Chapter 17
I did my morning routine when I woke up the next morning. Walang pagmamadali sa pagkilos ko. Gusto ko rin kasing namnamin ang rest day ko dahil balik trabaho na ako bukas. I wanted to recharge my body and my mind before I get back to work again.
Inilista ko na rin ang mga bibilhin ko mamaya para sa apartment. Baka kasi may makalimutan ako. Isasabay ko na rin siguro ang mga bibilhin ko para sa sarili kong clinic sa hospital. Uunahin ko na lang muna iyong mga madaling dalhin.
Nang matapos ay nagluto na ako para sa almusal ko. It's already ten in the morning. Sigurado akong late na ako makakapag-lunch mamaya. Ayos na rin dahil alam kong magiging abala ako sa pamimili.
Naninibago ako na wala si Lilac. Naninibago akong walang pinakaing pusa ngayong umaga kaya rin siguro dalawang servings ng pagkain ang nailuto ko ngayon. Problemado ko tuloy tinignan ang apat na meatloaf, apat na hotdog at dalawang itlog na nakahain sa lamesa. Sinangag ko ang natira kong kanin kagabi pero alam kong sobra rin iyon para sa akin.
Halos matawa ako sa palusot na ginawa ng isip ko. Si Lilac talaga? Hindi naman pagkain ng pusa 'to.
Napatingin tuloy ako sa pintuan bago sumulyap sa wall clock. Alam kong mga ganitong oras umuuwi si Gray. Kaya lang... baka kumain na s'ya bago umuwi.
I sighed. Napatingin ulit ako sa mga pagkain sa lamesa. Bakit ba kasi pang-dalawang tao ang niluto ko?
Naglakad ako palapit sa pinto pero hindi iyon binuksan. Tumayo lang ako sa harap noon, pinag-iisipan kung aalukin si Gray o hindi. Baka rin kasi tulog na 'yung tao dahil nga kumain na bago dumiretso ng uwi.
Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung anong gagawin nang makarinig ako ng pagkilos mula sa labas. Sigurado naman akong si Gray 'yon dahil kami lang naman ang gumagamit nitong third floor sa apartment building na 'to. Mukhang kakauwi n'ya pa lang galing sa Cold Spot.
Bago pa ko makapag-isip nang mabuti ay namalayan ko na lang na binuksan ko na ang pinto ng apartment ko. Dahil magkatapat lang ang pintuan ng apartment ni Gray at ng sa akin kaya nakita ko agad s'yang nakatalikod sa gawi ko. Suot n'ya na ulit ang itim na tshirt n'ya at ang white cap ay nakasabit sa lusutan ng belt ng slacks n'ya. I heard beeping sounds that I think was coming from the lock of his door.
Oo nga pala. Naalala kong sinabi ni Mang Gener na pinalitan ni Gray ang lock sa lahat ng pinto sa mga unit dito. Hindi na de-susi gaya nang akin.
Narinig n'ya siguro ang pagbubukas ng pinto ko kaya lumingon s'ya sa likod n'ya. He stopped and automatically smiled as soon as he saw me.
"Rey!" he exclaimed. Mukhang nagulat pero mukha rin namang s'yang masaya na makita ako. "Good morning!"
"Good morning!" I greeted back. "Kakauwi mo lang?"
He nodded. "Naglinis pa kami, eh. Sabado ngayon kaya maraming tao mamaya."
"Kumain ka na ba? Gusto mong kumain muna? Napasobra kasi 'yung luto ko," alok ko sa kanya bago pa ko tamaan ng hiya.
Tumunog ang lock ni Gray, nabuksan na n'ya siguro. Pareho pa kaming nagulat sa pagtunog no'n at wala sa sariling nabuksan ni Gray ang pinto ng apartment n'ya. Nakita kong may lumabas mula sa loob papunta sa apartment ko na kulay puti pero dahil mabilis ay hindi ko masyadong naaninag kung ano 'yon.
"Ano 'yon?" tanong ko pa sa sobrang bigla bago tumingin sa loob ng apartment ko.
"Lilac!" narinig kong tawag ni Gray sa pusa bago ko pa nakita si Lilac na tumalon paakyat sa sofa at umupo doon.
Tsaka lang ako natawa. Kinabahan pa ko! Hindi pa kasi nabubuksan ng buo ni Gray ang pinto ng apartment n'ya pero si Lilac ay tumakbo na agad papunta sa apartment ko! Akala ko kung ano na 'yung nakita kong tumakbo!
"Ayaw mo na ba sa 'kin, ha?" tanong ni Gray kay Lilac na nakatingin lang sa kanya. "Binigyan ka lang ng chicken, pinagpalit mo na ko!"
Natawa ako sa narinig na pagtatampo sa boses n'ya. I looked at him and I saw him frowning at Lilac. Si Lilac naman ay nag-meow ng isang beses bago kami tinalikuran.
I smiled at Gray. He looked at me and my smile widened when I saw him slightly pouting.
"Kain tayo?" yaya ko sa kanya.
He stared at me for a second before I saw his smile again. Sunod-sunod s'yang tumango sa 'kin.
Niluwagan ko ang bukas sa pinto at pinapasok si Gray. Nang madaanan n'ya si Lilac ay ang sama ng tingin n'ya sa pusa.
"Mas na-miss pa 'yung Mommy n'ya kaysa sa Daddy n'ya," he said. "Hindi ka naman gan'yan sa 'kin!"
I chuckled. Nauna na kong pumunta sa hapag at sumunod naman sa 'kin si Gray. Kumuha ako ng dalawang plato pati na rin mga kutsara at tinidor. At dahil siguro s'ya ang naghugas ng pinagkainan namin kahapon kaya alam n'ya kung saan nakalagay ang mga baso. Kumuha s'ya ng dalawa at inilagay iyon sa hapag. S'ya na rin ang kumuha ng pitsel ng tubig na nasa ref.
Magkaharap kaming umupo sa hapag. Si Gray na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Tahimik ko lang s'yang pinapanood habang ginagawa n'ya 'yon. Siguro, bumabawi dahil ako na ang nagluto kaya s'ya na sa mga ganito.
"Pinakain mo na si Lilac?" tanong ko dahil nagtataka ako na hindi yata nanghihingi ng pagkain. Tsaka ko lang naalala na kakauwi pa nga lang pala ni Gray nang makita ko s'ya kanina. Hindi pa nga nakakapasok sa mismong apartment n'ya.
"Hindi," Gray said. Naglalagay na rin s'ya ng pagkain sa plato n'ya. "Busog pa yata. Manghihingi naman 'yan ng pagkain kapag gutom na."
Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. We ate in silence. Pasimple akong sumulyap kay Gray, inoobserbahan s'ya. Nakita kong magana s'yang kumakain kaya napangiti na lang ako at ibinaba ang tingin sa plato ko.
Hindi pa s'ya kumakain. Buti na lang pala napasobra ang luto ko.
"Aalis ka?" Gray asked after a while.
Tumango ako. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago s'ya sinagot.
"Oo... Baka hindi na ko magka-time sa susunod. May mga pasyente na kasi ako."
"Saan ka bibili?" he asked. Hindi pala n'ya nakalimutan 'yung sinabi ko kanina.
"Sa mall. 'Yung malapit lang din sa hospital." Hindi ko pa nga pala alam kung anong pangalan ng mall na 'yon.
"Sasamahan na kita," he said.
"Ha?" Napakurap-kurap pa ako. Lagi na lang yata ako nabibigla sa mga sinasabi n'ya.
"Sasamahan na kita," ulit pa n'ya.
"Bakit?" I asked. That was so random.
"Para may kasama ka."
"Ayos lang naman sa 'kin kung wala akong kasama. Tsaka hindi ka pa nga yata natutulog."
I stared at him. Halata ang pagod sa mukha n'ya. Mas magulo na ang buhok n'ya ngayon. I know that he has a messy hairstyle but it's messier now. Pero hindi pa rin naman iyon nakabawas sa kagwapuhan n'ya.
Hindi naman yata talaga nababawasan ang kagwapuhan ni Gray. S'ya ang pinakagwapong lalaking nakita ko. Marami namang kaibigan si Ace at mga gwapo rin, pero iba si Gray. Iyong mapapangiti ka na lang dahil sa sobrang gwapo n'ya, idagdag pa na palagi rin s'yang nakangiti. At kahit buong araw s'yang titigan, hinding-hindi magsasawa ang kung sino.
The tiredness in his gray eyes was so obvious. Pero mukhang wala lang sa kanya 'yon.
"Hindi naman ako inaantok," he reasoned out.
"You still need to rest, Gray..."
Hindi s'ya nagsalita. Tinitigan lang ako. I saw him wet his lips with his tongue. Mas lalo tuloy pumula ang mga labi n'ya kaya hindi ko napigilan ang mapatitig doon. Then I heard him chuckle.
"May bibilhin din ako," he said. His eyes twinkling and he seems like he was glad about something. Hindi ko naman alam kung para saan. "Tsaka baka marami kang bilhin. It'll be convenient if we'll use my car."
He's right. Sa tingin ko ay marami-rami rin akong bibilhin at mas convenient nga kung may sasakyan. Pero nag-aalala ako sa kanya dahil hindi pa s'ya nagpapahinga. Naalala ko iyong isang beses na inakala n'yang apartment n'ya 'to kaya sa sofa ko na nakatulog.
I'm worried that might happen again. Paano kung sa ibang lugar s'ya makatulog at mapahamak s'ya?
I heard Gray chuckle kaya napatingin ako sa kanya. Nakita n'ya siguro ang pag-aalala sa mukha ko kaya s'ya natawa. He was grinning at me, gray orbs were mixed with amusement and happiness.
"I'll take a rest when we get home... I promise."
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Natapos kaming kumain at nagpresinta ulit s'ya na s'ya na ang maghuhugas ng mga plato. Kahit anong tanggi ko ay mapilit talaga s'ya. Hindi yata talaga nagpapatalo 'tong isang 'to.
"Ayoko namang panoorin ka na lang habang naghuhugas ka," sabi ko. Hindi talaga ko mapalagay doon.
"Pakainin mo na lang si Lilac," he said. Napatingin ako sa pusa at sakto naman na nakita kong tumayo si Lilac at lumapit sa 'ming dalawa ni Gray. He meowed and I know that he's hungry now.
"Chicken?" I asked. Baka kasi magtampo na naman 'tong si Gray kapag manok ang pinakain ko kay Lilac.
"Cat food," he said. "Nasa apartment ko 'yung pagkain n'ya. Zero-eight-zero-seven."
"Huh?" Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan kung para saan 'yung mga numbers na sinabi n'ya.
"My lock code. Zero-eight-zero-seven."
Napatulala ako kay Gray. Hindi ako makapaniwala na gano'ng kadali n'ya lang binigay sa 'kin ang lock code ng apartment n'ya. Na para bang matagal na kaming magkakilala at malaki na ang tiwala n'ya sa 'kin.
Tumalikod na si Gray at nagsimula nang maghugas ng mga plato. Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo sa likuran n'ya, pinag-iisipan ko kung papasok ba talaga ako sa apartment n'ya.
But he gave me his permission. Sinabi pa nga ang lock code sa 'kin. I guess... it's okay?
Narinig kong nag-meow si Lilac kaya napatingin ako sa pusa na nakatayo sa paanan ko at nakatingala sa 'kin. Parang sinasabi na nagugutom na s'ya kaya 'wag na akong magdalawang-isip pa at kunin na ang pagkain n'ya.
Napatingin ako sa likuran ni Gray. Mukhang wala na talagang planong pansinin ako. I sighed. Nagsimula na akong maglakad palabas sa apartment ko at tumigil sa harap ng apartment ni Gray.
I didn't let myself think more about it and started punching the code that Gray gave me. The lock beeped, indicating that it's open. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
The apartment looked like just my apartment, but mirrored. Walang gaanong dekorasyon sa loob. Parang itsura ng aparment ko noong unang araw kong pumasok doon.
Nakita ko ang lalagyan ng pagkain ni Lilac kaya kinuha ko 'yon pero wala nang laman. Dumiretso ako sa ref, hoping to find Lilac's food refill there but all I found was an empty fridge. Tubig at beer lang ang laman.
Walang pagkain?
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang mga cupboard doon. I found one full of Lilac's food pero bukod doon, wala nang laman ang iba.
Hindi ba kumakain si Gray? O puro deliveries? O sa labas talaga s'ya kumakain?
Pero umuwi s'ya ngayon at base sa gana ng pagkain n'ya kanina, halatang hindi pa s'ya kumakain bago umuwi. Ano 'yon? Magpapahinga s'ya galing sa trabaho nang hindi man lang kumakain? O magpapa-deliver na lang s'ya?
I took a deep breath. Nilagyan ko ng pagkain ang lalagyan ng pagkain ni Lilac at lumabas na doon. Nang makapasok ako sa apartment ay sinalubong ako ni Lilac at sinundan hanggang sa mailapag ko ang pagkain n'ya. The cat immediately eats his food.
"Anong oras ka aalis?" Gray asked. Nagpupunas na s'ya ng kamay. Mukhang katatapos lang maghugas ng plato.
Ilang sandali ko s'yang tinitigan. Naalala ko ang walang laman n'yang ref at cupboards.
"Ngayon na sana. Magbibihis lang ako."
"I'll take a quick shower," he said. "Wait for me. 'Wag mo kong iiwan."
I smiled at him and nodded as an assurance that I won't leave him. Mukha naman s'yang nakahinga nang maluwag doon. He smiled at me before he left my apartment.
I went to my room to get dressed too. I decided to wear comfortable clothes so I can move freely while shopping. Pantalon at simpleng top lang ang sinuot ko, and white sneakers dahil alam kong maglalakad-lakad ako para hanapin ang gusto kong bilhin.
Naalala ko na naman si Ace. Parang naririnig ko sa isip ko ang boses n'ya na sinasabing I should always wear a dress. For him, it'll make me look elegant. Like how his friends' girlfriends look. He wanted me to look like them too.
I wore my hair in a ponytail. Light makeup lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Nang makuntento na ko sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Lilac na natutulog na ulit sa sofa.
I chuckled. Lumapit ako sa pusa at hinaplos ang malambot at puting balahibo n'ya. Nag-inat lang saglit si Lilac at bumalik din sa pagtulog.
"Okay, sige. Dito ka lang," I said. Mukhang wala na kasing balak umalis si Lilac sa apartment ko.
I stood up and went outside my apartment. Nakita ko si Gray na nakasandal sa nakasaradong pinto ng apartment n'ya. He looked fresh with his white vneck shirt over a light gray flannel and a maong pants. Nakasuot pabaliktad sa ulo n'ya ang black cap n'ya.
He loves wearing caps, pansin ko lang.
He smiled widely when he saw me. Nawawala ang nakikita kong pagod sa mga mata n'ya sa tuwing ngumingiti s'ya.
"Let's go?" he asked. Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa elevator.
Nang makalabas kami ay napansin kami ni Mang Gener. Napangiti ang gwardya nang makita kaming dalawa ni Gray.
"Parang kagabi lang magkasama kayo, ah?" pansin n'ya sa 'min.
"Nagpumilit po s'yang sumama, Mang Gener, eh," sabi kong kunwari ay nagrereklamo.
"Nasaan si Lilac?" he asked.
"Nasa apartment ni Rey, Mang Gener. Doon na gustong tumambay," Gray answered.
"Edi walang kasama 'yung pusa do'n?"
"Ayos lang ho. Baka kasi umuwing buntis 'pag pinagala ko."
Napatingin ako kay Gray. He was clearly teasing me again. Sinimangutan ko s'ya. Nang tumawa s'ya ay lumapit ako sa kanya at pasimpleng kinurot ang braso n'ya.
"Aray!" daing n'ya pero natatawa naman. "Ang brutal mo naman!"
"Nang-aasar ka na naman kasi!" reklamo ko.
Gray just chuckled. Binalingan n'ya si Mang Gener na nakangiti sa aming dalawa.
"Sige ho, Mang Gener. Uuna na kami," paalam n'ya.
Mang Gener nodded. "Mag-iingat kayong dalawa."
Gray drove us to the mall. Sa daan ay sinabi ko sa kanya kung ano-ano ang mga bibilhin ko. He said he knew stores that sell cheap but good quality of the things I'm gonna buy. Mas hindi tuloy ako nagsisi na isama s'ya ngayon. Marami s'yang alam sa lugar habang ako ay wala pa.
"Anong una mong bibilhin?" tanong n'ya nang nasa mall na kami.
"Ikaw na lang mauna," I said. "Marami ang bibilhin ko. Baka mawalan ng time kapag hindi natin uunahin 'yung sa 'yo."
"Ha?" Napakamot s'ya sa gilid ng kilay n'ya. "Ayos lang. Madadaanan naman natin."
"No. Unahin natin 'yung sa 'yo. Ano bang bibilhin mo?"
"Basta... 'Yung sa 'yo na muna ang unahin natin. Marami 'yon."
I squinted my eyes at him. Nagdududa na tuloy ako kung may bibilhin talaga s'ya o sinabi n'ya lang 'yon para pumayag akong sumama s'ya ngayon.
Nag-iwas ng tingin sa 'kin si Gray at mas dumagdag lang 'yon sa hinala ko. Hindi ko lang makumpirma dahil hindi ko naman maisip kung bakit gugustuhin n'yang samahan ako sa pamimili ngayon.
Gray looked at me. Nang makita ang nagdududa ko pa ring tingin sa kanya ay nag-iwas ulit s'ya ng tingin. He removed his cap on his head. Ginulo n'ya ang kulay abo n'yang buhok at napabuntong-hininga bago tuluyang tumingin sa 'kin.
"Sa pet shop tayo. Para kay Lilac ang bibilhin ko," he said.
Tumango ako at sinundan papunta sa pet shop. Kay Lilac naman pala ang bibilhin n'ya. Mas inaalala n'ya pa yata ang pusa kaysa sa sarili n'ya.
We entered the pet shop. Ramdam ko ang pagtingin ng mga tao sa 'min, mas lalo na sa kasama ko. Kahit casual lang ang suot ni Gray ngayon, hindi pa rin naitago noon ang charm n'ya. Hindi pwedeng hindi mapapatingin sa kanya ang lahat ng mga kasama n'ya sa isang lugar the moment he walked in. Mahirap ignorahin ang isang katulad n'ya.
Si Gray naman ay walang pakialam. He was looking around, finding the thing he's gonna buy. Sinusundan ko lang s'ya dhil hindi ko naman alam kung anong bibilhin n'ya.
"Woah..." I heard him muttered after a while. Pagkatapos ay nilingon n'ya ko. "Rey, tignan mo 'to."
Lumapit ako sa kanya. Mga damit pala ng pusa ang tinitignan n'ya. Napangiti tuloy ako, ini-imagine na suot iyon ni Lilac.
"Mommy, ano sa tingin mo? Bagay ba sa baby natin?"
Napatingin ako kay Gray. He was holding tiny clothes, obviously for a cat. It was a green dinosaur onesie.
Napatitig lang ako sa hawak n'ya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang uunahin ko. Kung tungkol ba sa sinabi n'ya na nagpabilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sobrang kaba ko ngayon, o sa hawak n'ya na alam kong cute para kay Lilac.
May isang babae akong napansin na malapit sa amin. She was smiling. Alam kong narinig n'ya ang sinabi ni Gray. Nang makita n'yang nakatingin ako ay ngumiti s'ya sa akin at nagpatuloy sa pamimili.
I looked at Gray. His gray eyes were looking at me, gleaming with happiness. He winked at me and I felt my blood rose to my cheeks.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"B-bagay..." I said. Alam kong mahina pero mukhang narinig naman ni Gray.
"Bilhin natin?" he even asked.
"Ikaw bahala," sabi ko at tinignan ang mga bell necklace doon. I took the blue one and showed it to Gray. "Ito rin."
Lumapit sa 'kin si Gray. Kinuha n'ya ang bell necklace na hawak ko at nakangiting tumingin sa 'kin.
"Okay."
Nang mabayaran namin ang nakuha n'ya ay sinamahan na ako ni Gray sa pamimili ng gamit para sa apartment ko. He was telling the truth. Dinala n'ya nga ako sa mga store na mura pero maganda naman ang quality. Malaki tuloy ang natipid ko dahil sa kanya kahit nabili ko ang lahat ng gusto kong bilhin.
It was already five p.m. when we finished my list. Nararamdaman ko na ang gutom. At mukhang ganoon din si Gray dahil nagyaya s'yang kumain.
"Kumain muna tayo bago umuwi," he said while driving. Tumango na lang ako sa kanya. He was the one behind the wheels.
We went to a casual restaurant. Mukhang hindi iyon ang unang beses doon ni Gray, mukha ngang madalas s'ya doon dahil binabati s'ya ng mga waiter at waitress.
"Bago na naman?" pansin ng isang waiter nang tumingin sa 'kin. He guided us to our seats.
"Shut up," pabirong sabi ni Gray. Nagtawanan sila ng lalaki na umalis rin nang ibigay namin ang order sa kanila.
"Ang dami mong kakilala, 'no?" sabi ko kay Gray nang makaalis na ang lalaki. "Mga nagpupunta rin ba sa Cold Spot sila?"
Gray shook his head. "Nakilala ko lang. Dito kasi ako madalas kumain."
"Then all of a sudden naging mga kaibigan mo na?"
"Hmm... Not really friends. More like acquaintances," he said. "Ikaw rin naman. Maraming mga acquaintance. 'Yung mga pasyente mo."
"They wouldn't even want me to be their acquiantance. Kapag kinakausap nila ako, problema nila ang pinag-uusapan namin."
He smirked. "Touché."
"Our works were the opposites, pansin mo? People go to your place to have fun and forget about their problems. While people go to my clinic to face and talk about their problems."
Gray chuckled. He stared at me.
"They say opposite attracts," he said with a wide grin on his face. "Gusto mong patunayan natin kung totoo nga ang kasabihang 'yon?"
I blinked. Nandoon na naman ang kaba sa dibdib ko. "Ha?"
"We're not quite the opposite, though. We're both living alone. Bakit hindi na lang kaya tayo magsama? Mas okay ang may kasama kaysa ang mag-isa," he even wiggled his brows.
Napasimangot ako. Inignora ko na lang ang bilis ng tibok ng puso ko at sinamaan s'ya ng tingin.
"Ganyan na ganyan 'yung sinabi ng lalaking lumapit sa 'kin kagabi," I said. "Sa 'yo nila natutunan ang pick-up line na 'yan, 'no?"
Ang lakas ng naging tawa ni Gray. Mas napasimangot tuloy ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang sandali bago ako tumingin ulit sa kanya at nakita kong nakangisi s'ya sa 'kin.
I frowned. Pero hindi ko rin naman natagalan ang pagsimangot kong 'yon nang ngumiti s'ya. I couldn't help but laughed and flashed him a smile too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top