Drunk

Chapter 1

MATAPOS ang nangyaring pag-amin ko kay Lia ay hindi na ito tumigil kakatukso sa akin at sini-ship na lang ako sa ibang lalake na nakikita niya tuwing magkasama kami.

Buti na lang at hindi kami nabubuking lalo na't kinikilig pa ang bruhilda.

Nakikisakay na lang din ako sa kanya dahil baka ibuking niya ako nang wala sa oras sa mga tao sa paligid ko. Nakakatakot kasi minsan kung rumatrat ang bibig nitong kasama ko.

Sobrang hirap magtago ng totoong pagkatao mo. Hindi mo alam kung sa isip ng iba ay tanggap ka nila bilang ikaw o kinamumuhian ka nila.

Nakakatuwa lang din isipin na hindi na nagrereklamo si Lia sa tuwing tinutukso siya ng karamihan na mag-jowa kami.

Actually, Lia is really pretty... sadyang nagpapaka-nerd lang talaga siya. And if ever I am a straight guy, hindi malabong ligawan ko siya since malapit na rin siya sa ideal kong partner. 'Yon nga lang, hindi talaga ako nakakaramdam ng kilig sa kanya. Parang naramdaman ko lang sa kanya ang pagiging tropa. Walang labis at lalong walang kulang.

Lumipas ang ilang araw at 'eto na ang hinintay ko.

I will perform in front of his family. We will be singing the same song we sang during our school performance.

Kinakabahan ako dahil sa mga nagdaang araw ay nag-praktis kami ni Nigel para maayos na maibigay ang performance namin sa araw ng birthday ng kanyang lola.

Pagkatapos ko lagi sa aking klase ay inaanyaya niya ako sa basketball court kung saan p'wede kaming magpractice ng kanta.

At sa bawat hapon'g nagdaan ay lalo akong humahanga sa galing ng binatang kinakantahan at parang ako ang kanyang hinaharana tuwing praktis namin.

Alam kong hindi rin magtatagal ay hindi ko na magagawa ang simpleng pagsulyap ko sa kanya dahil kahapon lang ang huling araw.

Another pleasant thing that happened was that Lia was always there to warn me about my daydreaming. Medyo nakakatawa lang dahil minsan binabato na niya ako ng papel nang palihim sa tuwing nakikita niya akong napapatulala kay Nigel sa practice.

Ang daming naganap na hindi ko inasahan.

Bueno! Hindi naman ako kabado tuwing nagpe-perform sa harap ng mga tao pero ang kinatatakot ko ay baka mapahiya ko ang aking sarili sa harap ng maraming tao.

Medyo marami pa naman ang bisitang darating ngayong gabi.

Suot ko lang ang black slacks ko at pares neto ay ang isang button down shirt na kulay navy blue at red necktie. School shoes na lang din ipinares ko since basa pa 'yong aesthetic kong mga sapatos.

I even brushed my hair in a butterfly and applied some hair gel to look decent and innocent.

Napatingin ako sa salamin at sa muling pagkakataon ay g'wpapong-g'wapo na naman ako sa aking sarili... and g'wapo rin ang hanap ko.

Hindi na ako nagpaalam kay mama o papa dahil alam na nila kung saan ako pupunta.

Sumakay ako ng jeep at sa muling pagkakataon ay napapatingin ang mga pasahero sa akin.

Medyo sanay na rin ako sa gano'ng set-up since lagi naman akong nasasakay ng jeep.

May ilang kinilig habang napapatingin sa akin at may ilan din na pasimpleng kinukuhanan ako ng litrato. I immediately warned them not to post it publicly. Ilang beses na akong nakaka-encounter na ganito and good thing ay wala pa naman akong nakikita na pinopost ang stolen pictures ko sa mga social media.

I just don't want attention from the social media. Ayaw ko lang talaga makilala sa social media dahil sa hitsura ko. I want people to know me because of my talent and stories to tell.

Nang marating ko ang venue ng pagdadausan ng celebration ay agad na akong nakilala ni manong guard kaya agad na rin niya akong pinapasok.

Pagpasok ko pa lang sa gate ay agad dumadagundong ang old music at isa na nga sa narinig ko ay kantang Girls Just Want To Have Fun by Cyndi Lauper. Palatandaan na 80's or 90's ang theme ng party.

Good thing at nag-match naman ang outfit ko sa party na 'to kahit na sobrang formal kong tingnan. There are even people wearing beret hats, leather jackets, dyed jeans, shirts with bold logos, stretch pants, one-piece jumpers, and denim jackets.

Hindi ako pamilyar sa mga bisita marahil mga relatives 'to ng family ng mga Alcantara.

Wala pang ilang segundo nang isang sigaw ang nag-paagaw ng atensyon ko.

"Kuya Steel!" nang lingunin ko ito ay kita ko ang kapatid ni Nigel na si Betelguese. Their name sounds weird but if I'm not mistaken ay galing sa stars ang mga pangalan nila.

"Hi, Tel!" pagbati ko rito.

Nakasuot ito ng neon outfits at naka-jinky ang hairstyle nito. Lakas maka-tita vibes ng suot niya.

Lumapit naman ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Kuya, punta ka na ng backstage. Hinahanap ka na ng mga kasamahan mo!"

"Sige, thank you, Tel! I'll head out now!" I bid my goodbyes and headed backstage.

Hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang paharap ay napatigil naman ako nang masilayan ang suot ni Nigel.

Shemay! Am I looking at the most handsome cowboy?

My jaw dropped when I saw him wearing a corset and flexing his biceps. Jeans with a fit, a pair of boots and a cowboy hat. Aside from holding a guitar, he looked pretty hot standing there.

Bakit naman ang aga ng ayuda ko? Grabe na talaga ang panahon ngayon. Ang palay na ang lumalapit sa manok!

"Hey, Steel!" Nabalik ako sa reyalidad nang isang braso ang biglang pumulupot sa leeg ko dahilan para maalis ang atensyon ko kay Nigel.

"Ah? H-hi, Kuya Winston!" pagbati ko rito nang mamukhaan ko siya.

Isa siya sa operator dito na nakakausap ko naman minsan dahil lagi siyang kasama ni Nigel tuwing hapon.

"Bakit ka napatigil? Ngayon ka lang ba nakakita ng gano'ng kaguwapong lalake? Gaya ni Nigel?"

Alam kong may halong pang-aasar ang boses na 'yon pero sa ngalan na gusto kong itago 'to.

Kailangan kong magpakalalake!

Lalake ako!

Sigaw ng aking isipan nang pisilin ni Kuya Winston ang aking braso.

"What? Si N-Nigel? G-G'wapo?" Yes! Ang pogi niya! "Huh! Wala pa 'yan sa kalingkingan ko. 'Tsaka nagulat lang po ako sa get up niya ngayon. Naiiba sa suot ng ilan..." I reasoned out.

Hindi naman siguro halata sa boses kong medyo nag-iba ng tono no'ng kausap ko na sila, 'di ba?

I just heard him chuckle, and I responded with a smile.

After ng asaran namin ay nagsimula na nga ang program. Nariyan ang paunang dasal ng papa ni Nigel na si Uncle Frank. Sunod ay ang speech nito para sa kanyang mama.

Lahat ay natuwa at natawa dahil sa magaling bumanat si Uncle Frank na parang komedyante talaga.

Nagdaan ang mga minuto at namalayan ko na lang na may humila na ng kamay ko. Gulat akong napatingin dito pero agad din napalitan ng tuwa nang makita ko kung kanino ang kamay na 'yon.

Kay bebe Nigel ko lang pala.

Andito na naman ang pintig ng puso kong hindi ko na naman ma-kontrol. Waring gustong kumawala sa tuwing nakikita ko siya.

Wala sa sariling napangiti ako.

"....Steel, let's go! Tayo na ang mag-pe-perform!"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang kanyang sinabi.

Wait! Did I just stare at him again for a couple of seconds?

Gosh! Dapat nandito si Lia para paalalahan akong hindi ko dapat titigan nang gano'n katagal si Nigel. Baka mabuking ako nang wala sa oras. Bakit ba kasi may family outing sila ngayong araw?

Ang hirap tuloy magpigil ng nararamdaman.

Iginiya ako ni Nigel sa hagdan at naunang umupo sa isang wooden chair. Inabutan naman ako ni Kuya Winston ng mic habang inaayos ng kasamahan ko ang tunog ng kanyang gitara.

"Good luck, boys!" rinig kong sambit ni Kuya Wilson at muli itong bumalik sa likod.

Seeing the crowd waiting for our serenade, I smiled.

Ilang segundo pa ang lumipas nang magsimula nang mag-strum si Nigel na kaharap ko lang.

My heart keeps pounding. I can't help but smile seeing his angelic face. Paano ba 'to? Baka masintunado ako kasi kaharap ko ang bebe loves ko.

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw..."

Ramdam kong nag-iinit ang aking pisnge nang sandaling nagsimula na siya sa kanyang pagkanta.

Bawat bigkas niya ng liriko ng kanta ay waring musika na gusto ko na lang pakinggan buong araw.

"Ang iniisip-isip ko. Hindi ko mahinto pintig ng puso. Ikaw ang pinangarap-ngarap ko. Simula nung matanto. Na balang araw iibig ang puso..."

Ramdam ko ang emosyong batid niyang iparamdam sa lahat.

Feeling ko tuloy ako ang kinakantahan niya.  If that ever happens, I can really say that I might be the luckiest gay on earth!

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal. Ngunit ngayo'y nandito na ikaw. Ikaw ang pagibig na binigay. Sa akin ng may kapal. Biyaya ka sa buhay ko. Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..."

Bukod sa amin, naki-join din ang crowd sa aming kantahan dahilan para hindi na kami masyadong nag-effort sa pagkanta.

Bawata birit ay sa akin napupunta habang ang mga low notes naman ay sa kanya.

May times na nag-ha-harmonize kami dahilan para maghiyawan ang mga nandito.

"Pag-ibig ko'y ikaw..."

At sa huling pag-awit namin ay parehong nagtagpo ang aming mga mata dahilan para mas lalo akong makaramdam ng mga paru-paro sa aking tiyan.

Pero nawala ang atensyon ko kay Nigel nang sandaling lumakas sa aking pandinig ang palakpakan at hiwayan ng mga nandito.

Napatingin ako sa kumpol ng mga tao at kita ko ang saya sa kanilang mga mukha.

This is beyond amazing. Our stellar performance has been praised by many. Kahit ang lola ni Nigel ay napatayo nang sandaling matapos kami sa pagkanta.

They demand more, but if I'm being honest, one song is more than enough.

Bumaba ako ng stage at agad akong sinalubong ni Tel.

"Kuya Steel, ang galing niyo po kanina. At dahil diyan, gusto ka raw makilala ni Lola!"

Mas lalong dumagundong ang kaba sa akin dahil sa aking narinig.

Totoo ba 'to? Gusto akong kilalanin ng lola ni Nigel?

'Di ko alam pero meeting the family na pala ang mangyayari kahit hindi pa kami kasal. Nakakahiya tuloy...

Sumunod na lamang ako kay Tel at nagpahila palabas sa kumpol ng mga tao. May ilan na nagpapansin sa akin nang madaan ako sa kanilang harapan na binigyan ko lang ng ngiti bilang ganti.

Nang sandaling nasa harapan na kami ng kanyang lola ay mas lalo akong kinabahan lalo na't medyo strikta ang mukha nito.

"Lola Karra, 'eto po 'yong school mate ni Kuya Nigel. Meet Kuya Steel!" masiglang pakilala ni Tel.

Pilit akong napangiti at dahang-dahang lumapit dito.

"Mano po, Lola and happy birthday po!" bati ko rito at nakapagmano naman ako.

"Aba! Kay g'wapong binata 'eto!" at g'wapo rin po ang hanap... "Kay galing-galing kumanta! P'wede bang makahingi ng yakap!"

My eyes widen.

I gave her a smile, "Sure po, Lola..."

I spread my arms and gave her a warm embrace. Matapos ang yakapan ay muling ngumiti si Lola Karra.

"Magaan ang loob ko sa batang 'to. Kung babae ka lang siguro baka nireto na kita kay Nigel, hijo!"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Napatingin naman sa akin si Tel at ang mama nito dahil sa sinabi ng kanilang mama't lola.

I smiled bitterly. That's the sad truth.

Hindi man niya sabihin ay ramdam kong suportado ni Lola Karra ang pakikipag-relasyon ng kanyang mga apo sa kapwa nito kasarian ngunit alam kong lumaki ang mga apo niya sa konserbatibong pamilya.

I chuckled, "Eh, paano ba 'yan, Lola, 'di kami talo ng apo niyo. Baka nga po may girlfriend na 'yon." That pained me.

"Malamang sa malamang, baka may nobya na 'yon----"

"Steel, tara party!" napalingon ako sa aking likuran at napansin si Nigel na may hawak na wine glass. "Lola, baka naman. P'wede ko pong hiramin si Steel para mag-enjoy naman siya!" pagpapaalam ni Nigel.

Ngumiti si Lola Karra, "Sige, apo. Pakiingatan mo ang batang 'yan at huwag mong lasingin, ah?"

"Ano po ba kayo, lola! Kaya ko po ang sarili ko!" huling sambit ko at tuluyan na ngang nagpahila kay Nigel sa alon ng mga tao.

Muling tumugmog ang isang old party song na hindi ako pamilyar.

We danced on the dance floor and dito naman ako inabutan ni Nigel ng wine glass.

"Inom ka muna!"

"Eh, hindi naman ako umiinom, Nigel!"

Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsalin ng alak sa aking baso.

"'Eto naman, hindi naman nakakalasing ang wine. 'Tsaka matamis 'yan kaysa mga hard liquor na ang papait at lasang alcohol."

Iinumin ko ba talaga 'to?

Paano 'pag nalasing ako? Baka kung anong gawin ko?

Napatitig na lang ako sa wine glass na may kalahating laman ng wine. Napunta naman ang atensyon ko kay Nigel na kasalukuyan nang lumalagok ng wine.

Bahala na nga. Minsan na nga lang ako mag-rebelde, gagawin ko na!

Ni-isang lagukan ko lang ang ibinigay na inumin sa akin ni Nigel.

Gumuhit ang magkahalong tamis at anghang ang aking naramdaman nang sandaling maubos ko ito.

At sa muling pagkakataon ay sinalinan niya sa ikalawang pagkakataon ang aking baso. Muli ko na naman itong nilagok.

Nakakailang baso pa lamang ako nang makaramdam na ako ng hilo at ramdam kong parang sasara na ang aking talukap kahit ano mang oras.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari, kung ano-anong inabot na baso ang basta ko na lang ininom at huli ko nang napagtantong iba na ang lasa nito kumpara sa wine.

Nahihilo. Umiikot ang aking paningin at nanlalata na ang aking katawan.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

And that's when I realized that taking that one wine glass was the thing that I would regret in my entire life.

The next day, something unexpected happened. And the secret that I'd been hiding was exposed to my family.

At dahil 'yon sa aking kalasingan. 

◦•●◉✿1✿◉●•◦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top