Depart
Chapter 2
ILANG oras na ba akong nakatulala sa puting pader ng k'warto ko?
Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin.
Gusto kong magwala! Magsisigaw at suntukin ang pader sa harap ko.
Walang tanging nasa isip ko lang ay paano na ako?
Anong gagawin ko?
Dahil ang kinakatakot ko ay tuluyan na ngang nangyari. Nakakapanlumo... nakakalata... parang ayaw ko nag gumalaw sa aking p'westo.
Hindi ako makapaniwala na ginawa niya 'yon.
I can't help but wipe away my tears. Sobrang sakit lang.
'Yong taong tinitibok ng puso ko ay siya rin pala ang magiging rason ng padurog neto.
Ngayon na alam na ng lahat kung ano ako. Hindi ko na rin alam kung ano nang magiging tingin sa akin ng mga tao sa akin.
Ilan taon kong tinago ang sekswalidad ko sa lahat at dahil lang sa pesteng paglasing ko ay nalaman ng lahat kung ano ba talaga ako.
Nakakatakot. Ininisip ko pa lang ang paglabas ko sa k'warto'ng 'to ay baka mapanghusgang mata agad ang bubungad sa akin. O baka masasakit na salita ang maririnig ko mula sa mga taong nakapalibot sa akin.
Ngayon na inaantay ko na lang ang pagdating ni papa. Sinara ko ang pintuan matapos kong makita ang uploaded video ko habang sumasayaw sa alon ng mga tao.
Lasing... walang kamalay-malay na sumasayaw na pala ako sa harap ni Nigel.
At sa hindi inaasahang pangyayari... I kissed him. Nobody in the crowd noticed, except the person taking the video. He punched me in the face, which is why I stumbled on the floor.
Napasinghap lahat ng nakakita sa aking nakabulagta.
Sa nakita ko, muli akong tumayo na halatang babagsak na ang aking katawan anumang oras. At hindi inasahan ang salita na lumabas sa aking bibig.
"Gusto kita, Nigel!"
Buong lakas kong sigaw at dito ko na naagaw ang atensyon ng lahat. Sakto lang din na napatay ng DJ ang music dahilan para marinig ng lahat ang sigaw ko.
I just confessed my feelings for him in front of his family.
But someone stopped me and dragged me out of this embarrassment. And again, it's her. It's Lia.
Seeing that video early in the morning makes me want to punch him.
Ang taong nagbigay sa akin ng paro-paro't kilig ay siya rin palang magbibigay sa akin ng trauma at takot.
Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat. Ultimo dignidad ko ay wala na rin.
Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto.
Humugot muna ako ng buntong hininga at mabigat ang balikat na nagtungo sa pintuan. I unlocked the doorknob and looked between the gaps.
Si Ate Stacey...
Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at sigurado akong alam na niya ang nangyari.
"Bunso, labas ka muna riyan. Kakausapin ka lang ni ate..." parang nang-aalo ang boses nito. Akala siguro niya ay kausap niya ang kanyang anak.
Tuluyan ko na ngang binuksan ang pintuan at walang pasabing yinakap ako ni ate.
Her embrace felt warm and comforting to me.
"Shh... don't cry. Andito na si ate. Okay lang 'yon..."
Mas lalo kong sinubsob ang aking mukha sa kanyang balikat nang banggitin niya ang mga salitang 'yon.
"Ate... sorry..." nausal ko na lamang habang umiiyak.
"No! Wala kang kasalanan, Steel. Hindi kasalanan ang pagiging bading, okay? Tandaan mo yan," her words comforted me.
Napakalas kami ng yakap nang isang malakas na ingay ang nanggaling sa labas ang aming narinig.
Hindi pa man namin alam kung anong pinanggalingan ng ingay ay alam ko na kung sino may gawa nito.
Nagsisimula na namang dumagundong ang kaba aking dibdib.
"Nasa'n si Steel!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid.
Nagulantang kami ni Ate Stacey nang ang sumunod na nangyari ay ang marahas na pagbukas ng pinto.
Iniluwa nito ang aking ama, nangungunot ang noo nito at halata sa mukha ang galit.
Mariing hinawakan ni Ate Stacey ang aking kamay, "Steel, pumasok ka sa k'warto. Dali!"
Pero imbes na gawin ko ang kanyang iniutos. Iniharang ko ang aking sarili at hinanda ang aking damdamin sa masasakit na p'wedeng mangyari.
"Hayop kang bata ka! Bakla ka!"
Mabilis nakagalaw si papa at namalayan ko na lang ang aking sarili na bumagsak sa sahig. Una ko agad napansin ang patak ng dugo sa sahig.
Nanginginig ang aking kamay na napahawak sa aking ilong nang makaramdam ng likido roon.
"I'm so disappointed in you! Kayo na mga anak ko!" He shouted, "Lahat kayo ay kahihiyan sa pamilyang 'to!" As if no one cared if all of our neighbors heard.
Dahan-dahan akong tumayo at hindi alintana ang masakit na pagsuntok sa aking mukha.
"Yes, pa! All of us. Lahat kami ay kahihiyan sa pangalan mo. Simula kay Ate Stacey hanggang sa akin ay wala man lang---"
Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin nang lumapat muli ang isang malakas na suntok sa kabila ko namang pisnge.
Napadaing ako sa sakit pero mas pinili kong indahin ito lalo na't ayaw kong ipakita sa kanya na isa akong mahina.
"Tama ka! Ni isa sa inyo ay walang matino. 'Yang si Stacey? Maagang nabuntis. Sev stopped schooling because of his vices. Tapos si Shaina? Ayon, nag-rebelde dahil gustong maging musician! Putangina! Hindi siya mapapakain ng gitara niya! At ikaw!" turo niya sa akin. "Hayop ka! Bakla ka pa lang animal ka---"
"Simon! Tama na 'yan!" napalingon kami sa likuran ni papa at nakita si mama na umiiyak habang bitbit nito ang pamangkin kong si Shalee. "'Wag mong sigaw-sigawan ang mga anak natin!"
"Stop defending your disappointments, Casey!"
"And stop being an immature creature, Simon!"
"Diyan! Hala, sige! Ipagtanggol mo pa 'yang mga anak mo. Magsama kayo!" Tumalikod si papa at kinuha ang kanyang jacket sa sahig. "Sa oras na makita ko pa ang pagmumukha ni Steel sa pamamahay na 'to. Asahan mong hindi ako titigil hanggang sa mapalayas kita!"
As he left, he shut the door.
Dito na ako tuluyang napaluhod nang hindi ko nakayanan ang panginginig ng aking tuhod.
Bumuhos ang aking luha. Mariin akong yinakap ng aking ina.
"Stacey, kunin mo muna ang first aid sa k'warto." Utos niya rito.
Agad namang kumilos ang aking kapatid papuntang k'warto. Marahan namang hinawakan ng aking ina ang mukha ko.
"M-Ma, sorry..."
"It's okay, Steel... shh..." pag-alo nito.
Banayad ang kamay ni mama na hinaplos ang aking pisnge dala ng luha ko.
"Walang problema si mama sa'yo, okay? Walang mali sa'yo..."
Muli kong niyakap ang aking ina.
Saglit kong nakalimutan ang aking problema nang maramdaman ko ang kanyang presensya.
Hindi ko alam na tanggap pala ako ni mama kahit bakla ako. Kahit si Ate Stacey ay hindi ako itinanggi. Ngayon alam ko na may tao pa rin palang tanggap ako kahit ano pa man ang aking sekwswalidad.
And that's my mother and sister.
◦•●◉✿✿◉●•◦
NAPAGDESISYUNAN namin na ilipat ako ng Bulacan para sa ikakapayapa ng aming tahanan. Ako na ang nag-insist lalo na't sa akin lang naman may galit si papa.
Tinulungan ako nina mama't ate na mag-impake. Naka-book na rin ako ng flight at tinawagan na rin ni mama ang kapatid niya roon na may-ari ng isang apartment.
Nag-abot din sa akin si mama ng pera para panggastos ko ro'n pero mas mabuti na maghahanap muna ako ng trabaho para hindi masyadong mamoblema si mama kapapadala sa akin ng pera.
Pero bago pa man ang aking pag-alis ay may isa pa akong gagawin. Nakasuot na rin ako ng mask para hindi halata ang band aid at sugat sa aking mukha.
Kasalukuyan akong nag-aantay rito sa isang café.
Nag-order lang ako ng cappucino pero hindi ko naman ginagalaw dahil wala akong gana.
"Steel..." napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses na 'yon.
It's Lia... and she's crying?
"Anong nangyari sa'yo?" gulat kong tanong dito.
"Sorry, S-Steel!" walang pasabi na lumapit ito sa akin sabay yakap nang mahigpit. "Steel, I'm sorry that I'm late for the party..." she cried.
"What? No, you saved me there. Kung hindi ka siguro dumating baka pinagtulungan na akong bugbugin sa party. Thank you, Lia..." sambit ko, marahan ko namang hinimas ang kanyang ulo lalo na't hanggang dibdib ko lang siya.
"Hindi, eh. Nakaka-guilty lang kasi hindi natin natago pagka-maharlika mo..." natatawang saad nito.
Alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko.
Kumalas ito ng yakap at napatingin naman siya sad ala kong bagahe.
"Hindi na ba kita mapipigilan sa pag-alis mo?"
I shook my head.
"Sige, ihahatid na kita sa airport. Para naman maka-libre ka ng pamasahe..." kinuha nito ang isa kong handbag at naglakad palabas ng café.
Binuksan niya ang pinto lalo na't dala ko ang isang maleta sa isa kong kamay.
"Anong oras ba ang flight mo?"
"Mga six pm tapos makakarating ako ng eight sa Maynila."
"Matagal pa pala. Eh, alas dos pa ngayon----"
"Look, oh, guess who's here!"
Napatigil kami sa paglalakad. Biglang nagbago ang mood ko nang marinig ang nakakairitang boses na 'yon. Yes, his voice irritates my precious ears. Ang gaspang ng boses niya.
Ngayon na nalaman ko na ang tunay na kulay ni Nigel, mas lalo lang niyang pinaramdam sa akin na isa siyang abno.
His lips formed an annoying smile.
Wala pa siyang ginagawa pero naiirita na ako sa kanya.
At dahil sa ginawa niya, naalala ko na naman ang kahihiyan na ginawa ko sa birthday ng lola niya. Sayang... mukhang suportado pa naman sana ng kanyang lola ang same-sex relationship pero homophobic nga lang ang mga apo at anak niya.
"Shut the fuck out of this, Nigel! Napakawalang hiya mo!" Galit na galit na bulalas ni Lia at tinuro-turo niya pa ito. Pinigilan ko na lang ito dahil ayaw kong magkaroon ng issue rito sa harap ng café.
Mahinang napatawa si Nigel.
"So, aalis ka ngayon dahil ayaw ng papa mo sa mga baklang katulad mo?" nang-aasar nitong tanong.
Naikuyom ko ang aking kamao sa galit at matalim siyang tiningnan.
Kahit gaano ako kagalit ang hitsura ko kung titingnan, kabaliktaran naman no'n ang aking nararamdaman.
Takot. Pangamba at higit sa lahat ay lungkot.
Minsan ko na rin namang pinangarap ang isang Nigel Alcantara at mukhang babawiin ko na ang pangarap na 'yon.
"You know what? Let's leave. We should not waste our time here, Lia---"
Aalis na sana kami nang hawakan niya ang aking braso para pigilan ako sa paglalakad.
"Don't be rude. Kinakausap pa kita, bakla ka----"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumuwelo ako nang pagkalakas-lakas sabay bilog ng aking kamao at malakas na itinapon ito sa kanyang mukha.
Tumba ito sa semento at kita ko ang dugo sa kanyang pisnge.
"Kulang pa 'yan sa pamamahiya mo. Mang-insulto ka pa ulit at hindi lang 'yan ang makukuha mo, Mr. Alcantara. Kasi sa totoo lang, kaya kong basagin 'yang mukha mo. Naawa lang ako dahil baka magkasing gaspang na 'yan katulad ng ugali mo..." I warned him.
We walked past him.
That's what you get when you mess up with gays.
◦•●◉✿✿◉●•◦
"I CAN'T believe that you can throw punches like that? You're a tough one, Steel." Rinig kong pagpuri ni Lia habang nagmamaneho ng sasakyan.
"I still can't believe you're able to drive a car." May halong biro kong tugon dito.
"Pwera biro, I learned martial arts when I was ten years old. And ang reason kung bakit ako natuto? Ay katulad lang din ng kanina. If something were to happen to me, I would want to protect myself. Alam kong hindi tama na gamitin sa paghihiganti ang martial arts pero hindi ko lang talaga mapigilan ang suntukin siya kanina. Nakakainis lang!"
"Kalma ka lang, okay? Para sa akin, tama lang din 'yon. Paalis ka na nga lang tapos wala ka man lang souvenir sa kanya. Aba, hindi naman tama 'yon."
I smiled. "Lia, thank you, ah. Hindi mo 'ko iniwan sa ere. You sacrifice for me kahit alam mong problemado akong tao. Matapos mo 'kong iligtas ay heto ako, iiwan ka na lang bigla sa ere na parang wala lang. And sorry for that... sorry for being a terrible friend..."
Kita ko kung paano niya nilihis ang kanyang tingin. Nakatalikod man siya sa akin, alam kong naiiyak siya sa aking sinabi. Knowing this girl is a crybaby.
"A-Ano ka ba! That's what friends do. Ikaw naman parang ngayon lang, minsan mo na rin kaya akong tinulungan. Hindi mo ata naalala na may gustong pagtripan ako dati. Buti na lang dumating ka at hinabol mo ng toy gun ang mga lalakeng 'yon."
I laughed at what she said. I still remember that moment. Ang random ko lang that time at naisipan ko lang bilhin ang laruang baril, binili ko lang pero hindi ko naman lalaruin. I didn't expect na magagamit ko siya right after.
"Naalala mo pa pala 'yon. Isa ata 'yon sa hindi ko inaasahan. Ang lala ng tawa natin, tapos natakot ka pa kasi akala mo talaga totoong baril 'yong hawak ko." Then I laughed.
"Naloka talaga ako no'ng time na 'yon. Akala ko may ibang variants na si Ricardo Dalisay!"
Nagpatuloy ang asaran namin sa loob ng kotse. Puro tawanan lang kami at hindi ininda na papalapit na kami sa airport.
I hope this will happen again in the future.
Nang marating naming ang gate ay dito na mas lalong nadurog ang puso ko. Knowing na iiwan ko ang babaeng 'to na itinuring na akong bestfriend.
I hugged her for the last time while sobbing.
"Bye, Lia. See you again in the future."
Kumalas ako sa kanyang yakap at hindi napigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang magkabilang pisnge sabay dampi ng aking labi sa kanyang noo.
"Wow! What was that, Mr. Zander?" she asked confusedly.
"Gano'n ang respeto sa paliparan---aray! 'Eto naman hindi mabiro. Joke lang!"
At pareho kaming nagtawanan.
I waved my hand as I stepped into the airport. Kita ko ang ilang beses niyang pagpahid sa kanyang pisnge.
I mouth 'I love you' before the door closes and she's out of my sight.
We had a dramatic scene at the airport before I finally entered and boarded the plane.
It has been surreal for me to be looking up at the blue sky and orange clouds. This evoked a feeling of surreality and it made me think that a new chapter would begin for me after this flight.
This was a chapter that I was not expecting to read.
◦•●◉✿2✿◉●•◦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top