Boyfriend

Chapter 10

Naikuyom ko sa galit ang aking kamao dahil sa aking narinig. Ngayon ay nakuha na niya ang inis ko umaga pa lang. Bakit umabot sa ganito? Sinali niya ako as contest, eh sa may trauma pa ako sa pagkanta!

Hindi man lang ba niya inisip nararamdaman ko? I took a deep breath and scratched my nape a couple of times.

Paano ba'to? Tanong ko na lang kaya ang organiser kung p'wede mag-quit? Tama! Magtatanong ako.

Hinarap ko si Pan Pan at kita ko ang simpatya sa kanyang mukha. Napatingin ako sa papalayong pigura ni Margaux na halatang nang-aasar pa rin kahit nakatalikod na sa akin. Kung p'wede lang talaga, baka kanina ko pa nabira ang babaeng 'yan sa inis.

"Paano na 'yan, Steel? Mukhang hanggang kamatayan na ata ang pagiging kontrabida ni Margaux sa buhay mo. Hindi ba parang gagawin niyang impyerno ang pananatili mo rito?"

"Edi walang urungan sa pamilyang 'to. Akala niya ata hindi ako papatol ng mga tulad niyang sidekick ni Satanas!" then I smirked. Kita ko ang pag-ngisi ni Pan Pan, halatang suportado nito ang aking plano. "Pero bago 'yan, samahan mo muna ako sa organiser kung p'wede maalis tayo sa listahan."

He nodded, and we both headed to the school gym.

Hindi pa man kami tuluyang nakakarating nang isang pamilyar na pigura ang naging dahilan ng paghinto ko sa paglalakad. Hindi ko man masyadong namukhaan ang taong 'yon pero sobrang pamilyar ng kanyang presenya lalo na't sa tangkad niya.

Hindi ako p'wedeng magkamali. Alam kong siya 'yon. Ang tanong, bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Nasa school siya? For what---

"Ahh, Steel? Bakit pala tayo napahinto? May problema ba?" Nabalik ang atensyon ko kay Pan Pan nang magsalita ito.

"Ha? W-Wala naman. Tara na!" Then we continued heading to the gym.

◦•●◉✿✿◉●•◦

KANINA pa ako natutulala. Hindi ko na alam ang gagawin sa oras na 'to. Parang ang laking malas ba ang dala ng isang Margaux!

Kagagaling ko lang sa organiser at tanging tugon nila sa akin ay wala nang bawian sa contest na 'to lalo na't napasa na raw sa Dean ang mga papeles. Like, what the hell?!

I can't believe that I'm in this mess again. Nakayuko lamang ako habang nakatingin sa papel sa aking harap. Nanginginig ang kamay habang hawak ang ballpen. Ilang beses na akong napamura sa aking isip dahil alam kong tatlong araw na lang ang contest. I even tried to contact the Dean kanina and to my surprise, wala rin siya ng three days dahil may pupuntahang seminar.

Para talaga akong binagsakan ng langit at lupa neto. Hindi ko alam kung sa anong paraan mapipigilan kong umakyat sa stage at hindi matuloy ang pag-perform sa tanghalan.

Pero p'wede naman sigurong mag-back out na lang ako---

"Mister Zander! What's gotten into you? Why won't you answer my questions?" Napaangat ako ng tingin at naburangan si Sir Matias na halatang naiinis na dahil sa magkasalubong netong kilay.

"Yes po, sir?" I replied and hurriedly stood up.

"Hindi siya nakikinig, sir, oh! Hindi po ata niya bet klase niyo, sir." Inis akong napatingin kay Margaux nang marinig ang kanyang nakakarinding boses na pilit niyang sinisingit sa usapan namin ni Sir Matias.

I mouth, "Shut up," but she still offers me a sarcastic smirk.

"Oo nga, eh. Because of that. Sagutin mo tanong ko, and if hindi mo masagot ay buong araw kang tatayo sa likod ng klase! Is that clear?" he said with authority.

I nodded. "Yes, sir."

Hindi naman ako kinakabahan, I find it amusing lang knowing na there are still prof na nangdidisiplina sa mga estudyante nila nang hindi harmful or mag-ko-cause ng trauma sa bata.

I focus myself on Sir Matias kasi ayaw kong tumayo sa likod. And I won't satisfy Margaux's dream. 'Langya niya!

"Kung nag-advance study ka, what are the three stages in creating our image?"

I breathe, "It was a theory by Charles Cooley, and the first stage of it is "imagination." "Eto 'yong inii-imagine natin ang ating appearance natin sa ibang tao. Next is "interpretation," "judging," or "analysis." In this stage, we comprehend what people think of us, and the third stage is "creation," or the development of ourselves. This is the response of people's imaginations to us." I answered, then sat.

I saw how Margaux rolled her eyes and turned her back on me. Napabalik naman si Sir Matias sa kanyang table.

"Wow! That was impressive, Mr. Zander. Ganyan ang gusto, okupado ang utak pero kayang sumagot---"

"Sir Matias, good morning po and excuse me po, pinapasabi po ng head na may new student daw po kayo ngayong sem."

The class was interrupted by a teacher. New student? Hindi pa man napakilala ang new student, pero no'ng narinig ko ang mga salitang 'yon ay kinakabahan na ako sa oras na 'to?

Bigla naman umingay ang klase at hindi na ako nagulat nang ilang beses akong nakarinig ng bulungan ng mga babae na sana ay lalaki ang transferee. . . siyempre kasama na riyan ang quality na dapat pogi.

"Oh! New student pa pala. Wait lang class, ah," he said, taking his exit.

Kita ko namam ang simpleng pagtayo ni Margaux at sinamaan nito ng tingin ang mga kaklase ko.

"Classmates! Listen up! I don't want to do this pero, but I I just want to say na kunf na kung gwapo ang transferee, he's mine, okay? Naiintindihan ba ng lahat? Kapag pangit, sa inyo na, ah. So back off, mga losers!"

May pa-announce-announce pang nalalaman ang gaga! Edi isalampak niya sa bunbonan niya ang sinasabi niyang g'wapong transferee. Napaka-two timer! Sa pagkakaalam ko, may boyfriend pa 'yan na ginawang panakot sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko man lang nakita.

Hindi ko gets ugali ni Margaux, para siyang dalagang na may pag-iisip ng dalawang taong gulang na bata. Her intellect appears to be underdeveloped, and she is too far gone to be considered adult.

Nagligpit na lang ako ng gamit since malapit na rin naman matapos oras ni Sir Matias. Grabe! Isang oras din pa lang okupado utak ko kanina pero slay pa rin sa pagsagot.

Hindi pa ako tapos sa pagliligpit nang biglang umingay ang klase at rinig ko ang tili ng karamihan sa mga babae. Nang iangat ko ang aking tingin ay gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ng taong isa ko pang kinaiisan.

Shemay! Bakit nandito 'yan!

Luh? So tama nga ako kanina. Nag-aaral na siya ulit?

This is total chaos!

"Hello, everyone! I'm Lucius Alithis; please to meet you, everyone!" Magalang na bati nito.

Napaka-plastic ng gago. Hindi siya ganyan! Sarap din nitong bigwasan, eh!

"Take your seat, Mr. Alithis."

Sunod-sunod na tilian ang narinig ko dahilan para mapatakip ako sa aking tenga.

"Dito ka na lang umupo sa tabi ko, Lucius---"

"Sorry, I want to sit beside Steel."

Natahimik ang lahat nang sandaling banggitin niya ang pangalan ko. As expected, everyone's head turned on me and gave me a death stare. Pero mas malala ang tingin ni Margaux na parang aatake na kahit anong oras.

Margaux chuckled, "Bakit siya pa? Maganda naman ako! Like, look, oh? I'm pretty from head to toe!"

Lucius gave her a bored look. "I'm not into sexy girls. I'm into my boyfriend. . . "

Anong boyfriend? Tangin---ano bang nangyayari sa kanya? Sinong boyfriend tinutukoy niya?

Biglang kumabog ang dibdib ko nang isang nakakatunaw na tingin ang bumati nang binalingan ako ni Lucius. . . kasabay ng kanyang nakakalokong ngiti.

Pucha! Napaka-exaggerated man pakinggan pero nakakalaglag panty talaga ang ngiti ng mokong na 'yon.

Napaka-rare niyang ngumiti pero 'yan 'yong tipong hindi mo makikita lagi.

At bakit ba lagi ko siyang pinupuri?

"Hindi mo man lang ba ako babatiin, banana ko!"

I faked a smile. "Banana mo 'yang mukha mo!" I answered in a low voice.

"Now that I'm here, wala nang makakalapit sa'yo kung hindi ako lang."

"Ano ba, Lucius! Huwag mo naman akong ipahamak dahil diyan sa kagaguhan mo!"

"No, I'm not! I'm here to protect you, okay? Besides, same naman tayong under ng STEM."

"Ano bang pinupunto mo? We're living under the same roof; we're just roomies."

"I don't care. We're boyfriends... boy friends. . ."

Napalayo ako sa kanya nang may ma-realise. He's saying boy na friend hindi jowa na boyfriend! Oh my gosh! That was so embarrassing. What was I thinking? Napaka-assuming ko sa part na 'yon! Kainis!

Hihirit pa sana ako nang pumasok na ang sunod na guro na magtuturo.

And just like that, the whole day ay nagpakilala ang gago na sobrang lakas mang-alaska sa akin. I even caught Margaux giving me a death glare. That bitch still exists pa pala, medyo nalimutan ko existence niya since nabaling attention ko sa katabi ko.

Pero parang mas gusto ko na lang araw-araw ma-alaska ni Lucius kaysa makaaway si Margaux.

At sa hindi ko rin malamang dahilan, hindi na maalis-alis sa tabi ko ang isang 'to. We're having lunch at kasama namin si Pan Pan na hindi makakain nang maayos dahil naiilang sa nangyayari. Paano ba naman kasi, 'yong condom boy nakatitig sa akin.

Kahit ako rin naman naiilang sa ginagawa niya pero nakaka-bother 'yong hindi man lang ginagalaw 'yong lunch niya.

Kung sobrang ikli lang talaga ng pasensya ko sa mga ganito, baka kanina ko na nabira 'tong katabi ko.

Sinamaan ko ng tingin si Lucius na hindi man lang natinag kahit sinamaan ko na 'to ng tingin. At wa' epek pa rin ito sa kanya kahit pinahalata ko nang naiirita na ako sa kanya.

"Ano ba Lucius? Ano bang trip mo sa buhay?" Inis kong tanong dito na may halong gigil.

"Ikaw... ikaw ang trip ko. Kaya hindi ko maalis tingin ko sa 'yo dahil sa ganda mong---"

"Sige, ituloy mo nang mabira kita!" Pagbanta ko rito sabay taas ng kamao ko.

He chuckled, "Gusto ko 'yan! Want ko rin mabira mo. . . pero sa kama---bfudgugfugw."

Agad kong hinablot ang isang sandwich at isinalampak sa kanyang bibig dahilan para matigil ito kakasalita. Nakakabanas na talaga!

Pan Pan chuckled, "LT sa inyong dalawa pero seryoso, hindi talaga kayo?"

"Hindi!"

"Kami!"

Sabay naming sagot at parehas pa kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Inis kong binalik ang tingin sa aking pagkain nang magtagpo ang aming mga mata. He's getting crazy!

"In denial lang 'yan, hintayin mo. Sa susunod, aamin din siya."

"Neknek mo!"

Kainis! Hindi ako maka-rebutt nang malala sa gonggong na 'to! Ang lakas niya talagang mang-asar ngayon! Bakit ba kasi siya pumasok ngayon? At dito pa talaga sa klase ko? P'wede naman siyang mag-ABM? Or the TVL track? Sure ako mas bagay ang kakayahan at may matutunan pa siya doon.

Napairap ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain habang si Pan Pan naman ay ngingiti-ngiti sa tuwing nakatingin sa akin. Paano ba naman kasi, nasa kabilang direksyon ang aking tingin habang kumakain, ayaw ko nang harapin ang ungas na 'yan. Bahala siya sa buhay niya!

But deep inside, I'm glad to see this side of Lucius. He's flirtatious and obnoxious.

◦•●◉✿✿◉●•◦

FINALLY! Uwian na at hindi ko maalis sa isip ko na makakapagtrabaho na rin!

And I can't help but be amazed by the sunset. Sunkissed! Kasi saktong sa loob din ng classroom tumatama ang kulay kahel na sikat ng araw. Nakakaagaw ng atensyon ito kanina pa.

This type of scene is the highlight of this day and also a sign that the day is about to end.

After a minute of appreciation, I quickly packed my things.

I was about to leave when someone grabbed my wrist.

Uh, yeah! I forgot, kaklase ko pala 'tong isang 'to. I gave him a bored look, giving him the "what's the matter?" face.

He smiles and says, "Uhm, let's go home. Sabay na tayong umuwi?"

Inalis ko ang kanyang kamay sa palapulsuhan at bahagyang ngumiti. "Mauna ka na, Lucius. You forgot? I have a night shift. Mamayang 9 pa ako makakauwi. Don't you worry, makakapag-hapunan ka pa rin naman mamaya."

"Oo nga pala, may work ka pa. Sige, I'll wait for you. . . "

"Saan ka maghihintay?"

"Sa work mo!"

Napa-face palm ako sa inis, "Gosh! I said sa bahay ka na maghintay! Ma-bo-bored ka lang doon. At least sa bahay makakatulog ka." I scolded him.

"Pero ako lang mag-isa sa bahay!"

"I know! Nakaya mo naman, 'di ba no'ng wala ako? I mean no'ng wala pa ako?"

"Oo nga! Pero not this time! Hinahanap ko na presensya mo lagi."

"Neknek mo! Lagi ka ngang wala noong mga nakaraang gabi. Hinahanap presensya ko? Huwag mo akong inuuto. Bahala ka sa buhay mo!"

Sinukbit ko ang aking bag at dali-daling lumabas ng classroom. At isa pa sa napansin ko, habang papalabas ng classroom ay nasa sa amin ang tingin ng mga kaklase ko. Napaka-marites talaga! Alam kong nakikinig 'yon sa usapan namin, hindi na ako magtataka kung may magtatanong sa akin bukas about sa personal life ko at kung ano talaga status naming dalawa.

Hindi pa man ako nakakalayo nang sandaling naramdaman kong may nabangga ako dahilan para mapaupo ako sa sahig sa lakas ng impact. Napahimas ako sa aking ulo at napansin ang mga librong nahulog.

"Aray ko naman, kuya! Tingin-tingin tayo sa dinadaanan natin next time, ah!" Rinig kong boses ng babae. No'ng medyo makabawi ay agad ko siyang tinulungan pulutin ang mga librong nahulog.

No'ng nakuha ko na lahat ay napatingin ako sa ibabaw ng kanyang libro at nakita ang pangalan doon.

Valerie Alcapulco. . .

And the moment I laid my eyes on her, I couldn't help but admire her beauty. Damn! Ang ganda niya!

◦•●◉✿✿◉●•◦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top