24
Phoenix POV
Hindi ako nirereplyan ni Chylee. Ano kayang problema niya? Napansin kong ilang araw siyang balisa at tahimik. Ni hindi pumapatok sa kanya ang mga biro at banat ko. Tapos hindi pa niya ako masyadong pinapansin. Hindi ko maintindihan kung may problema ba siya o ano. Napansin ko rin ang pag-iwas niya sa'ken. Nagkataon naman na naging busy kami sa fastfood kaya talagang halos 'di kami nag-uusap.
Gabi na at naghihintay pa rin ako ng text o reply galing sa kanya. Kahit nga GM lang sana, ayos lang basta makatanggap ako ng text galing sa kanya. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Gusto kong alamin kung anong problema niya. Gusto kong malaman kung ano ang gumugulo sa isip niya at gusto kong malaman kung bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Sanay naman siyang sinusundo ko siya o hinahatid pero nitong mga nakaraang araw ay tumatanggi siya at sumasabay sa mga kapatid niya. Tss. Mababaliw na ako kakaisip.
Hindi ako sanay na ganito kami ni Chylee. We're close to each other. Lahat ng kalokohan ko alam niya. Konting banat ko lang o joke, natatawa siya. Madali siyang pasayahin. Kahit galing siya sa mayang pamilya, hindi materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa kanya kundi 'yung maramdaman niya lang na may taong nariyan para sa kaniya. Iyon ang observation ko. Sa tagal naming nagkasama sa US, kilalang kilala ko na siya. Ang mga hilig niya, ang ayaw niya, ang pagkaing iniiwasan niyang kainin, ang daily routine niya, ang bagay na dapat andyan sa tabi niya, ang favorite niyang kainan o lugar na puntahan. Kahit laman ng bag niya alam ko. Gan'on kami ka-close. Sa US, sa iisang bahay lang kami tumira. Sa unang taon na nagkasama kami ako ang umalalay sa kaniya, ako ang nagpapahid ng luha niya sa tuwing umiiyak siya. Ako ang umaalo aa kaniya sa tuwing gabi na bigla siyang magigising at iiyak. Ako ang nariyan para pakinggan ang mga hinaing at galit niya kay Miko Abellano. Lahat. Lahat alam ko.
Nakita ko kung gaano naging miserable si Chylee kaya ako, eto minamahal siya. Seryoso ako at hinding-hindi ko siya sasaktan dahil saksi ako kung gaano nasaktan noon si Chylee. At ayokong maulit pa 'yun.
Galit ako kay Miko Abellano pero alam ko wala akong karapatan. Galit lang naman dahil umeepal na naman siya sa buhay ni Chylee. Tangna lang pagkatapos saktan, eto at susulpot siya na parang kabute at sasabihing mahal niya si Chylee? Nasaan ang tangnang pagmamahal niya noong mga panahong mahal na mahal siya ni Chylee? Tama ng pinaiyak at sinaktan niya noon si Chylee. At hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yun. Hindi ko sinasabing ako ang nararapat kay Chylee, pero ako ang lalaking mas pipiliing masaktan para sa kasiyahan niya. Lahat ng pwedeng makapagpasaya sa kanya, ibibigay at gagawin ko. Ganoon ko kamahal si Chylee Hera Shin-woo.
Phone beep..
Halos mapalundag ako sa gulat nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Fvck! Sana si Chylee.
From: Chylee
My parent's wedding anniversay tomorrow night at Shin-woo Mansion. You're invited! It's a kind of costume party so..wear your costumes tomorrow!
See you!
GM
Alright. Naka-recieve nga ako ng text galing kay Chylee pero GM. Pero ayos na at least, invited ako sa party bukas sa mansion nila. At..costume party? Aha! Costume.
-
Miko POV
Fvck! Bakit 'di ako nirereplyan ni Hera? Ilang araw na siyang parang umiiwas sa'ken at sumasakit ang ulo ko. Shit. Ayoko ng ganito. Gusto kong sumugod ngayon sa Shin-woo mansion pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong katulong na naman ang ipapaharap sa'ken. At ano? Sasabihin na namang tulog si Hera? Tangna.
Sabi ng Mom ko, madaling maka-appreciate ng effort ang mga babae kase 'yun talaga ang gusto nila--yung nag-e-effort ang lalaki. Pero bakit si Hera, parang 'di niya yata nagugustuhan ang mga ginagawa ko? Nag-e-effort naman ako. Tch.
Phone beep.
Fvck! May nagtext. Sana si Hera.
From: AutoLoadMAX
P300 prepaid credits was loaded to ur mobile# 09********* by 09********* Trace No: 359853615 04/05/15 8:44PM.
Tangna! Niloadan na naman ako ng isa sa fangirls ko sa school. Hindi ko kase sila nirereplyan. Kaya niloloadan nila ako. Minsan pa nga may EMERGENCY ang text nila para lang magreply ako pero wala, 'di ako madadala sa mga gano'n. Tch. Akala ko pa naman si Hera na.
Phone beep.
Ano na naman? Tangna. Load na naman ba? GM na sa'ken lang sinesend para magpapansin? Ano? Sino? Tch.
1 message recieved
From: Hera
Nanlaki ang mata ko. Si Hera ang nagtext! Inopen ko agad ang message at..
From: Hera
My parent's wedding anniversay tomorrow night at Shin-woo Mansion. You're invited! It's a kind of costume party so..wear your costumes tomorrow!
See you!
GM
Tch! Ayos na sana. GM pala. Pero may party bukas. At least invited ako by Hera. At costume party? Oh, I know now. I think, I need to make some effort.
-
The party..
Chylee POV
Nakatitig pa rin ako sa sarili ko sa salamin. Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero alam ko sa sarili ko na maganda na ako. Syempre, sobrang gwapo ng Daddy ko tapos maganda ang Mommy ko. Pero ngayon, 'di ko akalaing mas gaganda pa ako.
I'm wearing a princess costume. Pink gown. May maliit akong crown at ang ayos ng buhok ko ay para talagang prinsesa. Light make-up lang ang inilagay sa'ken nung nag-ayos sa'ken kase mas maganda akong tingnan kapag hindi makapal ang make up.
Tumayo ako at inikot ang sarili sa harap ng human sized mirror. Kagabi, balak ko ng magpatahi ng lady jollibee na costume kaso ayaw talaga ni Dad and Mom. Mas bagay daw sa'ken ang princess so..princess nalang. Kaabang-abang ang costumes ng ibang bisita. Specially my Tito tigers na napakaraming kalokohan kahit may mga asawa na.
Si Miko at Phoenix kaya? Huminga ako ng malalim. 'Di ko pa rin sila pinapansin pareho pero sinendan ko naman sila ng GM ko kagabi about the party. So sana makapunta sila.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Huminga ako ng malalim saka tumungo sa pinto at pinagbuksan kung sinuman ang nasa labas.
"Besssstttt!"
Awtomatiko akong napangiti nang sumalubong si Shanice na naka-snow white costume at hawak niya si Zia na naka little red riding hood costume. Ang cute nilang tingnan.
"Shan! Baby Zia. Ang ganda mo naman."
Ngumiti lang sa'ken si Zia na parang naggi-giggle saka ako hinalika sa pisngi. Sweet na bata.
"Ang ganda ganda mo, Chy!"
"Thanks for the compliment, Shan. Tara na sa baba? Kanina pa ba kayo ni baby Zia?"
Nagsimula na kaming maglakad pababa sa hagdan.
"Kararating lang. Sinundo kami ni Sky."
Napangiti ako. Bagay si Shan at Sky pero..iba kase mahal ni Sky eh. At ayoko namang maging panakip butas lang ang bestfriend ko. Mahal ni Shan si Sky at alam kong lumalalim pa iyon.
Nang makababa kami sa may garden ay maingay na ang music. Ang dami na agad bisita na may kung anu-anong costume.
Naagaw lang ang pansin ko ng mga naka-tiger costume. Alam ko na kung sino ang mga 'yon. Syempre ang Tito Tigers ko. Mamaya ko na sila isa isang lalapitan.
"Shan, hanapin ko lang sina Mom and Dad. And syempre, ang mga kapatid kong gwapo." Paalam ko kay Shan. "Dito na kayo maupo. Dito tayo. Okay?" Turo ko sa mesa sa harap namin.
Maganda ang set-up ng garden. Ang mga tables, kulay mint green ang table clothe.
"Sige, Chy."
Lumakad na ako at hinanap sina Mom. Maraming napapatingin sa'ken habang naglalakad ako. Prinsesa ba naman ang dumadaan. Ehem!
"Ateee!"
Napalingon ako sa sumigaw at ayun, si Renzo na naka-prince costume. Ngumiti ako saka nilapitan siya.
"..selfie tayo!" Aniya saka naihanda agad ang phone niya. Kahit kelan talaga, selfie addict.
Pagkatapos naming mag-selfie ay lumapit si Kenzo na naka-prince costume din.
"Ang triplets, naks! Mukhang prince charming kayo lahat ah? At ako ang princess." Nakangiting sabi ko kina Kenzo at Renzo.
Sumimangot si Kenzo. "No, Ate. Prince talaga kaming lahat. Even Kuya Sky. But then, may isa pa ring pasaway."
Kumunot ang noo ko. "What are you talking about, Kenzo?"
Naghihintay ako ng sagot ni Kenzo nang maagaw ang pansin ko ng isang walking pakwan--este, wait.
Napa-pokerface ako. Si Enzo! Now I get it. Pasaway nga.
"Hi, Ate! Ayos ba?"
"Ayos na ayos, Enzo." Sarkastiko kong sabi.
"Ate naman! Aba! Pinatahi ko pa 'to. Saka bagay na bagay sa'ken."
Sumingit si Renzo. "Enzo, tara selfie dali. Pang-instagram 'yang costume mo. Magte-trending 'yan."
Mga 'to talaga. Pasaway as ever. "Diyan muna kayo. Hanapin ko lang sina Mom and Dad." Paalam ko sa triplets.
Ilang bisita ang nadaanan ko at lahat sila binabati ako. May nagsasabing ang ganda ko daw talaga, may nagsasabing kamukhang kamukha ko si Mom, may nagsasabi naman na ang ganda daw ng angkan namin. Siyempre, nagpapasalamat naman ako.
Maya maya pa ay nahanap ko na sina Mom and Dad. Wala silang kupas.
My Dad is wearing a King costume and my Mom, syempre Queen. Bagay na bagay sa kanila. They are royalty couple. Kahit tumatanda na sila, kitang kita pa din sa mga mata nila ang pagmamahal sa isa't isa. I want that kind of relationship.
"My princess." Sabi sa'ken ni Dad nang lumapit ako sa kanila saka ako inakbayan. Iniharap niya ako sa mga kausap nilang bisita. "The Shin-woo princess, Chylee Hera." Pakilala niya.
Ngumiti ako sa kanila. Si Mom naman ay niyakap ako. "My princess is really gorgeous."
"Mana lang sa'yo, Mom."
"What a great family. A handsome dad and a gorgeous mom, look what's the result." Nakangiting sabi nung isang bisita na mukhang businessman.
"Yeah." Sagot ni Dad saka sila nagcheers ng wine nila.
"Mom, Dad." Napatingin kami sa gawi ni Skyler na lumapit sa'men. Ang gwapo gwapo ng kakambal ko sa suot niyang prince costume.
"Oh my god, are they twins?" Tanong nung isang babaeng nasa mid-forties.
Ngumiti si Mom. "Yes. Meet my son, Skyler Knox Shin-woo. Chylee's twin brother."
"Really a great family." Komento ng isa.
"MOM, DAD!"
Nagkatinginan kami sa sumigaw. Sino pa ba?
"Oh! Are they triplets? And.."
"Yes, yes. They are triplets. Mga bunso ko." Sabi ni Dad.
Mukha namang amazed ang mga kaharap naming bisita. At parang 'di pa makapaniwala.
Kakaiba kase ang genes ng pinagmulan ni Dad eh. So ayan, may twin na, may triplets pa.
"Really a super great family!" Komento pa ng isa.
Kumibit si Dad. "Meet my triplets, Enzo, Renzo and Kenzo Shin-woo."
Ngumiti din ang tatlo. Ang ganda ng dating namin. Royal family..with pakwan. Seriously. Si Enzo talaga panira eh. Haha!
"Let's enjoy the party!" Sabi ni Mom.
Inakbayan ako ni Skyler. "You're the most gorgeous lady here, Hera."
Napangiti ako kay Sky. Naglalakad na kami papunta sa mesa kung saan nakaupo sina Shanice.
"..but next to Mom." He chuckles.
"Oo na! Ikaw naman, most handsome guy here, but next to Dad." I chuckled.
Para kaming ewan. Pero si Sky, he's the sweetest brother ever.
"Chy!" Sigaw ni Shan.
"Hey, easy. We're coming." Sabat ni Sky.
Umiling si Shan habang ngumingiti. "Look!"
Napatingin ako sa tinuro ni Shanice. Sa may entrance ng garden.
Nanlaki ang mga mata ko. Literal! Seriously? Who the hell are they? Dalawang Jollibee mascott? Is this real?
"This is going to be fun!" Sabi ni Renzo na nasa tabi ko na.
"Dapat pala nag-mcdo ako. Tch." Sabi naman ni Kenzo.
"Oo nga! Ako dapat...ay hindi, pakwan talaga ako." Sabi ni Enzo.
Then, there I heard other visitors gasped. Syempre, magmumukha 'tong childrens party with Jollibee. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko.
Oh, how I love Jollibee.
Nanatiling nakatayo ang dalawang Jollibee masscott. Magkatabi pa sila at nakaharap lang sa gawi namin.
"I'm sure to hell, I'll torture that two." Bulong ni Skyler sa'ken.
Pero..
Sino ba 'yang dalawang 'yan? Bisita ba sila? O...what?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top