Chapter 5

Chapter 5 - That Bully and The Target

"So? How was it?" Excited na tanong ni tita sa akin samantalang kinain ko yung binake niya na cake.

Napa-sparkle naman ang mata ko sa lasa nito, "Ang sarap tita, sobra!" Sagot ko, "Try it, Lucy."

Kumuha naman si Lucy ng pirasong kutsurita ng cake at kinain, napa hawak naman siya sa pisnge sa pagkasarap nito at tumango-tango.

"May plano po ba kayo mag tayo nang pastry shop po?" Tanong ni Lucy na nag bulol-bulol dahil sa cake niyang linamon.

Napatawa naman si tita, "I'll think about it but glad you guys like it," Masayang sabi ni tita, "Try the tea too, it's mint tea, it goes well with the cake,"

Hm. Tumingin ako sa tea na nasa teacup ko, pinagmasdan ko yun. Namalayan naman ni tita na hindi ako umiinom, "What's wrong, Ari? Is the tea not your taste?" Tanong ni tita Elle.

Umiling naman ako at ngumiti, "Hindi naman po, it's just that I'm allergic to mint po,"

Napatingin si Lucy sa akin, "Hala, oo nga pala, ito pala ang nakalimutan kong sabihin sayo kanina tita, Ari's allergic to mint, sorry Ari."

"No, no, it's okay Lucy," Umiiling kong sabi, "Nadala kalang siguro sa excitement na matikman ang cake ni tita," at ngumiti.

"Ganoon bah?" Napaisip naman si tita Elle, "Pano yan? Ano bang gusto mo, Ari?"

"No, it's okay, tita, hindi naman po severe yung allergy ko sa mint," Sagot ko, "I can manage to drink it,"

Totoo naman, allergy ako sa mint pero hindi masyado na kung mainum o makakain ako ng maliit na mint, makasakit na agad.

"Pero, Ari," Alalang sabi ni Lucy sa akin, "You don't need to push yourself naman."

"But the tea will be a waste," Sabi ko sabay kuha sa teacup ko at iinumin na sana nang may kumuha nun, napalaki naman ang mga mata ko nang inumin niya yun.

Ah, but he dislike tea.

"Z-Zephyrus?" Tulala kong sabi, pagkatapos niyang inumin nun, nilagay niya sa table ang cup at napaubo.

"Okay ka lang, anak?" Alalang tanong ni tita Elle sakanya na tumayo.

Tumango naman siya sa kanyang ina at tumingin saakin, "Here," May nilagay siyang isang baso sa lamesa, napatingin ako doon. Eh? Ang laman nito ay dark choco na paborito ko talaga tuwing merenda.

Where did he get this? Napatingin ako pabalik sa kanya, "Ah, thanks," Pagpasalamat ko. He remember my favorites? Or wala nang iba pang mainumin?

"But why'd you drink the tea?" Tanong ko sabay bulong, "You dislike the taste."

Napaubo na naman siya, "So it won't be a waste," Sagot niya at lumabas na sa tea room. Eh? Sometimes I can't read Zen.

...

"Salamat po sa cake tita," Pagpasalamat ko na may dalang box na laman ng bagong cake na kinain namin kanina, "We'll enjoy it po."

"No problem, Ari," Ngiting sabi ni tita, "Make sure to share it with your whole family,"

"Opo," Sabay naming sabi ni Lucy. Nasa labas na kami sa bahay nila tita Elle, kakatapos lang ng little tea party namin.

"Sure kayong hindi kayo mag stay ng dinner?" Tanong ni tita.

"Next time nalang po, pahintulot ko kasi ni mom na babalik agad before dinner," Sagot ko.

"Uuwi po kasi si mommy ng dinner, tita kaya sa bahay na po ako kakain," Sagot naman ni Lucy.

Oh, right. Lucy's mom is a doctor, her mom usually sa midnight na uuwi kasi sa schedule nito kaya hindi na sila masyadong maka-bonding ni Lucy. Rare na siguro umuuwi si tita sa dinner time kaya she's taking the oppurtunity.

"Ah, right. Send my regards to Celine, Lucy," Sabi ni tita at ngumiti. Celine is the name of Lucy's mother.

"Okay po, tita," Ngiting sagot ni Lucy.

"Sige, ingat kayo sa paguwi," Paalam nito. Yumuko naman kami ng kaunti at nagpaalam bago niya sinara ang pintuan.

Lumukad na kami palabas sa gate nila tita Elle, "Ikaw, Ari ha," Simula ni Lucine.

Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay, "Anong ako?" Tanong ko.

"May nalalaman kapang hindi severe ang mint allergy mo," Sagot niya, "Eh halos hindi kana nga makahinga nung may kinain ka na mint candy noon buti nga nadala ka pa sa hospital."

"Hehe," Nahihiya kong tawa. Okay, fine. I lied. I have severe mint allergy that almost got me killed several times but manage to survive.

"Dont hehe me, Ari," Sabi niya na nakacross na ang braso sa dibdib. Parang galet na talaga.

"Okay sorry," Paumanhin ko, "Nakakahiya kasi kay tita Elle eh, she brew the tea herself."

"Sus, okay lang naman kang tita ah, sabihin mo nalang na gusto kang masave ng knight n' shining armor mo," Sabi pa nito. Ano nanaman pinagsasabi nito?

"Knight n' shining armor? Sino?" Nagtataka kong tanong.

"Eh sino pa nga bah? Kundi si Zen, duh," Sabay rolled eyes pa. Ang maldita nga, "Kung hindi pa kinuha ni Zen yung mint tea at iniinum yun, nasa hospital ka na sana ngayon laying in the white sheet bed, buti nga dumating siya,"

"Bago panga ka nakabalik dito sa Starryhaven nakasakit kana agad," Dagdag pa nito. Galet nga.

"Sorry na kasi, mama," I tease.

"Seryoso nga kasi, Ari, mag iingat ka nga sa kinakain at iniinum mo, ayaw ko lang naman mangayri yun" Nagalalang nitong sabi sa akin. Napangiti naman ako. Lucy's really care about me. I guess this is what true friendship are.

"Opo, I'll be careful next time," Sabi ko.

"Promise?" Huminto siya sa tapat ng bahay namin sabay extend ng pinky fingers niya. Napatingin ako doon, just like old times ha?

Ngumiti ako sakanya at lini-link yung pinky finger ko sakanya, "Promise,"

"And seal it," Pinagtagpu namin ang thumbs namin at ngumiti.

"You know, you should really thank Zen for saving you twice now," Sabi pa nito bago nagpaalam na umuwi na.

I waved goodbye habang napaisip, right, this is the second time Zen save me from something. Swear, tomorrow, I will say thank you.

...

Kinabukasan, nagising ako sa ilaw na dumaloy sa kwarto ko. I adjust myself to the surrounding, naaliw ko ang bukas na kurtina sa bintana ko na nasa katapat ng bed ko.

I sat up from my bed and walk to the window, tatlo ang window ko sa kwarto, nasa front ang dalawa na kita ang street, ang isa naman nasa gilid, sobrang laki nito, may sitting compartment yung malaki kong window kaya umupo ako duon at binuksan ang bintana, the morning breeze came to my face, I closed my eyes and fill the soothing air.

"Good morning, world," I said. The sunrise reaches my face, ngumiti ako. Minulat ko naman ang mata ko at napatigil sa nakita. Napatitig ako sa kanyang mapupungay na mata na mukhang kagigising lang, his bed hair and morning face.

Bakit ang gwapo parin niya kahit kagigising niya lang?

He's staring at me while rubbing the nape of his neck. Nakabukas pala ang bintana niya. I awkwardly smile at him and greeted, "Good morning?" I look dumb-founded right now.

He just stare at me with sleepy eyes, "Morning," bago tumalikod na. I bit my lips and quickly get inside my room and look at the mirror.

I look like a mess, I'm wearing my night gown and still on bed hair , yung sleep mask ko naman na pa gilid na sa ulo ko.

Bumuntong hininga ako, thankfully walang dumi yung mukha ko. I almost forgot again na katapat lang sa kwarto ko ang sakanya.

I should get ready for school, naligo na ako at sinuot yung uniforme ko, kadarating lang nito kahapon.

I brush my hair at ini-stylan ito. I grab my bag at lumabas na sa kwarto at nakasalubong si Angel na kakalabas lang din sa kwarto na suot ang uniforme sa Starry Mid. Iba iba kasi ang uniform each campuses.

"Good morning, Angel," Bati ko sakanya.

"Good morning, Ate," Hikab niya.

So Angel decided to go to school today as her first day because the uniform is here.

We're heading downstairs sa kusina at nakita si kuya na kumakain sa lamesa habang nag ce-cellphone. Nasa harapan si Dad sa kanya na may binabasa na papeles habang umiinom ng kape. Naglalagay naman ng juice si Mom sa lamesa.

Nakita niya kami, "Oh, good morning both of you," Bati ni Mom na nakangiti, "Hali na kayo at kumain,"

"Good morning, mom, dad," Bati ko sabay halik sa kanilang pisnge.

"Good morning, mommy, daddy," Sunod naman ni Angel at umupo na kami sa hapagan.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na kami nilang Mom at Dad. Pagkalabas namin sa bahay, may tumawag sa akin, "Ari!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Lucy na tumatakbo patungo sa amin at may sumusunod sa kanyang kaedad ni Angel.

"Oh, Lucy," Ngiti kong bati at tumingin sa kapatid niya, "And hey Lia!" Bati ko sa nakakabatang kapatid nito na si Leighanne Milstein. Same year lang sila ni Angelica.

"Hello po, ate," Bati niya sa akin ng mahinhin. Kamukha ni Lia ang ate nito pero magkaiba sila ng ugali. Kung si Lucy ay happy-go-lucky at puros kasiyahan, si Lia naman mahinhin at grade-consious.

Nakasuot ito ng eyeglases at naka half-do ang dark brown buhok nito.

"Oh, nangdito pala si lil' Lia," Ngising sabi ni kuya sabay pat sa ulo nito.

Na flustered naman si Lia sa sinabi ni kuya, "Hello po kuya Danny," Mahinhin parin niyang bati. Bigla naman sumulpot si Angel sa likod ni kuya.

"Oh?" Tumingin ng masyado si Angel kay Lia na napaatras naman sa pagtingin nito, "Lili?"

"Angel?" Tanong nito pabalik.

"It's really you, Lili. Wah, long time no see," Masayang bati ni Angel sakanya sabay yakap pa ng mahigpit.

"Hi to you too, Angel," Si Lia na nahihirapan sa yakap ni Angel. Nagsimula na silang magkwentuhan at nagsimula na din kaming lumalakad patungo sa paaralan.

"Wah," Bigla naman sumigaw si Lucy, "As expected of Aricia, ang ganda mo talaga kahit sa uniforme ng Starry High." Tanaw niya sa akin, paa hanggang ulo. Lucy really love praising me much that I'm used to it.

Sabi niya pa, "Eh kasi totoo naman," Ewan ko sakanya. Hindi naman ako masyadong maganda at hindi din naman ako pangit, katamtaman lang.

"Ikaw din eh," Compliment ko pabalik.

"Ah, shucks, don't lie, Ari," Naiilang pa niyang sabi.

"Right, don't lie, Ari," Pagmi-mick ni kuya kay Lucy, "Hindi nga naman bagay sa kanya ang uniforme eh."

"Sabihin mo nalang na para siyang whitelady sa uniform niya," Dagdag naman ni kuya.

Tumigil si Lucine sa paglalakad, napatigil din ako. Tiningnan niya ng masama si kuya at parang namumula sa galit.

Is it just me or did I just see a cat's ear on Lucine's head? "Youuu!!" Patay nah.

Sumugod si Lucy na parang iring na kinakambras si kuya sa kamay, "Aray!" Reklamo naman nito at tumakbo palayo, sumunod si Lucy ni kuya na ready na ang mga kuko.

Paningdingan ni kuya yan, ginusta niya eh.

I just chuckled at their silliness at nagsimulang sumunod sa kanila habang ang dalawang bata nasa likod ko then I saw Zen at the right side of the road nag so-soundtrip.

I stared at him while he's busy listening to music and not minding his surrounding. Bigla naman siyang humikab, napahikab din ako.

Pagkatingin ko pabalik sakanya, napatingin na siya sa direction ko. Napa-gulp ako, baka nalaman niyang tinutokan ko siya.

Agad ko naman nilingon silang Lia at Angel na abala sa pagkwekwento, bigla ko naman silang hinagit para dalian ang paglakad nila.

"Ate!" Reklamo ni Angel.

"Let's go, ma-lalate na tayo eh," Bulong ko sakanila.

"But it's still 7:20, ate Ari may 40 minutes pa tayo bago magsimula ang klasi eh," Sabi ni Lia. Ang hirap talaga basta batang genius kausap mo.

"Tara na, sige na," At lumakad ako ng mabilis habang nahahagit sila.

Pagkadating namin sa school. Nag separate na kami nilang Angel at Lia kasi sa Starry Mid Campus sila. Sixth-grader na kasi sila eh, first year in middle school.

Pagkapasok namin sa classroom, nangdoon na ang ibang kaklase namin, binati agad kami ni Vanessa, "Good morning, people!"

"Good morning, Van!" Bati pabalik ni Lucy sabay lagay ang bag niya sa upuan.

"Oh I see na kasabay niyo parin si Zephyrus," Bulong ni Van sa amin. Tumingin naman ako sa likod ko na kakarating lang ni Zen sa classroom habang ako nilagay ang bag ko sa lamesa.

Sinundan ko siya ng tingin, pagpasok niya sa classroom hanggang nilagay niya ang bag niya sa upuan niya, napatingin siya sa akin, "What?"

Umiling ako and slightly smile, "Nothing," At umupo na sa upuan ko at sinumsub ang mukha sa bag.

"Okay ka lang, Ari?" Tanong ni Van sa akin. Tumango naman ako. Aishhh. I couldn't say thank you! Pagiisipan ko muna paano.

Nagsimula na ang klase namin.

...

The class went smoothly as expected, break nung pumunta kami sa cafeteria. Wala kasi yung isang teacher namin sa isang subject kaya may one hour break kami, napag-desisyonan naming mag-snack muna.

Hindi namin nakasabay si Bri ngayon, may klase pa. Kaya kami lang ni Lucy, Van at si kuya.

Pagkarating namin sa cafeteria, may iba pang estyudyante dito, wala din siguro ang teacher nila sa isang subject, ang ilan naman ay kaklase namin.

Umupo na kami sa isang bakanteng upuan, bumili kami ng kahit anong snack at inilapag yun sa lamesa at nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

Napatulala ako at iniisip paano ko ba magpasalamatan si Zen.

"By the way, Van. Nakausap mo naba ang coach ng basketball team?" Tanong ni Lucy na kumakain ng chichirya.

"Ay, Oo nga pala," Binitawan ni Van ang kinakain niyang hamburger bago nagpatuloy, "I did talk to coach Stephen yesterday," At bumaling kay kuya, "Pumunta ka daw sa basketball tournament next week, ipakita mo daw sakanya kung gaano ka kagaling,"

"Oh, Andy, chance mo na ito para magpasikat," Lucy said sabay hampak sa likod nito.

"Aray, Lucy, nakaisa kana ha," Warning ni kuya. Ngumisi si Lucy at hinahaplos ang likod ni kuya, humarap naman si kuya kay Van, "Paano mo ba napagusapan ang coach?"

"Let's just say I'm a very friendly person," Sagot ni Van na ngumiti at tumingin sa akin, "What's wrong Ari? Kanina pa kita napapansin natulala ah?"

"Huh?" Napabaling ang atensyon ko sa kanila. Napatitig naman sila sa akin.

"Are you okay, Ari?" Alalang tanong ni kuya sabay lagay ang palad niya sa noo ko, "Hindi ka naman nilalagnat,"

"I'm fine, kuya," I assured him sabay kuha ang kamay niya sa noo ko, "Worry about your varsity,"

"Nangdito ang mga gangster, the Blacklist!" Biglang sigaw ng isang babae, napabaling ang atensyon namin sa gropung kadarating lang.

Natakot naman ang ilan, ang ilan umalis sa cafeteria, napatili ang ilan sa babae't bakla. Naramdaman ko ang pag flinch ni Lucy sa gilid ko at biglang napatago sa blazer niya.

And I remember the rule they said yesterday.

Flashback

"What rule?"

"Diba sabi ko sa inyo, may rule ang mga gangster," Sabi ni Lucy. Tumango kaming kuya.

"Right, one involves every month, they have a new victim," Parang galit nasabi ni kuya, "What about it?"

"May iba pakasing rule bhie bukod pa doon," Sabi ni bakla, si Bri.

"And that is if the victim try to fight back to the bully, they have a big consequences," Dagdag ni Vanessa.

"Oh tapos? Ano bang consequences yan?" Nairitang sabi ni kuya, "Siguro akong pananakot lang yan."

"Dai, posibleng pananakot lang talaga and the consequence is super intense, I tell you," Takot na sabi ni Bri, "One time, the prince gangster has a new victim, that victim try to fight back but ended up dropping out from school, we don't know the reason at all, who knows what that bully did."

"Ayaw ko pa naman ma-expelled or worse mamatay, Ari," Biglang hagit ni Lucy sa braso ko at naiiyak.

"Tsk," Si kuya na nairita na talaga na napagulo sa buhok niya.

"Okay lang yan, Lucy," Patahan ko sa kaibigan ko, "Don't worry if he bullies you again, we'll be there."

"You sure got that right, Ari," Sabi ni Van, "What are friends for?"

"So wag' ka na mag-alala, ateng," Haplos ni Bri sa likod ni Lucy, "Sige ka makatagyawat ka niyan sa kakaiyak mo."

Napatawa naman si Lucy sa sinabi ni Bri, I smiled.

"I fight him back, if I were you," Sabi ni kuya na pinataas ang sleeves nito, handa na makig away.

"Sus, ayaw mo nga sa mga ganyan eh kasi baka masira mukha mo," Natatawang saway ni Lucy sakanya. Napangsi naman si kuya.

End of Flashback

I tried so hard to block Lucy from the view of Zack but ended up fail, when he fixated his target on his grey eyes.

He walk his way on our table with his blacklist gang, name of his group behind him. Napagulp si Lucy sa likod ko. Tumahimik ang buong cafeteria, lahat naka tutok sa mga gangster na patungo sa lamesa namin.

Napatigil ito sa harapan ko habang nasa likod ko naman si Lucy na tumatago parin sa blazer niya, "Get out of my way," Ma autoridad nitong sabi sa akin.

I stared at him, "Why should I?" I asked. Napatutok lahat ng nanonood sa amin. Pinagmasdan ang mga pangyayari.

"Because I said so," Sagot nito.

"You don't have the rights to get me off my seat," Walang gana kong sabi.

Sarkastiko naman itong tumawa, "You're feisty, no wonder that kid like you," Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"I said get out," Mariin nitong sabi, naiirita na.

"I don't want to," Mariin ko ding sagot.

"I said get the hell out-" He attempted to grab my arm nang biglang tumayo si Lucy sa likuran ko dahilan para mapatingin kami sakanya.

Napabughaw ng hangin si Lucy at inalis ang buhok sa mukha niya bago tiningnan si Zack ng masama, "I have enough of your games, Mr. Trent," Sabi nito at pumunta sa harapan ni Zack, shielding me.

"I don't care about your stupid rules anymore, kung tutuusin ikaw lang din ang naglabag sa sarili mong laro eh," Matapang nitong sambit, "C'mon, give me that damn consequences they're talking about!"

Shock was all over Zack's face, he didn't expect that. Well, we didn't expect that. Who knew Lucy could be this brave.

Ang nagugulat nitong mukha ay napalitan ng mapahangang ngisi, "You said it," Bigla niyang kinuha ang shake na iniinom ng isang gangmate nito at binuhos yun sa ulo ni Lucy.

Napanganga ako sa pangyayari, "What the hell do you think you're doing?!" Sigaw ni kuya at napatayo.

Nilapitan ko agad si Lucy at tinulungan siyang punasan yung shake sa mukha niya. Aish. Isn't this a bit enough. It reminded me that day.

Nagulat ang ilan especially silang Bri at Van. Nag-alala ang ilang nanonood. Why aren't they doing anything? Is it because of fear? Or is it because he's a prince

Tumatawa naman ang mga blacklist, ngumisi lang si Zack, I glared at him habang pinunasan parin ang maligkit na shake sa mukha niya gamit ang panyo ko.

Inalis ni Lucy ang basang buhok niya saka tiningnan ng masama si Zack, halatang galit sa ginawa nito. Buhusan ka nga ng shake, hindi kaya ka magagalit? Tumawa naman ito, "It suits you well, Lil' Lily,"

Lil' Lily? Ito ba ang saway niya kay Lucy? Ang pagkaalam ko, Lucy's favorite flower is lily.

"You bastard!" Biglang kwenelyuhan ni kuya si Zack, kalma lang itong tininganan si kuya habang ang mga kamay nasa bulsa.

"Kuya," Binalaan ko siya at aakmang susuntukin na sana niya ito nang inawatan ni Lucy.

"Andy, wag'" Sabi nito, hindi lumingon si kuya, "You don't want to be on the guidance office on your first week of school," Bulong ni Lucy, unti unti naman binitawan ni kuya si Zack, napangisi naman ito.

Hinarap ni Lucy si Zack, "Do you want to know what suit you too?" Sarkastikong ngisi ni Lucy. Napakunot noo namang tumingin si Zack sakanya.

Humakbang patungo si Lucy kay Bri at ngitian ito bago kinuha ang juice ni Bri, "Hihiramin ko lang ito sandali bhie ha," Bago pa makapagsalita si Bri, bumalik na si Lucy sa harap ni Zack.

"Cheers?" Ngiting sabi niya at inihagis ang juice sa mukha ni Zack.

Nagulat naman kami sa nangyari, ang ilan napatigil sa tawa lalo na ang mga blacklist gang at silang Bri at Van.

Napakagat labi ako, trying not to laugh on Zack's reaction, hindi mapalagay ang kanyang itsura.

The silent atmosphere earlier became a laughing one. He shot a glare on his gang mate who's laughing at him before he shot a death glare on Lucy, who shrug, "The game is on," Declared nito.

He smirked at sinuklay ang kanyang basang buhok gamit ang daliri nito, "Didn't know you had it in you, Little Lily," Sambit nito at nilapit ang mukha sa mukha ni Lucy and smirk, "It's on," At pinitikan ang noo nito bago lumakad paalis sa cafeteria, sumunod ang mga membro ng blacklist sa kanya.

Napahawak si Lucy sa noo niya bago bumagsak sa sahig dahil siguro sa takot, inilayan ko naman siya, lumapit silang Bri at Van, "You okay, Lucy?" Alalang tanong ko. Tumango siya habang pinagmasdan ang Blacklist lumabas sa cafeteria.

"Never been better," Sagot niya.

And the war begin between Little Lily and the Prince Gangster. That Bully and The Target.

to be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top