25

Chylee POV


Nakuha ang atensyon ng lahat ng bisita dahil sa dalawang naka-jollibee mascott na dumating. Nako-confuse na yata ang mga bisita kung children's party ba ang napuntahan nila. 


May idea na ako kung sino ang dalawang 'to pero ayokong mag-assume. Katabi ko si Skyler na nakatingin din sa dalawa. 


Dahan-dahang naglakad palapit sa'ken ang dalawa. Para pa silang nagbubungguan. May ibang natatawa, may ibang napapatanong kung sino 'yang mga 'yan. 


"I can't imagine an Abellano would do this kind of..fvck." Napailing nalang si Sky pagkasabi niyon. "Unlike Laurel. Expected na."


Ano bang sinasabi ni Sky? Abellano and Laurel. Sina..


"Oh my! Si Miko Abellano!"


"Shems! Ang ga-gwapo pala ng nasa loob ng mascott ng Jollibee!"


"Tara magpa-picture!"


"Ayoko na kay Mcdo! Heaven kay Jollibee!"


Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa naririnig ko mula sa mga bisitang college students. Jusko. At hindi ko rin namang akalain na sina Miko at Phoenix ay magko-costume ng Jollibee, tho, nakapag-mascara na dati si Miko kaso party 'to. Malaking party. At teka..


Andito din sina Tita Yumi at Tito Lance. Ano nalang sasabihin nila? Ang isang Miko Abellano, nagsuot ng Jollibee costume? At hindi pa nahiyang ipakita ang mukha sa mga bisita. 


"Looks like, I need to guard you, Hera." Ani Skyler sa tabi ko. 


Naku, gumagana ang pagkai-protective brother ni Sky. 


"Sky.."


"I won't let that two ruin this party. And I won't let them ruin your mood."


Nata-touch ako sa sinabi ni Skyler pero paano niya nasabing masisira mood ko dahil sa dalawang 'to?


"I know what you're thinking, my twin. Alam kong iniiwasan mo sila."


"Paan—"


"I'm your twin. I'm your half. I can feel it. Remember the invisible string that connect us?" Nakangiting sabi ni Sky saka ikinawit ang kamay ko sa braso niya. 


Nakalapit na sa amin ang dalawa at magkakaharap kami. 


"Chylee!"

"Hera.."


Sabay pa sila. Pagkatapos ay nagkatinginan pa sila. Para ngang may lazer beam sa mga mata nila. 


"What's the comotion here?" 


Nanlaki ang mata ko. Boses ni Daddy 'yun. At 'di nga ako nagkamali. Si Dad and Mom lumapit dito sa'men. Jusko nakakahiya. 


"Oh, little Abellano. And Laurel. This is our wedding anniversary and not Chylee's party. But..at least you made my princess smile, I think?"


"No, Dad. Chylee is not smiling. Tch." Singit agad ni Sky. 


Nakagat ko ang ibabang labi ko. Agaw atensyon naman oh. 


"What the fvck, Prince Miko?"


"Hubby, 'yung bibig mo!"


Nanlaki na naman ang mata ko. Sina Tito Lance at Tita Yumi kaharap na rin namin. Nakakahiya!


"Dad! Tch. Pumoporma eh." Sabi agad ni Miko. 


"Wahahahahahaha! Haneeeppp!" Sigaw ng mga Tito tigers ko nang makalapit din sila sa'men. 


"Tch." Narinig ko si Sky. 


"Let them, Abellano. Ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon." Sabi ni Dad. 


"Ang cute nga eh! Jollibee! They really know how to make our princess happy." Sabi naman ni Mom. 


"Hayaan mo na si Miko, hubby. I never thought he would be that cute!" Sabi naman ni Tita Yumiko na ngiting-ngiti. 


"Tch." Sabi lang ni Tito Lance. Masungit talaga siya. Alam na kung saan nagmana si Miko. 


"Wooo! Ang mga kabataan talaga ngayon, gagawin ang lahat ng effort para sa babaeng gusto nila." Sabi ni Tito Drei. 


"Oo nga! Samantalang nung kabataan namin, kami na ang hinahabol ng babae." Sabi naman ni Tito Oliver. 


"Di namin naranasan ang ganyan na nag-e-effort ng—AWWW!"


"Hindi? Hindi?"


"Sabi ko nga, hon, nag-e-effort din ako noon. Tch! H'wag mo akong ipahiya."


Natawa naman ako kina Tito Luke at Tita Charisse. Ang cute din nilang mag-asawa eh. Para kaseng under si Tito Luke. Haha!


"Wahahah. Basta 'pag tigers, habulin!" Sabi naman ni Tito Cavill. 


"Enough for this. Let's enjoy the party." Sabi ni Dad. At nagsibalikan na sila sa mga pwesto nila. 


Ang iba ay naupo na. Ang iba ay nagkuhanan na ng pagkain. Natatawa pa nga ang iba. Sina Miko at Phoenix nasa harap pa rin namin ni Skyler hawak hawak 'yung mascott na pang-ulo ni Jollibee. 


"What are you two looking at?" Masungit na tanong ni Sky. Naku, brother na brother ang dating ng ka-kambal ko ngayon. 


"Can I talk to Hera?" Tanong agad ni Miko. 


"Tch. Sky, kausapin ko lang si Chylee." Sabi naman ni Phoenix. 


"Can't you see? Hera is my date tonight. I won't let any man get near her tonight. Let's go, my princess and get some food." Sabi ni Sky saka ako inakay patalikod sa dalawa. 


Hindi na ako nakapagsalita. Jusko! Ang kasungitan ni Sky lumalabas. Pero na-appreciate ko naman siya. Alam kong ginagawa niya ito kase alam niyang iniiwasan ko ang dalawa. 


'Di ko na nilingon sina Miko at Phoenix. Natuwa ako sa costume nila. Syempre, ako pa ba? Eh ultimate fan ako ni Jollibee. First love ko pa siya. Pero andito pa rin 'yung katotohanang iniiwas-iwasan ko muna sila. 


"Are you okay?" Tanong ni Sky. 


Tumango lang ako. Hindi ko kase alam ang sasabihin ko. Okay lang ako syempre pero parang gusto na ayaw kong pansinin 'yung dalawa. Nag-e-effort sila para sa'ken and I really appreciate them. 


"Come on. Let's eat. Don't mind that two. I'll talk to them later."


Napatingin ako kay Sky. "Are you serious?"


"Damn serious, Hera. Ginugulo nila ang isip mo. Tch. Minsan natutulala ka. Minsan para kang tahimik na 'di makausap. Minsan nasa kwarto mo lang ikaw. That two eggs, I'll torture them later. Really."


Eggs talaga? Totoo naman ang mga sinabi ni Sky. Pero ano namang sasabihin ni Sky sa dalawang 'yun?


Nawala lang ang kunot ng noo ko nang makalapit kami dito sa buffet table saka ako inabutan ni Sky ng plato. Maya maya pa ay katabi na namin ang dalawang Jollibee na kumuha rin ng plato nila. Para silang mga tanga na naggigitgitan at nagbabanggaan. 


Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko at 'di nalang pinansin ang dalawa. Ayoko din namang maging rude sa kanila. Ayoko ding maging bias muna. Kaya mas magandang pareho ko nalang muna silang deadmahin ngayon. Saka sabi ni Sky, kakausapin niya sila kaya goodluck nalang sa kanila. My twin is one hell of a protective brother. 



-


Miko POV


Tangnang tanda 'to kanina pa ako ginigitgit. Akala ba niya madaling magsuot ng mascott ng bubuyog na'to? Tch. Kung hindi lang para kay Hera, 'di ko 'to gagawin pero fvck! Parang napahiya pa ako. Damn it, my dignity as an Abellano! Baka nga pinagmumumura na ako ni Dad sa utak niya. 


Ngayon, nakakuha na akong pagkain ko. Kaso 'di ako makakaupo sa mga table dahil sa laki ng pwet ng mascott na'to. Tch. Lalaki 'tong bubuyog na'to pero dinaig ang babae sa laki ng pwet. Fvck. 


"Hoy tanda tumabi ka diyan, dadaan ako." Sabi ko kay Phoenix. Pahara-hara sa daan eh. Dun na nga lang ako sa table na matataas para pwedeng nakatayo lang. 


Sinamaan ako ng tingin ni tanda. "Tumabi ka din! Dadaan ako."


Aba gago 'to. "Tangna mo pareho lang tayong pahara-hara dito. Give way!"


"Give way? Ulol! Ikaw ang mag-give way."


"And why? Fvck. Di ako maggigive way! Una siyang naging akin."


"Tangna mo bata, hindi si Chylee pinag-uusapan dito. Tch. 'Yung daan! Ulol."


"Gago nakakarami ka na. Ulol ka din. Tch."


"Aba, ikaw na bata ka ha! Si—"


"You two, follow me. I have something to tell you."


Nanlaki ang mata ko nang sumingit sa'men si Skyler at nagsalita. Nauna siyang maglakad papasok sa mansyon nila. 


Tangna bakit? Tangna kahit kelan hindi ako kinabahan ng ganito. Yung parang may takot. Ngayon lang. Kay Skyler Knox Shinwoo lang. 


"Paktay. Tch." Sabi ni Phoenix. 


Sinamaan ko lang siya ng tingin saka inilapag sa mesa ang hawak kong plato. Sumunod na ako kay Skyler. Naramdaman ko din na sumunod sa'ken si tanda. Tangna! Para kaming bibitayin nito. Ibang kaba ang nararamdaman ko, langya!


Nang makapasok ako ay napansin namin si Skyler sa may salas kaya dun ako dumiretso. Kasunod ko pa rin ang tandang Phoenix na'to. 


Naupo siya sa couch saka nag-de-quatro. Sabay pa kaming napatigil ni tanda. We're facing Skyler Knox Shin-woo—staring at us like we did some kind of a crime. 


"YOU." Panimula niyang nakatingin sa'ken. Tangna ba't ako?


"What?" Tanong ko. 


"AND YOU." Kay Phoenix naman siya nakatingin. Akala ko ako lang eh. 


"Skyler." Sagot lang ni tanda. 


Tinitigan niya kami ng masama. Una kay Phoenix, bago sa'ken. Damn it. Matapang ako. But with Skyler, fvck. He's intimidating! Para siyang papatay kung makatingin. Anong nagawa ko? 


Naalala ko bigla n'ong sinugod niya ako sa mansyon namin at sinuntok. Damn it. Masusuntok ba ulit ako ngayon? Tangnang Phoenix kase! Gaya-gaya ng costume!


Tahimik kaming tatlo. Bawat segundong lumilipas na nakatingin sa'men si Skyler ay parang unti unti kaming bibitayin. 


"You have no idea what kind of crime I could do just for my princess—my twin."


Napalunok ako. Fvck. His voice is dangerous. 


"I won't let anyone hurt my princess."


Napalunok ulit ako. Tangna! Ano bang gustong iparating ni Skyler? Alam kong nagkamali ako no'n but fvck, bumabawi ako. Pinapatunayan kong mahal ko si Hera. 


"I don't want to see her problematic just because of the two of you. Assholes."


Fvck. Tangna ba't ganito ang kaba ko. Nakakatakot magsalita si Skyler. 


"Hera is my princess—our princess. Hangga't nandito ako, hindi ko hahayaang masaktan siya ULIT. I may be busy because of my fvcking paperworks and because of the company. But when it comes to Hera, I can waste my time dragging you two, to hell."


What the fvck? Napalunok na naman ako. Naba-bakla ako sa mga salita ni Skyler. Tangina nanghihina ang mga tuhod ko. Ano bang gusto niyang iparating? Kahit si tanda, tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ni Skyler pero ramdam kong natatakot din siya. 


"Prince Miko Abellano." 


He looks at me and damn, that scary eyes. Fvck. 


"Phoenix Laurel."


Napatingin ako kay tanda at 'yung itsura niya, hindi makapaniwala sa naririnig mula kay Skyler. 


Muli akong tumingin kay Skyler. Nakatingin siya sa'men ni tanda. 


"STAY AWAY FROM HERA." Ma-awtoridad niyang sabi saka buong tikas na tumayo. Tiningnan niya ulit kami ng tig-isa saka niya kami nilampasan. 


Lilingunin ko na sana si Sky nang malampasan niya kami nang magsalita ulit siya. 


"I'm telling you, you won't like me when I'm mad." 


For the forth time, napalunok ako. Tangna! Skyler Knox Shinwoo gives me goosebumps. Nakaka-bakla!


"Tangna. Ano 'yon?" Sabi ni tanda nang maka-alis si Skyler. 


"Tangna." Tanging nasabi ko at napatingin kay Phoenix. 


Yung itsura niya, hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Skyler. "I never thought he could be that dangerous."


"He's a Shin-woo. Expect him to be that dangerous." I said. 


Abellano ako. Pero kung Shin-woo ang makakalaban ko, kaya ko ba? Gayong salita palang niya, nababahag na ang buntot ko. Anong gagawin ko? Lumayo kay Hera? Hell no! Tangna kaya ko bang harapin si kamatayan para kay Hera? Damn yes. 


"I can do everything for Chylee. Kahit pa makalaban ko si Skyler." Sabi ni tanda. 


"I can face death, for Hera." Sabi ko. 


Saglit na nanaig ang katahimikan. Kinabahan ako pero hindi ko kayang basta nalang bitawan si Hera. 


Oo nga't nakakatakot ang isang Skyler Knox Shinwoo pero ako si Prince Miko Abellano—matapang na haharapin ang lahat para kay Chylee Hera Shinwoo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top