Lucius

Chapter 5

"'ETO na condom mo. Strawberry flavor..." walang pasabing inilapag ko sa kanyang harapan ang isang box ng condom at sukli nito.

Nag-angat ito ng tingin at kita ko ang pangungunot ng kanyang noo nang makita ako. Nagulat naman ito sa aking ginawa.

Naabutan ko na naman siyang nakaupo sa sofa at gaya no'ng nakaraan ay pinapanood niya pa rin ang isang cartoon series na babaeng ladybug at lalaking itim na pusa. Parang hindi ata nagsasawa ang lalakeng 'to kakanood ng cartoons.

"What happened to your face?"

Woah! This is the first time he got curious on me.

"Tsk..." naisagot ko na lamang.

Siyempre, kailangan kong gumanti sa ginawa niya sa akin. Akala niya ata ay madadala niya ako sa kapogian niya.

I won't fall into that trap again... not again...

Ang lakas niyang magpa-mysterious, cold, good looking, young man. Bahala siya mag-overthink sa akin.

Walang pasabing pumasok ako ng k'warto at napansin na gano'n pa rin ang hitsura nito mula no'ng iwan ko 'to.

Napangiti ako't mabilis na itinapon ang aking sarili sa malambot na matress nito.

"Buti naman at walang nawala rito. Pepektusan ko talaga 'yon 'pag nagkataon..." nakapikit mata habang gumulong-gulong ako.

"So, what really happened----"

"'Nak ng!" naisigaw ko sa sobrang gulat. Nang idilat ko ang aking mata ay gano'n na lang ang kaba ko lalo na't ang sama ng tingin ng lalakeng nakasandal sa pintuan. "Why can't you knock?"

"The door is open." walang emosyon nitong sagot.

Grabe! Hindi ko alam pero nag-init ulo sa kung paano niya ako sasagot-sagutin.

"P'wede ba? Let me have a peaceful rest, Mr. Strawberry?"

I saw how his lips twitched at what I had just said.

"Oh, you have an endearment for me, huh? Should I also pick random fruit for you? As our endearment?" tila nang-aasar nitong tugon sa akin dahilan para mag-init ulit ang ulo ko.

Grabe! Ngayon pa lang parang gusto ko nang manuntok ng tao. Patawarin na lang ako ng nasa Taas at baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Mukhang hindi ata nakakaintindi ng pag-iisa 'tong mukhang condom na 'to!

Suddenly, he raised his hands as if he was surrendering, then laughed.

"Okay! Sorry, mister. I get it... you need some privacy," he replied, turning his back on the doorknob. And before he shut the door, he looked back with a creepy smile on his lips. "Should I call you banana? 'Cause you look like one."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

Banana? Saging?

Do I look like that yellow creature from Mr. Gru?

Humugot ako ng buntong hininga at hindi na inisip ang kanyang sinabi.

Pero nakakainis lang! Mukha ba akong minion? Hindi naman ako singliit nila, ah? I am 5'8 tall! Not a 3 feet.

Kung makapanglait 'yong mukhang condom akala mo talaga katangkaran. Six footer lang siya!

Dahil sa inis ko ay pinikit ko ang aking mga mata at ilang beses na nagbilang para mabilis ang pagtulog.

Matapos lang ang ilang segundo ay tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.

◦•●◉✿✿◉●•◦

KATATAPOS ko lang maglinis ng buong bahay.

'Di ko na napansin ang oras at nagising ako ng ala sais ng gabi.

Napagdesisyunan kong maglinis since wala rin naman siya rito. Hindi ko na inisip kung saan naggagala ang strawberry na 'yon.

Strawberry? Why am I calling him strawberry?

Whatever!

I rolled my eyes after I thought about it. I can call him whatever I want. He's still that idiot after all.

Nagpatuloy ako sa pagluluto ng sisig since may karneng nakalakip sa grocery kaya naisipan kong lututin ang ganitong putahe.

After I woke up, I immediately cleaned the bathroom to remove the stinky smell. Ang dami pang basura na hindi man lang maayos na nalagay sa loob ng basurahan. Grabe ang pagkasalaura ng gagong 'yon.

Hindi man lang marunong maglinis!

Wash the dishes, get rid of cobwebs and dust around the corners and other furniture around the house. Mop the floor. I even applied floor polish to make the wooden floor shine like new.

One thing I realized after I did the general cleaning... this would look like an abandoned house if I didn't get up to my feet in order to clean his mess.

Hindi na nahiya, ke lalaking tao hindi man lang marunong maglinis. Gosh! Nag-iinit ulo ko sa kanya talaga!

After I transferred it to a heated plate, I added some minced chili. I then added my final touch, which is the raw egg.

As I looked at my lovely plate of sisig, I smiled. After a couple of hours preparing and cooking this dish, I can finally say that I just got my reward!

Sisig is a sizzling, yummy and aromatic dish.

Matapos kong magluto ay dali-dali akong tumungo sa aking k'warto at mabilis na nagpalit ng damit. Simpleng shorts lang na itim at sandong puti.

Kaming dalawa lang naman ni Strawberry ang nandito at mukhang straight naman ata 'yon kasi may naka-milagruhan naman 'yong babae. Kaya wala siyang malisya sa akin kung ganito hitsura ko.

Akmang lalabas na sana ako ng k'warto nang bigla na lang akong may narinig na ingay mula sa sala?

Shemay! Kung magnanakaw man ito, handa akong makipaglaban.

Walang takot kong pinihit ang doorknob dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay.

Nang sandaling naigalaw ko ang pinto ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Strawberry na akmang tutusukin na ng tinidor ang niluto kong sisig.

"Gago! Sisig ko 'yan!" malakas kong sigaw.

He just gave me a mocking smile and did what a bad boy does.

And yes, tinusok niya ang tinidor sa luto ko at mabilis na kinain ito. Nang-aasar na nginunguya nito ang pagkain ko habang titig na titig sa aking mga mata.

Impit akong nagpigil ng sigaw at inis habang naikuyom ang aking kamao.

Dito ko na hindi napigilan ang sarili ko at mabilis na lumapit sa kanyang p'westo.

"Sabing sisig ko 'yan!"

Andiyan na naman 'yong nakakainis niyang ngiti.

"I didn't know that you could cook, banana."

"At hindi mo rin alam na nanapak ako ng mga bastos!"

Then I threw a not-so-hard punch at him. Ganti ko man lang sa lahat ng insultong nakuha ko sa kanya.

Kita ko ang pagtabingi ng kanyang ulo at sinagot lamang ako nito ng tsk.

"Love your cute sweet punch, banana. What about a sweet----"

"Wow! 'Eto na ba 'yong room ni Lucius?"

Nanlaki mga mata ko nang mapansin ang pintuan na nakabukas. Nakatayo mula sa labas ang hindi pamilyar na mga tao sa akin.

Isang babae at dalawa pang lalake.

Babaeng na naka-boy cut at may highlight ng kulay lila sa kanyang buhok. 'Yong isang lalakeng naka-bonet at may nose piercing at ang isa pang lalaki na matangkad with his emo style. Pero mas kapansin-pansin ang suot niyang leather jacket.

Unang kita ko pa lang sa kanila alam ko ng barkada 'to ni Strawberry.

Wait, ano nga 'yong sinabi ni babaeng may highlight sa buhok?

Lusyo? Lusus? O baka Lucifer? Whatever!

"Yow! May secret jowa na pala si Z-Zero---aray! Ang sakit no'n Tre---S-Say!" napa-arko ang kilay ko sa pinagsasabi ni kuya'ng may bonet. He stammered a couple of times when he mentioned their names.

Sounds so suspicious. What's with those Zero? And Tre? Ugh, nevermind! Buhay naman nila 'yan.

"Shut up, bald!" asik nito at lumayo sa akin.

"Ilag ka na lang, Yaughn!" then the girl chuckled.

"Let's stop messing with them, guys. Let's enjoy this night," pagsalita ng isang lalake sa likuran ng dalawa. "Hi Lucius' roommate! I am Vleex, spelled V-L-doube E and X! 'Eto naman sina Yaughn," turo niya sa may suot na bonet. "At si Saysay. We're delighted to meet you!" nagagalak nitong pakilala.

Then we have Vleex, Saysay, Yaughn, Strawberry, and Lucius.

I faked my smile at Vleex. He's really pretty, but I'm not into emo boys.

"Hi, I'm Steel. Nice to meet you all!" matabang kong sagot dito. "And excuse me!" pahabol ko pa bago kinuha ang plato at dali-daling nagtungo sa aking k'warto.

Agad kong sinara ang pintuan, maingat na inilapag sa sahig ang dalang plato at dahan-dahang napasandal sa pintuan.

Gosh! Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa presensya ng apat na 'yon. Hindi naman sila nakakatakot sa pisikal na kaanyuan. May something talaga sa kanila na hindi ko maipaliwanag.

Napatingin ako sa niluto kong sisig at nagsimula na nga akong tikman ang niluto kong sisig.

Hindi ako makapaniwala na sobrang sarap pala ng niluto ko. Ngayon lang ata ako nagkalasa simula no'ng paglipat ko rito.

Lalantakin ko na sana ang kinakain ko nang bigla na lang ako makarinig ng ingay mula sa kabilang parte ng pinto.

"I admit, bro. Ang g'wapo ng roomate mo."

"Akala ko nga may artista kang roomie, eh."

"Anong nakaka-g'wapo ro'n? Eh, he looks like a bullshit!"

Akmang tatayo na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Makakatikim na sana siya ng ikalawang kamao ko pero huwag na lang pala. Baka magasgasan pa niya ang maganda kong balat. 'Tsaka dapat maging mabuti ako sa mga hayop. Nakalimutan ko tuloy i-respect ang mga animals na gaya niya.

"I t-think I'm gonna like him, Lu!"

Malapit ko nang maibuga ang kinakain ko nang marinig ang sinabi ni Vleex. Tama ako, boses niya 'yon!

"Uy, si Vleex... Andyan na naman siya sa pagiging seryoso niya. Hindi na ako magtataka kung isang araw nanliligaw na 'to kay Steel!"

Si Vleex? Wait, does that mean ay hindi rin straight si Vleex? Malaki ang posibilidad na bi siya, or a closeted gay gaya ko?

Hindi p'wede 'to! Alam ko namang g'wapo siya pero hindi muna ako magpapapila ng mga chupapi. Ang kailangan ko ay kung paano ako maka-survive rito.

"I will! Bukod sa I am pansexual, he's also my ideal type." 

"Edi ligawan mo! Wala ka namang kaagaw ro'n. You can take him. I won't bother. And lastly, he's not mine after all," rinig kong pahabol ni Lucius.

So that's him. Mahaba siya kung makipag-usap sa mga barkada niya habang ang cold sa akin ng gago. Another thing is, Vleex is pan so malaki rin ang posibilidad na parte ng bahaghari si Lu?

Bakit ko ba siya iniisip? I don't even care about it.

Nagpatuloy sila sa kanilang usapan. Mostly pa sa pinag-uusapan nila ay kung gaano kaganda ang apartment namin.

Malinis daw ang dating tinitirhang hawla ng kasama ko.

Paano ba naman kasi, mukhang kulungan naman talaga 'tong tinitirhan niya simula no'ng dumating ako.

Rinig kong may tumilapong tansan sa kung saan dahilan para mas lalong nag-init ang ulo ko.

Nagkakalat na naman ba sila?

Grabe, hindi na nahiya! Ang sarap magwala sa ganitong oras lalo na sa pinagsasabi nila.

Matapos kong kainin ang niluto kong sisig at ilang oras na nagbabad sa social media ay napagdesisyunan kong lumabas muna para hugasan ang pinggan.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit may takot na ako sa mga bibisita sa bahay. Basta, gusto ko na lang na magtago sa k'warto hanggang sa umalis sila. 

Nagulat naman ako sa aking nakita. Wala na si Saysay at Yaughn sa inuman. Naiwan na lamang dito si Vleex at Lucius na halatang lasing.

Paano ba naman kasi, mukhang knockdown na ata ang dalawa. Eh, kalahati pa lang naman ng empi ang naiinom nila.

Maingat akong naglakad papuntang kusina para hugasan ang kaisa-isang platong kinainan ko. Nagsipilyo at naghugas na rin ng mukha dahil matutulog na ako.

Muli akong napabalik ng tingin sa dalawa na halatang diyan na sa sofa matutulog.

Hindi ko rin ma-gets kung bakit naka-topless si Lucius? Gano'n ba epekto ng alak sa kanya?

Ever since natikman ko 'yang pahamak na likidong iyan, parang gusto ko na lang umiyak at iwasan ito hangga't maari.

Gano'n pala ako malasing, hindi na alam ang ginawa sa nagdaang gabi.

Good thing I experienced it once at dahil din do'n nagbago ang ikot ng buhay ko.

Natakot man ako sa katotohanan na iba ang epekto ng alak sa akin, ando'n din naman ang katotohanan na ito rin ang dahilan kung bakit nalaman ang lahat ang kaisa-isa kong tinatago.

Mapait akong napangiti habang nakasandal sa lababo.

In a single snap, everything around me changed. In the aftermath of the unexpected plot twist, I cannot help but taste the bittersweet of life's bittersweet.

Natatawang pinunasan ko ang aking pisnge nang maramdaman ang mainit na likido rito.

Matapos ang pag-da-drama ko ay napag-isipan kong magtungo sa aking silid at sa hindi inaasahang pagkakataon.

May biglang humawak sa aking palapulsuhan dahilan para mapatigil ako sa aking paglalakad.

Gulat akong napatigil at nakita si Lucius na nakapikit ngunit ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakahawak sa aking palapulsuhan.

He uttered some words na hindi ko maintindihan pero hindi ko maiwasan magulat sa kanyang huling sinabi.

Sobrang klaro nito sa akin.

"....I love you...."

Is that for me? Or for someone else?

◦•●◉✿5✿◉●•◦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top