Soup

Chapter 6

NAKATITIG lang ako sa mukha ni Lucius habang natutulog pa rin ito sa sofa.

Grabe, iba talaga visuals ni Strawberry Condom! Kung nasa Ppop group siguro 'to baka siya ang main visual. Iba talaga ang taglay ng kag'wapuhan niya.

I can't help but stare at his pale pink, smooth skin... that slightly elevated bridge nose and small pinkish lips.

Taya ko buhay ko, ang dami ng babae at katulad ko na nahumaling sa ganitong hitsura. Isa rin talaga 'to sa takaw atensyon sa public places---

"Studying his anatomy----"

"Gag---Vleex naman!" malapit na akong mapasigaw. Buti na lang at napigilan ko ang aking sarili na hindi tumili dahil sa takot.

Inis kong tinapunan ng tingin ang lalakeng nakasandal sa kabilang dulo ng sofa habang nakatingin sa akin. He's just staring at me with his mocking smile.

"I love how you pronounce my name," he mumbled. Napakunot ang noo sa kanyang sinabi. "Can you say my name again... please..."

Hindi ko alam pero andiyan na naman sila sa kanilang baby talk. Nakakairita at ang nakakainis pa, hindi bagay sa kanila. Magkaibigan nga silang dalawa.

"Stop with your delusion, mister. Why don't you have your rest after you have a drinking session with your friends---wait, asa'n na ba ang dalawang kasama niyo?"

He pouted, "Say my name again and I'll answer you..."

Parang gusto kong ihampas 'tong bote ng beer sa ulo ng isang 'to. Nanggigil talaga ako sa mga nag-baby talk. Nakakarindi!

"Nah, I won't do it again. Bye, Mr. I'll head to my comfort zone! Adios!"

"Kiss na lang---"

Akmang aalis na sana ako nang nagulat ako sa biglaang paghawak sa aking palapulsuhan ng isa pang lalake na nasa malapit ko lang. Sa sobrang higpit ng pagkakahwak niya rito ay mas lalo akong napadaing at nagpumilit na makakalas.

Pabalik-balik pa tingin ko kay Vleex at kay Lucius. Hindi ko alam pero nako-concious ako sa titig ng isang 'yon!

"Matulog ka na ro'n, Condom boy! Nanghahatak pa, eh!" inis kong tugon dito at nagpatuloy sa paglalakd. Napahimas naman ako sa aking palapulsuhan nang makaramdam ng sakit dito lalo na't hindi pa ako masyadong magaling sa galos ko nitong nakaraan araw.

"S-Steel... t-tabi tayo..."

Napakunot ang noo ko sa kanyang pahabol na mga salita bago ako makapasok sa aking k'warto. Halatang lasing na talaga 'to dahil boses niyang parang inaantok.

"Tabi mo, mukha mo!" I replied annoyingly.

Mabilis naman akong nagtungo sa kama at tinapon ang sarili ko rito.

I couldn't help but feel something was wrong with me. I felt like, my cheeks blushing... lumalandi na naman ba 'ko?

But still, it's a no! Kailangan ko munang may patunayan kay papa.

Napatingin ako sa picture frame sa side table ko. Picture naming magkakasama pa kaming lahat. I smiled seeing those genuine smiles of my family in that image.

Hindi ko alam pero mangyayari pa kaya 'yan sa susunod?

For this day, I let myself rest on that.

◦•●◉✿✿◉●•◦

MABILIS dumaan ang mga araw. Mabuti na lang at gumaling na ako sa aking natamong sugat mula sa lindol. Things have definitely changed between us and Lucius. But still, I call him Berry----shortcut ng Strawberry at kung minsan ay condom na tawag ko sa kanya.

Napapabisita rin minsan ang mga kasamahan niya, makikiinom at gaya rin ng nakasanayan ay umiiwas ako. Mostly ay umaalis ako ng apartment o 'di kaya ay nanatili ako sa aking k'warto. Kumakain, nag-se-selpon o 'di kaya ay gumuguhit.

I also looked for a job near the campus kung saan ako nag-enroll. It's also good that meron sila no'ng course na kinuha ko which was architecture. Naglayas kasi ako ng bahay ay saktong patapos na rin ang first semester.

I will be also having my first work ngayon at sa susunod na lunes naman ay magsisimula na ang klase ko. Sobrang saya ko lalo na't ang napasukan kong restaurant ay para sa mga working student. We can work there whenever we have free time. However, we cannot work past 12 a.m. Therefore, we should ask permission if we are unable to perform our duties on that particular day.

At habang tumatagal din ay nasasanay na ako rito sa kung saan ako kasalukuyang tumitira. Masakit man pero mas minabuti muna nina mama na putulin ang koneksyon sa akin. Para na rin maiwasan ang pag-aaway nila ni papa lalo na't magaling si papa na humuli ng sekreto pagdating sa mga tinatago ni mama sa kanyang telepono.

I'm still getting used to my completely different environment, but for now I'm getting comfortable with it.

Katatapos ko lang magbihis ng aking uniporme para sa aking pagpasok sa trabaho ngayon. Lalo na't whole day ako ngayon sa trabaho.

Lumabas na ako sa aking k'warto at napangiwi nang mapansin si Lucius na kasalukuyang kumakain ng agahan na niluto ko. Kung sino pa 'yong nagluto, siya pa 'yong huling kakain.

I pouted.

"Ayos, ah. Nauna ka pang mag-agahan kaysa sa nagluto." Inis kong salubong dito.

"It's not my problem," he replied. I paid for my meal. Could you just eat?"

My brows arched. Woah, siya pa may ganang magalit.

Yeah, I know. He made a deal with me. Ako magluluto ng meal niya buong buwan in exchange for two-thousand pesos. Wala naman siyang ebas sa 2k na gusto ko at pumayag na si Berry.

Naupo na nga ako at binigyan ito ng nakakamatay na tingin habang sumasandok ng kanin.

"What?" he asked.

"Ahh! I just want to say that I've been working all day today. So no lunch for today. Bawasan mo na lang ang magiging s'weldo ko." I reasoned out.

Kita ko ang pagtigil nito sa pagkain at tinusok ang adobong manok na ulam namin.

"Okay. Maybe I'll just eat outside then." He answered. Mabilis nitong tinapos ang kanyang agahan at dali-daling nilapag sa lababo ang kanyang pinagkainan.

Ayan na naman sa kanyang tantrums ang condom na 'yon. Hindi naman bagay sa kanya ang mag-inarte. Kahit ilang araw pa lang kaming nagkakasama ni Berry, mahihinuha kong kadalasan ay nasa bad mood siya. Ang biglaang pag-switch ng kanyang mood tapos manlalamig na lang.

Sinundan ko na lamang ito ng tingin, agad niyang kinuha ang itim na leather jacket sa sofa sabay sukbit nito sa kanyang balikat. Kahit hanggang sa paglabas nito sa pintuan ay hindi ko maalis ang tingin dito.

Aminado ako, minsan nakaka-intimidate ang presensya niya pero hindi naman awkward ang atmosphere sa pagitan namin.

Mabilis ko na rin tinapos ang aking pagkain, nagsipilyo, inayos ang aking hitsura at umalis na ng apartment.

Sumakay na ako ng tricycle nang makalabas ako ng court, p'wede namang lakarin papuntang trabaho ngunit tinamad na ako.

◦•●◉✿✿◉●•◦

Mag-a-alas otso pa lang ng umaga pero ramdam ko na ang matinding sikat ng araw. Napapangiwi na lang ako lalo na't ang hapdi ng sa balat.

I'm on my way to the restaurant and noticed something.

"Guys, I would like to say that there will be a new hired employee---oh! Nandito na pala siya!" malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ng head namin na si Ate Tarra. Nasa may pintuan ang mga ito at parang may dini-discuss sa ilang kasamahan namin.

I must say that she is cute, Ate Tarra. Bukod sa height niyang 4', isa talaga sa nakaganda sa kanya ay ang morena niyang balat. At ang ganda niya na hindi na kailangan ng kolorete. As far as her physical appearance is concerned, she doesn't seem to care what others think of her.

Tumabi ako kay Ate Tarra at ramdam ko na agad ang paninitig ng ilan sa aking kasamahan.

"Grabe! Ang tangkad mo naman!" She commented and chuckled.

I gave her a smile and face everyone,"Hello po, good morning. I am Steel Casius Zander!" pagpapakilala ko.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga kasamahan ko lalo sa mga babae. Pero kasalungat nito ang nakikita ko sa hitsura ng aking mga kasamahang lalake. Ramdam kong hindi ko sila kasundo.

"Okay, ayaw kong may issue agad, ah. Kung magtatanong siya, please, sagutin natin nang maayos at tulungan natin siya. Boys, 'yong tinginan niyo, ah. Pagdudukutin ko 'yang mga mata niyo!" she warned them. Napakamot naman sa kanilang batok ang tatlong lalake habang nakapamaywang naman ang dalawa.

"Okay po, Miss Tarra!" they replied in unison. Napatingin naman sa akin si Miss Tarra. "Wala ka ng ibang sasabihin, Steel?"

Sasabihin ko ba? Na isa akong maharlika? Kaya ko naman sigurong protektahan ang sarili ko at ang masasakit na salita nila if ever malaman nilang bakla ang bago nilang kasamahan.

Napahugot ako ng buntong hininga at nilakasan ang loob ko.

Bahala na nga!

"I don't want to confuse you, guys. I'm g-gay..." parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan dahilan para hirap akong banggitin ang huli kong sinabi.

Hinintay ko ang ilang segundo bago ko nakita ang reaksyon sa mukha ng aking kasamahan.

"Gosh! Sayang naman, Steel! Crush pa naman kita. Na-love at first sight pa naman ako sa'yo. By the way, I'm Renna." Lumapit si Renna sa akin at nakipagkamay.

"Ako rin, akala ko may forever na. Bawi na lang ako next life, ako pala si Leylanie."

"I'm Nikka!"

"Ako naman si Casset."

"Good morning, ako si Kawoo!"

"Pan-Pan at your service!"

"Hi, bro! ako naman si TT!"

"TT?" gulat kong tanong sa huling kasamahan kong nagpakilala.

"Oo, TT means Tyler Timothy." TT answered.

"Bakit hindi na lang Tyler ginamit mong name?"

"Bakit ba? 'Tsaka gusto ko unique name ko, 'no!' He says, sounding defensive. Sabagay, gano'n naman talaga tayo minsan. May kanya-kanya tayong trip sa buhay.

Nakipagkamay ako sa kanila isa-isa at kita kong walang halong kaplastikan naman nila itong tinaggap.

"Don't worry, Steel. Actually, si manager din ay bakla katulad mo. Closeted gay rin siya pero may boyfriend nga lang." napa-oh ako sa sinabi ni Miss Tarra. "Sa counter ka muna, hijo. Makakasama mo si Leylanie, observe ka muna ng isang oras bago ka maging waiter." She added.

Nagtungo naman ako sa counter at umupo sa bakanteng stool na meron sila at katabi ko nga si Leylani na kasalukuyan ng nakasuot ng black apron at hairnet.

"Here, Steel." Pag-abot niya sa akin ng isang apron at 'yong cap na butas na kapag sinuot ay buhok lang ang makikita.

"Thank you po!"

"Tanggalin mo na 'yong po. I really don't care kahit hindi mo na ako tawaging ate. As long as maayos ang approach mo sa akin ay okay na ako ro'n."

Napakamot ako sa aking tenga. Parang nakakahiya naman ata 'yon. Parang kawalang respeto.

"No po. I will still use po."

"Huwag na nga kasi. 'Eto naman masyadong magalang. Sige na. Gusto ko kasi barkada approach ang peg natin. 'Tsaka, tawagin mo na lang akong Ley or Lanie. Kung saan ka komportable. Okay?" She raised her right thumb.

"O-Okay, L-Ley..."

Nahihiya kong sagot dito.

Hindi na siya sumagot at nagsimula na nga silang magtrabaho.

Sunod-sunod na pumasok sa restaurant ang mga customers. 'Pag ganitong oras ay nag-aagahan pa ang mga tao at naghahanap ng lugar kung saan sila p'wedeng makakain ng mabilisan. May ilan na trip lang mag-resto o 'di kaya ay mas gusto na dito gawin ang ilang important matters nila. Whether for a meeting, a meetup, or just a simple event, the ambiance is calm and peaceful.

Bukod sa pag-obserba ko sa kung paano sila gumalaw at magtrabaho, isa rin ata sa mas lalong nakakuha ng atensyon ko ay ang kung anong mga hitsura ang mga customer sa tuwing papasok sila.

May ilan na parang nahihiya, may ilan na parang nasa rush at may ilan naman na kalmado lang. Halata rin na may mga kabado at marami-rami ang nalilito.

Pero sa huli, ando'n pa rin 'yong kaisipan na nandito sila bilang customer namin.

Matapos ang isang oras nap ag-o-obserba ay nagsimula na nga ako sa pag-se-serve ng dish.

Kinabahan pa ako lalo na't una kong kinunan ng orders ay isang matandang babae. But it was a relief nang malaman na mabait naman pala si lola. She even complimented me on my looks.

Lumipas pa ang mga minuto at nasanay na ako sa pamamalakad dito sa loob. Nariyan ang paglipat-lipat ng lamesa't kumukuha at naghahatid ng mga orders.

Hawak-hawak ko ang isang mangkok ng hindi ko alam na soup. Mas lalong sumisikip ang mga dinadaanan ko dahil halos mapuno na ang mga bakanteng upuan.

Kakayuko ko at hindi napansin ang aking dinadaanan.

Nanlaki ang aking mga mata nang sandaling maramdaman na nawala sa aking mga kamay ang hawak kong tray ng soup.

Kasunod na lang nito ay sumambulat sa akin ang hitsura ng babaeng naliligo ng laman ng mangkok. Basa ang buhok nito, nasa ulo nito ang ilang piraso ng carrots at slice ng repolyo.

Paktay! Anong gagawin? First day na first day ay ang aga-aga kong nagkasala sa customer.

"What the hell!" sigaw ng babae at pinunasan ang mukha nito.

Oh no! It looks like someone will resign from his job soon.

◦•●◉✿6✿◉●•◦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top