14
"Tell me the truth. Only the truth. Nagkakaintindihan ba tayo, Leigh?" Tanong sa akin ni Nate na naka-T-shirt na puti at black slacks. Nakasuot lang siya ng School I.D. Habang naglalakad ako pabalik sa classroom, nagulat ako sa kaniya dahil bigla na lang siyang sumulpot.
"Huh?"
"Didiretsuhin ko na. I'm such a good kisser ba?"
"Gago?"
Pumunta siya sa aking harapan na nagpahinto ng aking lakad. Katatapos lang ng morning additional classes namin, matirik pa ang araw pero itong nasa harapan ko ay parang tustadong itlog na. Nakakainis ang pagmumukha! Idagdag mo pa 'yung tanong niya sa akin.
Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa aking mga braso, "Ano? Dali. Umamin ka na."
"Alam mo, tangina ka rin, eh, 'no?" Tinanggal ko iyong pagkakalagay niya roon.
"Oy, I was joking lang naman! We never kissed each other. You may answer it naman based on your assumptions... or wild guess, right?" Pangungulit pa niya sa akin.
"Wala akong balak halikan ka. Marami namang nagkakagusto sa'yo rito. Bakit hindi ka na lang sa kanila?" Nakaakyat na akong tuluyan sa first floor at kakaliwa na lang ako, didiretsong lakad, para makapunta sa classroom namin.
"Wala naman akong gusto sa kanila. They always see me as a bad guy, laugh out loud." Sabi niya na may halong pagmamayabang.
"Oh, edi ikaw na maraming options."
"Pero I have a question." Seryosong banggit niya bago ako tuluyang makapasok sa classroom. "How will you say that you're having a crush on someone?"
Napahinto ako noong tinanong niya iyan sa akin, "Bakit ako tinatanong mo niyan?"
"Just the guts. I think you know well about that." Diretso niyang sabi sabay ngisi.
"Alam mo, ang dami mong kalokohan ngayon." Iniling ko na lamang ang aking ulo sabay tuluyang pumasok. Muli na naman akong napahinto dahil sumigaw siya nang napakalakas. Na para bang wala kaming katabing Grade 10 S.T.E.
"I'll pick you up later! Don't worry may excuse letter naman," Sigaw niya. Halata naman na hindi niya rin sigurado kung kailan niya ako susunduin. "May meeting mga partido ng SSG. You said you wanted to meet him diba?"
Kumalabog naman ang aking puso noong narinig ko 'yun. Hindi ko alam pero parang hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko ngayon. Nakita ko lang naman siya ng isang beses? Dalawa? Ewan, hindi ko mabilang dahil hindi ako maka-focus masiyado. My thinking was only sa mangyayari mamaya.
Hindi naman ako napili ng kahit anong tatlong partido. Si Nate ba napili kaya may access ako?
"Anong partidong pumili ba sa'yo?"
Hindi na siya nag-alinlangan pa, "Hayskul. Running for Grade 10 Representative." Pumose pa siya na parang bilib na bilib sa nakuha niya.
"Ehem, ehem." Nakarinig naman ako nang mahinhin na ubo. Tila ba na kinukuha ang atensyon... o baka may narinig lang siya na kakaiba.
"Soph?" Tiningnan ko ang babae kung saan nanggaling ang boses. Si Zophiya pala 'to! "Huy, gago. Nanggugulat ka ba?"
"Oh my god, I'm sorry. I didn't mean to." Banggit niya na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan. "It's almost 1:00 PM. The meeting's already starting at the A.V.R., I guess."
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"I didn't tell it to you? Partidong Hayskul took me as well." Ngumiti naman siya sa akin. "Let's go na?"
Tumingin ako kay Nate na nakikinig lang sa usapan naming dalawa.
"Anong I didn't tell it to you? Malihim kang tao, gaga." Ani ko. Sumulyap naman ako sa relo niyang kumikinang. Malapit na nga pala talaga mag-one.
"I will paliwanag it with you soon. But for now, we should hurry na." Sabi niya sabay kinuha ang panyo sa kaniyang striped maroon skirt. Hindi lang mahinhin ang best asset ni Zophiya. Malinis din siyang babae, napakalinis niya sa lahat ng bagay.
"Leigh?" Napahinto kaming tatlo noong nakita namin si Angel na sinadya ata akong puntahan. Ano na naman kaya ang balak niya sa akin? May halong irita kasi ang boses niya. Naka-taas pa ang isang kilay. Halatang rebonded din ang buhok!
"Ano, gago?"
"What the fuck? I came here in freaking peace." Pagsusungit pa nito. "I don't have much time left."
"Oh, sinong may pake sa time mo?"
Narinig ko naman ang tahimik na tawa ni Nate.
"You're such a waste of time, Leigh! Anyways, we have a meeting tomorrow." Tuloy-tuloy niyang sabi. "About the upcoming cheer dance competition."
"Weh? Huh? Gagu, malapit na ba?" Natataranta kong tanong. Halos wala na nga akong balita about dito!
Tinaasan niya ako ng isang kilay at ini-straight pa niya ang kan'yang tindig, "Calm the fuck down."
"Sige, sige." Sabi ko na lang sa kaniya. Naalala ko na may pupuntahan pa nga kaming tatlo kaya nag-respond na rin ako kaagad.
Lumapit naman sa akin si Nate habang naglalakad kami palayo kay Angel, "Kung ako sa'yo, dapat ininis mo pa."
"Tangina mo."
Habang patuloy kami sa pagtahak, napapansin kong maraming nakatingin sa dalawa kong katabi. Hindi naman bago 'yun dahil si Zophiya ay sikat dahil palagi siyang sumasali sa mga competitions lalo na kapag modeling ang usapan. Ito namang mokong na nasa kanan ko, eh, aba... paano ka hindi makilala ng buong campus kung lagi kang napapupunta sa SSG President's office?
At bago kami tuluyang makapasok sa Marcos Building, kung nasaan ang A.V.R., bigla kaming nakarinig ng boses na tinatawag ang pangalan ni Zoph.
Sumulyap nang inosente si Zophiya sa aming dalawa ni Nate na nakasuksok ang mga kamay sa black sacks' pocket niya. "Uhm, guy and girl. You may go there na. I have something to do lang."
Napatingin naman ako sa babaeng may edad na. Mukhang masungit ito. Naka-all in black suot din. Hindi ko alam kung may patay ba o ito lang ang fashion niya.
Rinig-rinig sa campus na may posible siya ang pumalit bilang bagong principal ng Nova High. Hindi ko rin naman ma-confirm kung totoo ba. Hindi naman kasi ako chismosa.
"Sino ba nangangailangan sa'yo? 'Yung babae ba na 'yan?" Tanong kong may pag-aalinlangan. Dahan-dahan ko ring siyang tinuro.
"Ang bobo mo," Dinig kong bulong ni Nate sa akin. Hinablot niya ang nakaturo kong daliri at hinawakan iyon. Halos hindi na nga makahinga 'yung daliri ko sa sobrang pagkakahigpit. Ang alam ko na lamang na susunod na nangyari ay napasabay ang aking katawan sa agos nang paghila niya.
Nakarating na kami sa A.V.R. pero may mga estyudanteng nagbabantay sa labas. Baka sila 'yung mga mag-checheck ng mga expected attendees para sa event na 'to.
"Huy, gago. Sabi ko sa'yo bawal ako rito, eh!" Banggit ko kay Nate na tuloy-tuloy lang ang lakad.
"You have me. I got you."
Sumabay na lang ako sa kaniya. Hindi ko pa rin alam kung p'wede ba talaga ako rito!
"Name mo po, Kuya?" Tanong ng isang lalaking nasa kabila. Naka-SSG T-Shirt ito at may I.D. na nakasabit.
"Paanong name? Hindi mo na ba ako kilala?" Nagulat ako sa balik ni Nate sa nagtanong sa kaniya.
"Kuya, I'm just confirming your identity." Depensa nito.
"I don't have a twin?"
"Si ano 'yan, Nate! Baliw ka ba?!" Rinig kong bulong ng babae sa lalaki. "Our fault, Nate." Kumuha siya ng I.D. at sinulatan ito ng Nate gamit ang pentel pen. Binigay niya ito at tinanggap naman ni Nate.
"I have someone to go with me. Can you give her an I.D. as well?" Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumingin siya kung nasaan ako.
"Uh, Sir, we can't. The only listed students are only allowed to enter this event. We're sorry." Sagot ng lalaki.
Sabi na nga ba at bawal akong pumasok, eh!
"Why? Just let her. She's safe, don't worry."
Umiling nang paulit-ulit ang lalaking kausap ni Nate. Ang babae naman ay wala ring magawa dahil baka iyon talaga ang inutos sa kanila, "Sir, we can't talaga."
Isang pamilyar muli na lalaki ang bumukas ng sliding door ng A.V.R. Nagitla ako noong iniluwa nito si Cameron, ang current SSG President.
"Leigh Xienne, why are you here, huh? Nice to see you again." Nilapitan ako nito at halos wala pa rin siyang pinagbago. Isa na siyang Senior Student, hindi ko alam ang track niya pero parang H.U.M.S.S. ata ang kinuha.
Nakaantabay lang sa ere ang kaniyang kamay. Gusto niya atang makipag-shake hands?
"OMG! Si President gustong makipagkamayan sa isang hindi kilala na babae? Prepare an alcohol!"
"Shut your mouth, baka marinig tayo. Anyways, Isasama na rin bang ihanda 'yung tissue?"
Hindi ko na siya tuluyang nakipag-shake hands dahil bigla niyang kinuha 'yung pentel pen at isa pang blank I.D.
"Leigh... Xienne..." bulong niya sa ere habang sinusulat ang mga pangalan ko. Pagkatapos ay iniharap niya sa akin ito. "Tama ba spelling? Check it."
Nagliyab kaagad ang aking katawan noong nabasa ko'y 'Leeh Xiao'. Wala nga talaga siyang pinagbago! Demonyo pa rin siya!
"Tangina mo, Cameron! Pakyu ka." Sabi ko sabay hablot ng I.D. na 'yun. Sabagay, wala naman akong balak suotin 'yun. Pero ang ganda kasi ng lace! Maroon gradient ito at may Baybaying naka-ukit na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam.
Isang malamig na hangin ang sumalubong sa amin. Kahit public ang eskwelahan namin, naka-aircon pa rin ang A.V.R. Nagpadagdag pa sa ginaw ang buga ng electricfan.
Tumindig ang aking balahibo no'ng nakakita ako ng iba't ibang mga estyudante na may potential at posibleng mahalal bilang parte ng Student Supreme Government ng Novaliches High School. 'Yung iba, aaminin ko na, nakakatakot ang awra. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay 'yung isang pamilyar na lalaking naka-salamin.
"He's the one you're looking, right?" Nakiliti naman ako sa bulong ni Nate sa akin. Hindi ko alam pero nararamdaman kong gustong tumawa ni Nate kanina pa habang papasok kami. Dahil ba sa nangyari kanina?
Naalala ko na naman tuloy 'yung tanong ni Nate kanina. Iyong paano ko raw malalaman kapag nagkaka-crush ka sa someone.
Bakit niya kaya 'yun tinanong sa akin? Kasi kahit ako, sa totoo lang, hindi ko rin masasagot 'yun.
Napahinto naman ako noong narinig ko ang boses ni Nate, "Hello, hello!"
Kinabahan ako roon! Akala ko siya na ang binati nitong mokong na Nate! Bumabati lang pala ito ng mga nakasasalubong niyang kapwa-nominated SSG!
"Uy, may isang plastik." Parinig ko. Baka dahil gusto niyang makakalap ng boto sa iba.
"Uy, may isang kabado."
Sasapakin ko na sana siya bigla pero naalala ko na nasa pormal kaming event! "Alam mo, ang gago mo talaga sa akin ngayon. Parang walang pinagsamahan."
Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at nagsabi ulit ng, "Uy, may kinikilig."
Pagkabitaw niya ng mga salitang iyon ay dahan-dahan niyang nilayo ang mukha sa akin. Hindi tinatanggal ang pagkatingin sa aking mga mata at sabay ngumisi. "Let's meet my co-partido, shall we?"
Pinakyuhan ko muna siya bago kami pumunta roon.
Nililibot ko ang aking buong paningin sa loob, maraming nagkakamayan, maraming nakangiti. Pero sa likod ba nito ay totoo? Hindi ko alam. Parang estratehiya nila ata 'to para mahalal. Siguro may ibang mga estupido na mahuhulog sa patibong na ito, pero ako, hindi ko sasayangin boto ko.
Dito pa lang ay kinikilatis ko na sila. Sadyang kay hirap lang talaga matukoy kung sino ang totoo at nagpapanggap lamang.
Nasa kaliwa lang aking tingin at pagkalipas ng isang segundo ay hindi ko namalayan na may nabangga akong tao. Hinihintay ko na lamang na malaglag ako sa sahig ngunit inalalayan niya ako.
Naramdaman ko ang init ng kaniyang mga kamay na nakapalibot sa aking baywang, "Binibini, ugaliin mong mag-ingat."
Agad ko namang tinanggal ang pagkahawak niya roon dahil nag-init na rin ang aking katawan. At napakabango rin ng kaniyang amoy. Pang-baby!
Pustahan tayo, isa rin 'tong si Chale? Chaser? Na bait-baitan. Ano nga ba ulit pangalan nito?
"Hindi ba gumagana ang iyong sentido kaya pati pangalan ko ay limot mo?"
Nakita ko naman bigla si Taya sa likuran niya, umakbay pa ito at nakangising tingin sa akin. Buti na nga lang at naalala ko pa 'tong babae na 'to.
Nakasubo ito ng lollipop at dahan-dahan niya 'tong tinanggal sa kaniyang bibig. Umakma itong bubulong kay Chaste.
Dahil doon ay nagsalubong ang aking mga kilay. Nagulat ako no'ng hinawakan ni Nate ang aking kamay. Hindi naman ito mahigpit, sakto lang ang pagkaka-grip.
"Ika'y lilisan na? Hindi mo pa nga ako tuluyang nakikilala." Pahabol nito sa akin. Napasulyap ako kay Taya na mukhang nagtataka.
"Kailangan ko pa ba siyang sagutin? Ang kulit ng bungo." Bulong ko kay Nate.
Umiling siya sa akin. Dinala niya ako sa upuan, Naka-pabilog ito kaya kaharap ko ang kaniyang mga ka-partido.
Nagtaka naman ako kung bakit ako ang naka-upo at siya ay nakatayo lang. "Huy, hindi ako 'yung lalaban, ah! Bakit ako 'yong naka-upo?"
"Do you want to stand lang ba?" Sabi niya. Ang weird lang ng position namin at kung paano ko siya tinitingnan ngayon. Masiyado siyang matangkad kaya nangalay 'yung leeg ko tumingin sa taas kung nasaan siya.
Nahihiya man ako pero sinabi ko na rin na oo. "Baka kasi masiyadong mahalaga pag-usapan niyo. Hindi mo maririnig nang maayos kasi mamaya nangangalay ka na."
Nilapit niya ang kaniyang bibig sa akin para bumulong, "Do you think that I have an interest to listen?"
Napatawa naman ako. Ginamit pa niya akong excuse para hindi siya makinig! Sabagay, gang leader nga pala itong kinakausap ko.
"Enough with the chit-chats." Banggit ng lalaki na kausap ko kanina. Parang may halong galit ang boses nito. "Maaaring bang ilaan na natin ang ating buong atensyon para rito? Ayoko na sanang makarinig ng hindi relatibo sa ating usapin."
Sumingit naman si Taya. "Pero bago tayo magsimula, gusto ko lang sanang tanungin 'yung kasama mo Natheus. Ayos lang ba 'yon?"
"Who? Leigh?" Ani Nate.
"Mukha naman diba. Siya lang naman 'yung dinala mo rito."
"I... think we can't entertain any more questions. If your sense of hearing is functioning well, you can understand my context, Taya." Sunod-sunod na sabi nito.
Napatingin naman ako palibot at mukhang na-aawkwardan ako.
Umalis na lang kaya ako rito? Ayon ang sabi ng isa kong braincell habang ang isa naman ay baka may mahanap akong pogi kaya h'wag na lang.
"She's staying." Sabi ng isang babaeng kararating pa lamang. Malamyos ang boses nito at bagay na bagay sa kaniya.
"Soph." Banggit ko.
Agaran naman sumingit si Nate, "You're late. What happened? Did it go well?"
"Uh... I don't know." Na-aawkwardan na sagot ni Zophiya. Sakto naman ay may bakanteng upuan sa tabi ko, hindi na siya nag-alinlangan na umupo roon. "Anyways, nasaan na ang talk niyo?"
"Alright! Mukha namang lahat ng miyembro ng Partidong Hayskul ay nandito na." Sabi ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala ang pangalan. Chase? Cheese? Ano ba?
"Para maging komportable tayo sa isa't isa..." Panimula ni Taya. "Mayroong laman 'tong mga brown paper bag. Even us, hindi namin alam 'yung laman. All you have to do is to relate it with yourself. Pakilala kayo and then... relate the item with yourself or personality."
"Let's start?" Tumikhim ang lalaki at saka inayos ang kaniyang salamin. "Magsimula tayo sa mga representatib."
Pinalo naman ni Taya ang lalaki sa braso. Hindi naman ata iyon masakit, "Ang duga mo! Inuna mo pa mga bata."
Tahimik lang si Zophiya na nakatingin habang si Nate ay bumubungisngis na. Ano kayang nakatutuwa roon? Eh, naghaharutan lang naman 'tong dalawa.
"Ayos lang naman iyon sa inyo diba?" Tanong niya. Parang nalaglag ang aking puso dahil nagpa-cute pa ito. "May libre kayo mamaya sa akin kapag hinuli niyo ako."
Sa kabilang banda... libre? Sus. Alam ko naman na taktika iyan para makakuha ng boto!
"Sige po, Kuya!" Natutuwang sabi ng mga Grade 7.
Maya-maya ay nagsimula na ang pagpapakilala nila. Natutuwa ako sa mga bata dahil ang talino nila para ma-relate ito nila sa kanila.
Natawa pa nga ako na kahit balat ng kendi ay nasagot pa niya ito. Kahit ano raw kulay nito, hitsura nito, may tinatagong kagandahan ito sa loob at kung ano ang tunay na pagkatao mo.
"Grade 8 naman tayo!" Malawak pa niya na ngiti.
Tinanggap ito ni Zophiya ng walang pag-aalinlangan. "Before me mag-start, hello I'm Zophiya running as your Grade 8 Representative. Nice to meet you!"
Sumingit naman ang isang Grade 9 Student, halata naman ito dahil sa Official I.D. lace niya. "Diba ikaw 'yung mostly nanalo sa model?"
"And she's a daughter of the head teacher. Hearing nga everywhere na magiging principal iyon?" Sumbat ng isa pang Grade 9 Repre.
"Yeah, as usual, These brothers of Valencia are inviting famous people to gain votes."
"We can't disagree. Tayo rin naman makikinabang." Tumawa pa ito. "Popularity over Quality."
Napakunot naman ang ulo ko sa usap-usapan nila. Valencia? Valencia apelyido ni Cameron, ah? Ah! Natatandaan ko na. Magkapatid nga pala itong lalaki na 'tong hindi ko maalala ang pangalan pati si Cameron.
Napatingin ako kay Zophiya na mukhang hindi na siya komportable. Kilala ko si Zoph na magaan ang damdamin kaya kung itutuloy pa ng dalawa 'yung pag-uusap nila, may tsansyang iiyak 'to.
"Tangina, ang lo-lowclass niyo naman." Hindi ko napigil ang aking boses na sabihin iyon sa kanila.
Nagulat ako no'ng tumahimik ang puwesto namin.
Minock-face lang din naman ako ng isang Representative.
Huwag lang talaga nila banggain mga kaibigan ko. Baka bukas o makalawa, matanggalan na sila ng buhok!
"Kalma ka nga." Minassage ni Nate ang aking likuran. "Just focus yourself on what's happening right now. They don't deserve your attention, Leigh."
"Gago! Alam ko." Bulong ko.
"Uhm..." Bakas sa boses ni Zophiya na paiyak na siya. Pero kahit na magaan ang damdamin nito, propesyonal naman ito maghawak ng iyak. "I got a chalk."
Napahanga naman ang mga miyembro ng Partidong Hayskul sa pinakita ni Zophiya. Alam ko naman na masasagot niya ito dahil sanay na siya sa mga Q&A portions. Pero siguro, kung makukuha ko 'yan, mga 10... minutes pa ako makaiisip ng paliwanag.
"Chalk. Hmmm... I can relay that special thing to my own self by it will give you the way you want. Draw all things or even write words, no one can control you. But in my situation, having freedom is like a bird in the cage and the key to open mine is placed in another cage. It's so hard to reach and it's impossible to achieve."
Sabi na nga ba na makakaya 'to ni Zophiya. Minuto ang lumipas at naipasa ito sa mga Grade 9 Representative, basic lang sila sumagot.
Nairaos din naman ni Nate ang sa kaniya. Itim na bandana ang nasa loob no'n kaya sa tingin ko ay may background talaga siya roon. At ngayon naman sa mga opsiyales.
"Hello! I'm Ate Zhekaniah! Your running SSG Secretary from Partidong Hayskul. I'm already Grade 10 Student and I'm glad to be part of this group. So diverse." Pamilyar itong babae na 'to, eh. Alam ko ay nakukuwento ito minsan noong cheerdance namin. Ah! Dati nga pala itong Cheer leader ng grupo.
Nakakuha naman ito ng strands ng pom poms. Sigurado na marami siyang naisip tungkol dito. At hindi naman ako nagkamali, naihalintulad niya 'to sa dati niyang gustong gawin... ang pagiging cheerleader.
"V.P. Taya ikaw na!" Tumili pa 'yung running SSG Public Information Officer kay Taya. Malambot ang P.I.O. gumalaw at wala akong problema roon.
"Ako? Hala." Nag-maang-maangan pa ito sabay tawa. "Aray ko!" Naghampasan pa silang dalawa ng P.I.O.
Hindi ko alam pero napatingin ako sa lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan. Napaiwas ako bigla ng tingin dahil nginitian niya ako. W-wala naman akong balak na titigan siya! Napatulala lang ako!
"Omg! Haha! Hello! I'm your Ate Taya! Grade 10 Student. Hmmm... I'm not that intimidating, guys. Sakto lang. I mean, it depends on how you'll treat me. If you're familiar with me, I'm part of a band." Alam ko naman na lahat 'yan. Pinahaba niya lang mga sinabi niya. "Oh! Ang interesting ng laman! Bakit plastic cup?"
Nagulat ako no'ng bumuga ako ng tawa. Kaagad ko namang tinakpan ang bibig. Sinundan naman ito ng malakas na tawa ni Nate. Hinampas ko pa siya.
"Oh, why? Is it bad to laugh? Nakatutuwa nga, eh. Entertaining." Sunod-sunod lang sabi ni Nate sa akin. "Don't mind me. Focus ka na lang."
Aakma na sana akong titingin kay Taya. Pero napansin ko na nakatingin sa akin ang lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan, at agad naman itong umiwas ng tingin.
Umiling ako sabay iwas ng tingin. Pinakinggan ko na rin ang pagpapaliwanag ni Taya roon sa laman ng brown paper bag.
"And because na rin this is the side of the people na nakikita nila sa akin. I don't know pero I think they'll use me if they want lang. It sucks." Pagbabanggit nito. Malalim ang pagkakahugot niya pero hindi ko matukoy kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.
"Nandito lang kami, Mareng Vice! Cheer up!"
"We'll support you, VP! We got your back! Kami pa ba?"
Pinunasan naman ni Taya ang nagbabadyang luha, "HAHA. Thank you! You all are the sweetest."
"Si Future President na next!" Sabi ng Grade 7. Napaiwas na ako ng tingin kay Taya at saka tumayo para sana kumuha ng tubig. Nauuhaw na kasi ako! Sakto naman na may dispenser malapit sa sliding door na pinasukan namin kanina.
"Remove the future." Ani Taya.
"Taya," Pagpapakalma ng lalaki nito sa kaniya. Mukhang iba kasi ang tono ni Taya at baka nakalilimutan niya na bata ang kausap niya.
"What? I'm just saying it. Secured na 'yung position sa'yo. The rest are fillers."
Nakapagtataka lang at bakit naging running candidate 'tong si Taya. Wala namang maganda sa kaniya. Loob? Hindi. Labas? Maganda siya, morena, sakto lang ang height niya bilang Grade 10.
Nakatayo na ako lahat-lahat at handa na para kumuha ng tubig. Nagbabalak na magtanong sa lalaki kung p'wede ba ako uminom. Baka kasi sabihing bastos ako.
"Psst, puwede ba muna akong uminom?" Sabi ko sa lalaking handa nang ipakilala ang sarili.
"Hello. I'm Chaste Rliesse. Tumatakbo ako bilang President ng Partidong Hayskul." Banggit niya nang hindi tumitingin sa akin.
Wait! Natandaan ko na rin pangalan niya.
"Chaste, excuse me. Iinom ako? Puwede ba?"
Halos ilang segundo rin ang hinintay ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Ano bang meron? Outsider na ba talaga ako? Gago siya, ah!
Narinig ko naman si Nate na kinukuha ang aking atensyon, "Leigh, let's go. You're going to drink, right? Samahan na kita."
Wala naman akong no choice at sumunod na lang sa kaniya kasi uhaw na uhaw na talaga ako. Tuyot na tuyot na lalamunan ko tapos hindi ako papansinin? Akala ko ba mabait siya? Bakit hindi niya naman iparanas sa akin?
Habang naglalakad kami papuntang water dispenser ay giniginaw na ako sa lamig. Ayos lang. Kaya ko pa namang tiisin.
"Get 2 cups na." Sabi ni Nate sa akin. Gano'n din naman ang ginawa ko. Kumuha ako ng 2 styro cups sa may table.
"Tangina nito, pati pagkuha kinatatamaran."
"What do you mean? 2 baso ka ng tubig uminom. Alangan naman na pagurin mo pa ako sa pagkuha." Sabi niya habang ibinaba ang cold press.
"Gago ka!"
Inabot naman niya sa akin 'yung unang baso pero bago iyon ay ininuman pa niya 'to. "Wala akong sakit."
Agresibo ko na lang itong kinuha sa kaniya at sabay ininuman. Hindi pa ako nangangalahati ay bigla akong nasamid sa pamilyar na lalaking nakita ko.
"Pu...putangina! Kahalikan ko rati, nandito?" Nagsalubong ang aking mga kilay noong nakita ko muli siya at nasa kabilang partido pa.
__________________________________________________________________________________
♧
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top