23

Chylee POV

"Hera."

Nilingon ko si Miko. We're here at the front of our mansion. Inihatid niya ako dito after ng dinner namin dun sa SWU gym. 

"Yes?"

"Thank you dahil pumayag ka sa dinner. Honestly, I didn't expect that. Ang in-expect ko ay magwawala ka at magwo-walk-out."

Pakiramdam ko ay nag-blush ako. How can I ruin that kind of moment? Kahit hate ko si Miko, iba pa rin 'yung binubulong ng puso ko kanina--na 'wag kong sirain ang moment na 'yun. 

"It's okay. But that doesn't mean that we're okay. I still hate you, Prince Miko." Pag-amin ko. 

"I know. Ramdam ko naman, Hera. Kaya nga nagpapasalamat ako sa dinner kanina. At least I made you happy. For the first time, I think?"

Natutuwa naman ako sa mga efforts niya. Pero hindi kasi matakpan no'n 'yung sakit na ginawa niya sa'ken noon. I know he deserve a second chance pero ayokong ibigay agad 'yun. Ayokong magpadalus-dalos. Dahil baka sa huli, ako na naman ang umiyak at masaktan. 

Binalewala ko ang sinabi niya. "You don't need to do that, Miko. You should stop. Aware ka naman na ayoko.."

"Why should I? Sa pagkakatanda ko kasi sa mga words of wisdom ni mom, nabanggit niya na great things take time. So I will wait, Hera. Kahit gaano pa katagal. Kaya wag mo akong patigilin. Just let me."

Napailing ako. Ayokong paasahin talaga si Miko. At hindi naman ito dahil sa ayaw ko talaga sa kanya. Takot lang talaga akong sumugal ulit. Parang gusto ko ding malaman kung hanggang saan ang kaya niya. 

"Masasaktan kalang kung hindi ka pa titigil, Miko. Sinabi ko na naman dati 'diba? I better choose Phoenix over you."

He smirked at me pero nakita ko sa mga mata niya ang sakit. "Getting hurt is part of loving someone. Wala pa nga 'to sa sakit na naranasan mo noon dahil sa'ken. Kaya kahit ilang ulit mo pang sabihing mas better sa'ken ang tandang 'yun, hindi pa rin ako titigil. Hinding-hindi hangga't hindi ko napapatunayan na this time, deserving na ako sa pagmamahal mo, Hera."

"Miko. Pinapaasa mo lang ang sarili mo. Hindi kita kayang bigyan ng second chance." Sabi ko. I don't know why do I need to hurt him like this. 

"I don't need your second chance, Hera. Because life offers me a second chance already. It's called tomorrow. So expect me tomorrow. And day by day, I'd risk everything just to make you happy."

Natigilan ako. Sobrang positive thinker ni Prince Miko. Alam ba nya ang sinasabi nya? Harap-harapan ko na syang binabasted pero balewala lang sa kanya. Seriously?

"Miko.."

Nakatitig siya sa'ken and I felt uneasy. 

"I'm amazed when I look at you. Not just because of your looks. But because of the fact that everything I've ever wanted is right in front of me. You're all I want, Hera."

God! Prince Miko, stop this crap. Hindi na ako natutuwa dahil tina-traydor na naman ako ng puso ko! Bakit parang kinikilig ako? 

"Alam mo, Miko tigilan mo na 'yan. Sa totoo lang, nahihiya na ako kina Tita Yumi. Ayokong maging rude sa'yo eh. Ano nalang sasabihin nila 'pag nalaman nila na binasted na kita, tinataboy na kita pero andito ka nagpapakatanga pa rin sa'ken."

Geez. I can't help myself to shout at him. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na bigla bigla ay naging ganito si Miko sa'ken. Para siyang martir eh. Binasted ko na, tinaboy ko na, pero walang effect. 

"I don't care about anybody elese, Hera. Even my parents! I just want to be good enough for you kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to! Kahit ipagtabuyan mo man ako, kahit ipamukha mo pa ng ilang beses na ayaw mo na sa'ken! I love you.."

Nanggilid bigla ang luha ko. Lalo na ngayon na napansin kong parang nanggigilid ang luha ni Miko. What's with him?!

"Don't do this, Miko. Please. Tama na."

"No, Hera. I won't stop."

I looked at his eyes. "Bakit kailangan mong magka-ganito ng dahil lang sa'ken? Where's your pride?"

"I love you. It's as simple as that. And my pride? I throw it somewhere and I don't give a damn finding it."

God! Kailangan ko ng tumigil na makipag-argument sa kanya. Napaka-positive nya at lahat ng sinasabi ko, lagi syang may sagot. 

"I want to rest." Sabi ko nalang. 

"Alright. Go inside and take some rest, Hera. Thanks again for this night."

Tumango lang ako saka tumalikod na. I opened the gate and get inside but then biglang nagsalita ulit si Miko. 

"Goodnight my Hera. Remember that I will wait for you because honestly I don't want anyone else. I love you."

Nanikip bigla ang dibdib ko. Wala na akong masabi sa lakas ng fighting spirit ng lalaking 'to. Ikaw na talaga Prince Miko Abellano. 

Hindi ko na sya nilingon at dumiretso na ako papasok sa loob ng mansyon. 

Naabutan ko ang triplets na nagkaka-ingay sa salas. Nag-re-wrestling yata sila. Anong trip ng mga 'to?

"Hey?"

"Hi ate! How's your dinner?" Tanong agad ni Enzo na sinasakal si Kenzo. Seriously?

"You badass! Bakit mo pinayagan si Kuya Miko na i-date si Ate!" Sigaw naman ni Renzo na hinihila ang paa ni Enzo. 

Problema ba ng tatlong 'to?

"Isang truck na pakwan 'yun bro! Langya naman! Paano ko papatunayang may forever kami ng pakwan kung tatanggihan ko 'yun!" Sagot ni Enzo. 

Naggigilan pa silang tatlo sa carpet dito sa living room. "Kaya nga pinagawan ka na ni Dad ng watermelon plantation! Damn it." Sigaw ni Kenzo. 

"May nalalaman ka pang pakwan forever! Walang forever!" Sigaw pa ni Renzo. 

"Bitawan nyo nga akong dalawa! Hindi pa harvest time sa watermelon plantation ko! At wag ka nga! Tch! May forever kami ng pakwan ko!"

Nahihilo ako sa kanilang tatlo. Hindi ko na sila maintindihan. Napailing nalang ako at nag-decide nang umakyat sa kwarto ko. 

Pagpasok na pagpasok ko ay nahiga ako sa kama. Parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong nagawa. 

Natawagan ko na nga lang si Phoenix kanina na siya na ang mag-close ng Jollibee kasi hindi na ako makakabalik do'n. He's worried and he asked me why. I just told him na kasabay ko na si Enzo pauwi. Hay, nakapagsinungaling pa tuloy ako kay Phoenix. 

Huminga ako ng malalim. My lovelife? Why is it complicated? Bakit hindi nalang dati naging ganito si Miko. I mean, that time na nagpapaka-martir ako sa kanya at ipinagsisigawan kong mahal ko at gusto ko siya. Bakit hindi nalang dati? 

Bakit ngayon pa na handa na ang sarili kong ibaon sa limot ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya? Ang gulo gulo talaga. 

--

Dalawang araw ang lumipas at naging busy kami ni Phoenix sa Jollibee branch ko. Saturday and sunday kasi kaya marami talagang tao. May mga nag-rent pa for birthday celebration kaya busy talaga.

Pagkagaling sa fastfood, umuuwi na agad ako. Mula nang gabing nangyari ang dinner namin ni Miko, parang gusto ko munang lumayo. Yung hindi muna ako makikipag-interact kay Miko man o Phoenix. Gulung-gulo na ako. Ni hindi ko na malaman kung ano na ba ang totoong nararamdaman ng puso ko. Habang nandyan silang dalawa sa harap ko, lalo akong mahihirapan. 

Oo nga't kaya kong itaboy si Miko pero deep inside, parang labag 'yun dito sa puso ko. At si Phoenix? Gusto ko siya. Handa akong ipagkatiwala sa kanya ang puso ko dahil noon pa man, napatunayan na niya ang sarili niya sa'ken pero bakit may tumututol dito sa bandang dibdib ko?

I was like, I'm torn between two lovers. Sino sa kanila? 'Yung lalaking mahal ko pero sinaktan ako o yung lalaking nagmamahal sa'ken na pinapasaya ako? It's hard. Really. Para akong mababaliw sa tuwing iisipin ko sila. Kaya nga napag-desisyunan ko ring magpaka-busy para kahit papaano ay maiwasan kong mag-isip. 

Sa dalawang araw, pumupunta si Miko sa gabi sa mansyon. Nagdadala ng kung anu-ano pero hindi ko siya hinaharap. Sinasabi ko na sa katulong na sabihin nalang na tulog ako. Even Phoenix, kapag ini-insist niya na ihahatid na niya ako, sinasabi ko na 'wag na kase gusto kong magpahinga agad pagdating sa mansyon. Alam ko kasing kapag hinatid ako ni Phoenix, tatambay pa sya sa mansyon. 

"Ate, are you okay?" Tanong ni Renzo. We're here at our car. Sumabay ako sa kanila kase tumanggi nga akong ihatid ako ni Phoenix for the third time. 

Tumango ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakasandal lang at nakahawak sa sentido ko. "I'm okay."

"Si Kuya Miko ba, Ate? Babanatan ko na ba?" Tanong naman ni Kenzo na hindi inaalis ang tingin sa binabasang libro. 

"No. Not him." Tanggi ko kahit ang totoo, isa si Miko sa nagpapasakit sa ulo ko. 

Tiningnan ako ni Enzo ng kakaiba. "So, is that Kuya Phoenix? Kaya ba sa'men ka sumasabay pauwi?" 

Oh. They're being detective. "No, no."

"What the hell, Enzo. Don't ask the obvious. Halata namang iniiwasan mo si Kuya Phoenix, Ate. Pati na din si Kuya Miko. So..basted pareho?" Sabi ni Renzo. 

These triples..argh!

"Stop asking me. Please?"

"Fine, Ate. But please, be okay?"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Enzo. "Yes. Thanks, little bro."

"I'm not little, Ate! Tch."

Gusto ko tuloy matawa. Hindi na nga sya little. I remember when he told me that he's binata na kasi nagmamahal na siya--sa pakwan pala niya. Paano naging adik sa pakwan 'tong kapatid ko? He's really weird. Hindi naman ako ganito ka-weird ng bata ah. Diba?

"But seriously, Ate. Alam kong problema natin ang pagiging gwapo at maganda. Well, nasa lahi 'yan. Pero dapat 'wag mong i-stress ang sarili mo ng dahil lang sa dalawang kumag na 'yun. Hayaan mong sila ang ma-mroblema sa'yo. Tch." Sabi ni Renzo. Okay na sana, may kasama lang yabang eh. 

"Hindi ko sila iniisip at hindi ko sila pino-problema." Muli kong tanggi. 

Ang kulit ng triplets eh. Saan ba nagmana ang tatlong 'to? Di naman ako makulit nung bata ah. 

"You know what, Ate? If pinnochio really exist, baka kanina pa humaba 'yang ilong mo. It's too obvious. Yung dalawa na 'yun ang pinoproblema mo. Should I give them a punch?" Sabi ni Kenzo. He's the serious type, yes. 

"Oo nga, Ate! Ano! Isang bato ko lang ng pakwan sa dalawang 'yun, bagsak agad sila. Pero dahil mahal ko ang pakwan ko, bibili nalang akong madaming kamatis at 'yun ang ibabato ko sa kanila. Wahahah!"

Whatever, Enzo. Mukhang pakwan. 

Hindi nalang ako sumagot kahit nagtatawanan ang tatlo. Pinagkakaisahan ako. Psh. Alam kong 'pag sumagot pa ako, hindi din sila titigil sa kakatanong at kakasalita. Parang mga babae sa daldal eh. 

"We're here!" Sigaw ni Renzo. Siya kasi ang nasa unahan, sa tabi ng driver. Then kaming tatlo dito sa likod ng kotse. 

Nandito na kami sa mansyon. Magkukulong na naman ako sa kwarto at mag-iisip. Hay, hanggang kelan ko ba iisipin 'to? Love issues, sometimes suck!

Pababa na kami nang pigilan kami ni Renzo. 

"But first, let us take a groupie!" Sigaw niya. Tutal nasa unahan siya, kaya namang mag-groupie. 

I sighed then made a pose. Simpleng ngiti lang. 

"Ate! Wacky naman dyan!" Sigaw ni Renzo kaya nag-peace sign ako. And there, captured. 

"Tch. Renzo, I advice you to buy a million gig for your memory card. Puro ka selfie, groupie or whatever you call it. Magsawa ka nga sa mukha mo." Reklamo ni Kenzo nang makababa kaming kotse. 

"Ang camera ng phone ko nga 'di nagrereklamo, ikaw pa? Tch." Katwiran ni renzo. Great. Triplets talaga. 

Sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng mansyon. Naabutan namin sila Mom and Dad pati na si Skyler. Para silang may pinagmi-meeting-an. Anong meron?

"Hi Mom and Dad! Kuya!" Sigaw ng triplets. Halos sabay sabay sila. 

Lumapit ako sa kanila at nagbeso. "Hi mom and dad." Then lumapit ako kay Sky. "Hi twin brother."

Nakangiti silang tatlo sa'men. Pawang mga naka-up na kami sa couch. 

"What's happening, mom?" Tanong ni Kenzo. 

"Well, we are just planning for our twenty two years of marriage. Wedding anniversary namin ng Dad niyo this coming saturday so napag-decide naman na magkakaroon ng malaking party dito sa mansyon." Paliwanag ni Mom. 

Tumango-tango lang ako. 

"All our friends are invited. Mga Tito, Tita nyo. And syempre invited din ang mga friends nyo." Dugtong pa ni Mom. 

"Ah. Yayain namin buong SWU Wolf." Sabi ni Enzo. 

"But! She exclaimed. "May twist syempre."

Napatingin ako kay Dad na napapailing. Okay, I get it. That's Mom's idea for sure. 

"Anong twist mom? Twisty fries?" Renzo joked. 

"Ha-ha. Tatawa na ba kami? Tch." Pambabara ni Kenzo. 

Nag-ambaan lang ang dalawa. Nakinig lang ako kay Mom at hindi ako nagre-react. They can decide what they want. Syempre anniversary nila 'yon eh. 

"Lahat ng bisita, kailangan naka-costume. Any costume. For fun lang. Para maiba naman. Nakakasawa din 'yung serious event lang." Sabi ni mom. 

Nagkatinginan kami. Si Sky napapailing kasabay ng pag-iling ni Dad at ni Kenzo. 

Okay, mana mana lang 'yan. 

At si Enzo, nangingislap ang mata. Si Renzo din. Ako? No reaction at all. Si Mom, ang lapad ng ngiti. 

"So that's it. See you at dinner later, mga anak. I love you."

Mom's so sweet. Tumayo na ako then I hugged her. "I love you too, Mom."

"Pahinga na kayo, okay?" Sabi pa ni Mom. Si Dad tahimik lang talaga kasi wala naman siyang palag sa gusto ni Mom. Haha!

Umakyat na ako sa kwarto ko. Parang pagod na pagod ako. Magpapalit na ako ng damit nang tumunog ang phone ko. 

I have two messages. I checked it and there, I suddenly throw my phone at the bed. Two messages. From Phoenix and Miko. Sakit nila sa ulo. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top