Prolouge
#Simula
MAHIRAP mamuhay sa mundong ginagalawan ko ngayon. Napaka-conservative ng aking pamilya sa lahat ng bagay. Andiyan pa 'yong laging naniniwala sa mga pamahiin, pagsunod sa mga salita ng mga nakakatanda at nasa panahon pa rin sila na kung ano ang iyong kasarian ay dapat naayon ito sa iyong kilos.
Hindi ko alam kung minalas lang ba ako o sadyang mapait lang ang tadhana ko sa mundong ibabaw?
All my life, I've hidden my true sexuality from my family. Imagine, for 17 years? Wala ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam na hindi ako purong lalake.
I became fascinated with men's physique after reading a magazine.
Akala nina mama at ate ay mga babaeng nakabini ako nakatitig pero ibang klase pala ng katawan nakatuon ang atensyon ko.
At sa loob din ng labing pitong taon, ilang beses na ba akong tinutukso ng aking mga magulang at kapatid sa mga anak na babae ng aming ka-baryo pero ni isa sa kanila ay hindi man lang tinibukan ng aking puso o tinayuan man lang ng bata ko sa baba.
Nakakatawa mang isipin pero no'ng kinse anyos ako, lagi nang may nagpaparamdam na mga babae sa akin pero ni isa sa kanila ay hindi ko natipuhan. Mas gusto ko pang lumandi sa akin ang lalaki na SSG President namin kaysa sa kanila.
Isa siya sa tinitilian ng karamihan dahil sa galing at husay nito sa academics at sports. Topnotcher siya sa kanilang klase, magaling maggitara, sumasali sa mga pageant sa school at higit sa lahat, magaling sa larong basketball at badmitton. Kaya minsan ko na na-try na sumali sa lahat ng p'wede kong salihan basta ando'n siya.
Nariyan ang mga quiz bee, spelling contest, poster making, naglaro rin ako ng volleyball at basketball. Pero ang hindi ko makakalimutan ay nag-perform kami sa harap ng crowd habang ako 'yong kumakanta at siya naman ang naggigitara.
That was the most special event of my life. Imagine singing Ikaw At Ako while looking at him? Like, my gosh! I'm so freakin' lucky to sing that song for him!
Pero lahat ng pangarap at pantasya ko ay gumuho no'ng naalala kong nandiyan pala sina papa at mga kapatid kong nanonood sa akin.
But kiber! At least I had a moment with him.
Throughout my life, my parents, especially my father, have asked me if I have a girlfriend, but I have never replied. Because I want to concentrate on my studies and enjoy kung sino-sino entertainment.
Growing up, everyone in my neighborhood thought I was straight. Every mother dreams of having the most ideal husband for her daughters.
Sporty, academic achiever, singer, artist, respectful and quite funny. Medyo sablay lang talaga ako sa pagiging religious since nagsisimba ako every Sunday pero hindi gano'n ka-active sa church.
At naririnig ko na lang din palagi na ako ang kinaiinggitan ng mga kalalakihan sa aming barrio dahil mostly sa kababaihan ay ako ang gusto. Bukod tangi rin ako ang pinaka-maputi sa aming magkakapatid kahit na madalas akong magbilad sa araw.
Napatigil ako sa aking pag-iisip nang may biglang nag-snap ng fingers sa aking harapan.
"Hoy, Steel, baka matunaw ang poster ni Daniel Padilla kakatitig mo riyan!" The girl in an oversized plain brown shirt shouted at me. She paired it with a black short and Sandugo sandals.
"Well, Sir Daniel is a pretty catch. Sobrang pogi 'tsaka mabait din. S'werte nga ni Ma'am Kathryn sa kanya," napabuntong hininga na lang ako habang dahan-dahan akong tinutulak ni Lia palayo sa poster.
"Alam mo, hindi rin naman mapapasayo 'yan kaya, halika na!" Sigaw nito at mabilis akong tinulak papunta sa school supplies dito sa Robinson Mall.
"Alam mo! Ang lakas mong manulak. 'Pag ikaw sinuntok ko sa ulo, hilo ka!"
"Ang harsh mo naman," natatawa nitong sabi sabay ayos ng kanyang salamin. "P'wera biro. I never really thought I would get close to you. Vice President Steel Casius Zander."
"Bakit ba ang hilig mong magsambit ng kompletong pangalan?"
"Isn't that bawal? I mean, okay lang naman. Ako nga si President Amaranth Lia Zenn De Oro," sumbat nito sabay hablot ng limang magkakaparehong kulay lilang cartolina.
"Kuha lang ako ng glue sa kabilang section. Kumuha ka ng green or black na cartolina kahit tig-iisa lang para back draft," utos ko rito.
Nagpunta naman ako sa kabilang parte at napaisip-isip habang naglalakad sa isle. Lia and I are planning a photoshoot for our class ID. Ang hirap ng buhay 'pag alam mong ikaw ang laging naatasan sa gawain sa classroom.
Ba't ba kasi ako ang binoto nilang bise presidente? Eh, hindi naman ako magaling sa paghandle ng klase.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Masyado atang bilib ang karamihan sa akin dahil sa pagsali ko ng contest.
Bahala na nga.
Inis akong napabalik kay Lia na ngayon ay naghihirapan nang magbitbit ng mga cartolina. Palapit na sana ako sa kanya nang sandaling magkahulog-hulog ang mga cartolina dahil sa kaliwa't kanan nitong hawak.
"Sorry, Steel! Ang tanga ko talaga," she said while picking up the bundle of bond papers and colored papers. Ako naman ang pumulot ng mga nahulog na cartolina.
"Hindi ka tanga. Hindi ka lang talaga humingi ng tulong. Ako na magbibitbit nito---"
Natigil ako sa aking sasabihin nang tumalikod ako kay Lia dahil halos mawalan ako ng hangin lalo na sa aking kaharap.
Shet! Sobrang lapit ng mga mukha namin! Is this real?
Napalunok ako nang malala at napapatitig sa kanyang maamong mga mata. Ang mapupula niyang labi na kasingkulay ng rosas. Amoy ko pa ang menthol candy sa kanyang bibig.
I even blinked three times just to make sure na kaharap ko talaga siya at hindi ako nanaginip.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang mawawala na ito sa kanyang kinalalagyan.
"Hi," nang sambitin niya ang katagang 'yon ay dali-dali akong napalayo sa kanya at inayos ang aking sarili. Baka mukha akong dugyot sa paningin niya.
"Oh, h-hi..." Nauutal kong tugon dahilan para mapapikit ako sa inis. Damn! Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? "Anong a-atin, Nigel?"
"I was surprised seeing you here at National Bookstore. And by the way, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa Monday ko na sana sasabihin ko sa 'yo 'to and since nakita kita rito..." Napatigil ito sa kanyang sasabihin at bum'welo nang malalim na buntong hininga. "If you want, would you like to come to our house this Tuesday? Uhm, it's my lola's birthday and we'll be having a celebration. I want you to be my partner again for a performance? I-If hindi available ka lang naman---"
"Yes! I'll go to the event!" I replied.
Hindi ko alam pero sobrang saya ko na nakakausap ko siya ng ganito kalapit. Kaya hindi ko rin maiwasan na mapangiti na lang dahil sa kanyang mala-anghel na ngiti.
"Really? Pupunta ka? Thank you, Steel!"
The moment he patted my shoulder, I froze for a second.
Kung hindi ko lang siya kaharap baka nagtatalon at naggugulong na ako sa kama dahil sa ginawa niya sa akin. Grabe, ang s'werte ko naman ngayong araw.
Nabalik ako sa reyalidad nang may biglang malakas na hampas akong naramdaman sa aking balikat.
"Aray naman, Lia! Ano bang problema mo?" Naiinis kong tanong dito.
"Mag-uusap tayo, ah. May itatanong lang ako," iniharap niya sa akin ang isang basket at doon ko naman nilagay ang mga bitbit ko.
Nauna nang naglakad si Lia at iniwan akong tulala sa isle.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pananalita niya. Parang may kung anong masamang mangyayari mamaya.
Natapos ang pamimili namin at pareho kaming nag-ambag dalawa sa gastos. Ako na rin ang nagdala ng pinamili namin.
We're both walking around the mall and to my surprise, Lia pulled me inside an arcade. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siya na hilahin ako.
Napapunta kami sa hilera ng mga dilaw na pintuan at doon ko lang napagtanto kung anong papasukan namin.
Sa isang videoke room.
Napatingin-tingin sa paligid si Lia sabay lock ng pinto para walang makapasok na kahit sino man. Umupo ako sa isang sofa katabi ng videoke machine habang umupo naman si Lia sa kaharap na sofa ko.
Sobrang sama ng tingin niya sa akin habang napapalunok na lang ako sa sobrang kaba.
Ano ba kasing trip ng babaeng 'to. I-try niya lang akong i-seduce at baka makasuntok ako nang wala sa oras. Marunong pa naman akong makipagbakbakan.
She glared at me with a deadly stare.
"Mr. Zander, I want to know something about you. Diretsahan na, ah. This might be offensive... but I want to confirm it from you," muli siyang napatingin sa kanyanh paligid. Mukha siyang tanga, sound proof 'tong nilalagian namin kaya hindi kami maririnig sa labas.
"Are you gay?"
Nagulat ako sa kanyang tanong pero hindi ko pinahalata. Shemay! May Gaydar ata 'tong babaeng 'to.
Paano ba to? Feeling ko naramdaman niya dahil sa kung paano ko titiginan si Nigel kanina.
Masyado na ata akong kinain ng kilig kaya 'di ko namalayan na napatagal ako ng titig sa kanya.
Napalunok ako nang ilang beses at hindi mapakali.
Aaminin ko na ba? Pero baka ipagkalat niya? Yeah, we're close pero hindi ko pa totally alam ang ugali niya.
Bahala na nga.
Mabilis akong lumapit at lumuhod sa harapan niya. Nagulat naman ito lalo na't hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Lia, please, don't tell anyone!" Pag-amin ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata at kasabay nito ay napatakip siya sa kanyang bibig.
"Oh my gosh!"
Pero ang mas ikinagulat ko ay nakikitaan ko siya ng kilig na imbes magalit, mandiri o kasagwaan.
"B-Bakit?"
"My gosh, Steel! Hindi mo lang alam!" I can really tell that she's giggling all this time. "Hindi mo lang alam na pinasaya mo ang BL heart ko!"
"B-BL?"
Ano 'yon? Shortcut ng Blooming? Bromance Lods? Bromine Lithium?
"Baklita ka! Ganyan ka tapos hindi mo alam ang BL. Boy's Love meaning no'n. Nakakaloka ka!"
"Sorry naman," then I pout. "Hindi ko naman kasi alam 'yon." Sambit ko. Tumayo na ako at pinagpagan ang tuhod kong namumula na ngayon.
"Alam mo ba. Sini-ship talaga kita kay Nigel dati pa lang."
"Luh, anong i-ibig mong sabihin?"
"Alam kong naalala mo pa 'yong kanta mong Ikaw At Ako. 'Yong kayong dalawa ang nag-perform sa stage. Do'n pa lang, naisip ko na sana one day ay maging kayo. Yeah, I'm a girl pero mas kinikilig ako sa dalawang magjowang lalake. At hindi mo lang alam na kinilig ako kanina habang ikaw? Nakatitig lang kay Nigel na parang siya lang ang taong nakikita mo!"
Hindi ko alam pero nakakatuwa na hindi siya nandiri sa kanyang nalaman at mas lalo itong natuwa at kinilig.
Gano'n ba talaga ako kahalata kanina?
"Ibig mo bang sabihin ay napatitig ako sa kanya?"
"Kaya nga kita hinampas kanina, 'di ba?"
Napakamot tuloy ako sa aking batok, "Paano na 'yan? Ipagkakalat mo bang ganito ako?"
"Hindi... not unless pumayag ka."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit may condition?
"Ano 'yon?"
"Payag ka bang ikaw ang references ko sa mga BL webtoon ko?" Nangunot ang noo ko sa kanyang tanong.
"What do you mean?"
"I'm a webtoon cartoonist, okay? Alam mo ba 'yong webtoon?" Napatango naman ako since familiar ako roon. "Gano'n ang ginagawa ko---"
"Weh? Hindi ako naniniwala."
"Gano'n nga kasi hobby ko. Naghahanap lang ako ng p'wedeng gawing references at kayo ni Nigel ang gusto kong gawing bida. Ano payag ka?"
Napaisip naman ako. "Payag naman pero anong nakita mo sa akin at kay Nigel?"
"Duh! Everyone on campus is talking about you. Alam mo bang ang daming nagka-crush sa'yo from different grade levels. Paano ba naman kasi, ideal guy ka ng karamihan. Look at you! Your tall, magaling kumanta, nag-va-volleyball, nag-ba-basketball, magaling mag-drawing and pogi ka---"
"And pogi rin ang hanap."
"Exactly!" She exclaimed. I can't help but smile knowing that this girl is supporting LGBTQ+ people.
I nodded at her as a response to her question a while ago.
I saw how her eyes smiled and then hugged me tightly.
Don't know what will happen next. I just confessed to a girl... sana matago ko pa ito nang matagal dahil ayaw kong makaramdam ng disappointment ang mga magulang at kapatid ko.
Now that Lia knows my secret... hope she'll keep this. Dahil sa mundong 'to, lagi na lang nakabantay ang mata ng mga tao sa gaya ko.
This is Steel Casius Zander... and I am gay...
◦•●◉✿Prolouge✿◉●•◦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top