14
Chylee POV
Nagkakagulo na lalo ang manonood. Tapos na ang game ng SWU Tigers and as what all expected, nanalo sila. Ngayon ay nagpapakitang gilas na ang nagga-gwapuhan kong mga kapatid. SWU Wolf na ang nasa court. Kalaban nila ang ASU Growl. Lamang naman sila. Sa galing ba naman ng mga kapatid ko.
"Go Renzo!"
"Go Enzo!"
"Go Kenzo!"
Yung totoo. Mga kapatid ko lang ba ang may fangirls sa SWU Wolf? Talaga namang lakas ng kamandag ng triplets. Mana nga talaga kay Daddy.
"Hanep si Kenzo, bakulaw sa court. Walang sablay eh. Sure shot lage!" Hindi maitago ni Phoenix ang pagkamangha sa kapatid ko. Pero kanina kay Miko, ang bitter. Aish.
"Grabe, habang pinapanood ko ang triplets, parang si Skyler ang nakikita ko sa kanila. Kamukhang-kamukha nila! Shemay!" Kinikilig naman na sabi ni Shanice.
Hello! Kamukha din nila ako. Babaeng version nga lang.
"Shin-woo, three points!"
"AHHHH! Shin-woo triplets, we love youuuu!"
Fangirls all over the gym. Sige kiligin lang kayo. Hindi naman kayo papatulan ng mga kapatid ko. Unless, mukha kang pakwan for Enzo. Mukha kang camera for Renzo at isa kang geek for Kenzo. Mga bipolar lang talaga ang mga kapatid ko. Ako nga lang yata pinakamatino sa'men. He-he! Alam ko, di naman ako naging ganyan ka-weird eh nung bata ako. Diba, diba?
"Shin-woo, tinatakbo ang bola..Shin-woo, three points!"
Okay. Palagi bang three points ang kapatid ko? Si Miko ganon din kanina. Mga anak talaga ng basketball players eh.
"Wooooohhhhhh!"
Tumingin ako sa oras. Alam ko namang panalo na ang SWU Wolf. Score palang eh. 152-35. In favor of SWU Wolf. Sige try nilang humabol sa loob ng two minutes. Last quarter na.
"Wala na. Panalo na. Pangitang-pangita na oh! Makapagpaturo nga magbasketball sa triplets tapos hahamunin ko ng one on one si Abellano. Wahahaha!"
Nagpoker-face ako. Baliw talaga si Phoenix.
"Feelingero ka talaga, Phoenix. Baka nakakalimutan mo, halos magkasabay na lumaki sina Miko at Chylee. Matimbang pa rin si Miko 'no!"
Harsh talaga ni Shanice. Walang ka-plastikan sa katawan. Sasabihin talaga lahat ng gusto nyang sabihin eh.
"Tch. Ano naman kung sabay na silang lumaki?" Sabi ni Phoenix kay Shan tapos tumingin sa'ken.
"Baby. Chylee, hindi man tayo sabay lumaki, sabay naman tayong tatanda."
Waaaaa! Si Phoenix, bumabanat? Okay, havey! "Naks, uma-asenso Phoenix." Sabi ko then I tapped his shoulder.
"Lesheeng Phoenix, pumapag-ibig ng todo todo! Ikaw na talaga! Kahit feeler ka, sige boto na ako sayo para kay Chy. Haha!" Sabi ni Shanice.
Nag-pout si Phoenix. Okay, he's really cute 'pag nagpa-pout sya.
"AHHHH!"
"Woooohhh!"
"Wolf! Wolf!"
Napatingin kami sa court. Tapos na pala ang laban. Nanalo ang mga kapatid ko. Mukhang alam ko na ang kasunod nito. Syempre, papa-party 'yan sa mansyon. Tatlong 'yan pa? Spoiled kay Daddy. And I know, proud si Daddy sa kanila.
Hindi lang talaga makapanood si Daddy kasi pinagkakaguluhan sila dito sa SWU eh. My daddy is gwapo talaga kase and he's popular and hearthrob when he's in college dito eh. Pero si Mom ang nakabihag ng puso nya kahit isang nobody lang si Mom. So therefore I conclude, na bunga kami ng tunay na pagmamahalan. Naks!
"Hoy Chy! Tara na. Tinatawag ka ng triplets."
Napatingin ako sa gitna ng court. Daming fangirls na nagpapaicture sa kanila. Pero naka-agaw ng pansin ko si Renzo. Aba matinde, nagpabuhat sa tatlo nyang teammate at nagselfie sa may basketball ring. Seriously?
"Ate! You watched us, right? Nakita mo kung gaano kami kagaling!" Pagmamalaki ni Enzo.
Ginulo ko buhok nya kahit medyo matatangkaran na nya ako. "Oo naman. Shin-woo 'yan eh! Anong plano nyo?" Tanong ko.
"Magkakaroon ng party sa mansyon, Ate. Kenzo called Dad a while ago about this at pumayag naman. Siya na daw magsasabi kay Mom. Invited lahat ng basketball players ng SWU. Kahit ang seniors--ang SWU Tigers."
Dug, dug..
So kasama si Miko? Shemay. Sa mansyon namin? Jusko, makiki-join kaya ako mamaya sa party party nila?
Bago pa man ako makasagot, may yumakap sa'ken mula sa likod.
"Ahhh!" Napatili ako only to realized na si Kenzo pala.
"Ate! Ang galing namin 'no?"
Mga kapatid ko talaga. "Magpunas ka nga muna ng pawis mo. Ikaw talaga."
"Yes, Ate. Pero mamaya ha? Sa party. Yung mga teammates namin, crush ka. Wahaha!"
Nagblush ako.
"Mga bata pa kayo. Crush, crush. Tch! Invited ako sa party. Kailangan kong bantayan ang prinsesa ng buhay ko sa mga batang asungot." Singit ni Phoenix.
"Tch." Sagot lang ni Kenzo kay Phoenix.
"Wait, ako invited ba?" Tanong naman ni Shan.
"Yes, Ate Shanice. You're invited." Nakangiting sagot ni Enzo.
Hindi ko sure pero ramdam kong may nakamasid sa'ken. Hinanap ko 'yon. Nilibot ko ang tingin ko at nagtama ang tingin namin ni Prince Miko.
Nasa may malayo sya pero sa'ken sya nakatingin, sigurado ako. Iniwas ko na ang tingin ko dahil sa biglang pagtibok ng puso ko. Shemay, ano ba 'to!
"Tara na!" Sigaw ni Renzo na humahangos hawak ang phone nya. Talaga nga naman.
"Saan?" Tanong ko.
"Groupie! Minsan lang 'to!" Sigaw ni Renzo at itinapat sa'men ang camera. Naka-front cam. "Say cheese!"
We're cute in the picture. Ako na nakangiti, si Shanice naka-peace sign. Si Phoenix na naka-pout na pa-gwapo. Si Kenzo na serious pose. Si Renzo na kenkoy pose at si Enzo..
Saan galing ang pakwan nya? Wala pa yan kanina eh. Well, nakapose sya na-nakakiss sa pakwan na hawak nya. Ang cute! Ipaparint ko nga yang picture na 'yan. At gagawin kong cover photo sa facebook ko.
"Ate, see you nalang mamaya sa mansion!" Sabi ni Kenzo. Magbibihis na yata sila sa locker nila.
Ngumiti ako at kumaway sa triplets.
"So...yellowcab ba? Manlilibre si Phoenix! Yeheeeey!" Masayang sabi ni Shanice.
"Oo na, Shan. Tch. Mukhang libre. Pinaglihi ka siguro sa free taste." Sarkastikong sabi ni Phoenix.
"Hahahaha!" Tawang-tawa ako. Di bale ng walang lovelife basta may kaibigang tulad nila.
"Baby, wag ka tumawa. Tara na." Sabi ni Phoenix saka..aba inakbayan ako. Feelingero talaga. Hinayaan ko nalang.
"Pasimple talaga 'tong si Phoenix. Hahaha--oopps! Someone is watching." Sabi ni Shanice.
Napatunghay ako at napansin kong nakasandal si Miko sa may exit ng gymnasium. May hawak na bola. Nakajersey shorts at tshirt na white. Bakit ba ang gwapo nya? Aish!
Napalunok ako. Nilagpasan lang namin sya. Hindi ko sya kailangan pansinin. Di naman kami close eh. Nakalimutan ko na ring alisin ang pagkaka-akbay sa'ken ni Phoenix.
"Breath, Chylee! Wala na ang cold-hearted-lover mo. Haha!" Pang-aasar ni Shan. Lakas talaga ng babaeng 'to.
Sumimangot ako. "Hindi naman ako affected sa presence nya eh." Shems! Kung si pinnochio lang ako, humaba na siguro ang ilong ko.
"Dapat lang, baby. Wag kang papa-apekto sa batang 'yun. Sa'ken ka nalang pa-apekto. May mapapala ka pa. Wahaha!" Sabi ni Phoenix. Baliw talaga.
"Oo nalang Phoenix. Bilisan na natin para makakain na tayo. I'm craving for pizza!"
Naglakad na kami papuntang parking lot at sumakay sa kaya-kanyang kotse. Okay, we're heading to Yellowcab!
--
Katatapos ko lang maligo. Actually, kakagising ko lang. Pagkagaling namin kanina sa yellow cab umuwi din ako at umidlip muna.
Eight in the evening na and I'm sure andyan na sina Phoenix at Shanice sa baba. Di ko pa na-check ang phone ko eh. Inuna ko talaga ang paliligo.
Nagsuot lang ako ng simpleng maong short at white tshirt. Di ko naman kailangang magbihis ng maganda.
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table at chineck ko ang messages ko.
From : Phoenix
Baby, nandito na ako sa baba. Malapit na ako malasing. Baba ka na dito.
-end-
Nag-iinuman nga pala sila sa baba.
From: Shanice
Hey Chy. I'm here sa baba. Talking with Skyler <3 Baba kana dito.
-end-
Jusko! Lumalandi si Shan! Pipigilan ko sya! Di din natuloy ang dinner namin ni Sky since may party naman dito.
May isa pang message.
From : +639051234567
Hera. I want to talk to you. Hindi ako iinom ng madami.
-end-
I know him. Yung sender ng last message. Hindi ko man sine-save ang number nya, pamilay naman sa'ken.
Ano namang gusto nyang pag-usapan? Di ko alam kung kaya ko siyang harapin eh.
Hindi ko na sila nireplyan. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa may garden. Alam ko namang dun ginaganap ang party nng triplets.
Pagbaba ko, narinig ko agad ang malakas na sounds. Tumutugtog ang "All the bass" at ang ibang mga lalaki nagsasayawan. Aba, aba. Mga players siguro.
"Chy!" Tumingin ako kay Shanice na nakaupo sa isang mesa, kaharap si Skyler na nag-iinom. Nag-solo ang dalawa.
Lumapit ako sa kanila.
"Hera." Tumayo si Sky at yumakap saken. "I miss you." Aww! Ang sweet ng ka-kambal ko. Gumanti ako ng yakap sa kanya.
Then bumitaw na sya at naupo ulit. Umupo ako sa tabi nya. "I miss you too, Sky." Sabi ko.
"Aww! Sweet twins. Sana ganyan din sa'ken si Skyler. He-he!" Biro ni Shanice.
"Shan." Seryosong sambit ni Sky.
"Joke lang, Skyler." Sagot agad ni Shan.
Nakakatuwa silang tingnan. Para kaseng bagay naman sila. Yun nga lang, hindi si Shan ang mahal ni Sky.
"Bakit ka nag-iinom ng madami, Sky?" Tanong ko. Nag-aalala talaga ako sa ka-kambal ko. Hindi ko pa rin siya nakakausap about sa nangyari sa kanila ni Riana.
"Don't worry about me. Just give me time and I'll explain to you everything, Hera. All I need is a hug from my twin." He said sincerely.
Aww I know Sky is having a hard time. Brokenhearted kaya sya? I hugged him, tight.
"Everything will be alright, Sky. I'm here." Sabi ko. And I know naman na kahit papaano ay napapagaan ko ang loob nya.
Tulad ni Sky dati, ayoko din na nasasaktan sya. I want to protect him too, like on how he protected me before.
Skyler Knox Shin-Woo is the second man of my life and he's the most important guy to me except my Dad. He's my half, he's my twin. And seeing him in this kind of situation really breaks my heart.
Ilang minuto rin ang tinagal ng pagyakap ko kay Sky. Pagkatapos ay iniwan ko muna sila ni Shan. Lumapit ako sa triplets na mukhang nilalasing si Phoenix. Same table kung saan naroon din si Miko. Mahabang table kase. Nagtatawanan at nagpapayabangan sila.
"Ate!"
"Hey, baby. Lasheng nya yata akow!" Sabi ni Phoenix. Tumayo sya at inalalayan akong umupo sa tabi nya. Lasing na nga. Amoy na amoy nga sa kanya ang alak. Pulang-pula pa ang mukha nya.
"Tama na 'yan, Nix." Suway ko.
"Angshuwit talaga ng baby ko!" Sabi ni Phoenix. Feelingero talaga 'to eh.
"Tch. Kuya Phoenix." Nakasimangot na sabi ni Kenzo.
"Ate, nagpapatigasan sila sa inuman ni Kuya Miko." Sabi ni Enzo.
Dug, dug..
Napatingin ako kay Miko na medyo nasa dulong mesa. Namumula na rin sya at nakatitig lang sya sa'ken. Seryosong seryoso sya.
"Ano?"
"Nyow! Hindi nyow! Hindi, baby." Tanggi ni Phoenix at sumandal sa balikat ko. Bagsak na yata.
"Oy! Oy! Wag ka sumandal sa Ate namin!" Sigaw ni Renzo! Over-protective as it is.
Wala na. Humihilik na si Phoenix. Psh! Lasing na nga. "Kenzo, hatid nyo na sa isag guest room ang mga kaibigan nyong lasing na." Utos ko.
"Sige, Ate." Di pa man ako nakatagal sa party nila, mga lasing na agad. Talaga naman.
Tumayo na din ako at inalalayan si Phoenix. Ihahatid ko sya sa isa pang guest room. Madami namang kwarto dito sa mansyon.
Medyo mabigat si Phoenix.
"Saan sya ihahatid?"
Dug, dug..
Si Miko hindi ko namalayan na hawak na si Phoenix sa kabilang side. Di ko alam anong sasabihin ko. Siya ba talaga 'to? Tutulungan nyang ipasok ko si Phoenix?
"Masyadong mabigat ang kumag na'to. Di kita kayang panoorin na naghihirap sa gagong 'to. Tch. Lakas ng loob maghamon ng one on one. Bagsak naman."
Teka nga, kelan pa dumaldal si Miko? Seriously? At medyo nagtatagalog na sya ah. Englisero din ang isang 'to eh. With 'fvck' pa.
Hindi na ako nagsalita. Naglakad na ako. Habang hawak si Phoenix, sa kabila si Miko. Pumasok kami sa mansyon hanggang maihatid namin sya sa isa sa guest room. Then sabay kaming lumabas ng kwarto.
Kinakabahan na naman ako. "Ah, thanks." Sabi ko.
"Hera, can we talk?" Seryosong tanong nya.
Napalunok ako. Tahimik na ang buong mansyon. Ilan nalang silang maingay sa baba, sa may garden.
"A-ano bang sasabihin mo?"
"I love you, Hera."
O___O
Dug, dug..
Shemay. Ano ba'to. Diretsahan? Walang preno? Walang tyempo? Agad-agad?
"The last time I checked, you hated me so much." Mapait na sabi ko.
"Dati 'yun. Iba ngayon, Hera. I realized how jerk I am for hurting you before. Fvck! I hate seeing you with that Phoenix. I'm fvcking jealous. Please forgive me."
Yung dibdib ko daig pa ang tinatambol. Grabe ang kaba ko. "Miko.."
"Alam kong hindi ganon kadaling magpatawad. I know how much I hurt you before. And I'll do everything just to win your heart."
Ano bang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong kiligin? Pero bakit mas nasaktan ako? Nasasaktan ako dahil kung kelang ngayon na nag-move on na ako, saka sya gumaganito, saka sya nagco-confess. How I wish na sana ganito ang mga sinabi nya sa'ken noon. Five years ago..edi sana masaya na kami ngayon. Pero hindi eh.
"Sorry, Miko.."
"Hera. Just give me a chance. Please."
Hindi ko in-expect ang sunod nyang ginawa. Lumuhod sya sa harap ko. Hindi ko akalaing kaya nyang gawin 'to.
Ang isang Prince Miko Abellano, lumuhod sa harapan ko? Unbelievable.
"Hindi kita minamadaling patawarin ako. I understand that you're still mad at me. But expect me to show you how much I love you. I will do everything, Hera. Remember that."
Tumayo na sya at mabilis akong hinalikan sa labi ko. It was a smack kiss pero parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.
Napahawak ako sa labi ko.
"Aalis na ako. Masaya na ako na nakausap ka kahit sandali. At oo nga pala, yung game kanina, that's for you. Bawat shoot ko, ikaw ang inspirasyon ko. At kaya number 25 ang jersey ko sa SWU Tigers, dahil sayo. That's the number of your full name's letters. Gotta go. See you around, My Hera."
Naiwan akong tulala. Shemay! Bakit ganito ang epekto sa'ken ng mga sinabi nya at ng smack kiss nya? Grabe ang tibok ng puso ko. Ito ba ang naka-moved-on? God!
At 25? Paanong bilang yun ng letters ng full name ko? Di ko siya gets. Chylee Hera Shin-woo, it has only 17 letters.
*
A/N : Number 25 is Heart! Hashtag #ChildishLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top