo, naka-boxer ng may print ni Jollibee! Sakit sa ulo ng lalaking 'to talaga.

"Magbihis ka nga!" Sigaw ko.

He smirked. "Nakabihis naman ako, Hera. Magsu-swimming ako kaya naka-boxer ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Dito? Agad agad, naka-boxer? Seriously, Miko? Baka gusto mong magtakip muna?"

"I'm proud to...Jollibee! So don't over-react, Hera. Let's go downstairs." Yaya niya.

"Ng ganyan ang suot mo? No! Mauna ka na. 'Di ako sasabay sa'yo." Mataray na sabi ko. Hell, sasabay ako sa kaniya? Kahit pa nasa boxer niya si Jollibee, no way! Nakakahiya kaya. May saltik yata 'tong si Miko eh.

Alam niyo 'yun? Si Prince Miko na kilalang kilala na napakasungit at cold-heated guy ng SWU, makikita mong naka-boxer ng Jollibee, muntanga dito? Naalala ko tuloy si Daddy eh. Kwento ni Mommy, frist time daw na nagsayaw in public sa SWU dati si Dad just to say sorry to Mom. Hindi daw niya akalaing gagawin ni Dad 'yun dahil kilala si Dad na masungit, mayabang, masama ugali at hari sa SWU. Nakakahiya kaya!

"Kelan mo pa ikinahiya si Jollibee, Hera? He's your first love right, and you know. Kahit natatapakan ang ego ko sa pagsusuot ng boxer ng may mukha niya, ginawa ko. Tch."

What the hell. Sumasakit talaga ulo ko. "Ewan ko sa'yo, Prince Miko!" Sigaw ko at nilampasan na siya.

"I love you sa'yo, Hera!" Sigaw niya na hindi ko na pinansin.

'Yung totoo, birthday celebration ba 'to ni Zia, o moment ng dalawa ni Phoenix at Miko sa panggugulo sa'kin? Hay buhay.

Pagkababa ko ay nakita ko agad ang iba na nagpapakasaya na sa tabing dagat. Syempre, solo namin ang resort na'to. So kami-kami lang talaga.

"Baby, ang tagal mo naman. Tch." Sinalubong ako ni Phoenix.

"Ah, nakasalubong ko kasi si Jumbo Jollibee--ah, I mean, gusto kong jumbo hotdog." Tinuro ko agad sina Reiko na nag-iihaw ng hotdog dun.

Jusko! Bat nasabi ko ang jumbo jollibee? Seriously? Ano bang nasa utak ko?

"Ah, baby naman. Tara nga doon!" Hinila niya ako kina Reiko. Madami silang iniihaw at bakit may something dito?

Si Renzo abala sa pagpapaypay sa ihawan. "Reiko, panyo oh. Pawis ka na." Sabi ng kapatid ko at inabutan ng panyo si Reiko. Kinuha naman iyon ni Reiko.

Biglang inilabas ni Renzo ang phone niya. "Selfie tayo, Reiko. Habang pinupunas mo ang panyo ko sa pawis mo."

Kumunot ang noo ko. Ang weird talaga ng kapatid kong 'to. Hanggang ngayon 'di ko pa din alam kung saan sila nagmana--ang triplets.

"PBB teens kayo, brad ah." Sabi ni Phoenix kay Renzo. "Selfie tayo brad. Selfie ng mga gwapo."

Napa-pokerface nalang ako. Sige, puriin ang mga sarili.

Tumingin sa'kin si Reiko. "Ate Chylee." Tawag niya.

"Hm?"

"Chynix shipper ako!" Tuwang-tuwang sabi niya. "Bagay talaga kayo ni Kuya Phoenix. H'wag mong pinagpapapansin si Kuya Mik--oh, what the hell, kuya?"

Napalingon ako sa likod ko kung saan nakatingin si Reiko.

"What?" Si Miko. Nakaboxer lang talaga. Baliw talaga.

"Pffffttt. Puta, Miko mukha kang macho dancer. Wahahaha!" Tumatawang sabi ni Phoenix.

Sumama ang tingin ni Miko kay Phoenix. "At least, ako nailalabas ko katawan ko. 'Di tulad mo, kulubot ka na tanda!" Sigaw niya.

Napahawak ako sa sentido ko. Ayan na naman sila.

"Ah gano'n? Akala mo ikaw lang ha?" Sabi ni Phoenix nang biglang ibinaba niya ang suot niyang summer short.

Nanlaki ang mata ko.

"Ppfffftttt. Tangna, ngayon ko lang nalaman, iisa taste nyo. Wooo! Rock en roll!" Sigaw ni Enzo na kararating lang kasama si Kenzo na pawang mga naka-floral short.

Paano? Si Phoenix, naka-jollibee boxer din. Ibang kulay lang. White. 'Yung kay Miko kasi, black.

Tumatawa na rin si Reiko at Renzo. Gusto kong matawa pero napapa-iling nalang ako.

"Ehem, ehem. Pa-order ng one-piece chicken joy! Wahahaha!" Tawang-tawang sabi ni Renzo.

Mga loko talaga.

"Tch. Gaya gaya." Sabi ni Miko.

"Hoy bata, ikaw ang gaya gaya! Kailan mo binili 'yan ha?!"

Sumama ulit tingin ni Miko. "Gago! Pinatahi ko 'to, tanda. Ulol!"

"Stop it. Jusko, magsuot nga kayo ng mga short niyo!" Sigaw ko. Grabe, akala ko ba may peace dito? Eh dinaig pa ng gyera ng mga jollibee eh.

"Pffttt. Hanep talaga 'tong mga manliligaw ni Ate. Alam niyo ng first love ni Ate si Jollibee, pinapakita nito pa. Bahala kayo 'pag na-inlove ulit si Ate kay Jollibee. Pffftt." Sabi ni Enzo.

Napailing nalang ako at iniwan sila doon. Bahala sila. Sakit nila sa ulo.

Pumunta ako sa restaurant dito sa first floor ng hotel. Nakita ko agad na maraming pagkain. Naroon sina Shanice, Riana, Skyler at Zia. 'Yung totoo, hindi ba awkward?

"Hi guys!" Bati ko.

"Hera." Sinalubong ako ni Skyler at hinalikan sa pisngi. "Have you seen the two eggs?" Tanong niya.

"Haha! Oo nga, Chy. Nakita mo ba ang dalawa mong manliligaw? Muntik na silang magsuntukan dito kanina eh." Sabi ni Shan.

"Magsuntukan?"

"Oo. Paano ba naman, nag-aaway kung sinong magtuturo sa'yong maglangoy mamaya." Sabi pa niya.

Lumaglag ang panga ko. Seriously?

"And they stopped arguing when I said you can swim. Tch. That two eggs." Natatawang sabi ni Skyler.

Oo nga naman. Nag-aaway sila kung sinong magtuturo sa'kin maglangoy, eh marunong naman ako. Mga baliw talaga.

"Sumasakit nga ang ulo ko sa kanila." Sabi ko saka naupo sa tabi ni Riana na nakikipaglaro kay Zia. "Andon sila, nag-iihaw."

"Oh? Bakit?"

"Para silang mga ewan. Nakasuot ba naman ng boxer na Jollibee. Seriously? May saltik na yata ang dalawang 'yon. Sa halip na nagpapahinga ako dito sa beach, lalo akong na-stress."

"What do you mean by tha--what the hell?" Si Shan napamura na.

"Hera!"
"Baby!"

Damn, kaya pala. Andito ang dalawang..

"What the fuck? Are you two, insane? Wearing that fucking boxer won't make you hot and handsome. Damn it, and that jollibee print? Hell." Napailing nalang si Skyler.

Napakamot sa ulo si Phoenix samantalang si Miko, aba proud pa.

"Jollibee! Jollibee!" Sigaw ni Zia at tumakbo kina Miko at Phoenix. Nanlaki ang mata namin ng hahawakan iyon ni Zia. Mabuti't nakatakbo ang dalawa. Ayun, nagtabuhan palabas ang dalawa.

"Takbo!" Sigaw ni Phoenix.

"Fucking shit! Run!" Sigaw naman ni Miko.

"Hahahaha! Iba talaga ang suitors mo, Chy! Panalo. Haha!" Tawang-tawa si Shan saka binuhat si Zia.

"Tch." Si Skyler naupo sa kabilang tabi ni Riana.

Napatingin ako sa kanila. Kanina pa tahimik si Riana eh. Hindi nga nakikipag-usap sa'kin. Sabagay, 'di naman kami close.

"Hey, are you okay?" Narinig kong tanong ni Sky kay Riana.

Tumingin ako kay Shan na nakikipaglaro kay Zia. Naroon sila sa chocolate fountain. May hawak na stick-O si Zia.

"Y-Yes, I am. Don't mind me, Sky."

"You're not. Tell me, what's bothering you?"

Oh, mukhang seryoso ang dalawa.

"Skyler.."

"Let's go somewhere. We'll talk." Hinila ni Skyler si Riana. Tumayo sila at lumabas dito sa restaurant. Sinenyasan lang ni Sky si Shan.

Ano kayang nangyayari?

Napansin kong nag-iba ang facial expression ni Shan. Of course, mahal niya si Sky eh. I'm sure nagseselos siya. Ano ba kasing problema ni Riana? Kaya nga narito kami, para magsaya.

Tumayo ako at lumapit kina Shan. "Problema ni Riana?" Tanong ko.

"Nag-away yata sila ng boyfriend niya. Hindi kasi yata nagpaalam na kasama dito."

"Bakit hindi nalang niya isinama?"

Nagkibit-balikat si Shan. "'Yun ang 'di ko alam. Hayaan muna natin sila ni Sky. Sa tingin ko, si Skyler ang gusto niyang makausap."

"You're jealous." Sabi ko.

"Hindi 'no! Saka tanggap ko ng, hanggang ganito nalang kami ni Sky. We're good friends." Ngumiti siya saka kumuha ng wafer at isinawsaw sa chocolate fountain.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Oh, kain ka. Kailangan mo 'yan para magkaroon ka naman ng ka-sweet-sweet sa katawan. Maawa ka sa dalawang manliligaw mo. Lagi mong sinusungitan." Pag-iiba niya ng usapan.

"Psh. Ang sakit naman kasi nila sa ulo."

"Masyado lang silang nate-threaten sa isa't isa kaya kahit ano, kahit magmumukha silang katawa-tawa, ginagawa nila. Malakas tama ng dalawang 'yon sa'yo." Natatawang sabi niya.

Ewan ko, para nga silang mga ewan.

"Hindi pa ba kayo magsu-swimming ni Zia?" Tanong ko.

"Maya maya. Ikaw?"

"Papalit lang ako ng pang-swimming then, swimming na tayo?"

Ngumiti siya. "Sure! Hintayin ka namin ni Zia dito."

Tumango ako. "Alright." Tumungo na ako sa elevator at sumakay doon.

Sa second floor lang ako pero mas bet kong mag-elevator.

Pagbaba ko sa second floor at pumunta agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang traveling bag ko at nagkalkal ng isusuot.

Black swimsuit..

Isusuot ko ba 'to? Bakit ba ako biglang napaisip pa? Eh, sanay naman akong magsuot ng ganito sa US kapag nagbe-beach kami ni Skyler.

Nahihiya ba ako? Or wala lang akong confidence sa katawan? Hindi, hindi. Wala naman akong dapat ikahiya. Hindi naman na pambata ang katawan ko. I'm a lady now, and I need confidence.

Go, go, go!

A/N :

Next is part 2 ng Batangas escapade nila. Comments will be appreciated. Mas ginaganahan ako mag-update kapag may comments. I'm not into "votes", more on comments ako.

So, chynix o chyko?
Kayo na bahalang mag-imagine kung anong itsura nila habang suot ang boxer na Jollibee. Natatawa kasi ako. Lol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top