12
"Halayieee!" Simula nang pang-aasar ni Ashley sa akin habang estatwa akong hawak-hawak ang cellphone na pinahiram sa akin ni Cameron. "Sino 'yun? Ang gwapo ng boses!"
"Oh! I-ito na!" Binalik ko na kaagad 'yung cellphone niya sa kaniya at sabay tumingin sa aking mga kaibigan habang grabe ang kalabog ng puso ko. Ngayon na lang kasi ako nakarinig ng boses na gano'n kakaiba.
Kinantahan ko lang naman kasi 'yung nasa kabilang linya ng Happy Birthday gaya ng pina-utos sa akin ng mga kaibigan ko! At napapatanto rin ako kung sino 'yung nasa kabilang linya. Bakit siya nasa ospital? Ano kinalaman niya kay Cameron at tinawag niya itong kuya?! Tangina! Napapasakit pa ulo ko rito kakaisip.
"Tangina! Wala na bang mas hihirap doon?" Pagmamayabang ko na lang sa kanila.
"H-huh?" Gulat na ekspresyon ni Emma.
"Halos nga mautal-utal ka na kanina, eh." Pang-aasar naman ni Ashley.
"Yuh!" Pagsang-ayon din ni Sophia.
Ganoon na ba talaga iyon? Unti-unti na ba akong nahihiya? Ah, sabagay! Hindi ko kasi kilala 'yung tao na 'yun.
"Next na tayo."
Pinaikot naman nila 'yung bote at tumapat ito kay Berto. Dare rin pinili niya. At pinagpatuloy niya lang ang dare na hindi niya nagawa noon. Halos maghampasan na kami ng katabi ko dahil sa kilig. Iyong tipong kahit hindi naman kami ang kinakantahan pero nakaka-relate kami.
Ito talaga 'yung aking napagtatanto sa aking sarili. Gusto ko ba talaga 'yung tao dahil gusto ko sila o baka naman gusto ko sila dahil sa presensya lang nila? Iyong tipong dahil nakikita ko 'yung mga tao na may kasama na nagbibigay at nagdadagdag ng motivation at inspirasyon sa kanila ay kinaiingitan ko ba?
Halos tumagal ang laro at lahat ay naturo ng ulo ng bote. Natatawa lang ako kay Cameron dahil truth ang pinili niya. Mukhang natakot ata siya sa mga ipapagawa ng mga kaibigan ko kaya ayun ang tinanggap niyang kapalaran.
"Okay!" Halos hindi mapigilang tawanan ang bumalot sa bleachers kung nasaan kaming lahat na nakaupo. Tila ba'y wala ng bukas, at damang-dama lang namin ang kasiyahan.
Pinaikot naman kaagad ang bote habang hawak-hawak ng iba ang kanilang tiyan. Grabe ang hagalpak na tawa nila Ashley, Vincent, Gilbert, at Lance. Ang mahinhin na tawa nila Sophia at Angel. At ang hindi mawaring kasiyahan nila Natasha, Emma, at Cameron.
Ngayon ko lang napagtanto na bakit pa ako maghahanap ng kasiyahan sa iba kung nandito naman na sila? Motibasyon at inspirasyon? Nandiyan naman ang mga matatalik kong kaibigan.
Nandiyan din ang aking mga kapatid lalo na si Kuya Leandro na kahit anong desisyon ko sa buhay, lagi siyang susuporta roon. Si Nanay naman ay kahit minsanan lang ang aming komunikasyon ay hindi pa rin nawawala ang mahigpit naming pagsasama kahit magkausap lang kami gamit ang cellphone. Huwag na raw kami mag-alala sa kaniya dahil mukhang nasa mabuting kamay naman siya na nagpanatag sa akin. Hindi niya rin kinakalimutang ipaalala na magsimba at magdasal kami. Natatawa na lang ako dahil ngayon ko lang 'to naiisip.
Totoo nga. Totoong may pagbabago ng nagaganap sa akin. At alam kong nagsisimula na ang mga pagbabagong mangyayari.
"Emma, sa iyo nakatutok!" sambit ni Ashley bago ako napatigil sa aking pag-iisip.
"Dare..." hindi mawaring ekspresyon niyang sinabi.
"Hoy! Ako na mag-dadare riyan! Ako na bahala!" Pag-pepresenta ko naman sa kanila.
"Huh? Oh! Sige." Agad naman na payag ni Ashley. Napapatanong din mga iba kong kaibigan pero napapayag ko rin naman sa kanila.
Hmmm... ano kaya puwede kong i-dare rito?! Gusto ko 'yung mahihirapan talaga siya.
"BiEh! Magkaibigan tayo diba? Baka naman?" Natatawa niyang sabi.
"Nah! Fairness and equality are only allowed here." singit ni Cameron.
Bago ko mabigay ang dare ko ay biglang may dumating na babae. Mabigat ang kaniyang dinalang ere. Pamilyar ang kaniyang mukha pati na rin ang kaniyang boses.
"Pres. Cameron! Tawag ka sa opisina." Tono ng boses babae.
"By whom?"
"Ikaw na pumunta, Pres! Doktora name, eh! Nakalimutan ko apelyido."
Napatingin naman ako sa nakatayo ng Cameron. D-doktora?!
May naalala naman ako noong may kinantahan ako ng Happy Birthday. Sabi niya kasi 'kuya' tapos nasa ospital din siya.
"Uh! Yeah. I'm going in a few, Taya. " balik ni Cameron sa babaeng nasa baba ng bleachers.
"Hey, guys! Mauna na ako. I had fun. It's just I need to go to the hospital to visit my li'l bro... I think." sabi niya. Ngayon ko lang nakumpirma na kapatid niya itong kapatid. Pero baka li'l bro rin ang tawag niya sa iba pa niyang mga kaibigan. Tangina, nakakasakit na talaga sa ulo mag-isip.
Akala ko bababa na 'to ng tuluyan pero bigla niya ako inabutan ng card.
Pamilyar 'yung itsura ng card. Sigurado akong galing ito sa SSG dahil may Baybaying nakaukit sa itaas ng card. Maroon ang kulay ng aking hinahawakang matigas na papel na may puting text.
Inaalala ko pa rin kung saan ko ito unang nakita o... natanggap? Ah! Tama. Noong bago ako mag-1 week cleaning service dahil inabutan ako ni Glay noon nito.
Alam kong tinago ko ang binigay niya noon sa kadahilanang hindi ko pa rin masagutan kung anong code iyon.
"I hope you'll accept my invitation. Don't worry, you can ask your friends to go with you." Huli niyang sinabi bago bumaba.
Bigla namang nagtanong si Ashley kung ano binigay sa akin ni Cameron pero agad naman nagsalita si Emma sa kaniya na baka private ito kaya hindi na rin siya nangulit.
Nandito na kami sa classroom. Siguro isa lang 'yung teacher na nakapagturo sa amin ngayong buong araw. Baka 'yung iba ay tinatamad dahil nga may programme kaninang umaga.
Katulad ngayon ay nasa labas-S.T.E. hallway lang kami ni Emma dahil niyaya ko siya rito para makatas sa kaingayan sa loob.
Si Sophia naman kasi raw ay kailangan niyang pumunta sa Head Teacher's office kaya hindi na siya nakasama. Si Natasha naman ay nayaya ni Ashley na pumunta ng canteen at kanina pa sila hindi bumabalik.
Huling period na kasi namin at naisipan ko ring magpalamig muna. At baka opportunity ko na rin na makausap si Emma patungkol sa card na binigay ni Cameron sa akin.
Nakahawak siya sa blue grills na nakalagay sa pader habang ako naman ay nakasandal.
Kinuha ko ang kaniyang atensyon, "BiEh?"
"Yes?"
"Ano kasi... diba.... kanina? May binigay kasi si ano, Cameron sa akin. Card. Despidida raw laman ng mensahe, eh." sabi ko sa kaniya sabay kinuha ang card na nasa bulsa ng palda ko.
"And then?"
"Anong ano? Basahin mo na lang 'to," sabi ko bago ko binigay ang maroon card sa kaniya. Unting minuto lang ay napatahimik ang ere.
"Oy! Magsalita ka nga! Kinakabahan ako sa 'yo, eh." Totoo naman kasi iyon at siguro maya-maya ay pagsasabihan na naman niya ako.
"You're going?" unti niyang sabi.
"Hindi na para sa 'yo. Tangina naman, huwag kang ganiyan sa akin. Ang ano ng dating mo ngayon." Sunod-sunod ko nang sabi sa kaniya.
"Are you sure that you'll not go? Kasi Leigh, kung sasama ka, I must go with you."
"Ano ba sa tingin mo ang maganda? Bukas pa naman 'to! Hay!"
"Hmmm. Let's scale the good ones rather than the bad ones. Kung pupunta ka bukas..."
Hininto ko ang kaniyang pagsasalita, "Kung pupunta ako bukas makakakain ako ng marami! Samgyupsalan 'yon, eh! Ay, oo nga! Baliw, tara na! Sama na pala ako."
"Geez, Leigh!"
"Oh! Wala ka ng no choice! Kasi kung pupunta ako, sasama ka rin naman!"
"Fine-fine! Sige! Kung hindi lang talaga tayo mag-kaibigan--"
"Ha? Bakit naman napupunta sa pagkakaibigan?!" Pagdududa ko sa kaniya habang hinahampas siya.
"Aray ko!" hawak niya sa kaniyang braso, "Basta susunduin kita bukas sa inyo."
"Huh? Bakit?! Magkitaan na lang tayo sa sakayan ng trike!"
"Oh! Oh! Ikaw na nga sasamahan ko bukas. Dali na!" pagpupumilit pa nito sa akin.
"Ah, hindi! Bahala ka riyan mangisay! Final na 'yon! Hintayin kita bukas sa sakayan ng trike!"
Nginusuan niya ako na para bang natatalo na sa pakikipag-away, "No! Susunduin kita!"
"Walang sunduang magaganap! Kitaan na, biEh!"
"Susunduin kita!"
"Hindi."
"Susunduin kita nga kasi!—"
"Y'all are so fucking loud. What's going on you two?" bulong na pasigaw ni Natasha sa amin na kakaraan pa lang sa S.T.E. Hallway. Katabi niya si Ashley, at wala akong nakitang pagkain o inumin na binili nila. Baka naman inubos nila. Or ewan ko rin kasi wala naman akong pake kung may ginawa sila.
"None?" Patanong na sagot ni Emma sa kanila. "Ang ibig kong sabihin, wala. Let's go, pasok na tayo. Baka dumating pa si Ma'am at masiyadong malamok na rin." Yaya niya sa amin.
Hawak-hawak niya naman ang aking mga braso habang papasok kami sa loob. Sumunod naman sila Ashley, at si Natasha namang nagdududa pero natigil iyon noong chinikahan siya ni Ashley.
Bago ako umuwing tuluyan sa bahay ay nag-night shift muna ako sa Café na pinagtatrabauhan ko. Laging routine ko naman na iyon, tuwing pagkatapos ng klase ko ay kailangan kong kumayod para sa pantustos sa aking sarili. Ang iba kong kinikita ay napupunta sa pang-ipon ko at pinapantulong ko sa sapat na suweldo ni nanay na ibinibigay niya sa amin.
Buti na lang at pang-umaga na ulit si Kuya Leandro. Kasi rati, noong ako'y Grade 7, ako ang nagbabantay sa mga kapatid ko. Laging salitan naman kami noon pati ngayon dahil wala naman nang iba pang maaasahan kung hindi ay kami-kami na lamang.
Ngayong Grade 8 ako, panggabi na, nababawasan mga gawain ko kila Leah, Luke, at Lukas. Buti naman at iba sa kanila ay madaling turuan ng mga gawaing bahay, ang iba ay nagkukusa, ang iba ay sadyang mabait talaga.
"Hoy! Anong magandang suotin ko kaya bukas?"
Hawak-hawak ko ang cellphone na pinahiram sa akin ni Alita. Bigla kasing pumasok sa isip ko na dapat bang maging disente ako bukas.
Sa katunayan, noong pasara na kami ay saka ko na lang ito naisip. Nakaayos na ang mga upuan sa loob ng Café at hindi na rin kami naka-uniform.
[Bakit ako? Hindi ako expert diyan. Hmmm.. si Sophia! Tama, si Soph! Try mong tawagan si biEh! Magaling 'yan sa mga pagpapartner-partner ng mga suotin.]
"Si Soph? Ah, sabagay. Tama ka rin. Salamat!" Binababa ko na ang tawag.
Sumingit naman si Alita sa akin habang inaayos niya ang mga gamit niyang dadalhin pauwi, "Kaibigan mo? Beshie mo?"
"Oo. Bakit?" sagot ko habang dinadial 'yung number ni Sophia.
"Wala ka pa kasing pinapakilala sa akin! Papuntahin mo kaya sila rito minsan--"
[Hello? Good evening. Who's this?]
Natigil sa pagsasalita si Alita noong sinagot ni Sophia ang tawag. Sakto rin dahil ayokong sagutin ang tanong niya.
"BiEh!" Energetic kong sabi sa kaniya. "Aalis kasi ako... aalis ako bukas. Pahingi naman ng tips."
[Hmm. What kind of tips you exactly want?]
"Sa damit. Gusto ko kasing maging disente bukas. I mean, wala lang, trip ko lang naman." Sabi ko. Siguro kasi marami rin ang pupunta bukas at nakakahiya naman kung ako lang ang magsuot ng hindi pabor sa nakakaramihan.
[You want to be what? Decent?]
"Huh? Oo. Eh, kasi, nakakahiya naman kung magsusuot ako ng nakakahiya..."
[Hmmm. It's okay for you to wear whatever you want. But if you want my advice, i-ayon mo sa event. If partys, wear a plain tees and jeans, partnered with sandals] Sunod-sunod niyang sabi. [By the way, saan ka pala pupunta? Maybe I could borrow you my outfits. Send your address lang, I will go there as soon as possible so you'll not wait pa]
Agad naman akong na-estatwa sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya sa akin, pero... pero bawal niyang malaman na nagtatrabaho pa ako.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Simula sa dapat ba magsuot ako ng damit na naaayon dapat sa nakakarami... at siyempre sa balak na pagpunta ni Soph dito.
Ang gulo ng utak ko. Ang gulo ng mga ekspresyong namumuo sa akin ngayon.
Siguro ba dapat kong hingian ng approval ang mga tao para mamuhay ako? Siguro ba dapat totoo ako sa kanila na ito lamang ang estado ko? Na isa akong highschool student na nangangarap nang mataas para sa aking pamilya at para sa aking kinabukasan?
Hindi ko na alam... hindi ko masabi ang mga eskaktong salita.
"Huy, Leigh Xienne! Iyong nasa telepono ko, kanina ka pa tinatawag!" Napatigil ako sa aking pag-iisip noong sinigawan ako ni Alita para kunin ang aking atensyon.
"Ha? Ah, oo!" Bumalik ako sa cellphone at huling nagbanggit kay Sophia ng, "Salamat. May gagawin pa ako!" Binaba ko na ito agad at binalik na ang hiniram kong telepono kay Alita.
Nauna na akong umuwi kaysa kay Alita at nakapagpaalam na rin ako nang maayos.
Habang ako'y pauwi sa amin ay dumarapo ang hamog sa aking balat. Naririnig ko rin ang boses ng mga bata sa daan na naghahabulan. Ang mga tunog ng motor at traysikel ay sumama rin.
Siguro ang sarap mabuhay sa mundo ng walang tinatago sa iba.
Siguro masarap mabuhay kung malaya at tunay na masaya ka.
Nakarating ako sa bahay habang suot-suot ko na ang aking mga ngiti.
"Ate!" Sumigaw kaagad si Lukas noong nakita niya ako.
Nakita ko ang iba kong mga kapatid at si Kuya Leandro sa lapag na nag-gugupit ng mga artpapers. Para ata sa project ni Leah iyon.
"Oh, abutan mo muna ng inumin ate niyo." utos ni Kuya kay Leah.
"Huh? B-bakit ako, Kuya? Tingnan mo, oh, busy ako mag-gupit nitong napakatigas na papel!"
"Sino ba kasing nagsabi na gamitan mo ng gunting iyang karton?" Singit ni Luke sa kaniya. "Dumb, ate. So dumb."
"Ano raw? Manhid ako? Numb?"
Napapailing na lang ako sa kanila at bigla akong inabutan ng isang malamig na baso na may lamang tubig. "Ate, inom ka muna. Alam naming pagod ka."
Agad naman nagsalubong ang kilay ko, halata ba sa mukha ko?
"Ate, magkapatid kasi tayo. Kaya kung anong nasa isip mo, na-teteleport din sa utak ko!"
Nagulat naman ako noong biglang tinutok ni Lukas ang magkabilaan niyang hintuturo sa bawat gilid ng aking ulo at nilipat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang ulo naman. "Tingnan mo, Ate! Nilipat ko na muna mga iniisip mo sa akin para mabawasan naman po sa'yo."
"Gosh, Lukas! Hindi porket may dalang dalawang box si Ate ng donut, ganiyan ka na!" Sumingit naman bigla si Leah na hawak-hawak ang gunting.
"Huh? Anong sinasabi mo?"
"Pst, Lukas, i-ignore mo na lang 'to." Paulit-ulit na tinuro ni Luke si Leah habang nakangising nakatingin sa hawak-hawak kong boxes ng donut. Ngayon ko na lang ulit naaalala na inuwian ko sila dahil minsan lang sila makatikim nito.
Agad ko namang binigay na kay Lukas ang box para ipamigay sa mga kapatid ko.
Habang kumakain sila ay lumabas muna ako para makalanghap ng hangin. Siguro nga marami akong iniisip gaya ng sinabi ng kapatid ko.
"What is it, Che?" hindi ko na naramdaman si Kuya Leandro na papalapit sa akin. Ang alam ko lang ay naka-akbay na siya sa akin.
"Huh?" Nagsalubong na naman ulit ang aking kilay. Siguro sa maraming gumugulo sa aking utak ay wala na rin akong masabi pa.
"Anong mayroon? Nakita pala kita sa school bago ako umuwi."
"Kuya?!"
"Wala ka namang ginagawang masama, Che. Bakit ka ganiyan maka-react? Kalma." sabi niya. "Sumali ka ulit sa Cheerdance knowing what happened last time?"
Bigla na namang sumagi sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Noong pinunit ni tatay ang costume ko sa Cheerdance habang nasa harapan ko. Nasilayan iyon ng aking dalawang mata.
"Opo." Sagot ko sa kaniya. "Pasensya na po. Hindi ko talaga kayang bitawan iyong gusto ko. Ayokong bitawan 'yung kasiyahan ko. Pasensya na po, Kuya."
"Bakit ka humihingi ng pasensya sa akin, Che?" tumawa pa siya.
"Kuya?"
"Gawin mo lang kung saan ka masaya at sa mga bagay na nagpapasaya sa 'yo. Gawin mo lang kung ano 'yung mga gusto mo." Sumilip siya loob kung saan masayang kumakain ang mga kapatid ko. "Nandito lang kami. Laging naka-suporta."
"Kuya..." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Oo nga pala, kailan 'yung susunod na laban niyo? Manunuod kami. Save tickets for us if needed."
"Kuya! Ayaw ko. Nakakahiya na makita niyo 'kong sumayaw." Sinabi ko na lang iyon dahil ayoko talaga nila makita kung paano ako sumayaw at baka mamaya ay wala na akong mauwian pa. At baka rin ay wala na rin akong maituring na mga kapatid pagkatapos na makita nila kung paano gumalaw katawan ko. "Atsaka lagi namang libre 'yun!"
"Tinetest lang kita. So, gusto mo talaga kaming papuntahin kasi libre lang?" Nakangisi siya sa akin habang ginugulo ang aking ulo.
"Kuya!" Nagsalubong ang aking kilay.
"Oh, sige na. Pinapatawa lang kita." Pininch niya ang aking ilong habang tumatawa. Halos hindi na nga ako makahinga sa trip ng Kuya ko ngayon, eh.
"Kuya? Hindi ka pa mag-eeat? Pati rin ikaw, Ate?" Napaharap ako kay Lukas na hawak-hawak ang bukas na box ng donut na nakalagay sa kaniyang kanang kamay. Habang sa kaliwa naman ay hawak ang donut na kinakain niya. "Ito, Ate, matcha. Sinave pa sa 'yo ni Leah 'yan. Pinagalitan pa nga niya si Luke kasi balak pang kainin."
"Huh? Sige lang! Kainin niyo na! Kung ayaw niyo, uubusin ko lahat 'yan."
"Eh, sinave lang naman ni Leah 'yung want mo, Ate. Wala naman kaming sinabi na ayaw namin ubusin 'to po." Tumingin pa siya sa donut at halata sa mga mata niya na sabik itong kainin. Halos nga maglaway na siya.
"Sige na, ubusin niyo na 'yan. Kumain naman na ako kanina pa."
Napakunot naman ang noo niya habang umalis.
"Leigh?" Tinawag naman ni Kuya Leandro ang atensyon ko.
"Kuya?"
"Kumain ka na kanina pa? Pero hindi pa?"
"Hayaan mo na, kuya." sabi ko na nagpa-iling sa kaniya.
Halos lumipas ang mahabang minuto ang katahimikan at binasag ko ang katahimikan.
"Ikaw, Kuya? Kumusta ka... naman?"
Tumikhim muna siya bago niya sabihin ang nais niya, "Fine."
"Buti naman kung gano'n." Napangiti ako dahil mukhang ayos naman siya. May iba lang ako naramdaman noong pagkasabi niya, pero hindi ko naman alam kung ano iyon.
"Tulog na tayo? Anong oras na pala." sabi sa akin pagkatapos niyang matulala.
Agad naman akong sumang-ayon sa kaniya dahil inaantok at pagod na rin ako.
Maaga akong nagising at nakita ko na ring may pagkain sa lamesa. Amoy na amoy iyon lalo na ang tinapa.
"Si tatay nga pala, kuya? Pansin ko kagabi pa siya wala?" Tanong kong antok. Pumunta naman ako sa lababo para magmumog at hugasan ang mukha ko.
"Hindi ko rin alam, eh. Noong pagdating ko, wala siya rito," sambit nya habang naglalapag ng mga plato sa lamesa. "Pakigising naman sila Leah, Che. Kakain na."
"Sige po." Habang naglalakad ako ay inaalala ko kung napapaano na ba si tatay.
Hindi na ako nahirapang gisingin sila Leah at Lukas. Si Leah kasi ay nakita kong kusang bumangon na, sinabihan pa nga niya ako na huwag ko na raw siyang gisingin dahil gising naman na diwa niya. Si Lukas naman ay nakita ko nang naka-upo sa sapin. Itong si Luke na lang talaga na pinapanindigan ang pagiging tulog mantika.
Bago ako maka-alis sa bahay ay muntikan na akong hindi makapunta sa pa-despidida ni Cameron. Dumating kasi si tatay no'n, lasing at maingay. Naka-suot na ako ng pang-alis, kagaya ng sabi ni Sophia ay nagsuot na lang ako ng plain white tee at jeans.
"Tangina, Che! Aba, maglalandi ka na naman kaya nakasuot ka ng ganiyan? Hubarin mo 'yan!"
"Walang aalis! Bahala kayong mabulok dito!"
"Wala na nga kayong natutulong sa bahay, gagala pa kayo?"
Pinuntahan ako ni Kuya Leandro sa gilid at binulungan, "Kagaya ng sabi ko, kung saan ka masaya, lagi lang kami naka-suporta sa 'yo. Hindi ko man alam kung saan ka pupunta pero alam ko naman na responsable ka. Sige na, ako na bahala rito kay Tatay."
Umalis ako sa bahay at nakita ko namang nakangiti mga kapatid ko sa akin na para bang masaya sila.
Inayos ko ang aking sarili at buti na lang ay hindi ko na kailangang maghintay pa dahil nandoon na si Emma agad.
"BiEh? Ayos ka lang?" Tanong niya agad sa akin. "Ang tamlay mo."
"Huh? Anong matamlay? 'Lika na, baka ma-late pa tayo."
Agad naman siyang sumunod sa akin. At mabilis na kaming nakapunta sa event place.
Maraming tao rito at maingay dahil sa tugtog. Winelcome kami ni Cameron sa may pintuan.
"Thank you sa pagpunta!" ngiti niya. Tumingin naman siya sa kaniyang kaliwa, "Hey, kindly assist these ladies please."
Mabilis namang pumunta ang lalaking naka-waiter uniform, "Yes, sir."
"Tangina, biEh! Ang sosyal!" Bulong ko kay Emma habang ina-assist kami sa table.
"L-leigh?" utal ng isang lalaki. "N-nice meeting... y-you again!"
"Gago, Glay!" Tumawa ako nang malakas dahil ginulat niya 'ko bigla. Nabigyan naman ako ng sapok ni Emma.
"Be matured."
Inabutan ako ng kamay ni Glay, shake hands pala gusto niya. Nag-kumustahan naman kami at totoo ngang lumipat siya ng eskwelahan.
Marami ang naganap sa pa-despidida ni Cameron. Malapit na pala kasi siya umalis sa puwesto bilang SSG President at may bagong papalit sa kaniya.
"May we call on Mr. Cameron Royce to have his speech." narinig ko habang kinukuha ko 'yung nilutong pork sa akin ni Emma.
"Amputa, mag-spespeech pa si Camelyon." Tumawa pa ako. Sabagay riyan naman kasi siya mahilig.
"Hello, hello. Gumagana ba 'tong mic?" sambit pa niya sabay pukpok doon.
"Yes, sir. We can hear what you're saying."
"Ayun. Thanks, Miss." ngumiti siya roon at humarap sa mga dumalo.
"First and foremost, thank you for attending my despidida party. You all know that I served Novaleños for a whole year under Hayskul." Humagikgik pa siya. "Sa mga natalo kong presidente na galing sa Novaleño at Repablik, I beg your pardon that the mass chose me. And to the President na papalit sa akin, you have big shoes to fill in."
Hindi ko mapigilang mainis sa kaniya dahil pinapairal na naman niya kayabangan niya. Their President Cameron Royce na parang Camelyon Joyce.
"Bro, hindi ka pa rin nag-chachange." narinig kong boses sa isang lalaking naka-upo sa harapan.
Tumawa siya rito bilang sagot. "To end my speech, enjoy the party while it lasts! The important is we serve Novaleños, we serve Novaliches High School and protect it at all cost. That's all. Thank you."
Pagkatapos niyang magsalita ay nakasunod sa kaniya si Glay at Taya papunta sa amin.
"You're Emma right? Binibining Emma Chavez? The daughter of Ms. Victoria something, the famous news broadcaster because of the truthful and wise application of her platform."
"Iyong walang kinatatakutan? 'Yong serbisyo lamang ang hatid?" Tanong ni Taya habang magkapatong ang mga kamay niya.
"Y-yes. She is my m-mom. Why'd u ask?"
"Wala lang. Maybe you wanted to join my li'l bro's party list. I mean he's not yet fully convinced but why not, right?" Umupo na agad si Cameron sa harap namin.
"I'm not good in serving people."
"But you want to join Journalism Club. Hmmm. Your reasoning is not cute."
"Then tell me what's cute?" Napahinto si Emma sa pagluluto ng mga raw meat. "Forcing me to join in your li'l bro's trashy party list? Wanna use my mom's power so y'all win, especially your brother? Tell me... because I'm suffocated with it. I'm suffocated of people telling me what's wrong and what's right. I'm tired of doing people what they'll me what I must do."
Nagulat naman ako dahil naging ganito bigla si Emma. Sabagay, kapag pinipilit kasi 'to, umiinit agad ang ulo niya. Hindi ko naman siya masisisi roon
"Geez, calm down, Binibini. Who told you I'm forcing you? You can just be a Grade 8 Representative! Explore your youth days. Plus it's an extracurricular activity! Dagdag grades din 'yon, right?"
"No." Diretso niyang balik.
Bumigat ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Alam kong kapag nagsalita si Emma, walang katapusang mabibigat na dahilanan.
"Uhm. Uuwi na kami." Ngiti ko sa kanila.
"We're staying until the end, Leigh." Sabi ni Emma na nagpagulat sa akin. She really loves debating with others! Napatingin ako kay Cameron na kinausap naman niya si Glay.
"Where's Chaste?"
"N-not responding, b-bro. B-busy... ata."
"Busy from what? All-day reading of bullshit law books and mystery?" Sambit niya sabay ngisi.
"Y-you m-made... him to d-do that. S-see, he's... already a-addicted to it."
"Well, I didn't see that coming."
"Y-your li'l bro i-is really v-very... unpredictable."
"Add that he's a dog as well."
"Chaste isn't a dog!" Sumingit naman agad si Taya.
Sumabay na rin si Glay dahil sa sinabi ni Cameron, "Y-you're a-always like... t-that to h-him! K-kaya... lagi k-kayong nag-aaway, eh."
"Tch. He needs to grow. Paano siya magiging strong in the future if lagi niyang idaraan sa iyak and frightening?"
"B-but when y-you see h-him, he... looks i-intimidating. I n-never t-thought of... that h-huh?"
"Yeah."
Kinausap ko naman agad si Emma. Naisip ko lang kasi na 'yung dare kahapon ay hindi ko pa nagagamit , "I dare you na sasama ka sa akin pauwi. Ngayon din!"
"What?!" Sabi niya. Tiningnan ko lang siya at suminghal. "Sige, fine, biEh!"
"Hey! Saan kayo pupunta?"
"Putangina ka, uuwi na kami!" Bulong ko dahil marami pa rin ang tao na nasa event. Ang isa kong kamay ay naka-hawak sa pulsuhan ni Emma at ang isa ko namang kamay ay naka-taas ang gitnang daliri para kay Cameron.
Noong nakalabas na kami sa mausok na event ay nagpahinga muna kami saglit ni Emma sa labas habang nagtatawanan.
"BiEh! Grabe ka kanina!" Sabi ko sa kaniya.
"What? I'm just saying the truth 'no."
Pagkatapos ko tumawa ay may biglang sumingit sa usapan namin, "E-emma, right? I-i think you f-forgot t-this one!"
"Yes? Thank you." Ani Emma habang kinuha niya ang panyo.
"S-sorry as w-well sa inyong... dalawa on how S-sir Master a-acted earlier."
Paaalis na sana kaming tuluyan ngunit may narinig akong pamilyar na boses.
"C-chaste!" sabi ni Glay. Napatingin naman ako kung saan nanggaling ang kabila pang boses.
"Sir Glay, where's Kuya?"
"I-inside. And for how many times don't call me Sir."
Na-estatwa akong napatingin sa usapan nilang dalawa. Tumitibok ang puso ko na para bang walang hangganan. Isang lalaking matangkad na may salamin, may maayos na kilay, perpektong mga labi, at hazel eyes na mata.
Bago siya pumasok sa loob nagulat na lang ako noong napakunot ang lalaking matagal ko nang tinititigan.
"The Sooner SSG President Chaste Rliesse, k-kanina k-ka pa h-hinihintay ni S-sir M-master, H-halika na." Huli kong narinig bago siya mawala sa aking paningin.
"Leigh Xienne, let's go!" Hinatak naman ako ni Emma papalayo.
Napailing akong pumikit at sabay bulong, "Chaste Rliesse."
__________________________________________________________________________________
♧
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top