17
Chylee POV
Almost two weeks na ang nakalipas. Ang daming nangyari. Pero sa'ken, wala naman dahil naging busy ako sa Jollibee branch ko. Nakakatuwa lang kase gawa na siya. Binayaran talaga ni Dad ng malaki ang mga gumagawa para mai-rush na. Di ko naman minamadali 'yun, pero si Dad, ayun mas excited pa sa'ken.
Opening namin mamaya at na-e-excite ako. Free food kase mamayang opening. Lahat ng gustong kumain, libre. Bawal lang ang take-out. Ine-expect ko na mga SWU students ang magpupuntahan mamaya since dun kami malapit.
Super excited ako at the same time, kinakabahan. Wala pa kase akong ezperience sa pagbi-business eh. Kahit owner/manager ako dun sa branch ng Jollibee ko, hindi pwedeng petiks lang ako. Co-manager ko si Phoenix. See? Hired agad sya kahit 'di siya nag-apply sa'ken. That's what friends are for.
"Baby, goodluck sa opening mo mamaya. Pupunta ako doon mamaya. Okay?" Sabi ni Mom na nakabihis na. Ready na sa pagpasok sa SWU. She kissed my cheeks and waved her goodbye.
Si Daddy nauna na kanina kase may early meeting. Nai-goodluck na din nya ako at sinabi nya ring pupunta sya mamaya para makikain ng libre. Haha! Mamayang twelve ng tanghali pa naman ang opening. Exact na lunch time.
Kahapon, nandon ako para mag-take ng pictures. Ang cute kase. Hulaan nyo, hindi lang isang statue ni Jollibee ang meron. Tatlo! Syempre means I LOVE YOU. Si jollibee pa? Eh, love 'ko 'to..ah shems! Kanta pala ni mcdo 'yun. Haha! Isang statue sa front door. Then sa loob may isa pa sa katabi ng mahabang counter then isa pa sa kabilang pinto. Kung ako lang masusunod, pagsusuutin ko na ng pantalon si Kollibee. Polo lang suot eh. Pero syempre, joke lang 'yun. Bawal. E'di nademanda ako ng owner ni Jollibee.
Anyway, kung tatanungin nyo naman ako about sa masugid kong manliligaw na si Prince Miko, well consistent ang loko. Araw araw nagpapadala sa bahay ng iba't ibang pagkain and stuffs. Minsan siya ang may dala. One time may dala syang balloons na kulay pink na may print na, I LOVE YOU, MY HERA. Lakas trip 'di ba? Buti 'di sya naaabutan dito sa mansyon ng triplets o ni Skyler kase lahat sila umaalis ng mansyon. Even Mom and Dad.
Si Phoenix naman, papatalo ba 'yun? Eh kung pagselosin nun si Miko sa facebook status, akala mo totoo ko siyang boyfriend. Akala pa din kase ni Miko ay may relasyon kame ni Phoenix. Baby kase tawag sa'ken at hinahayaan ko lang dahil sanay na ako.
*phone rings*
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng maong shorts na suot ko.
Bigas calling..
Tumatawag si Miko. Bigas pinangalan ko sa kanya sa phonebook ko. 'Yun tumatak sa isip ko eh.
"Hello?" Sagot ko.
[Goodmorning, my Hera. I love you.]
I know nag-blush ako. Yung boses pa naman nya, masculine na. Shemay ka, Prince Miko!
"Tse." Simpleng sagot ko.
[Ang sweet mo talaga Hera. Tch. May pinadeliver ako dyan. Sana magustuhan mo. Di ako makakapunta dyan, may practice kase kami ng basketball.]
"Hinihingi ko ba ang paliwanag mo? At ano na namang ipinadeliver mo?"
[Well...]
"Ano?" Singhal ko.
[Bye. I love you ulit.]
"An---"
*toot toot*
Pinatayan ako. Aish! Ano namang pinadeliver ng kumag na 'yun? Napansin ko talaga ang malaking pagbabago ni Miko eh. Bukod sa pagdaldal nya kapag kinakausap nya ako, ngumingiti na siya 'pag puinupuntahan nya ako dito.
Naka-drugs siguro 'yun? O baka nakalunok ng isang sakong bigas?
Ilang saglit lamang ay nilapitan ako ng katulong na galing sa labas.
"Ma'am may delivery po para sa inyo."
Eto na ba 'yung pina-deliver ni Abellano? Agad agad talaga? Nandito na agad ng ganito kaaga?
"Ano 'yun?"
"Isang truck po Ma'am eh."
Nanlaki ang mata ko. "Isang truck? Ng ano?" Clueless pa naman ako sa pinapadala ni Miko. Iba kase takbo ng utak non. Kakaibang manliligaw. Di mo alam kung mateturn off ka o mate-turn on eh.
Napakamot sa ulo nya ang katulong. "Mam tingnan nyo nalang po sa labas."
God! Ano naman kaya 'yun at hindi masabi ng katulong?
Paglabas ko, halos malaglag ang panga ko. Malaki ang bukas ng gate namin dahil ibinababa ng mga lalaking may dala ng delivery ang laman ng truck.
Ibat ibang kulay ng roses na nasa paso, isa isa. Seriously? May flower shop ba ako? Kulang nalang, garden ibigay nya.
Mabilis kong pinindot ang phone ko para tawagan si Miko. Shemay! May problema kaya sa pag-iisip ang isang 'to?
[Yes, my Hera. Miss me?]
I rolled my eyes. "Para saan ang sandamakmak na bulaklak ha? At nakapaso pa talaga ha?"
[Tch. Para 'di na ako magdala araw araw ng bulaklak. Isang bagsakan na. Nasa one thousang pieces yan. So mga one thousang days akong 'di magbibigay ng bulaklak. Advance na]
ANO? Ganda ng katwiran ng lalaking 'to. "Argg! Tingin mo sa'ken, living garden ha?"
[No. My Hera, can you at least appreciate my effort?]
"Ah, appreciate? Eh feeling ko gusto mo akong i-burol sa dami ng bulaklak eh."
[Fvck. Am I failed again?]
"Ewan sayo. I'll hang up." Paalam ko. Sumasakit lang ulo ko sa Miko na 'to.
[Wait--]
Pinatay ko na ang tawag. Kainis! Ano namang gagawin ko sa mga bulaklak na 'yan--na kasalukuyan pa ring ibinababa mula sa truck!
Hay, Prince Miko Abellano, ang sakit mo sa bangs!
--
Nagkakaingay na ang mga estudyante pero masaya. Ang gaan sa feeling habang pinapanood ang mga students na nakapila sa counter. May apat na hanay at pawang mahahaba ang pila. Libre kain ba naman.
Ngayon lang naman 'to dahil opening ng Jollibee branch ko. Bukas syempre, hindi na.
"Sa tingin mo baby, magiging ganito pa rin kaya karaming tao dito kahit 'di libre?" Tanong ni Phoenix na nasa tabi ko.
Nakatayo kami dito sa loob ng counter habang nakangiting pinapanood ang mga students, may ilan ring matatanda, mga nagta-trabaho, may tambay pa nga sa kanto. Karamihan ay SWU students, aba mahilig din pala sa libre ang mga 'to kahit mga rich kid. Iba talaga ang nagagawa ng libre.
"Siguro? Sana." Sagot ko.
"Pupunta ba sina Mom and Dad?" Tanong pa nya.
I glared at him. Nakatingin din naman sya sa'ken. Saka sya ngumiti ng alanganin.
"I mean, sina Tito at Tita. Baby naman, wag mo akong tingnan ng ganyan."
Psh. Etong si Phoenix, forever feeler na 'yan. Pero kahit ganon sya, masaya ako na nandito sya sa tabi ko. Sa totoo lang, I'd rather choose him than Miko. Hindi palang ako handa sa ngayon. Gusto ko lang magfocus muna sa business. Saka kailangan ko ding ituon ang pansin ko dito kase first time ko. Ayokong ma-disappoint si Dad. I know I can handle it. Nasa blood na naman namin ang pagkahilig sa business.
I'm not the old Chylee Hera who used to be spoiled. Habang tumatanda ako, mas marami akong natututunan kay Mom. That's why I idolized my Mom.
"They said they will come. You know, they are both busy. Si Dad sa company at si Mom, sa SWU."
"Speaking of my future parents, ayun sila. Sa entrance. Fvck! Pa'no nagagawa ng Dad mo 'yon?" Tanong ni Phoenix. Kapwa nakatingin kami sa entrance dahil andon sina Mom and Dad, nakatayo at nagmamasid. Kakapasok lang nila.
"Alin?"
"Yung ganon. Nakatayo lang ang Dad mo, hindi naman sya nagsasalita. Di naman sya nakangiti pero yung atensyon ng karamihan dito nakuha nya. May mga nalaglag na nga ang panga. Tch. How could he managed to be that handsome despite of his age?"
I saw admiration on Phoenix's eyes. "Well, that's my Dad. He was born to be Greek God. He's the most handsome guy on earth specially on Mom's eyes. Natural na gwapo si Dad kaya 'di na nya kailangang gumawa ng move para makakuha ng atensyon. Just himself."
"Fvck. Gano'n din naman ako baby, diba? Look at me. I won't do anything. I just stand up here. Are you attracted? Tell me. Did I get you attention?"
Baliw talaga 'tong Phoenix na'to. "Kahit sumayaw ka pa dyan, di mo makukuha ang atensyon ko. Haha! Hindi ka natural na gwapo tulad ni Dad." Biro ko.
"Tch! Baby. Lagi mo akong dina-down."
"Hahaha!" I bursted out laughing. "Tara na, lapitan natin sina Mom and Dad."
Nagmamaktol na tumango sya. Parang bata talaga.
"Mom! Dad!"
"Baby!" Sigaw ni Mom saka ako niyakap. "Ang daming tao."
"Syempre Mom, libre eh." Natatawang sabi ko.
"Hi Mom, Dad." Bati naman ni Phoenix.
"Phoenix, just Tita and Tito will do. We're not your parents." Sabi ni Mom.
Napakamot lang sa ulo si Phoenix habang ako ay lumapit na kay Dad at nag-kiss sa cheek nya.
"My princess really grown up. I know you can managed this fastfood restaurant." Sabi ni Dad.
His words really mean to me. Cause I know he trusted me, us. Even my siblings. Isa 'yun sa gusto ko sa kanila. They let us choose what we want. They don't control us like a freaking robbot.
"Thanks, Dad. Kain na po kayo ni Mom. Nagpareserve na ako ng table for you and Mom." Sabi ko. Kanina ko pa pina-reserve yun para at least, pumunta man sila o hindi, may extra table.
Sumunod sila sa'ken. Hinatid ko sila sa gilid na part, sa may glass wall. And couch ang upuan. Umupo na sina Mom and Dad.
"What do you want, Mom, Dad?" Tanong ko. Wala akong balak na papilahin sila sa counter. Iuutos ko nalang na ihatid ang pagkain nila.
Well-trained ang mga empleyado ko dito at lahat sila, kami ni Phoenix ang nag-interview. We even watch them on their training. And they are all good. My team are not the best but they are all fit on their positions.
"Libre ba kami, baby? Or we need to pay?" Tanong ni Mom.
"Tumatanggap ba kayo ng credit card?" Tanong naman ni Dad.
My parents are rich. Sareh! "Mom, Dad! Libre po today. So don't worry. Order what you want."
"Okay baby. You should go there na. We can manage. Kaya na namin ni Dad mo." Sabi ni Mom.
"Sige, Mom. Tatawag lang ako ng waiter na mag-aasikaso sa inyo."
I automatically smile when I saw Dad holds my Mom hand na nakapatong sa table. Magkatapat kase sila.
"What do you want, baby ko? Anything. Wag lang ako. Di pwede dito." A playful smile plastered on Dad's lip. They are really my favorite couple.
Kinikilig ako 'pag pinapanood ko sila, on how they talk to each other, paano sila maging sweet..it was like I'm watching a romance movie.
"Aish! Gummy bear. Napaka mo talaga mag-isip." Nakasimangot na saway ni Mom.
Parang nadikit ang paa ko sa kinatatayuan ko. I won't get tired watching them together.
"Haha! Baby ko. Wala ka bang balak sundan ang triplets?"
Nasamid ako sa tanong ni Dad kay Mom. May balak pa silang sundan kami? God. Sana naman hindi na triplets or twins. Dumadami na kami.
"Gummy bear! Ano ka ba. Napaka ano mo talaga! Aish." Masungit na sabi ni Mom. "Pero gusto mo ba?"
Shems! I want to laugh. My Mom..amazing!
Dad carressed Mom's cheek and mabilis nyang hinalikan si Mom sa lips. "Yes. I'd love to." Sagot ni Dad. Wala, kilig na talaga ito!
Napalingon ako nang maramdamang may kumakalabit sa'ken--si Phoenix.
"Hindi pa tayo babalik sa counter?" Tanong nya.
"Ah, oo nga pala. Sorry. Magpapapunta na din ako ng waiter kina Mom." Sabi ko saka tumalikod na.
Bumalik kami ni Phoenix sa counter saka inutusan ang isang waiter na puntahan ang table nina Mom at asikasuhin. Nasabihan ko na din sya na ibigay lahat ng gusto nila.
"So..hindi pa din nababawasan ang pila ah." Komento ni Phoenix habang nakatingin sa harap namin. Nandito kase kami sa likod ng mga cashier.
"AHHHH!!!!!"
"Waaaahh! Ulam!"
Naagaw ang atensyon namin sa sigawan na 'yun. Napatingin tuloy ako sa may entrance door.
And there, kaya pala. Sino ba sa tingin nyo ang titilian ng ganon? Ang SWU Tigers at SWU Wolf sunod sunod na pumasok dito sa loob. Jusko. Nagkakagulo na ang mga girls.
Ang triplets napansin kung lumapit sa table nina Mom and Dad. Kasya naman sila don sa table na alloted for Mom and Dad. Napangiti lang ako.
"Hanep talaga ang Shin-Woo triplets. Lakas ng kamandag!" Sabi ni Phoenix.
Ngumiti ako sa kanya. "Well, basta Shin-Woo, hashtag pogi problems."
"Isama mo na ang Laurel, baby."
"Di na. Haha! Teka.." Napatigil ako kase yung pila humahawi tapos..
"Hi Sir, what's your order?" Tanong ng cashier sa lalaking makapal ang mukha para sumingit sa pila. Ginamit nya ang ka-guwapuhan nya para pagbigyan siya ng mga nasa pila.
Sinabi nya ang order nya sa cashier. I can't look at him. Nakikinig lang ako. Naiinis pa kaya ako sa kanya dahil sa sandamakmak na bulaklak na pinadala nya sa bahay. Sinabi ko nga sa gardener namin na sya na ang bahala don. Kung gusto nyang ibenta, go lang.
"May additional pa po ba, Sir?" Tanong muli ng cashier.
"YES." Sagot nya.
"What is it, Sir?"
"No. Ask me, who is it."
"W-who is it, Sir?"
"I want to add your owner slash manager, Chylee Hera Shin-Woo. Take out."
O_______O
"AHHHH!"
"OMG!"
Napatunghay ako at sumalubong sa'ken ang nakangisi nyang mukha. He's looking at me. What the hell talaga, Prince Miko! Nakakainis ka! Nakakainis ka dahil nakakaramdam na naman ako ng kilig!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top