20
Chaste POV
"Lagi ka na lang umiiyak kapag nakikita mo puntod ni Dad. Stop crying li'l bro," pagpapatahan ng Kuya kong nasa likuran ko lang. Nakaupo ako sa damuhan at nasa harapan ko ang nitso ni Papa. Pagkatapos kong punasan ang salamin ko at isinuot ko ito agad pabalik dahil wala akong makita.
Sa murang edad pa lamang ay natutuhan kong malayo o hindi maranasan ang isang Daddy Figure. It was really hard for me to know that he wouldn't come back to our family anymore... Na hindi na muling mabubuo ang pamilya namin. Sa totoo lang naiinggit ako kapag may nakasasalubong akong kompletong pamilya. A family that has a father, mother, and their children.
Siguro masarap sa pakiramdam na ganoon. Siguro nga dahil hindi ko naman naranasan 'yon.
Tumayo naman ako atsaka pinunasan ang aking luha gamit ang likuran ng aking kamay, "Ilang taon na Papa na mawala ka sa amin," bulong ko.
"Mom didn't have the guts to reply to my text. She didn't even try to answer my calls too!" My Brother Cameron mentioned as we walked away from my father's grave.
Wala naman akong magagawa roon. Palagi namang nagtatago si Mama tuwing anniversary of death ni Papa. Like she doesn't cared about him... Like she doesn't really loved him.
"What? Are you thinking of her again?" he asked. I saw his brows shot. I know that kuya doesn't want me to think of my Mama ever.
"May sarili kang utak. May sarili rin akong utak. Gamitin mo 'yung sa'yo sa pag-iisip at gagamitin ko rin 'yung akin," banggit ko bago ako sumakay sa sasakyan.
"I was joking for pete's sake, bro," natutuwang aniya. Our driver drove the car while my brother and I were in the back seat. He ruffles my hair and even tease me. "Oh, Ginoo! Lagi na lamang matatalim ang iyong ginagamit na salita."
"Manahimik, hambog!" pagsusungit ko sa kaniya.
I thought that I'm going to feel relief at that time, but my nerves suddenly hurt. I felt pain both in my fingers and toes. I can't suddenly move that made me panic.
After I felt those, I lost my consciousness. The last thing I knew was my brother carrying me inside the hospital.
And later at night, news destroyed my hope as I feel despair.
Tanging tunog na lamang ng heartbeat checker machine at ang tubig na dumadaloy sa akin mula sa saline bag ang nararamdaman at naririnig ko. I looked up at the ceiling while it was dark outside.
I didn't even ask why I deserved it. I just asked, "Papa, sinusundo mo na ba ako?" bulong ko.
Siguro nga malapit na matapos ang buhay ko... siguro nga na makakasama ko na si Papa. Pero ang tanging pumasok sa isip ko ay ang pangarap at pamilya ko.
"Pa, huwag muna. Masyado pa akong bata," dugtong ko. I never thought that a tear would drop to my eyes. Lagi akong inaasar parati na iyakin daw ako masyado. Na ambabaw ko para umiyak. But I never use those to manipulate me. Dahil alam kong hindi masama ang magpakita ng kahinaan.
That time, I thought na katapusan ko na. Akala ko hindi ko na muli makikita ang pagsapit ng araw. I am too young for this remorseless struggle.
"Li'l bro?" I heard a knock on my door and I saw my kuya behind it. "How are you? Mom wants to talk with you?" He gave me the phone he was holding.
"Sa phone ulit kami mag-uusap? Kailan siya magpapakita?" tanong ko sa kaniya at inilag ko ang tingin ko sa kaniya.
"Geez! I don't know. She's concerned with you." I lost the pride that made me took the phone from his hand.
"My son? I already paid your hospital bills," she directly said to me. Ni kumusta wala akong natanggap. I stuck my tongue inside of my mouth. Kung hindi ba namatay si dad, hindi ba magiging ganito ang sitwasyon namin ni Mama? "I-I'm... leaving Philippines tonight. Take care with your Grandma. Be an example to your stubborn brother!"
I was static for a second. After all of it, lilisanin na kami ni Mama? Para saang rason? I need her attention, her care, her presence. Nagulat na lang ako no'ng binaba na niya kaagad ang tawag. I didn't even hear the I love yous, or maybe take care 'son'.
"Saan pupunta si mama, kuya?" tanong ko sa kaniya at ibinalik ang phone.
"Who knows? Canada? New York? Greece?"
"Did she knows that I have... uhm... a disease that could kill me?" Nahihirapan kong tanong sa kaniya. Tinitingnan ko lang ang serong nakakabit sa aking kamay. Thinking how many years I could only have.
"If you want, ipapaalam ko. But anyway, it's her duty to find it out," sabi niya sa akin with a guilt in his eyes. "Moreover, you're going to be discharged by tomorrow. The doctor said that you'll have monthly check-up so they could know about your progress."
Gusto ko sanang sabihin kay kuya na natatakot ako. Na baka lumala pa 'tong sakit ko or what.
"Chaste, where do you want to have your High School?" My brother asked me while we're having our breakfast.
Dalawang taon ang makalipas bago ko matanggap ang makapagbabago ng buhay ko. I even became conscious with what I'm eating, taking brand of water, and other stuffs. Mas lalo rin ako naging malinis sa katawan ko at sa kapaligiran.
"I guess I'm lucky to have options," I chuckled while having half a roasted artichoke and a spinach thin crust pizza with chicken. "But anywhere I prefer. Mag-aaral lang naman ako."
"Speaking of that, our school's having an S.T.E. program. That's so hectic!"
"Can I enroll there?" Napahinto ako sa pag-kain upang itanong 'yon. It caught my attention. Anong pinagkaiba ng STE at regular students?
"With your status, you can't."
"Mag-aaral lang naman ako, Kuya. Anong akala mo ba sa akin? Geek? Book lover?"
I became attentive when my brother stretched his back and leaned it on the seat, "Oh! Here's our wonderful and young lola!"
Kaagad naman akong tumayo upang alalayan si lola. She's the relative I only have aside from my Kuya. My brother didn't even decide to have a housekeeper. He wants kasi na ako ang mag-alaga para raw matuto akong alagaan 'yung magiging jowa ko paglaki.
"Hey, kuya! Ano nga ulit 'yung jowa?" I asked to him kasi ngayon na lang ulit 'yon pumasok sa utak ko. Bago niya ako sinagot ay napaupo ko na si lola sa upuan. I took her tungkod and placed it beside her.
"Thank you, apo!" She said and kissed my forehead. "Hmmm! Ambait-bait! Ambango-bango!"
"Anyway, Chaste. Kindly take care with lola. I'm going now." Kinuha ni Kuya 'yung backpack niya na nakasabit sa kitchen chair. Isinuot niya 'yon sa isa niyang braso at hinalikan ang nuo ni lola.
"Where are you going, apo? We're currently starting to eat."
"Chaste will have his entrance exam sa S.T.E. program, 'la," sabi niya kay Lola na nagpakunot ng nuo ko.
"Ha?"
"Bilisan mo na riyan. You're going to take the S.T.E. exam. But god, please! Don't try too hard to answer all of it. Alam kong matalino ka but we need to consider the schedule, okay? Bawal ka masyadong mapagod, you know that."
"I know." Iniling ko ang aking ulo at saka hinanda ang sarili ko. I just prepared a pen and peace of mind. Kahit alam kong biglaan 'to, may stock knowledge pa naman ako. I pushed back my wet hair while my brother drove the car. My mom fired our driver back then because he was involved in some kind of drug. Kaya imbis na maghanap ulit kami ng panibagong driver, nag-insist si Kuya to learn how to drive. At a young age, he enrolled himself in a driving school dahil wala namang magtuturo sa kaniya kung papaano. I wish I'm a fast learner as he is.
Inunahan ko nang buksan ang radyo sa kotse dahil gano'n naman palagi ang ginagawa ni Kuya. I turned it into the news station kasi gusto niyang laging updated sa mga nagaganap. I'm interested in it as well pero hindi ko alam kung bakit siya addict siya gano'n.
Bago ako makalabas sa kotse ay hinawakan ni kuya ang braso ko. "Gusto mo ba talaga 'tong tinatahak mo? You can just be a regular student, Chaste. For sure naman na sa Section 1 ka pa rin."
"Hindi ko alam, kuya. Wala namang masama sa sumubok diba?" tanong ko sa kaniya na may pag-asang kumikinang sa mga mata ko. "Wala namang masamang mangarap kahit may sakit ako diba?"
"Oo naman!" Binitawan ni Kuya ang braso ko at saka ngumiti. Hinatid niya ako sa klasroom na pag-eexam-in ko. Hindi ko na masyadong nilibot ang mga mata ko pero nakuha ang atensyon ko roon sa isang babae at dalawang lalaki.
"Angel, pahingi na kasi ng 1 whole sheet! Tatlo lang naman kailangan ko," pagyayamot ng isang lalaking medyo mahaba ang buhok.
"Fuck you, 'Cent! You're laging nagnanakaw sa akin! High school ka na pero you're still not changing!" pagsusungit ng babae. Maayos din siya sa pananamit katulad ko. Pero ang umagaw ng pansin ay may mga diamantes na nakasabit sa kaniya.
"Here. Ako na bahala. Bibilisan ko rin naman kasi dadalhin ako ni mama sa fast food chain," sabi noong isa pang lalaki at hindi nagdalawang isip bigyan ng papel 'yung humihingi. Nagulantang naman ako noong tumingin siya sa 'kin. "Ilan kailangan mo?"
"H-Ha?" pagtataka ko. "Mayroon ako, ginoo. Huwag kang mag-alala."
"Oy! Ginoong Gilbert pa nga!" tumawa 'yung isang lalaki na nagpataka sa akin. Anong sapi no'n?
"Prepare yourself as we start our S.T.E. exam. Good luck!" Pumasok ang proctor namin at mga magbabantay.
"Good luck!" Tinapikan ako no'ng Gilbert at saka binalik ang usapan sa mga kaibigan niya. Tinanguan ko na lang siya bilang Good luck, too.
"Wow! Tingnan mo, lola! Qualified for final interview 'yung li'l bro. ko! Pahingi ng talino!"
Isang linggo ang lumipas bago ang eksam namin at hindi ako makapaniwala na makapapasa pala ako. Para bang kahit may sakit ako ay kaya ko pa rin ang mga nagagawa ng mga normal na tao.
"Ang galing ng apo ko!" Hinalikan naman ako ni lola sa magkabilaang pisngi.
"Lola, huwag ka po masyadong gumalaw." Paalala ko sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa aking bibig. Gusto ko maging parte ng S.T.E.
Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang hapon. Papunta na kami ni kuya para sa interview kaso nga lang ay bigla na naman akong inatake ng sakit. Nakita kong nagpanik si Kuya at iniikot ang stirring wheel papuntang ospital.
Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang oportunidad na nasayang dahil lang sa estado ko.
"After years of monitoring you, all the blood samples we collected. We can confirm that you have Guillain-Barré syndrome, Mr. Chaste Valencia. I'm sorry," sabi ng doktor habang binabasa ang charts na binigay ng nurse sa kaniya. I cried all night thinking if I could live longer. All I know is that it's a life-threatening disease that could lead me to death.
"Iwanan niyo muna ako, Kuya," bulong ko sa kanila habang nakatingin lang ako sa kumot na nakabalot sa pang-ospital na uniporme ko. I can still feel their presence kaya hindi ko na alam na nasigawan ko na sila. "Iwanan niyo muna ako!"
"I'm sorry," narinig kong sabi ulit ng doktor bago sila lumabas. Tinapik-tapik ni Kuya Cameron ang likod ko saka siya lumisan. Tears falling from my eyes made me asleep.
Nagising ako noong may kumatok sa kuwarto kung saan ako naka-confine. Binigyan niya ako ng dalawang cup. Isa ay naglalaman ng tubig at isa ay tatlong gamot.
"Great job!" puri ng nurse sa akin noong nainom ko ang gamot. Pinatingin niya sa akin ang kaniyang I.D. at hindi ko alam kung bakit. "I'm your nurse. Nurse Villaflor. I have 3 kids actually. One's still a baby. And one will have his interview tomorrow."
I replied with a morning voice, "Interview? Is your son working, ginang?"
She moved his mouth, thinking. "Mag-aaral 'yung anak ko kasi riyan sa Nova. High. Napilit ko siyang kunin 'yung program na Science Technology Engineering or STE," pagpapaliwanag niya.
"Tomorrow?" kuro ko.
"Yes? What grade are you this upcoming school year?"
"Grade 7, ginang," sagot ko sa kaniya. "Actually I'll be with same class with your son if I'm not mistaken. Nag-entrance exam din po ako kasi. And yesterday, my slot was voided dahil sa sakit ko po."
Hinawakan niya naman ang aking kamay at tiningnan ako sa mata. Para bang ngayon ko lang naramdaman na may mama ako... Na para bang ramdam ko na may nag-aalaga sa akin. "Sorry to hear that. But lagi kong sinasabi sa mga anak ko na huwag silang susuko sa mga bagay na gustong-gusto nila. Kung hanggat kaya pa nilang abutin, kamtin nila nang walang pag-aalinlangan."
"Do you think na I can still have my interview for tomorrow? Papayagan kaya ako ni Kuya?" inosente kong tanong sa kaniya.
I was shocked when she pinched my nose, "You'll stay here for a week or two. I don't know if that is still possible, Chaste."
I slowly nod, thinking that it is now impossible to have my goals. To be part of the S.T.E. Program.
"Kahit na hindi ka nakapasok, hindi ibig sabihin na rito na matatapos ang pag-aaral mo. I know that He has a better plans for you. Trust Him." Tumingin siya sa itaas kaya medyo naguluhan ako sa tinukoy niya. "You know the bible? God?" She asked.
"Familiar po. Hindi kasi masyadong relihiyoso ang pamilya ko."
Tumango naman siya, "May taong magdadala sa'yo patungo sa kaniya. Time will come, Chaste. Someone will be an instrument," sabi niya sa akin. "Kung gusto mo, dadalhin kita sa church. You'll meet a lot of young worshippers like you."
"Oh! Like pray?" tanong ko sa kaniya.
"That's the nearest way para makausap mo ang Diyos," natutuwa niyang sabi.
"Kapag po ba lagi akong magdarasal, mawawala na 'yung sakit ko?"
"Lagi kang magdasal. Nothing is impossible pagdating sa kaniya." She looked at her wrist kung nasaan ang relo niya. "Magpahinga ka na ulit. Napasaya ka ata sa pag-uusap natin."
Habang nililigpit niya iyon ay nagulat siya sa tanong ko, "Can I call you po... mama?"
"Yes! Of course." naiiyak niyang sagot. Niyakap niya naman ako at hindi ko alam pero parang ang sarap makaramdam ng ganito. "Ayos lang sa akin, anak."
Siguro nga na everything has a reason kung bakit ako hindi nakapasok sa S.T.E. Ilang araw na lang ay magpapasukan na. I was discharged na rin sa ospital at binigyan ako ng additonal medicines for my nerves.
"I'm relieved now na hindi ka nakapasa, li'l bro," pangyayamot ng Kuya ko habang nasa gaming chair siya, nagbabasa ng detective files niya. "It's so exhausting and tiring base sa observations ko. And you know that bawal kang mapagod, knowing your situation."
Siguro dahil na rin dito ay nalilimitahan ang mga gusto kong gawin. Napapatanong na lang ako kung bakit hindi ko kayang mabuhay nang normal. Iyong wala kang aalalahanin. Iyong wala kang problema.
"Help lola to wet the plants," utos niya sa akin. Dahil wala naman akong magawa at nakahiga lang sa kama ay sinunod ko na rin siya. Wala naman akong problema kung susundin ko 'yon.
Noong lumabas ako ay nakita kong napakasaya ni lola. Paano niya kaya nagagawang ngumiti kahit alam niyang may naghihintay sa kaniyang iba. "'La, ako na po riyan," banggit ko. Kinuha ko naman ang hose para diligan iyon. Simula noon, ay nahilig na rin ako sa mga halaman. Sumasama ako bumili ng mga makukulay at may malamyos na amoy. Siguro lola's boy na ako kung ikukumpara.
Magpapatulong sana ako kay Kuya para sa 4th Periodical Exam namin kaso nga lang ay may binato siya sa kama. Basahin ko raw 'yun. Dahil sa interes ko ay binuklat ko. Nakita ko ang decoding and law stuff.
"Constitutional Law by Cruz and Family Code of Paras," dahan-dahan kong basa roon sa dalawang makapal na itim na libro. "Kuya, ano 'to? Wala akong maintindihan!"
May binato na naman siya sa kama at sinalo ko 'yon, "That's a law dictionary. Basahin mo 'yan. That will help para sa exam mo. I mean, not for your exam tomorrow, pero for bar examination."
"Kuya?" Pagtataka ko. "Iba 'yung exam na nasa isip mo. Hindi ako mag-babar!"
"That's why you need to learn early. I'll go now. I have SSG meetings. Send my regards to lola." Paalam ni Kuya sa akin. Sinarado niya iyong pintuan at wala pang tatlong segundo ay binuksan na naman niya 'yon. "I forgot to say. I love you, little bro. Take care."
Umiling ako at nag-umpisang basahin 'yung mga binigay niya. Hindi lang ako nagkaroon ng interes, naging adik na rin ako. Iyong hindi ko matigilan basahin ang bawat cases, crimes, civil codes at iba pa. Siguro alam ko na ang mga basics at unting consitutional laws.
Tumayo naman ako at humarap sa salamin upang banggitin ang nakabisado kong Lawyer's Oath. Kagabi ko pa 'to nabasa pero ngayon ko lang natandaan ang lahat. Minsan naman kung hindi ako nagbabasa ng libro ay nanonood naman ako ng mga balita. At dahil doon, mas naging patok sa akin ang politics.
Nahuli kong nagbabasa si lola habang nag-tsatsaa kaya nagtaka ako kung ano 'yon. Iyon pala ang diyaryo. Natuwa naman ako noong nagparamihan kami ng masasagot sa Sudoku. Masyadong beterana si lola kaya siya ang nanalo. Minsan pa nga ay kapag nakakalimutan niyang iwanan 'yon sa kusina ay kinukuha ko 'yon upang sagutan lang ang Sudoku at Cross words.
Habang lumilipas ang High School life, akala ko ay roon na lamang iikot ang buhay ko. Sa politics, law, crime, decoding, newspaper, at iba pa. Not until may nakita akong babae sa opisina. Nag-iipon ako ng tubig para sana wisikan ang halaman kong nasa loob ng office ni Kuya Cameron. Akala ko huling kita ko na sa kaniya noon pero nakita ko na naman siya.
Hindi ako tumitingin sa kanila pero nakita ko ang SSG Card. Umiling na lang ako dahil codes iyon. Siguro ay Caesar box code na naman ang ginamit ni kuya. Pinunasan ko ang picture frame kung nasaan ang picture ng lola ko. Hinipan ko pa iyon dahil maalikabok na rin. Noong medyo bumigat ang atmospera sa loob ay naisipan ko na lang na lumabas para magpalamig. Pero bago ako lumabas nang tuluyan ay tiningnan ko ulit 'yung babaeng kinakausap ni Kuya.
Paano ba, hindi maaayos ang pananamit niya, iyong kulay pa ng buhok niya ay bawal. She really caught my attention.
"Good Afternoon, Ginang Librarian," bati ko sa babaeng nasa edad Fortys. Hindi naman siya masungit at kilala niya na rin naman ako. Pagkatapos kong mag-sign sa papel ay pumunta ako roon sa libro about cases. Hindi rin ako nakatagal dahil may isang babae roon at pamilyar na lalake. He was goddamn singing inside of library! May dala-dala pa siyang gitara.
"Gusto mo roon mo na lang ako kantahan?" tanong ng babae. Tiningnan ko ang lace niya at kulay berde, sign na Grade 7 siya.
"Sure, babe."
"Sabi ko diba kapag walang tao, huwag mo akong tatawagin niyan!"
"Sorry na, Joye." Napagpasyahan ko na lang kasi na roon magbasa sa labas. May lamesa't upuan din naman. Habang busy ako sa pag-digest ng Hawkins vs. Mcgee case, napakunot ako ng nuo noong nakita kong bumukas ang pintuan at iniluwa 'yung dalawa. Ito ba 'yung mag-jowa no'ng tinanong ko kay kuya? Tapos nakalimutan niyang sagutin?
"Sing me a song here!" natutuwang sabi no'ng Joye. Napailing na lang ako at saka naisipang hiramin na lang 'yung libro para sa opisina na lang ni Kuya Cameron ako magbasa.
"That girl's stressing me out," bungad ni Kuya habang may inaayos siyang papel. Iyong tinutukoy niya ata 'yung babaeng umagaw ng aking atensyon kanina bago ako umalis dito. Sayang at hindi ko manlang siya naabutan. Tiningnan niya naman 'yung hawak ko. "What's that?"
"Case," tipid kong sagot at saka pumunta sa puwesto ko. Kapag may libreng time, sinisikap ko na rito sa opisina ni Kuya ako pumunta. Masyado kasing maingay 'yung mga kaklase ko at hindi ako makapag-focus sa binabasa ko.
"Hawkins vs. Mcgee?" tanong niya at tumango ako.
I closed the book and asked my kuya, "What's with the girl, by the way?"
My brother looked at me with his suspicious eyes. Hindi ko alam kung bakit, curious lang naman ako. Ngumisi siya sa akin, pumunta sa tabi ko at tinapik ang likuran ko.
"If you'll state the facts about Hawkins vs. Mcgee case, then I'll give you the name of her," sagot ni kuya.
I was so serious about knowing her name. It's just because of my curiosity! Wala akong sinayang na araw at oras upang basahin lang ang case na 'yon. I never even talk to someone else. Hindi naman ako palakaibiganin kaya madali lang sa akin maging mapag-isa. I'm being used to being alone, to be in the dark, kaya naman I applied those experiences while I'm digesting this case.
Minsan pa nga ay natatagpuan ako ni kuya sa kusina tuwing gabi na umiinon ng kape just to study this one. Hanggang sa tinanong niya ako noong gabing din iyon.
"Why are you so serious?" Ipinatong niya ang kaniyang braso sa counter habang kumagat ng mansanas. He was already ready to sleep kaya napagtanto ko kung bakit pa niya ako ginambala.
"Serious from what?" I flipped the pages as I questioned back him.
"Serious from that girl."
Nagsalubong naman ang kilay ko at napahinto sa pagbabasa, "She's not a what." I emphasized because I'm asking what not who.
"But you thought of her, li'l bro!" Ginulo niya pa ang aking buhok para asarin ako.
Iniba ko kaagad ang usapan dahil ayaw kong malaman niya na lagi ko siyang nakikita noon. I'm too shy to ask my small group of friends about her at baka mas lalo pa nila akong pagdudahan. Most of the girls are always wearing perfume o 'di kaya ay magpapaganda pa para makausap ako. Ang iba naman ay binibilhan pa ako ng libro but I accept it naman. Kaya nga pala ang dami kong book shelves sa kuwarto ko at niisa ay wala pa akong binabasa.
"Uh... Mr. Hawkins... Charles Hawkins hurt his hand and Mcgee's hand had a cut," I stuttered while reciting to my kuya. Biglaan 'to kaysa naman ay pagdikusyon pa buhay ko. Ang ayoko sa lahat ay pinaguusapan ako. Ayoko ng atensyon.
Kaagaran naman siyang sumagot, "It was Charles' son who hurt his hand, right? In what way?"
Agaran ko namang binalikan 'yung page na 'yon dahil nakalimutan ko.
"Hey! Don't you try to reread!" saway ng kuya ko.
"A-Ano? Let me."
Sumuko rin naman siya at ngumisi ako. Alam ko namang hindi niya ako matitiis. When I found it sinagot ko siya agad. "Electrocution burn."
"Ah-huh," tumango naman siya. "Then what happened to the case? What case does the briefing turn?"
Nanghina naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Halos ilang araw ko na 'to inaaral pero napatayo na lang ako sa tanong ni kuya. "Wala bang madali?" Napakamot na lang ako.
"Madali?" tanong niyang sarkastiko at tinawanan pa ako. "What's the ruling na lang. Ayan, madali 'yan."
Sinubsob ko ang aking ulo sa counter, losing hope to know that binibini's name. Hindi ko aakalain na mahihirapan akong malaman ang pangalan niya. Ang pangalan.
Itinaas ko ang aking ulo upang sumagot. "Ang panukalang-batas... ng pagbawi sa isang kontrata ay nakabatay sa dapat ibigay ng isang akusado sa isang nagsasakdal, hindi sa ibinigay ng tagasasakdal sa akusado o kung hindi man nagastos?" tanong kong sagot. I wasn't sure of this but... I'm hoping. Natatawa na lang ako na para bang dito nakasalalay ang buhay ko. Eh, kanino nga ba ako huling nag-effort? Pasalamat 'yung binibini na 'yon!
"Hmmm..." tumango-tango ang kuya ko. Halata sa kaniya na masasagot ko ang tanong niya. "Then in English?"
"English?"
"Yeah, li'l bro! Translate it into an English transcript. English tanong ko, so English din dapat answer mo."
Sinarado ko na lang ang libro at saka nagbabalak umakyat sa kuwarto ko. "I hate you, kuya! Pinahirapan mo pa ako. I hate you!"
"Huh? Fine though. I hate you, too!"
"No! I hate you so much!"
"If you hate me that much, then I hate you very very much."
Napatingin naman ako sa trashbin malapit sa tabi ng gastove namin. "I just saw a trash bag today. Reminded me of you."
"If I was your mirror, I'd break myself just so you would throw me in the trash and I wouldn't have to look at you," sagot niya pabalik.
"Some people are just born to fail. Sorry, you're one of the unlucky ones," huli kong sinabi sa kaniya bago ako tuluyang umakyat sa kuwarto para matulog na lang. Mukha atang nauto ako ni kuya. Edi sana pala ay ginamit ko na lang ang detective skills ko. Ang alam ko lang kasi ay Novaleño siya. Hindi ko alam kung Section 1 ba siya or Section 30.
Noong pagkapasok ko ay binuksan ko ang table lamp ko at inilapag doon ang libro. Inikot ko ang tingin ko sa aking kuwarto na amoy dahon.
Napakunot ako ng nuo noong may kumatok sa aking pintuan at niluwa ito ay ang kuya ko. "Should tort damages for pain and suffering, as well as impairment, be included in the measure of damages when a party's performance under a contract for medical care falls below the standard required?" nagulat naman ako sa tanong niya at biglang napaisip nang mabilisan.
"No," bilib kong sagot sa akin. Napangiti naman ako noong alam ko ang ipinapahiwatig niya. Iyon kasi ang issue ng Hawkins vs. Mcgee case. May inilapag siya roon sa study table ko, probably an SSG Card.
I grinned as I read her beautiful name slowly. "Oh 'kay gandang pangalan, Leigh Xienne."
Noong pagkalabas na pagkalabas ni kuya ay napatalon na lang ako sa kama dahil sa tuwa. Sino bang hindi mahuhulog sa pangalan mo? Everything was worth it, Binibining Leigh.
__________________________________________________________________________________
♤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top