18

"Amen," sabi ng pastor namin pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang salita. Nakarating kami rito sa church sakay ng tricycle. Buti na nga lang hindi nag-inarte 'tong si Chaste at nakisabay na lang din. Magbabayad na sana ako pero naunahan na niya ako. 

Noong papasok kami sa church ay sinalubong kami ng mga ka-sister and brothers namin na bumubuo ng simbahan. Nakita ko kung gaano kabilis ma-attach at maging komportable 'yung mga kapatid ko kay Chaste. Eh, paano ba? Habang naglalakad ako, si Luke lang nasa tabi ko. 

Naalala ko pa nga na tinanong ko si Luke kung bakit hindi siya tumulad kina Lukas at Leah na tumabi rin kay Chaste. Sagot niya na masyado raw siyang nakakatakot. 

Hindi ko rin naman masisisi 'tong si Luke dahil gano'n din naman ang first impression ko roon sa lalaking 'yon.

Bumalik lang ako sa wisyo noong may nakita akong kumakaway sa vision ko. 

"Ate Leigh? Good to know that you're now back! Halos hindi mo na ako sinasagot, eh! Nakatulala ka na lang," banggit ni Alora, kapatid ng gitarista ng church namin na si Gilbert. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko, "Ayos ka lang po ba?"

Tumango naman ako. Ayos lang naman talaga ako... Marami lang iniisip.

"Kung ayos lang ate na itanong... Nasaan po pala si Kuya Leandro?" tanong niya sa akin. Kita pa rin sa kaniya kung puwede at komportable ko ba 'tong sagutin.

"Umuwi muna ng probinsya. May aasukasuhin lang siya," sagot ko. Ngumiti naman ako kaagad at baka mahalata niya na marami talaga akong iniisip. "Oh! Bakit? Miss mo na agad? Nako!"

"Ate? Wala akong sinasabi na miss ko na siya, ah!" Pamumula niya. "Kami rin pupunta ng probinsya. Kaso nga lang nagpaiwan si Kuya Berto rito."

"Baka makita mo si Kuya ko, pakumusta na lang kami." Bilin ko sa kaniya. Magkalapit lang kasi ang probinsya naming magkakapamilya.

"Anyways, sino 'yung katabi ngayon ni Kuya Berto?" 

Sabay kaming tumingin ni Alora para matukoy kung sino katabi ng kapatid niya. Hawak-hawak ni Berto 'yung isa pa nilang kapatid. Habang napatingin naman ako kay Chaste na nakatingin din sa akin. Sabay naming inilag ang aming mga tingin, at kinalimutang may nangyaring gano'n.

"Ah, wala. Schoolmate lang." Umiling ako sabay tumawa. Mukha ko naman siyang na-kumbinse.

Pagkauwi namin ay naglinis pa ako ng bahay at inayusan kung saan puwede matulog si Chaste. Hindi ko naman kasalanan 'yon na nakikitulog lang siya rito. 

"Ate, marami akong natutuhan ngayong kay pastor!" ani Lukas. 

"Same. Like in everything we're doing, mahalaga na we have this good mindset. Set goals." Dagdag ni Luke.

"Haggard!" 

Napangiti na lang ako na kahit sa murang edad nila, may natutuhan na sila sa sinasabi ng pastor. 

Dahil sa pagod ko ay nakatulog na rin ako. 

Maaga-aga akong bumangon at hindi ko na nakita si Chaste pero nandito pa rin mga gamit niya. Nag-umpisa muna akong mag-unat at nagluto ng makakain nila. Nakakita naman ako ng papel sa may table upang maglapag sana ng pinggan.

'Don't miss me too much, binibini. I just jog for a while.'

Inulit-ulit ko pang basahin ang nasa papel pero ayon talaga ang nakasulat doon. Jog? Eh kung jogjogin ko buhay no'n! Akala ko pa naman na makakaraos na ako sa presensya niya? Babalik pa pala siya rito! 

At saan pa niya nakuha ang kalakasan ng apog niyang English-in ako? 

Iniwan ko 'yung papel at saka sinuksok sa damit ko. Baka makita pa ng mga kapatid ko't asarin ako.

Habang nagsasangag ako ng kanin ay nakita ko namang bumangon na si Luke, himala na hindi siya tulog mantika.

"Do you need help, Ate?" tanong niyang boses antok. Tiningnan ko naman ang bagsak niyang buhok dahil binasa niya ito. 

"Ayos lang ako. Gisingin mo na sina Leah at Lukas," utos ko. Agaran niya naman 'yon sinunod. 

Habang naman nilabas ko ang tuyo at hotdog ay nagulat akong tumalon ito. "Ay! Hotdog!" 

Nakita ko ang kamay na dahan-dahang dumampis habang kinukuha ko ang nahulog. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang pawisang Chaste. Malapit ako sa kaniya at amoy ko ang pawis niyang mabango sa ilong. 

Hinayaan ko na lang 'yon sa lupa at nakita ko rin naman na tumayo siya kaagad.

"'Yung hotdog, ano? Diyan na lang 'yan sa lupa?" inis kong tanong. Nag-bend ako para makuha 'yon. Akala ko pa naman na dadamputin niya? Tangina!

"Binibini, ano niluluto mo?" kuro niya habang pinupunasan niya ang pawis niya. "Huwag kang tumingin sa'kin."

"Ikaw na susunod kong lulutuin!" 

"Masyado na ba akong masarap para lutuin mo? Kalma lang," ngumiti siya sa akin at nakita kong lumabas na rin mga kapatid ko sa kuwarto. 

"Apir!" Yaya ni Lukas kay Chaste habang nagpupunas pa rin ng pawis niya. 

"Apir?" kuro nito. 

"Opo?" patanong na sagot ni Lukas. Bakas pa rin ang antok nito. "Kapag mag... bubump iyong dalawang palad ng dalawang tao. Apir tawag do'n, Kuya!" 

"Bakit tayo mag-aapir?" sungit na sagot ni Chaste habang niluluto ko ang ulam namin.

"Hay nako! Ang daming tanong! Apir lang naman, eh!" Napakamot siya ng ulo kaya napatawa ako. Lumakad si Lukas papuntang C.R. para ata maghilamos. 

"Gusto mo kuya sampalan?" Ngumiting sarkastiko si Leah sabay sumunod na kay Lukas. "Joke lang, ah!"

Pagkatapos no'n ay naghanda na rin ako. 

"Gusto mo ng tulong?" Nagulat ako noong narinig kong bumulong si Chaste sa tenga ko. 

"Kaya ko na 'to. Asikasuhin mo na lang mga kapatid ko," utos ko.

"Sige po, binibini," sagot niya agad. "Masusunod po."

Nagdasal kami bago kumain katulad ng lagi naming ginagawa atsaka kumain na rin. 

Mabilis lang ang naging takbo ng araw namin. Noong hapon ay naglaro kami ng Chinese Garter, Patintero, at Agawan Base. Nilibre ko rin sila isa-isa ng ice candy. Naalala ko pa nga na kulang 'yung nabili ko kaya hinatian ako ni Chaste ng kaniya... Hindi ko naman nagawang tanggihan.

"Matulog na kayo, may mga pasok pa tayo bukas," utos ko sa kanila.

Nakita ko lang si Chaste na nasa harapan ng T.V. namin, nanonood siya ng balita. Ngayon na nga lang 'to nabuksan ulit. 

"Ikaw, matulog ka na rin," banggit ko sa kaniya. Napasilip naman ako kay Lukas na nakahiga sa binti ni Chaste. Nag-shh pose naman ito na para bang magigising ko 'yung kapatid ko. 

"Okay."

Pagkagising ko ay ganoon din ang ginawa ko... kailangang magtipid kaya pinabaunan ko mga kapatid ko.

"Oh! Hindi si Kuya Leandro maghahatid sa inyo," sabi ko sa mga bagong ligo na kapatid ko. Sakto naman na pang-umaga rin si Chaste kaya sabi niya na isabay niya na lang 'yung mga kapatid ko.

"Opo, ate!"

Pinasok ko naman 'yung tupperware sa bag ni Leah, Lukas, Luke. Habang binubutones ni Chaste ang uniform niyang pang-itaas.

"Mag-ingat kayo," huli kong bilin bago lumabas 'yung mga kapatid ko.

"Binibini," banggit ni Chaste sa akin habang nagsasapatos siya. Nakatingin siya sa akin, maayos ang buhok, at amoy ang pabango niya. "Hindi ako maka-uuwi ng maaga dahil sa nalalapit na eleksyon. Sana iyong maunawaan."

Malapit na pala 'yung eleksyon ng SSG?

"Sinabi ko na rin kay Nate na kailangan niyang siya ang umattend sa mga meetings.  Kaya ayos lang na hindi na ikaw pumunta."

"Gano'n?" Tanong ko. "Hindi naman talaga na ako pupunta. Wala na akong balak."

"But your eyes are lying," banggit niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

Napakunot naman ako ng noo.

"Sige, puwede kang pumunta. Basta sa isang kondisyon," ani Chaste.

Kasabay no'n ay napataas ang aking kilay, "Ako lang ang puwede mong bisitahin. Wala nang iba pa." Huli niyang banggit bago niya pinuntahan mga kapatid kong nasa labas.

Pumikit lang ako at wala na sila.

Napasapo na lang ako sa ulo.

"Leigh! Kanina ka pala wala sa conscience. What's happening with you?"

Nandito na pala ako sa practice para sa Cheerdance. Kaharap ko si Angel na nakapamewang sa akin.

"Ako?" tanong ko. Tangina! Kanina pa ba ako nakatulala?

"Of course! Anyone, may other Leigh pa ba rito? None?" kuro niya sa mga nag-papractice. "Get yourself together. I'll suspend you if you're situation is always like that."

Napatingin naman ako sa paligid ko. Hindi naman bago sa akin 'to.

Kapag iba nagagawa ko... unting mali lang... napagtatawanan na ako. Malakas naman akong tao. Ayos lang na pagtawanan nila ako. Wala lang iyon sa akin.

"Leigh, you should eat too," pag-aalala sa akin ni Zophiya na nasa harapan ko ngayon.

Pagkatapos ng practice ay nagklase pa ako. Marami na rin kasi akong nalilibanan na quizzes at exams. Buti na lang din at nag-coconsider mga teacher namin. Ayos lang sa akin na hindi makakuha ng mataas na grado, basta pasado.

"Bieh? Let it all out. What's happening?" tanong naman ngayon ni Emma. Lumapit siya sa akin ngayon sa aking tabi at niyakap ako. "Kilala kita."

"Wala namang nangyari," pagsisinungaling ko.

Nagulat ako nang binaba ni Ashley 'yung cellphone niya dahil in game siya, "Kumusta ka ba?"

"Ayos lang ako. In game ka diba? Maglaro ka riyan."

"Anong ayos?" duda niya. "Huwag mo na intindihin laro ko! Tapos na rin naman."

Tiningnan ni Emma 'yung phone niya kung tapos na nga, "Balita ko na mababawasan ka ng points kapag AFK?"

"Points lang 'yun. Mababawi ko rin," ani Ashley. "Going back kay Ate Leigh."

"Ayos lang ako. Legit mga bieh! Magsipagkain na kayo," tumawa pa ako.

Tumingin sa akin si Zophiya at tinanong ako nang malumanay, "Ikaw? Do you want ba na samahan kita sa canteen? You want to buy ba?"

"Nagtitipid ako, eh," sagot ko. "Sige na. Hindi naman ako nagugutom."

Segundo ang lumipas at nagulat ako sa ginawa nila.

"Hoy! Anong ginagawa ninyo?" nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa ginawa nila.

"Isn't it obvi., dumbass?" Inirapan ako ni Natasha.

"Sorry, ham and itlog lang maambag ko."

"Mabubusog na riyan si Xienne. Diba, biEh?" ngumiti sa akin si Emma habang hawak-hawak ang paper plate na punong-puno ng kanin at ulam.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang kusang naglipit ng table namin. Ako na rin ang nagtapon ng mga basura. Hindi naman kasi bigdeal sa akin iyon.

"Where are you going?" tanong sa akin ni Zophiya pagkabalik naming lima sa classroom. Wala naman akong dala na kahit ano kaya nagtaka ako.

"Meeting?" patanong kong sagot.

"Yuh! We have a meeting right now. Mind to go together with me?" yaya niya. Pumayag naman ako kasi iisa lang din naman ang pupuntahan naming dalawa.

Kagaya ng sabi ni Chaste, pupunta raw ako roon basta siya lang ang dadalawin ko.

"Bakit kanina mo pa ako iniiwasan? Did I do something ba?" Sinisiko pa ako ni Nate habang ako naman ay nakakrus ang braso sa dibdib.

"Shut...ang ina," bulong ko pabalik. Paano ba? Kanina pa ako sinisilip ni Chaste. Kada minuto ba naman ay tinitingnan niya ako.

Habang nag-didiscuss siya, habang kausap niya sina Taya at 'yung secretary niya... nakapukaw lang ang mata niya sa akin.

Dahil malapit na nga ang SSG Campaign nila ay napagpasyahan ko na turuan sila ng choreo para raw sa jingle. Ang cute lang naman nila tingnan kaya napapatawa ako.

Hanggang sa dumating ang Campaign days nila. Para sa akin, sila ang may pinakamalinis na takbo pagpasok nila sa room namin hanggang paglabas.

Wala akong magawa kung hindi suportahan siya.

Kahit malayo o malapit, kahit alam kong abot ko o hindi... basta tanaw siya ng mga mata ko, nandito lang ako. Handang suportahan ang anumang tatahakin niya.

"Sa tingin mo ba puwede sa akin 'yon?" tanong ko kay Chaste habang nasa labas kami ng bahay. Malamig kasi rito at mahamog na rin.

"Hindi ka pa ba pagod? Hindi pa ba dagdag gawain 'yon sa'yo, binibini?" sagot niya sa akin. Napakagat na lang ako ng labi. Cheerdance, pagtatrabaho sa cafè, pag-aaral at ngayon naman ay gusto ko ring tahakin 'yung paggawa ng mga assignments and projects ng mga Novaleños.

Siguro kahit isang buwan lang. Mairaos ko lang 'yung bayarin para sa pagkain namin araw-araw at makapag-ipon din ako.

"Kaya ko 'yun. Ako pa ba?" Tumawa naman ako. Lalo na wala si Kuya, kailangan ko ring mag-effort. Ayoko naman na iparanas sa mga kapatid ko na hindi sila kumakain ng ulam, na kandila lang ang ilaw namin, at nag-iigib kami ng tubig sa kapitbahay.

Hindi ko alam... pero kasi si tatay na lang ang humahawak ng suweldo ni nanay. Hindi ko nga alam kung saan 'yon napupunta. Wala akong nahahawakan. Si Tatay lang ang nakakaalam ng bank details. At wala kaming magawa ni Kuya.

"Hindi mo ba masyadong pinapagod sarili mo?"

"Saan ako mapapagod? Eh, wala nga akong ginagawa," sagot ko.

Nagkibit-balikat naman siya. "May alam akong hindi mo alam. Even though I'm entering someone's privacy pero I'm doing it for good," sagot niya bago siya tumalikod sa akin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" sigaw ko habang papasok siya sa bahay namin.

"It's up to you if itutuloy mo 'yan. I'm busy with our upcoming SSG Election."

"Ayaw mo ba akong alagaan?" Bago siya tuluyang makapasok sa loob ay matapang ko siyang tinanong.

"Matutulog na ako, binibini," simple niyang saad. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. 

"Sana bangungutin ka!"

Mabilis lang din dumaan ang mga araw. Kagaya nga ng sabi niya, magiging busy siya sa SSG works niya. Habang ako naman ay nagsasagot ng mga takdang-aralin ng mga Novaleños. Buti na lang din at nagagamit ko 'yung talino para kumita ako. Madali lang din naman kasi pinapagawa, mga essays, equation sa Mathematics. 'Yung mga lagi sa aking nagpapa-tutor ay binibigyan ko pa ng solutions.

Hanggang sa abala akong naglalakad papunta sa meet-up place, loob lang ng campus para kitain 'yung isa kong kliyente. Likod iyon ng Mathay Building kaya hindi kami masyadong kita ng mga iba pang estudyante, teachers, or mga non-teaching. Siguro may mga dumaraan pero hindi gaano at hindi madalas.

Malayo pa ako pero tanaw ko na tatlo silang naroon. Babae nga pala kliyente ko. Maganda siya aaminin ko, naka-bagsak 'yung buhok ng kliyente ko, rebonded ata. Habang 'yung dalawa ay naka-head band pa.

Pagkarating na pagkarating ko roon ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi.

Bakas yung pulang kamay sa mukha ko. Namamaga pero sanay naman na ako rito... Paano ba sinanay na ako ni tatay.

"How dare you?" bungad niya. Kita ko sa kaniya ang galit. Halos umapoy na ang mga mata niya sa inis, "Look at my notebook and papers!" kasabay nang paghagis niya ay natamaan ang katawan ko sa lakas ng impact. 

Dahan-dahan ko namang binuklat 'yun at nakita kong may mga bilog na pulang marka... ibig sabihin no'n na mali.

18/20

9/10

Nakita kong dumaan si Taya. Hindi naman ako umaasa na tulungan niya ako. Nabuhay na lang ulit dugo ko noong sinampal ulit ako ng babae sa kaliwa kong pisngi.

"The fuck! Sana tinen points mo manlang! Siguro you're sabotaging me, 'no?" Noong pagkasampal niya ay napatingin na lang ako sa kanang bahagi ng lupa at dumura ako.

"You're famous dito sa campus. Many boys want na makita ka sa stage tuwing recognition. So, maybe?" singit ng isang babaeng kasama niya.

"Hindi kita sinasabotahe. Ano bang sinasabi ninyo?" sagot ko sa kanila.

Hinawakan niya naman ang aking panga, pinisil niya iyon at inangat pa niya, "Anong not? Look at my scores! There are so many mistakes!" 

"Nasasaktan ako," hindi maliwanag kong banggit. 

"Who cares? You should suffer! My parents would hate me if they say my scores!" sigaw niya. Nakatingin lang ako sa lupa, hindi sa kaniya. Nakakairita 'yung mukha niya. 

"Sa true! Fight for it. Mahal din ng binayad mo riyan diba?" 

"Yup! Tapos the results were like this? Mag-aavail din sana ako... but this? Gosh! I don't want na!"

Iniikot ko na lang ang mga mata ko para hindi ko sila makita hanggang sa nagtama ang mga mata namin ng isang babae. 

Putanginang mukha 'yan.

"May brilliant idea ako!" sabi noong humahawak sa panga ko. "What if ipagkalat natin 'to so Novaleños will not avail to her na?"

Agaran namang sumabat ang alagad niya, "Oh my god! I should request to post that to our Novaliches High School Secret Files! Siguradong many students will reach our message!" Humalakhak naman siya.

Isa pang sampal mula sa kanan ang natanggap ko. Sumosobra na sila, ah!

Narinig ko naman bigla ang boses multo. "Woo!"

"What's that scary sound, girls?" Pagtataka nila. 

"Woo!" 

"Girls, it's getting louder!"

"Woo!!!" Tuloy pang tunog nito.

Natakot 'yung mga babae at tuluyan na silang umalis. Pupunta na sana ako kung saan nanggagaling ang boses pero walang bakas ang naabutan ko.

"Sino 'yon? lakas manggago," banggit ko sabay punas ng aking labi gamit ang likurang bahagi ng aking kamay.

Pagkatapos na pagkatapos kong hugasan 'yung mukha ko sa C.R., dumiretso na agad ako sa office ni Chate dahil may meeting sila ng SSG.

Nabasa 'yung pang-itaas ko pati ang necktie. Buti na lang at natuyo ito ng init ng araw kaya hindi halatang basa 'yung damit ko pagkapasok kung nasaan sila Chaste.

"May gagawin lang akong mahalaga kaya hindi muna ako makauuwi. Naiintindihan mo naman ata ako binibini 'di ba?" tanong sa akin ni Chaste pagkatapos ng meeting. 'Yung iba naman ay nauna nang umuwi kaya unti na lang kaming natira rito.

"Umuwi ka sa bahay mo. Ayun ang uuwian mo," sagot ko sa kaniya. 

Lumapit siya sa akin at pumwesto sa aking tabi, "Alam ko. Alam ko." 

"Gusto niyo ba manood ng T.V.?" tanong ko sa mga kapatid kong abala ang takbuhan sa loob ng bahay.

"Sige ako, ate!" agarang sagot ni Lukas. Tumingin naman ako kay Luke na may binabasa sa dilim.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harap habang hawak-hawak ang remote, "Huwag ka magbasa sa madilim. Lalabo mata mo niyan."

"Sorry, Ate," paumanhin niya at pumunta sa may liwanag. Nakaupo naman siya ngayon sa harapan ng table. At may nararamdaman akong... iba.

"May bumabagabag ba sa'yo?" nagtataka kong tanong. Umupo ako sa harapang upuan habang nakatingin sa kaniya.

"Wala po, Ate. I'm completely fine," sagot niya at iniwas ang tingin niya. Ngayon ko lang napagtanto na liham pala ang binabasa niya.

"Gusto mo bang iwanan muna kita para makapag-isip-isip ka muna?" kuro ko. Iyong sulat na binabasa niya ay masakit din para sa akin. Gusto ko sana iyong itago sa mga kapatid ko pero ayoko namang ipagdamot 'yon.

Naalala ko ang huling kataga sa liham na hawak-hawak ni Luke, "Leigh, lagi mong iingatan mga kapatid mo. Kahit malayo ang ina, lagi ko pa rin kayong aalalahanin. Huwag kayo mag-aalala, iaahon ko kayo sa hirap. Ikaw muna ang magsilbing ilaw sa kanila, ah? Lagi kang magpapakatatag, anak ko. Mahal na mahal ko kayo. Tandaan niyo 'yan."

"That's why I hate politics, Ate," nagulat naman akong bumulong si Luke. Pinunasan ko naman ang aking mukha dahil sa pabadyang luha. "Politics took the presence of mama."

"Hindi naman 'yon sa ganoon, Luke," sagot ko.

"Then what is it, Ate? If only that mayor didn't need my mama, nandito sana siya ngayon. Mama should be the one in your place right now," sabi niya at halata sa mga mata niya ang galit. "I don't want this to say but... I'm hurting when I see you keeping your real feelings to us, Ate. It hurt me as your kapatid that I didn't even see you crying... that I didn't even feel your weaknesses."

Napayuko naman ako sa mga sinasabi niya.

"It hurt me to the point I really wanted to protect you even I'm just your little brother," his voice broke.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay napagtanto ko na ganoon pala ang lumalabas sa kaniya.

"P-Pasensya ka na," saad ko. Mahirap ibuka ang bibig ko, hindi dahil sa nahihirapan ako pero nasasaktan ako dahil umiiyak 'yung kapatid ko. At ang masaklap pa na ako ang dahilan nang pag-agos ng kaniyang mga luha.

"I'm trying to keep this from Leah and Kuya Lukas but... they know this as well." Napa-angat na ang aking ulo at nakita ko ang kaniyang luha... ang kaniyang mga matang galit.

"Na? A-Ano?"

"That... that," nahihirapan niyang sabi.

"Na nagtatrabaho ka, Ate Che," narinig ko naman ang boses na galing sa likuran ko. Gusto kong tumalikod pero hindi ko magawa... nahihiya ako.

"P-Paano niyo nalaman? Kailan pa?"

"Kami dapat ate nagtatanong niyan, eh. Kailan pa po ikaw nagtatrabaho?"

"Bakit mo pa ate kailangang gawin 'yun?"

"Akala mo po ba ate na hindi namin mapapansin ang pula sa'yong pisngi? Umuwi ka ateng may ganoon," sabi ni Lukas habang madiing hawak-hawak ang liham na sinulat ni nanay bago siya umalis ng bahay para magtrabaho sa mayor. "Ate, masama ba na inis ang nararamdaman ko ngayon?"

Napatingin na lang ako sa taas para hindi tumulo ang aking luha.

"Naiinis! Inis na inis ako, Ate!" galit na sabi ni Lukas.

"S-Sorry." At dito na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Naiinis ako sa ginagawa mo po, Ate Che. Hindi dahil sa mismong ikaw po," tuloy pa niya, "Grade 6 ni kami, Ate, eh! Puwede kaming maglako."

"Y-yeah," rinig kong boses babae sa aking likuran. 

"Hindi... hindi niyo kailangang gawin 'yon," sabi ko kaagad sa kanilang tatlo. "Hangga't nandito ang Ate ninyo, hindi kayo makararamdam ng sakit at hirap. Ayokong ipadama sa inyo 'yon." 

Dahil ang gusto ko... maranasan niyo ang kabataang hindi ko naranasan.

Sa totoo lang, bata pa lang ako, ramdam ko na ang hirap at bangis ng buhay. Kapag hindi ka kumilos, walang mangyayari sa'yo. Kahit saan-saan ka pupulutin. 

Mahirap... mahirap mabuhay sa totoo lang. Mahirap mabuhay kapag mag-isa ka lang. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng mga kapatid, nanay, at tatay. Dahil sa kanila, patuloy kong kinakaya ang hirap ng buhay. 

Pagkatapos ko silang mapatahan ay mabilis na kaming nakatulog. Gumising ako na para bang walang nangyari kagabi. Na para bang normal na ang lahat.

Gumawa ako ng umagahan para sa mga kapatid ko para may mabaon sila. Hinatid ko rin sila bago ako pumunta ng computer shop para mag-print ng gagamitin for Science Month Exhibit. Napunta pa ako sa mga walang hiyang mokong! Buti na nga lang at print lang ng pictures ang naibigay sa akin.

Habang nag-scroscroll ako dahil paubos na rin naman 'yung time ko ay nagulat akong nag-message sa akin si Chaste sa Messenger.

Chaste Rliesse Valencia

: Magandang Umaga, binibini.
: Libre ka ba para bukas?

Nagtaka naman ako dahil weekend bukas. 

Leigh Xienne Sta. Maria

: hinde. may gagawin ako bukas sa bahay ng kaklase ko

Humindi ako kasi pupunta pa ako sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng project. Hindi rin naman ako magtatagal doon kasi nga kailangan kong umuwi ng maaga para sa mga kapatid ko. Lalo na wala si kuya, at wala silang bantay.

Nagulat naman ako noong agad niya itong na-seen.

Chaste Rliesse Valencia

: Saan?

Leigh Xienne Sta. Maria

: Kahit saan
: Bye. paubos na time ko

Chaste Rliesse Valencia

: Nasaan ka ba ngayon, binibini?

Leigh Xienne Sta. Maria

: Ano ba ang pake mo? Masyado kang maraming tanong
: Kung na-mimiss mo na 'ko, edi umuwi

tapos dinelete ko naman kaagad iyon dahil maling termino ang nagamit ko.

: Kung na-mimiss mo na 'ko, edi pumunta ka na sa bahay namin ulit.
: kung gusto mo pa

Chaste Rliesse Valencia

: I cannot be. Marami pa akong gagawin. 
: Hanggang sa susunod, binibini. Lagi nga pala kayong mag-iingat.

At sakto naman na biglang nag-black ang screen ng computer dahil ubos na nga ang oras ko.

"Umuwi ka na kasi sa akin," bulong ko sa harap ng screen sabay kinuha ang USB para i-print ang mga nakalap kong imahe.

__________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top