19

Miko POV

Fvck! Badtrip yung tandang Phoenix na yun. Tch. Sino sya para pauwiin ako? Damn!

"Kuya, are you okay?"

Tumingin ako kay Reiko na nanonood ng TV sa living room. Lumapit ako sa kanya saka naupo sa tabi nya.

"I'm okay."

"Are you sure? Bakit nakabusangot ang mukha mo?"

"Tch. That fvcking Phoenix."

"WHAT?! Wag mo nga i-fvck si Kuya Phoenix! You forgot? Like duh, chynix shipper ako!"

Nagpokerface ako. Tangna. Sarili kong kapatid talaga, sa karibal ko kampi eh.

"Tch. Di ko kailangan ng maraming shippers. Kami lang ni Hera, sapat na." Sabi ko saka tumayo na at umakyat sa kwarto ko.

Gagong tanda talaga 'yun. Di ko man lang nakausap si Hera. Shit!

"Miko, anak?"

"Mom." Nakasalubong ko si Mom dito sa hallway sa taas. Nag-kiss ako sa cheeks nya.

"Problem?"

Mukha ba talaga may problema ako? "Nothing, mom."

"You looked horrible."

"Mom naman! I'm fine."

"Girl?"

Nahulaan agad ni Mom. Mother's intinct ba 'to? "Mom.."

She smiled at me. "Binata na ang anak ko. Tell me, what's the matter? Nahihirapan kang manligaw?"

Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Mom. Fvck. "Not like that. Mom.." Napakamot ako sa ulo ko. Damn. Paano ko ba sasabihin?

"What is this?"

Oh fvck. Dumagdag pa si Dad. "Dad.."

"Yung anak mo, namo-mroblema sa nililigawan nya. Turuan mo hubby." Sabi ni Mom kay Dad.

"Tch. Di ako marunong manligaw wife. Di naman kita niligawan. Hinalikan lang kita. Wahaha."

Si Dad, marunong na talagang tumawa ng ganyan eh.

"Ang feeler mo talaga, Lance Reid Abellano! Psh." Pagsusungit ni Mom.

I'm amazed that they are still like this kahit matatanda na sila. They are still sweet to each other na parang binata at dalaga pa.

"Damn wife, don't call me by my full name."

"Whatever hubby. Turuan mo nga kase ang anak mo."

"Sinong nililigawan mo, son?" Tanong ni Dad sa'ken.

Takte! Di ba nila alam na si Hera? "Shin-woo, dad." Sagot ko.

"Si Skyler?!" Sigaw ni Mom.

Nagpokerface ako. "MOM!!"

Tumawa sya na halatang binibiro ako. "Kidding, 'nak. Si Chylee, right? Naaalala ko nung mga bata kayo, inis na inis ka dyan kay Chylee. Lagi mo ngang sinusungitan at tinataguan but now, you're courting her. Totoo ngang, the more you hate, the more you love." Sabi ni Mom.

"Yeah. Your Mom hate me before. Lagi kaming nag-aaway. We hate each other then days passed, we found out that we love each other." Dugtong ni Dad.

Ginigisa ako ni Mom and Dad. Tch. "I love Hera." Simpleng sabi ko.

"Then make an effort, and show her how much you love her. And please? Be sincere, anak." Payo ni Mom.

Tumango ako. "Gumagawa na ako ng effort, Mom." Sabi ko.

"Like what?" Si Dad ang nagtanong.

"I sent her one truck of flowers." Sagot ko. Ayoko ng sabihin yung bigas. Tch. Dito ko lang yun kinuha sa mansyon namin. At isa pa, failed yun.

"WHAT?! Anong tingin mo kay Chylee, butterfly na kailangan ng bulaklak? Anak naman. We, girls, some of us want to be treated like a queen but not in materialistic way. Show her that you love her, hindi sa pamamagitan ng materyal na bagay." Sabi ni mom.

Fvck. Hindi ko naman ginawang butterfly si Hera.

"Paano ka ba niligawan ni Dad, Mom?" Tanong ko.

Kahit naiilang ako, gusto kong napag-uusapan 'to. I need some advice.

Tumawa si Dad. "Hindi ko niligawan ang mom mo dahil arranged marriage kami. But I show her how much I love her by taking care of her, by making her smile, laugh. Kahit kailan, hindi ko sinuhulan ng materyal na bagay ang Mom mo, lalo't galing din sya sa mayamang pamilya. Like Chylee, mas mayaman pa ang pamilya nya sa atin, tapos bibigyan mo sya ng mga materyal na bagay, hindi anak. Mas gusto ng babae yung mararamdaman nila na inaalagaan sila, minamahal, pinaparamdam na sila lang ang pinakamaganda sa paningin mo, na sila lang ang kailangan mo, na seryoso ka sa mga pinaparamdam mo sa kanya. At kaya mong panindigan ang nararamdaman mo para sa kanila. Like your Mom, she loves my kisses, my hugs..everything about me. Minahal nya ako despite of my negative attitudes. Kaya anak, kahit saken ka nagmana, mamahalin ka rin ni Chylee o baka mahal ka na nya, ayaw nya lang sumugal dahil sa past nyo."

Napatitig lang ako kina dad and mom. Ang dami kong natutunan sa kanila.

"I think you should fix first your past with her. Siguro, hindi handa si Chylee dahil na din sa karanasan nya from the past." Dugtong ni Mom.

Bakit kung magsalita sila, parang alam nila 'yung nangyari sa past? That I rejected Hera? Fvck.

I sighed. "Okay mom, dad. Thank you for the advice." Sabi ko.

Napaisip rin ako, our past. Hindi maganda ang past namin ni Hera. Is that the reason kung bakit parang ilag siya sa'ken? Fvck. I need to talk to her. I want to know. Gusto kong bumawi. Pinagsisihan ko na ang nangyari sa past namin. I know I hurt her a lot, pero kaya ko namang bumawi ngayon diba? I badly want her, I love her. And I want her to be mine.


--

Chylee POV

Masayang magpatakbo ng business. Isang linggo na ang Jollibee branch ko and I'm happy managing this fast food.

Hindi talaga nawawalan ng tao ang Jollibee. Umaga palang puno na, lalo na kapag nag-tanghali na at gabi. Halos punong-puno lagi.

"Baby."

Tumingin ako kay Phoenix na kakapasok lang dito sa private office ko sa second floor ng Jollibee. May dala syang chocolate sundae.

"For you." Nilapag nya sa mesa ko ang sundae. Sa katabi ko, may mesa din si Phoenix.

"Thanks. Binili mo ba 'to?"

"He-he! Kinuha ko lang sa baba, baby."

=____=

"Wala ng libre sa panahon ngayon. Business is business. Sa susunod, magbayad ka ha!" Sabi ko.

"Aww. Oo na baby."

Sumimangot lang ako pero sinimulan ko na ring kainin ang sundae ko habang nakatingin sa paligid ng private office namin ni Phoenix. Palagyan ko kaya dito ng statue ni Jollibee? Hm?

*phone rings*

Sino naman 'to. Ang aga aga. Kinuha ko phone ko saka tiningnan.

Bigas calling..

Aish. Ano bang kailangan nya? "Hello?" Sagot ko saka inilapag muna ang sundae sa mesa ko.

[Can we talk?]

"We're talking." Pagtataray ko.

[I mean, in a private place. I have something to tell you. Please, Hera?]

Kainis! Bakit ba sya nagpi-please. Nai-imagine ko tuloy ang mukha nya na nakapout. Shems!

"I'm busy. You know, I have business." Sabi ko. Hindi ko feel makipag-usap sa kanya in private.

[Kahit sandali lang. Sa weekend? Kelan day off mo?]

"I have no day off. Manager ako. And 'pag weekend, busy din ako. Family day." Muli kong sabi. Pinapahiwatig ko na sa kanyang ayokong makipag-usap. Di pa ba nya feel?

[Please, Hera..]

Shems. Bakit ba sya ganito? Naiinis na ako eh. Hindi naman kase ganito ang nakilala kong Miko. Mula nang bumalik ako dito sa Pilipinas, parang hindi ko na sya kilala. Napakalayo nya sa dating siya. Maingay na sya, pinapansin na nya ako, ngumingiti pa at ang matindi, nanliligaw pa. Di ko alam kung nanti-trip ba sya o ano. O talagang naka-drugs lang sya? O sadyang bipolar lang sya? Ewan ko sa kanya.

"Pwede bang sabihin mo nalang ngayon dito sa phone? I can't make time for you, Miko. You're not that important." Pagsisinungaling ko. I just said that to hurt his ego. Nalimutan na yata kase nyang may pride pa sya. Masyado syang down na down sa'ken. Malayo sa dati na halos mandiri sya sa'ken.

I heard him sigh. Okay, I think I really hurt his ego this time.

[I'm sorry. Hera, I know you're mad at me. But can't you see? I changed. For the better, I think? And that's because of you.]

Oh god! Anong pag-uusap ba 'to. About sa'men na naman? 'Di ba sya nagsasawa. Pinapakita ko naman na sa kanya na ayoko. I mean, hindi ko naman sya binibigyan ng assurance na sasagutin ko sya dahil sa panliligaw nya. No. A big no. Sabi ko nga, I'd rather choose Phoenix over him. He's a totally jerk and I hate him. Buti nga pinapansin ko sya ngayon, dahil kung tutuusin, galit na galit ako sa kanya.

"Wala akong oras sa pakikinig sa mga sentiments mo, Miko."

[Alright. I'll see you later. Pupuntahan kita. Kahit nasaan ka man. Kahit ano man ang ginagawa mo. Kahit di mo man ako pansinin. Bye Hera. I love you, and I'm fvcking sincere.]

Di ako nakapagsalita hanggang sa marinig ko na ang end call tone.

Bakit parang napakadali sa kanya ang magsabi ng three words sa'ken gayong hindi maganda ang naging nakaraan namin? I really can't understand him.

"Are you okay, baby?"

Tumingin ako kay Phoenix. Okay. Narinig nya ang pag-uusap namin ni Miko. He's protective when it comes to me but he knows the word respect. Kaya kahit ayaw nya talaga na nakikipag-usap ako kay Miko, 'pag nakikita naman nya na kelangan kong makipag-usap, hinahayaan nya ako.

Hindi sa nagiging pakialamero sya. Saksi lang talaga sya kung gaano ako nasaktan noon. Maliban kay Skyler, siya ang nagparamdam sa'ken na ako ang prinsesa ng Shin-woo, na 'di sapat sinasaktan. Tinuruan nila ako ni Sky na maging matapang at matatag. Tinulungan nila akong ma-overcome lahat ng sakit hanggang sa hindi ko na sya iniiyakan.

I know I moved on, but sometimes, iniisip ko na hindi pa ako fully move on. But then, hindi na ako ganoon ka-apektado kay Miko. Marunong na akong mag-control ng emotions ko. Hindi na ako ang childish Hera na konting sakit, umiiyak. Tama naman ang sabi nila na, Pain makes people change. Naranasan ko 'yan and that line is true for me.

I smiled at him. Parang nabitin pa ang pagkain nya ng sundae dahil nakatunganga sya sa'ken. "I'm okay. Don't worry. Eat your sundae." Sabi ko.

Gumanti sya ng ngiti sa'ken. "Eat your sundae too." He said then smirked.

"Oh, what's on your mind, Phoenix Laurel?"

"Don't ask me that question, baby. You remind me of facebook. Always asking what's on my mind. What the hell. Tsismoso ang facebook. Tch."

Gumana na naman ang pagka-pilosopo ni Phoenix. "Whatever."

"Baby."

"Hm?" I'm starting to eat my sundae. Natutunaw na ice cream.

"I'm always here."

I smiled again. "I know."

"If you're not okay, just tell me and I'll do everything for you to be okay."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong ngumiti dahil kay Phoenix. Hindi kasi sya ang klase ng tao na magaling lang sa salita, yung mabulaklak ang bibig. Kase kung ano man ang sinabi nya, pinaninindigan nya. One of the things I liked about Phoenix. He's a man of his words.

"Thanks, Phoenix."

"I can't accept your thank you. Maybe a date will do." He winks at me and I don't know why my heart suddenly reacts.

"A date?"

"Yes baby. And I'm serious this time."

He's asking me on a date. Oh well. This is the first time na niyaya nya akong makipagdate mula nang umuwi kami dito sa Pilipinas. Well, lagi man kaming lumalabas, friendly hang-out lang 'yun and not a date.

"Okay."

"What do you mean by okay?" Tanong nya.

"Let's have a date." I said smiling.

Napatayo sya. "Whoaaa! You're asking me on a date? Whoooa! Okay. Okay!"

Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Feeler overload. At ako pa talaga daw ang nagyaya just because I told him, 'let's have a date'. Sagot ko lang 'yun sa tanong nya eh. Baliw talaga.

"You're the one who asked me. Psh."

"He-he. Kunwari lang, baby. Panira ka naman ng moment."

Aba, at panira pa ako. Mababatukan ko na talaga 'tong si Phoenix eh.

Sinimangutan ko siya. But he just laughed at me. This guy..aish!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top