Prologue
Prologue
Ari's POV
Nagising ako sa ingay ng mga kapatid ko sa loob ng kotse, tumingin ako sa kanila at pinagmasdan sila mag away.
"Give it back, Angel," Sabi ni Kuya sa kapatid namin.
"No!" Sigaw naman ni Angel, ang aming bunsong kapatid na babae na hawak ang cellphone ni kuya. "Let me borrow it!"
"Use your own cellphone, dummy," Suway ni kuya sabay agaw sa cellphone niya na hawak parin ni Angel.
"Lowbat kasi!" Sigaw na naman ni Angel, "Mommy si kuya oh!" Sumbong naman niya kay Mom na nasa passenger seat.
Tiningnan naman sila ni Mom, "Now, now you two. Anong sabi ko?"
"No fighting," Sabay nilang sabi dalawa. Parang bata din ito si kuya eh.
"But Mom, kailangan ko yung phone ko," dagdag naman ni kuya.
Bumuntong hininga si Mom at tiningnan si Angel, "Baby, give it back to your kuya Danny nah." Sabi ni Mom.
"No, Mommy!" Suway ni Angel at ngumuso, "I'll be bored."
Ako naman yung bumuntong hininga at kinuha yung cellphone ko sa bulsa at bingay kay Angel, "Here Angel, use mine instead." Sabi ko.
Ngumiti naman ng pagkalaki si Angel at hinagis pabalik yung cellphone ni kuya sa kanya buti nalang nasalu niya ito at kinuha naman ni Angel yung phone ko, "Yay! Thank you, Ate!" Sabay halik sa pisnge ko.
"Be quiet okay?" dagdag ko naman. Tumango naman siya at nagsimulang manuod ng kung ano sa YouTube.
I look at Mom and gave her an assurance smile, she mumbled the words 'thank you' tsyaka ako bumalik sa pagsandal ng upuan.
Pipikit na sana ako ulit nang nagsalita si kuya, "Thank goodness she's quiet, ang ingay niya," Bulong niya, "And this stupid network is so slow, ugh." Reklamo pa niya.
Sumilip ako sa kanya na hawak ang phone niya na sa tingin ko may ka-text, reklamo parin siya nang reklamo sa mahinang signal. Umiling nalang ako. Kuya Dan being Kuya Dan as always.
Pinagmasdan ko nalang ang mga puno sa labas ng bintana ng kotse na dinadaanan namin. Lumipas ang ilang segundo naka idlip ako, nagising nalang ako sa ingay ni Angelica, "We're here!" Sigaw nito.
Nangdito na kami?
Tumingin naman ako sa labas, meron na akong makitang mga bahay at napansin ko yung malaking signboard na nakasulat ang 'Welcome to Starryhaven'.
Looks like we're back.
Nangdito kami ulit sa tahanan namin noon, ang Starryhaven. The town where I grow up on my childhood days. Well, it's not as big as the city where we came from but so far as I remember in my life, here in this town is where I have the most fun with than in the big city.
Why we are here again? Well...
[Flashback]
"We've decided to move back to our old town." Sabi ni Dad.
"What?!" Sigaw naming tatlong magkapatid.
Nasa dinning room kami ngayon kasi may importante daw sasabihin silang Dad and Mom. And that important thing is we're going back to our old town?
Don't tell me is about that incident...
"Why?" Tanong ni Angel.
"Kasi may bagong trabaho yung Dad niyo, he got promoted at doon sa Starryhaven ang malapit na town ang trabaho niya," Paliwanag ni Mom, "This is also for the sake of your sister Ari."
"Me?" Tanong ko naman, "But I'm okay po naman, Mom."
"You're not okay, Ari," Sabi ni Dad na binalingan ko ng tingin, "Don't tell me you just forgot the things that they have done to you."
Napalunok naman ako. It's not like I don't want to go back to our old town, I like it there but if it's because of me, I just don't want to be a burden.
"But-" Bago ako makapagsalita, na unahan na ako ni Kuya.
"Sangayon ako," Nabigla ako sa sagot ni Kuya, "It'll be better for you, Ari knowing you love our old town so much and I've also miss my old friends there."
"Me too," Ngiting sabi ni Angel, "It will be alright, Ate. Although I don't really remember that much about our old town but I've miss someone there."
"But it will be hard to adjust again..." Sagot ko, "What about your popularity and varsity here, Kuya or your early scholarship, Angel? What about your friends?"
Sabay naman silang dalawa sa paglabas ng phone nila, "We have this."
"It's okay, Ari. Popularity is not important to me when it comes to my family," Sagot ni Kuya, "Pwede naman din ako maging Varsity doon sa bagong school natin."
"Oo naman Ate. We can also communicate with our friends using our phones," Sabi naman ni Angel. "And start a new scholarship there, so don't worry."
They're worried about me. Ngumiti ako sa inatsa nila. Ito yung mga kapatid ko.
"Okay then, it settled. We leave next week." Sabi ni Dad.
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki bago tumango. This is what family is.
[Reality]
They're just okay with it... Tiningnan ko yung mga kapatid ko at ngumiti.
"Finally," Sabi ni Kuya at binaba na ang phone niya na kanina pa nagre-reklamo sa mahina na signal, "I can't wait to update my Insta."
Napa-excite naman si Angel, na binigay pabalik ang phone ko at tumingin sa labas ng bintana para tumingin sa mga buildings, shops, stores and houses dito. Binuksan ko naman yung window para makatingin nang maayos si Angel.
The breeze came in and touch my soft skin. The wind blew my hair away from my face, I smiled and breathe the fresh air. I look outside the town I love the most. Looks like a lot has change ever since we moved out pero nangdito na kami ulit.
We enter a different street at puros mga bahay nalang ang nakita ko. Huminto kami sa medyo malaki na bahay, napatingin ako doon. "Nangdito na tayo," Sabi ni Dad sa driver seat.
Binuksan ko yung pintuan ng kotse pagkapara ni Dad, sumunod naman yung mga kapatid ko at hinarap ang bahay,"It's been a while since I've been here," Sabi ko habang ine-expect ang bahay hangang sa rooftop at gate.
It's our old house. A simple-modern house. Hindi siya sobrang laki. Hindi rin siya sobrang liit. It's just right for a five-member family. Although may nagbago nang kunti since maraming taon na din ang lumipas pero it's still the same old house where I grow up with.
Habang minamasdan ko yung bahay namin, naramandaman ko may tumabi sa akin, "Ano, Ari. Miss it?" Parang kanina pa ito reklamo-reklamo sa signal ah. Ngayon okay nah.
Tumingin ako kay Kuya, "Yeah, Kuya," at ngumisi, "We've made a lot of memories here."
Ngumiti din siya. Ang gwapo talaga ng kuya ko pag ngumiti hehe. "Yeah, good old days. Say, wanna make new ones?" Pagsabi niya nun, tumango naman ako. Tumawa siya at sabay gulo ng buhok ko, I pouted. "Our life continues here." At kinuha ang phone niya at pinicturan yung bahay namin.
"Just gonna update my Insta." Seriously, addict talaga sa social media.
"Hey, Ari, Danny!" Tawag ni Dad sa amin, "Tumulong naman kayo sa mga bagahe."
"Opo!" Sabay naming sabi ni kuya at tinulungan sila Dad doon.
...
Habang busy Kami sa pag unpake.
May tumawag sa akin na pamilyar na boses, "Aricia!" Nang marinig ko yung bosses na yun lumingon agad ako sa likuran ko.
I smiled widely when I see her familiar pretty face. Masaya akong tumingin sakanya tsyaka excited na lumapit.
"Lucine!" Sigaw ko pabalik at yumakap sa kanya ng mahigpit. It's been 4 years since we last saw each other in person, ang layo kasi dito sa tinitirahan namin noon sa city. We only communicate using social media and video calls.
Isa siya sa mga childhood friends slash long distance best friend ko na si Lucine Milstein since elementary palang kami. Sobrang close kami nito noon hanggang ngayon pa naman. She's always come knocking on the door whenever she was bored or wanting to play with me.
Nang malaman niya na dito na ulit kami titira, na pa-excite siya, mag kakasama na daw kami ulit.
"Hey, Dan Dan!" Bati niya kay kuya na may bitbit na box. Tiningnan siya ni kuya na nakakunot ang noo.
"I told you stop calling me that, Lucy," Reklamo naman nito, "Hindi kana talaga magbabago."
"Tss. Sungit talaga as always," Sagot naman ni Lucy sabay rolled eyes pa. Ewan ko nitong dalawa, laging nag aaway sa walang dahilan noon palang, daig pa kami mag kakapatid.
"Oh, Lucine ikaw pala yan," Lumapit si Mom sa amin at yumakap kay Lucy, ganyan kami ka-close ni Lucy, tinuring na siyang pamilya ng parents ko, "Long time no see, how's your Mom?"
"Hello po, Tita Daniela," Bati naman pabalik ni Lucy kay Mom sababy ngiti, "Oo nga po eh, okay lang naman po."
"That's good to hear," Ngiting sabi ni Mom. Pagkatapos namin mag kamustahin. Tinulungan niya kami mag unpake ng mga gamit.
Habang nagbitbit ng box patungo sa bahay napaisip ako na dito na magpatuloy ang bago kong buhay to this town 'Starryhaven.'
》♡《
Disclaimer:
All characters, locations etc. appearing in this work are fictitious. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top