15
Chylee POV
Maaga akong nagising. Actually, di talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Si Miko kasi..
Aish. His kiss, his 'I love you', his sweet words. Nakakainis lang! Bakit kase sya ganon eh. I moved-on. At ayoko na muna siyang isipin. Bahala sya sa buhay niya. Di ako magpapadala sa mga sinasabi nya.
Tapos dinagdagan pa nya ako ng isipin. Yung jersey number 25 nya. Bilang daw ng pangalan ko. Na-bobo na yata sa math si Miko eh. 17 lang naman. Psh.
Pumasok ako sa guest room kung saan natutulog si Phoenix. Baliw kase, hinamon-hamon pa si Miko sa inuman, bagsak naman. Umupo ako sa tabi ng kama. Payapang natutulog si Phoenix. Kumot na kumot pa. Kelangan ko na syang gisingin para makapag-breakfast.
"Phoenix.."
Gumalaw naman agad siya. Mababaw lang siguro tulog nya.
"Phoenix.." Muli kong tawag.
Nagmulat sya ng mata. Ilang segundo rin syang nakatitig sa'ken. Ibinaba nya ang kumot na nakasaklob sa katawan nya at ngayon ko lang na-realize na hubad pala sya. Jusko!
"B-baby?" Gulat na sambit ni Phoenix at napabangon. "Fvck! What happen? May nangyari ba sa'ten? Nalasing tayo kagagabi pagkatapos ay nagkakatitigan? Nagkiss at umabot dito sa kwarto? Shit! Baby papanagutan kita don't wor--ARAY!"
Nakatingin ako ng masama sa kanya. "Ang feeler mo! Nalasing ka kagabi. Bagsak ka kaya dito ka na natulog sa guest room namin. Saka assuming mo naman! As if naman may mangyayari saten. Bumangon ka na nga dyan! Breakfast is ready."
Napakamot sya sa ulo. "Akala ko pa naman.."
Pinandilatan ko sya ng mata. "Ano?!"
"He-he! Wala baby. Babangon na ako."
"Hep! Lalabas muna ako! Topless ka. Malay ko kung naka-ano kalang na pambaba."
Sumilip sya sa kumot nya. "Naka-brief naman ako baby."
O_O
"Aaahhh! Lalabas nako! Sumunod kana!" Sigaw ko. "At magshort ka!" Dugtong ko at dali daling lumabas ng kwarto.
Huminga ako ng malalim. Shemay na Phoenix, oh!
Bumaba na ako. Naabutan ko sa salas sina Mom at Dad. Mukhang papasok na sa trabaho.
"Goodmorning Dad, Mom." Bati ko sa kanila saka nag-kiss sa cheeks nila pareho.
"Goodmorning baby." Halos sabay nilang sagot.
"Ang triplets po?" Tanong ko.
"Naku, Chylee. For sure, absent ang mga 'yun. Napuyat at nalasing kagabi. Pati si Skyler, lasing kaya dito muna kayong lahat sa mansyon. Kami ng Daddy mo, aalis na."
"Sige, Mom. Dad."
"Hi po Tito, Tita." Si Phoenix na kakababa lang sa hagdan at agad na lumapit sa'men.
"Oh, Phoenix, mag-breakfast na kayo dyan." Sabi ni Mom.
"Sige po Mo--Tita. He-he!"
Kahit kelan talaga si Phoenix. "Ingat po kayo, Dad, Mom."
Ngumiti lang sila pareho. Si Daddy sumenyas lang kay Phoenix. Feel na feel talaga nitong si Phoenix eh. Mabait lang talaga si Dad.
"So, anong breakfast ang gusto ng asawa ko? Hm! Sarap naman talaga gumising sa araw araw na kasama ang asa--AWWW!"
Nabatukan ko na naman sya. "Nananaginip ka pa ba? Psh. Feeler mo talaga. 'Lika na mag-breakfast."
"Opo boss!" Sab nya na naka-pout.
Juice colored, Phoenix. Cute mo mag-pout.
--
"Wiggle, wiggle, wiggle. Turutut-tutututut..."
Nagkaka-ingay sa salas. Kakaligo ko lang pagkatapos kong mag-lunch kanina. Nakauwi na rin kanina si Phoenix after mag-breakfast kaya ang triplets, si Sky at ako ang nandito sa mansyon. Wow! Kumpleto kaming magkakapatid.
"Langya naman oh! Ang panget mo kumanta, Renzo!" Reklamo ni Enzo.
Si Renzo pala ang kumakanta ng wiggle, wiggle. Kaya pala panget boses. Ha-ha! Kidding. Pinagpala ang mga kapatid ko sa mukha pero sa boses? Sign of the cross.
"Tch! Ikaw nga kung kumanta, panget na boses, mali mali pa lyrics!" Sigaw ni Renzo.
"Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal! Wohuwoooo!" Biglang kanta ni Enzo.
"Langya naman yan! Mas maganda pa din kanta ko! Makaluma ka!" Sigaw ni Renzo.
Yung totoo, magsisigawan nalang silang dalawa? Lumapit na ako sa kanila. Si Skyler may ginagawa sa iPad nya habang nakahiga sa couch.
Tapos si Kenzo nagbabasa ng libro habang nakaupo sa carpet tapos nakasandal sa couch. Si Enzo at Renzo, ayan nanonood ng myx. Kaya nagiging mga instant singer eh.
"Hi boys!" Bati ko sa kanila.
"Correction. Handsome boys, Ate!" Nakangiting sabi ni Renzo.
Nag-poker-face ako. "Oo na. Gwapo na kayo. Bakit nagkaka-ingay kayo? Bakit di nyo gayahin si Kenzo, masipag magbasa." Sabi ko tapos naupo ako sa couch sa may paanan ni Skyler.
Hindi nagsasalita si Skyler kase mukhang busy sa iPad nya pero pinatong nya paa nya sa lap ko.
"Magbabasa din ako mamaya, Ate." Sabi ni Enzo. "Ways to eat watermelon. Wahaha!"
Watermelon monster. Baka tumandang binata 'tong kapatid ko. Syempre, magiging ideal woman nya, mukhang pakwan. Ha-ha!
"Ako din, Ate. Magbabasa ako. About on how to take a pictures. Wahahahaha!" Sabi naman ni Renzo.
Itong dalawang itlog na 'to, kenkoy eh. Ibang iba si Kenzo na nagmana kay Skyler at Dad sa ka-seryosohan.
"Hera."
Tumingin ako kay Sky na nakahiga pa rin habang hawak pa din ang kanyang iPad. "Sky?"
"Let's have dinner tonight."
Sweet twin. "Sure, Sky. Mamayang gabi." Nakangiting sagot ko.
"Okay. Aalis lang ako." Sabi nya saka bumangon na. Hinalikan nya ako sa pisngi saka umakyat na sa taas.
"Ate, aalis din kaming tatlo." Sabi ni Kenzo naman na sinara na ang kaninang binabasang libro.
"Saan punta nyo?" Tanong ko.
"SWU, ate. May signing kami mamaya eh."
"Signing?"
"May SWU Tigers and SWU Wolf items kasi na binenta sa school eh. Tulad ng mga jersey na katulad ng samen. Yung mga fangirls namin, papapirma eh."
Aba, aba. Gumaganon? Ang Shin-woo triplets, peymus! Dinaig ako ah.
"Kayo na ang peymus. Siya, sige!" Nakangiting sabi ko.
Sabay-sabay kaming tumayo. Sila, sa mga kwarto nila at ako, sa kwarto ko din. Ano kayang gagawin ko? Maiiwan akong mag-isa dito. Bored.
Yung sa branch ng Jollibee ko, nabayaran na ni Dad kahapon. Fully paid na. Start na din ang renovation ng pwesto na nabili namin malapit sa SWU. Gawa na naman sya eh kase dati syang restaurant, irerenovate nalang. Syempre dapat mukhang Jollibee. Nakaka-excite! Hindi ko din akalaing magiging business-minded ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko, nilibot ko ang tingin ko. All pink. Maluho talaga ako mula pagkabata. Mula sa mga barbie, mga stuff toys. Natatawa nga ako kase yung statue ko ng Jollibee, nasa toyroom namin.
Minsan, sarap ding bumalik sa pagkabata eh. And I clearly remember kung gaano ako ka-inlove noon kay Jollibee to the point na I'm willing to marry him. I thought he was real, but sadly, he's not. Kay Jollibee kase, bida ang saya. Kaya I know, hindi nya ako sasaktan at paiiyakin tulad ng ginawa ni Miko sa'ken. Kung totoo nga lang siguro si Jollibee..
--
Nagising ako sa mabining pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nakatulugan ko na pala kanina ang pagba-browse sa internet sa iPad ko. Wala kaseng magawa dito sa mansyon lalo na't ako lang ang andito maliban sa mga katulong.
Bumangon na ako para tingnan kung sino ang kumakatok.
"Ma'am may bisita po kayo sa baba." Sabi ng katulong.
"Sino?"
"Si ano po. Yung anak po ng kaibigan ni Sir Kyle." Aniya.
Sinong anak ng kaibigan? Bahagyang nanlaki ang mata ko nang kutuban ako kung sino ang nasa baba.
"Sige susunod na ako sa baba." Sabi ko saka mabilis na tumingin sa human size mirror ko. Bakit ba bigla akong na-conscious sa itsura ko? Aish.
Nang makuntento na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba sa salas. Napansin kong wala pa sa salas ang bisita, kung sino man yun kaya lumabas ako ng main door.
And there's this guy, standing with his handsome face--no other than, Miko. Bakit naman sya nandito?
"Pakilagay nalang dito." Sabi ni Miko, na obviously ay hindi ako ang kausap niya.
Nanlaki ang mata ko nang mula sa kotse nya ay may ibinaba ang driver namin na..
O____O
Isang sakong bigas?! Para saan naman yun?
Nang maibaba ng driver namin yung isang sako ng bigas sa harap ko ay saka ako napatingin kay Miko na nakangisi.
"P-para saan 'yan?" Naguguluhan kong tanong.
Ngumiti siya. Kitang-kita ang maliit nyang dimple sa kaliwang pisngi. The other side of Miko--yung ngumingiti.
"Para sayo, my Hera."
Nag-blush ako. Maka-MY HERA kase eh. Nagiging feeler na din ang lalaking 'to.
"Para sa'ken? Anong gagawin ko sa bigas?" Tanong ko. Wala akong ni katiting na idea kung bakit kailangan nya akong bigyan ng bigas. At isang sako pa.
Napakamot sya sa ulo nya saka alanganing ngumiti. "Ah, kase, Hera.."
"Ano?"
"Nanliligaw ako."
O___O
What? "Nanliligaw?"
"Yeah. Kaya may dala akong bigas." Sagot nya.
Loading..
Nanliligaw sya kaya may dala syang bigas. Okay, pero bakit nga bigas? "Di ko gets, Miko. Nanliligaw ka tapos bigas ang dinala mo?"
"Y-yeah, Hera. Nabasa ko sa qoutes na pinasa nung barkada ko eh. Praktikal na daw ang mga babae ngayon kaya sa halip na chocolate and flowers ang ibigay, bigas nalang daw. Mahal na daw kase bilihin ngayon."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Miko. So nanliligaw nga sya dala ang bigas? Shemay. Si Miko lang ang kilala kong manliligaw na bigas ang ibibigay sa liligawan nya! Juice colored.
"Anong tingin mo sa'ken, naghihirap sa bigas?" Naka-poker face kong sabi.
Napakamot na naman sya sa ulo nya. "Ano, Hera. Tch. That fvcking qoutes.."
Hindi ko alam kung maiinsulto o matatawa ako eh. Bigas ba naman, shemay! Nganga!
"Sige. Ayos lang 'yan. Ibibigay ko nalang sa driver namin. Next time, if ever, pwede wag ka ng magdala ng bigas?"
"Yeah. Sure. I'm sorry. I didn't mean to insult you. You know, I'm trying to be romantic but damn, I failed. That fvcking rice."
Napangiti ako. I don't know but this moment, magaan ang loob ko kay Miko. Para kaseng hindi sya 'yung Miko na nakilala ko. Yung masungit, yung hindi ako pinapansin, yung napaka-cold, yung halos mandiring tingnan ako, yung sinaktan ako. Ibang-iba sya sa ngayon. Parang ang lambot lambot ng ekspresyon nya.
"But here, take this." Inabot nya ang paperbag na ngayon ko lang napansin na hawak nya. Wala akong idea sa kung anong laman nito.
Malay mo ulam? May dala syang bigas eh. Complete package kumabaga. Ha-ha!
"T-thanks." Sagot ko. Mamaya ko na titingnan kung anong laman ng paperbag na'to.
"I just want to drop by. I have to go. May signing pa kami sa SWU." Paalam nya. Well, aware ako sa signing dahil sa triplets.
Tumango lang ako sa kanya.
"..and, Hera, can..ah, fvck. Hera.." Nauutal siya. Matatawa na yata ako kase nagba-blush din sya.
Bakit parang naglaho yung galit ko sa kanya? Para kase syang ewan ngayon. "Ano 'yun, Miko?"
"You know, ugh. Fvck. Can I..ahm.." Napakamot na naman sya sa ulo nya. He's not comfortable, I know.
"Miko?"
"Can I ask you on a dinner tonight?" Diretso nyang tanong. So 'yun pala.
Napaisip ako. May dinner kami ni Skyler mamaya. And bakit ba ang bait ko kay Miko. Dapat sa kanya, pinapahirapan. Psh.
"I have dinner date tonight. I'm sorry."
"Your boyfriend? Ugh. Fvck. Alright. I'm sorry. I'm going." He said then turn his back on me. Sumakay na sya ng kotse nya saka umalis.
Boyfriend? Sinong boyfriend ko ang sinasabi nya? At kung ang alam pala nya ay may boyfriend ako, bakit nanliligaw pa rin sya? Is he desperate or something?
Prince Miko Abellano is really weird. Well, not the usual.
Pumasok na ako ulit sa kwarto ko at dali-dali kong tiningnan ang laman ng paperbag. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang laman.
Jersey lang pala. Akala ko, kung ano na. Itinaas ko ang jersey para makita ang tatak. SWU Tigers ang print at yung size is pambabae. Para syang jersey na for girls, pang-muse ganon. Pinasadya pa kaya nya 'to para sa'ken? O binebenta lang sa SWU?
Itutupi ko na sana ulit nang mapansin ko ang print sa likod. Binuklat ko ulit ang jersey at itinaan para makita ko ng malinaw ang print sa likod.
MRS ABELLANO
25
MRS? What does it mean? Sino ba si MRS? Hay naku! Ang weird talaga ni Miko. Hindi naman ako MRS initial ng name nya eh. PMA kaya stands for Prince Miko Abellano. Kung sa'ken naman, lalong hindi. Kase CHS ang initial ko stands for Chylee Hera Shin-Woo. Tsk, tsk. Sino ba 'tong MRS na'to? Ewan ko sa kanya! Di yata 'to para saken.
Ibabalik ko nga 'to sa kanya bukas. Hmp.
*
A/N : Hashtag #ChildishLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top