Childhood Memories: First Crush
Disclaimer: Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
♥~~♥~~♥
Title:
CHILDHOOD MEMORIES: FIRST CRUSH
#One shot#
(Seni's POV)
Ang sarap balik-balikan ng mga masasayang ala-ala kasama ang taong mahal mo. Sabi ba naman nila na First Love never dies? Pero sa akin naman ay.. First Crush never dies..
Pitong taong gulang pa lamang ako nang makilala ko si Gem Solaire, ang unang taong nagustuhan ko, unang kong paghanga. Mga paslit pa kami, hindi pa alam kung ano ang love na 'yan. Ngunit, alam kong siya ang nagpapasaya sa akin noon.
Babalik tayo sa panahon noong una kong nakilala si Gem. Gabi na nang lumipat sila sa kanilang bagong bahay na katabi sa amin. Nahalata ko naman na maraming mga bata ang nagsidayuhan sa mga bagong lipat pero ako na tamad, walang interes sa kung anong nangyayari sa labas, sa kanila.
"Seni, may bagong kapit-bahay na pala kayo at nagbibigay pa sila ng mga laruan, tara punta tayo!" Bungad ng best friend kong si Zira na siya na ang nagsabi sa akin kung anong kaguluhan sa labas. Hinila niya ako pero kumawala ako sa kaniya tapos nag-pout ako.
"Ayoko, tinatamad akong lumabas," tugon ko, kaya tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Kapit-bahay niyo lang naman, mahirap ba 'yon?" pagsusungit niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa kasi alam ko namang idadamay niya lang ako sa kagustuhan niyang makita ang bago naming kapit-bahay. Pero kinaladkad pa rin niya ako sa labas ng gate namin at pumila kami sa ibang mga bata. "Bahala na, okay lang sa akin kung susungitan mo ako pagkatapos nito."
"Psh!" tugon ko at ngumuso sa inis.
Mas nauna ako kaysa kay Zira sa pila kaya ako ang unang nabigyan ng teddy bear na stuff toy ng isang matandang lalaki.
Mag-asawa kasi ang bagong kapit-bahay namin, parehong may edad na. Nakita ko na sila noong nag-uusap sila nina papa at mama noong nakaraang-araw, at sigurado akong namukhaan ako ng matandang lalaki.
"Salamat po," sagot ko nang tinanggap ko ang stuff toy.
"Seni, maaari ba kitang ipapakilala sa aming apo? Baka gusto mo ng kalaro? Nag-iisa lang kasi siya rito at wala pa ang mga pinsan niya," sabi ni lolo kapit-bahay, siyempre tumango ako dahil lang sa rason na alam niya ang pangalan ko.
Sinamahan kaming dalawa ni Zira sa may sasakyan nila sa kanilang garahe, nandoon kasi raw ang apo niyang naglalaro ng PSP. Akala ko naman babae ang apo ni lolo kapit-bahay pero mali ako, isa palang lalaki.
"Gem, apo! May ipapakilala akong mga magagandang dalaga sa iyo," tawag ni Lolo kapit-bahay sa lalaki bago niya kami iniwang tatlo sasasakyan. Magkasing-edad lang daw kami nito.
Tiningnan naman kami ng Gem na iyon. Sobrang puti niya at plumpy ang lips, mapungay ang kaniyang mga mata at makakapal ang mga kilay at pilikmata, ang tangos din ng ilong, okay in short, gwapo siya. Hindi ko alam pero nanatili akong nakatitig sa kaniyang mga mata ng ilang segundo, wala akong masabi sa kanila.
"Diyan ka na ba titira?" tanong ni Zira sa kaniya.
"Hindi, pansamantala lang. Hinintay ko lang ang mama ko na makauwi na sa Pilipinas," sagot niya habang nakatingin pa rin sa kaniyang PSP.
"Bakit? Nasa'n ang mama mo?" kasunod na tanong ni Zira.
"Nasa Switzerland."
Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko alam kung bakit palagi nalang lumalabas sa isipan ko si Gem. Hindi ko talaga maiintindihan kung bakit hinahanap ko siya palagi. Gabi-gabi na akong pasilip-silip sa bintana namin, umaasang makikita ko siya. Ano bang problema ko? Kahit nga pagkatapos ng klase ay agad akong pupunta sa tindahan para mapadaan sa bahay nila.
Minsan nakikita ko si Gem na naglalaro ng PSP sa labas o kaya'y nasa veranda ng bahay nila naka-upo. Agad naman akong napapangiti kapag nakikita ko siya. Parang ang ganda ng araw kapag nakikita ko siya.
Pero...
Isang araw..
Nalaman ko nalang na dumating na ang mama niya at uuwi na daw sila sa totoong bahay nila, papaaralin daw niya si Gem doon.
Ang lungkot ni lolo kapit-bahay kasi aalis na si Gem.
Ako rin...
Nalulungkot...
Pagkalipas ng tatlong taon.
Grade 3 na ako...
Muntik ko na sanang makalimutan ang pagmumukha ni Gem pero agad namang bumalik lahat ng nararamdaman ko nang muli ko siyang nakita sa veranda ng bahay nila. Doon ko lang narealize na crush ko na pala siya.
Nagpapahinga kami ng auntie ko sa ilalim ng puno na nasa harap ng bahay namin.
Sinadya ko talagang magpahinga para excuse na rin na mapansin ako ni Gem. Harot no? Napapangiti nalang akong mag-isa kapag iniisip kong nakatingin si Gem sa akin (kunwari). Hay, nababaliw na talaga ako.
'Tok!'
Nahalata kong binabato kami ni Gem mula sa veranda nila.
'Tok!'
'Tok!'
Tiningnan ko si auntie na nagpapahinga lang pero nag-aalala na ako na baka matatamaan siya ng bato. Ano bang trip ng isang 'to?
'Tok!'
Tiningnan ko siya at talagang sinadya niyang magtago sa malaking flowervase na nasa veranda nila.
'Tok!'
"Gem! Tama na yan!" sigaw ni auntie.
'Tok!'
Tumalikod ako sa kaniya at ngumiti na parang tanga.
'Tok!'
"Gem! Tama na! Matatamaan kami niyan!" sigaw ulit ni auntie.
'Tok!'
Umalis ako dahil pinapapasok ako ni auntie sa bahay at narinig ko pa ang sigaw niya.
"Gem! Tama na! Sabihin mo na nga lang kung may gusto ka kay Seni!"
Tumigil na siya sa pambabato.
Kinilig nga talaga ako. Parang ang hirap kontrolin ng nararamdaman ko.
At lumipas ang isang linggo. Bigla akong inanyayahan ng lolo niya.
"Seni! Baka gusto mo mag-over night sa kabilang bahay?" Sabik na tanong niya sa akin. Ang ibig niyang sabihin ay doon sa totoong bahay nina Gem.
Siyempre kinabahan ako sa sinabi niya kaya agad akong tumanggi.
"Hindi po ako papayagan ni mama."
"Ako ang magpapaalam sa kanya para sayo..," insist niya.
"Huwag na po!" Umiling ako.
"Nandoon si Gem.." dagdag niya.
Naalala kong hindi naman kami ganoon ka close kaya hindi na. Magkapit-bahay nga kami pero nahihiya ako sa kaniya, nihindi nga ako makapagsalita nang maayos kapag nandiyan siya.
Tapos dumaan na naman ang tatlong taon.
Grade 6 na ako.
Marami na rin akong nadadaanang pagsubok sa buhay. Dumaan din ang ilan pang mga crushes sa buhay ko. Oo muntik ko ulit makalimutan si Gem. Ang tagal naman kasi niyang nagpakita ulit.
'Christmas'
Obvious na magbabakasyon si Gem sa bahay ng lolo't lola niya.
Yes!
Dahil Christmas, gumawa ako ng handmade banner at inilagay ko sa sala namin. Mahilig kasi ako sa arts kaya ganoon.
At nakita ko na ulit siya, medyo Tan na iyong skin niya at iba na ang hairstyle niya pero gwapo pa rin siya.
"Seni! Sali ka sa Christmas Party namin," anyaya ng lolo niya sa akin.
Wala akong pangregalo pero napasali ako dahil ginawan ako ni lolo ng isa. Sumali naman ako sa mga games at ang hindi ko talaga makalimutan ay ang popping balloons kasi ka-team ko si Gem.
Ako ang pinaka-una sa pila, sunod sa akin si Gem. Napakumot talaga ako sa damit ko dahil damang-dama ko talaga ang init ng hininga niya sa batok ko. Ang ganda ng Christmas ko ngayon dahil nakatabi ko siya kahit sandali lang.
Pagkatapos ng party ay agad akong sumubsob sa higaan ko dahil ang bigat ng katawan ko, nakatulog na tuloy ako, hindi ko nakita ang fireworks.
Pagkagising ko sa umaga ay bumungad sa akin si mama. "May cake tayo sa ref Seni."
"Bumili kayo ma?"
"Hatid 'yan ni Gem dito kagabi."
"Ha? Pumunta si Gem dito kagabi?"
"Oo, nagtanong pa nga kung sino raw ang gumawa sa banner."
"B-Banner?? Ano sabi niya ma?" Naconscious na tuloy ako baka pinagtawanan niya.
"Maganda raw."
Natigilan ako.
Maganda?
Sinabi niya talaga?
Yeheee.
New year nang napaginipan kong ikinasal ako ni Gem. HAHA. Ewan ko nalang.
Isang gabi...
Narinig nalang namin ang sigaw ni lola kapit-bahay ----
---
---
---
Na inatake raw sa puso si lolo kapit-bahay..
At hindi nagtagal, wala na siya. HUHU. Ang bait pa naman sana niya.
Paano na yan? Hindi kaya magiging malungkot si Gem nito?
Sa funeral, hindi ko man lang nakita si Gem.
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Lumipas ang apat na taon na hindi ko ulit nakita si Gem. Ang dami nang nangyari sa buhay ko. Naranasan ko na ring magkajowa sa high school life ko. Sa loob ng apat na taon, natabunan ang feelings ko kay Gem, dahil naranasan ko na ang unang pag-ibig.
Hindi si Gem ang first love ko.
'College life.'
Pagtungtong ko ng kolehiyo ay dumating muli sa buhay ko si Gem. Magkaklase kami. Dalaga't binata na kami. Mas lalo siyang pumogi ngayon. Medyo awkward na rin. Pero sa tuwing lumalapit ako kay Gem mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Sabi nila kung nagsisimula sa Crush, mag-uuwi sa Love. Pero ang sakit lang, one-sided lang ang feelings ko for 10 years. I didn't even see a hint that Gem looked at me the way I looked at him. He just treated me the way he treated everyone else.
Saklap.
"Hey guys! I heard Gem liked someone before pero dedma lang ang feelings niya nung girl," report ng kaibigan namin.
So nagkagusto na pala siya sa isang babae. Akala ko pusong bato ang taong 'yon. Hindi ko kasi nabalitaan na nagkajowa 'yon.
Gem became popular dahil sa angkin niyang kagwapuhan at katalinuhan. Hindi ko na rin idedeny dahil gwapo na siya since birth.
But nobody knows Gem was my childhood friend.
or my childhood neighbor.
'Valentines'
Every girl in campus wants to have their Valentines Day with Gem at pati narin ako. Pero tingin ko ay walang interesado si loverboy sa mga ganiyan.
"O sayo na'to!"
Nagulat naman ako nang ibinigay niya lahat sa akin ang mga chokolate na galing sa mga fangirls niya.
"Bakit mo naman ibibigay sa akin?"
"Not my thing, at isa pa masakit ang ngipin ko ngayon."
"Oh, edi uminom ka ng gamot."
"Bilhan mo ako," utos niya.
"And why would I do that?" tugon ko't napakunot ang noo.
"Eh ikaw ang nagsuggest 'di ba? Ah basta, kainin mo lahat 'yan."
"Bakit ang weird mo ngayon? Kumakausap ka na sa akin."
"Hindi ba paborito mo 'yan?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, talagang nagulat ako kung paano niya nalaman na gusto ko ang chokolate? At ayun umalis na naman siya, iniwan akong naguguluhan. Pero nang dahil doon, nagpapansinan na kami ni Gem. Minsan nga ay siya pa ang unang pumapansin sa akin. Mas lalo akong na-fall.
March 09~
Unang nahawakan ni Gem ang kamay ko.
Naipit kasi ako sa isang cabinet ng classroom namin.
"Aray!"
"Okay ka lang? Patingin."
Bigla niyang kinuha ang kamay ko.
Mas nagkaclose kami ni Gem. Hanggang sa gumraduate kami.
'End of Flashback.'
So anong nangyari after?
Are you asking kung nagkatuluyan ba kami ni Gem Solaire?
(Gem's POV)
Sa totoo lang, First Crush ko rin si Seni, seven years old pa lang ako ay palagi ko na siyang tinitingnan mula sa veranda namin kasi bihira lang siyang lumalabas sa bahay nila.
I really wanted to play with her pero natatakot akong balewalain niya lang ako. So I gave her up. Sumuko ako sa kaniya.
Christmas Party sa bahay ni lolo when my cousin started to tease me, alam niya kasi na crush ko si Seni.
Nag-alala ako sa kanya dahil nang magkadikit ang braso namin, naramdaman ko ang init ng balat niya, para siyang nilalagnat, kaya pagkahatinggabi na, dinalhan ko sila ng cake sa bahay nila pero sabi ng mama niya na tulog na raw siya.
I've been in different relationships, from different schools. Pero iba pa rin talaga kapag makikita mo ulit ang unang taong nakapagpatibok ng puso mo.
'Kahit pa na ilang pag-ibig na ang naranasan mo, babalik talaga ito 'pag una mong nagustuhan sa buong buhay mo.'
I even insisted na same kami ng school ni Seni sa isang university and my mom said yes.
So anong nangyari after we graduated?
...
I confessed my feelings to her.
I had no idea kung anong isasagot niya 'cause I thought she had no interest in me.
After confessing...
Nag-stay muna ako sa Switzerland.
(SENI'S POV)
Iba talaga kapag unang taong nakapagpatibok ng puso mo, after many years ay maalala mo nalang siya bigla tapos babalik ang pakiramdam.
"Hon!" tawag ni Gem sa akin.
That's Gem Solair. My husband.
We married six years after graduation. Yes, we had our ups and downs but we finally found our finish line. Nabiyayaan kami ng isang cute baby girl. Everything in my dream when I was in 6th grade became a reality.
Yep, my first crush, my last love.
The end.
♥~♥~♥
May happy ending din ang first crush.
...
Thanks for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top