kabanata IV
Nakabusangot akong tumayo para kumuha muna ng toyo kina Tita Wina.
S’yempre mas gugustuhin ko pang makaharap ang tingting na ‘yon kaysa sa dragon na version ni mama.
Scary...
Hindi naman kalayuan ang bahay nina Tita Wina kaya nakarating din ‘agad ako ng walang suot na slippers.
“Pabili!” sigaw ko ng makitang walang nag babantay sa tindahan. Maya-maya ay dumating din ang naglalakad ba tingting— este si Janyx.
“Ano?”
“Galit ka?” kumunot lang ang noo nito at inurapan ako na ginantihan ko rin ng irap.
“Kuha muna raw kami ng toyo mo.” Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.
“Akala ko ba bibili ka? At saka anong toyo ko?” toyoin ka naman talaga.
“Bigyan mo na lang ako ng toyo na naka-pack ‘yung malaki dalian mo. Tapos magkano raw lahat nakuha namin sainyo?” Umupo ako sa gilid habang hinihintay siya.
“Eto na.”
Napamura na lang ako nang ihagis nito sa mukha ko ang toyo....
“211 lahat.”
“Okay. Madapa ka sana.” Tumalikod ako. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong natalisod sa malaking bato.
Kinuha ko ito at buong lakas na hinagis sa bubong nina Janyx dahilan para matigil ito sa pagtawa ng malakas.
“Kasalanan ko bang kinarma ka agad?” tanong nito na hindi ko na pinansin.
Kahiya. Bwisit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top