10

Agad namang hinawakan ni Jan ang aking palapulsuhan. Tila ba na parang stranger ang kausap ko. Hindi pa ba niya kilala si Nate? Imposible. Laging balandra sa buong Nova High ang lalaking nasa harapan ko. Baka nga umaabot pa ang pangalan niya sa buong pablik sa buong Quezon City.



Naaalala ko naman 'yung sinabi niya kanina sa akin. Mag-ingat daw ako pag-uwi.



"I can take her home." Biglang sabi ni Jan sabay tanggal ng headset niya at nakapalibot na lamang ito sa leeg niya.



"'Yow, pre! Kalma ka lang!"  ani Nate. Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na. Tumingin naman siya sa akin habang nakangisi. "Boyfriend mo?" turo pa niya kay Jan.



"Sinasabi mong buang ka?!" Irita kong sagot. Kaibigan nga hindi pa, boyfriend pa kaya? Pero baka kasi hindi ako tantanan nito! "Kapag ba sinabi kong oo, lalayas ka na sa paningin ko?!"



Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawak ni Jan sa palapulsuhan ko. Uminit din siya bigla at nakikita ko na hindi siya mapakali. 



"Talaga ba?" Ngumisi siya ulit while he sticked his tongue. "Pre, tuli ka na ba? Bata-bata mo pa, ah."



"Huh? What?" Nakataas ang isang kilay ni Jan at mukhang hindi alam kung ano ang sasabihing kasunod. "Why do you care? What if I am already? Mine still bigger than yours." 



"H-hoy!" Utal kong pagpigil. "Tama na 'yan!"



"Aba! Lakas maka-sagot nito, ah!" Umatras papalakad si Nate at tumingin sa mga kasamahan niya. "Turuan ba natin ng leksyon?" 



"Huwag dito pre. Nasa harap pa tayo, bobo." Sabi ng isa.



"Takot ka?" Iling niya. 



"Eh, pre, baka mahuli tayo—"



"Edi, mahuli! Hindi pa ba kayo nasanay? Ako gagawa, tingnan niyo lang!" 



Mukhang walang magpapaawat sa kanilang dalawa kaya sa huli, pumayag na rin ako sa alok ni Nate kahit labag sa loob ko.



Naglakad lang kami papuntang Bayan. Nasa harap ni Nate ang mga tropa niya habang nandito kaming tatlo sa likuran. Halos maipit na nga ako sa gitna!



Medyo umayos na rin ang ere sa kanilang dalawa. Mukhang nakatutulong ang hangin sa paglalakad namin.



"Ano pala 'yung sinabi mo kanina?" Tanong ko dahil sa aking kuryosidad. At saka ang awkward kung walang magsasalita habang naglalakad kami. Si Jan? Busy sa pakikinig niya ng kanta. Nakasara pa nga mga mata niya habang nakalakad, eh! 'Yung isa niyang kamay nakapasok sa pocket ng kaniyang itim na school pants habang ang isa ay hawak-hawak ang payong.



"Kanina?" Banggit niya habang nakakunot ang kaniyang nuo. Nakahawak pa ang isang daliri niya sa baba na para bang nag-iisip habang nakatingin sa kalangitan. "'Yung mag-iingat ka ba? Tama ba?"



"Tangina, siyempre." Sagot ko.



"Gago!" Sabi niya sabay halakhak. "Pero hindi nga? Seryoso. Ano ulit sinabi ko?"



Napa-iling na lang ako sabay ngumiti. "Oo. 'Yung mag-iingat ako. Naputol kasi! Bwiset na Cameron!"



"Cameron? Luh. Kilala mo 'yun?!" Pagdududa niya sa akin. "Paano? Close ba talaga kayo nu'n?"



"Kilala? Siyempre. Presidente nga 'yon diba. Close? Amputa Sinong hindi makakakilala iyon. At paano mo naman nasabi na close ko 'yun? Laging batas sa buhay. Nakakairita minsan! Gustong masunod lagi. Tapos naaalala ko, pinaglinis pa niya ako ng kubeta! Dami niyang alam. Disrespect-disrespect ko raw siya. Ulol ba siya?!" Sunod-sunod kong bitaw.



"Hey, Leigh." Ani Jan. Napatingin ako sa kaniya. Sabay hawak sa kaniyang labi na para bang may nasabi akong mali.



"Ano?" Tanong ko.



"N-nothing."



"Gagi! Lakas maka-ulol, ah." Sumingit si Nate kaya nalipat doon ang atensyon ko sa kaniya. 



"Hindi ka ba naiirita roon? Diba halos nga tumambay ka na sa opisina no'ng Sir Master daw, amputa." Sabi ko. Totoo naman kasi. 



"Wala akong pake roon. Mas maganda nang tumambay sa malamig niyang opisina kaysa makinig ako sa klase." Sagot niya sa akin nang walang pag-aalinlangan. Parang halos ba na routine na niya 'to.



"N...nakita na kita rati." Banggit ko. Inaalala 'yung nangyari noong niyaya ko si Jan na bumili sa canteen. "Gusto mo ba talaga mambugbog? I mean, sige lang. Gaya ng sabi mo, wala akong pake sa 'yo. Gawin mo lang 'yung gusto mong gawin."



"Ginusto? Ewan. Baka nasanay lang ako mang-asar. Lalo na kapag nakikita mo 'yung mga takot nilang mukha. Haha! Masarap magpa-iyak, pre—"



"Kaya isasama mo 'yung mga tropa mo?" Dugtong ko. Hindi ko na nga rin alam kung  may pinagmanahan ba siya. At kung mayroon, kanino naman? Napahinto siya sa paglalakad sabay nilapit ang mukha niya sa akin. Halos magkadikit na kami!



"Nakita mo na rin ba silang nakatambay sa opisina ng Presidente mo?"



Hindi ko namalayan na nandito na kami sa Millionaires. Medyo malapit na rin pero biglang may nakita akong mga estudyante na nakasuot ng unipormeng asul. Pamilyar ang eskwelehan na 'to dahil sa badge. 



"Pre, sila ba 'yung last time?" Sabi noong isang tropa ni Nate noong lumapit siya sa amin.



Last time?



"Eh, aba, hindi pa ata sila nadadala. Hayaan mo na lang pre." Narinig kong reply ni Nate. Hayaan? Sinabi ba niya talaga 'yon?



Nakita ko rin ang pagdududa ng kaniyang kaibigan. "Gagi! Reresbakan ko na sila agad kung ako sa 'yo. Gawin ulit natin 'yung dati, pre! Wala na rin naman tayo sa harap ng gate." 



Tinitingnan ko lang kung anong ginagawa nila at pinapakinggan ang mga sinasabi. Ganito ba talaga ang nangyayari sa isang gang? Lagi na lang ba bugbugan ang hinahanap? Para silang mga uhaw at gutom na leon. Away ang magpapabusog sa kanilang kalamnan.



Hindi ko napansin na hawak-hawak na ako ng isa sa mga kasamahan ng kabila. Napakabilis ng pangyayari at kaharap ko ay isang Knuckle Duster habang nakapalibot ang isang braso ng lalaki sa leeg ko. Hindi ako makahinga. 



Putangina naman! Nadangwit pa ako sa gulo. Ginawa pa akong hostage!



"Chong, suwerte natin, gago!" Sigaw ng isang lalaki sabay hiyaw nang napaka-lakas. Nilalayo ko ang aking leeg sa kaniya. 



"H-hey, stop it! Stop like right now!" Pagpigil ni Jan sa kanila. Sinabi pa niya iyon nang hindi alam ang gagawin at kasama pa ang mga kamay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako. Siguro kung nandito lang si Emma, tumba lahat ng mga taong nandito. "Do you know that you're already hurting her?"



"Stop mo mama mo," Gatong ng isa pang kasamahan ng sumasakal sa akin. "Gago, chong, ako na bahala rito sa lalaki na 'to. Sakit sa tenga."



Ako ang natatakot para kay Jan dahil kung titingnan mo ay wala siyang palag dito sa lalaki na 'to. At siguro wala rin siyang tapang para manapak ng kahit na sino. 



Wala akong magawa. Gusto kong tumakas kaso nga lang baka naman sumabit ako at maulanan ng Knuckle Duster sa mukha. Papalapit na ang lalaki kay Jan kaya halos kumakabog na ang puso ko.



"Tangina ka ha! Subukan mo lang lapatan ng kamay 'yung pare ko!" Bitaw na salita ni Nate. Isang napakalakas na sapak ang umabot sa lalaking sasaktan sana si Jan kaya napalaglag ito sa lupa. Humarap naman siya sa mga kasamahan niyang nakalaglag na ang mga bag sa lupa. Naka-fist na rin ang mga kamay nila at handa nang makipag-away. "Ano simulan ko na ba 'to mga pre?" 



"Woo! Puta, let's go!" 



Humarap si Nate kay Jan sabay naglabas ng isang mahabang kahoy sa bag niya, "Minsan sa buhay, kailangan nating lumaban. Minsan kailangan natin idaan sa pisikal na dahas. Ikaw na bahala kung papaano mo gagawin. Ang mahalaga ay lumalaban ka para makamit mo ang nais mo," Seryoso niyang sabi sa kaniya. "Kung ako sa 'yo, naisin mo na mapasakamay mo si Leigh ngayon. Mag-jowa kayo diba? O baka naman hindi... Kawawa siya. Mukhang nahihirapan na." Huli niyang sabi bago tumakbo papunta sa kabilang panig.



Halos napapikit ako kung ihahampas ba ito ni Jan sa lalaking nakahawak sa aking leeg na dahilan upang magkaroon ng posibilidad na ako'y makatakas. Ngunit naunahan siya ng  isang hindi ko kilalang lalaki at muntikan na malapat ng knuckle si Jan kaya medyo napapiglas ako sa hawak. Buti na lang at pinalibot ni Nate ang lalaki sabay hinagis niya ito sa lupa na naging sanhi ng pagbagsak ng lalaki.



Akala ko maaayos na ang lahat pero rito na nga nagsimula ang bugbugan... Kaliwa't kanan ay makikita mo ang labanan sa kanila habang hawak-hawak pa rin ako ng lalaki. Nag-iisip ako kung paano ako makakaalis pero pumapasok pa rin sa utak ko ang tinanong ni Nate kay Jan kung mag-jowa ba kami. Gusto ko sanang isigaw sa ere kung ilang beses ko bang sasabihin na hindi pa nga kami mag-kaibigan, kami pa kaya?! 



Napahinto na lang ito noong may dumaang mga pulis na nakasakay sa isang patrol. Kaya pagkatapos noon ay napalaya na rin ako ng lalaki sabay kumaripas siya ng takbo. Magkatabi na kami ni Jan habang hawak-hawak ang kaniyang kaliwang pisngi dahil mapula ito. Buti na lang at wala akong kapasa-pasa o kahit anumang sugat sa katawan.



"Are you not fine?" Tanong niya sa akin sabay kuha ng tubigan sa kaniyang bag. Akala ko para sa akin pero inubos na niya iyon. Inirapan ko na lang siya at sinabi pa niya na bibili na lang siya ng tubig pero sabi ko huwag na lamang. 



Nagulat ako noong bumaba ang isang may edad na lalaki na parang nasa 30s at kinausap nito si Nate.



"Nate! Ano na naman bang ginagawa mo sa kalsada! Umuwi ka na!" Galit na sabi ng pulis kay Nate at saka pinigitan ang tenga nito. 



"Pa!" Sabi niya pabalik sabay dampot ng kaniyang mga bag. Inayos niya rin ang kaniyang uniporme.



"Police Officer Delazar, let's go! Mag-roronda pa tayo sa buong T.S. Cruz!" Sigaw ng isa pang pulis sa loob ng Police Patrol. 



"Malilintikan ka sa akin kapag hindi ka pa dumiretso umuwi." Huling sabi ni Police Officer Delazar sa kaniyang anak na si Nate.



Pagkatapos no'n ay naglakad na lang ako pag-uwi. Nagsipag-uwian na rin ang mga tropa ni Nate. Hindi na bago na nagpilit si Jan na sumabay sa akin kahit sa Bayan ang kaniyang sakayan. Hindi lang pala kaming dalawa ang naglalakad ngayon papuntang pauwi. Nasa likod si Nate, nag-aamok at binabalot ang kaniyang kamay ng isang panyong puti habang malayang gumagalaw ang pang-taas niyang uniporme at kita lamang ang kaniyang T-Shirt na puti.



Dumiretso kami sa Cafe Shop kung saan ako nagtatrabaho at pinaupo ko muna sila sa dulo. Ang nakakatuwa ay walang umiimik sa kanilang dalawa. Si Jan ay naglabas ng kaniyang libro at naka-headset pa ito. Sabay si Nate ay nakatingin sa bintana, sa labasan, habang nakapatong ang kaliwang binti sa kaniyang kanang hita. 



Nagpalit ako ng uniform sabay sumagap sa akin si Alita, "Friendship! Leigh! Anong nangyayari? Oh my god! 2 birds in 1 stone today? Chumika ka ngayon din!" Pagkukulit niya sa akin habang nagsusuot ako ng apron.



"Tanga, mukha ba silang ibon." Gatong ko.



"Hindi. Pero meron sila no'n?" Bulong niya sa aking tenga sabay naglakad na siya para kumuha ng mga doughnuts. 



"Gago ka. Kadiri amputa." Pag-iiling ko. Sabay ponytail sa aking buhok. Napalingon ako kay Nate pagkatapos na pagkatapos kong talian buhok ko. Umilag ba siya ng tingin? 



"Oh, ito na order nila. Libre mo ba 'to?" Inabutan ako ng tray ni Alita sabay kuha roon.



"Oo. Pakaltas na lang sa suweldo ko." Sabi ko sabay lakad sa kanila.



"Hoy!" Hindi makapaniwala niyang sabi kaya napatingin ako sa likod ko kung nasaan siya. "Seryoso ba 'yan? Mukhang may kaya naman 'yung dalawa kaya sila na lang pagbayarin mo!" 



Kaya ayon ang ginawa ko. Kung hindi lang binanggit ni Alita 'yon ay baka tinuluyan ko na nga ang plano ko na ako ang magbayad ng aking inorder para sa kanila.



"Mga bayad niyo," Ani ko pagkatapos ilapag ang pagkain.



Nakita ko lang na napataas ang kilay ni Jan.



"Nag-order ba kami?" Hindi mawaring mukha ang sinalubong sa akin ni Nate. 



"Tangina niyo. Kayo na nga lang pinagdalhan diba, aarte pa. Pake niyo kung hindi kayo nag-order. Magbayad kayo mga kupal."



Sabay silang naglabas ng kani-kanilang wallet at mukhang ililibre nila ang isa't isa. 



"So, sino ang mag-aadjust sa inyong dalawa?" Tanong ko habang nasa ere ang kanilang perang papel. 



"Pre, ako na magbabayad. Promise,  bukal sa loob ko. Cross my heart, mamatay ka man." Banggit ni Nate kay Jan. Alam kong madali lang kausap si Jan. At ayon nga, tinago na niya ang pera niya at tinanggap ko ang kay Nate.



"Jusko po kayong dalawa." Huli kong sabi bago isinapo ang kamay sa aking noo.



Wala na masiyadong nangyari. Nagkuwentuhan lang kaming tatlo. Medyo gumagaan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. At mas nakilala ko pa ang personalidad ni Nate.



"So, what's your plan next school year?" Tanong ni Jan sa kaniya habang sumisipsip ito ng shake. 



"Ha? Plano?" Tanong niya pabalik na para bang hindi naalala. Tangina, lagi naman ata 'tong gan'to. "Ah, baliw! Joke lang 'yung pagtakbo ko as an SSG President. Bakit? Gusto mo bang maging repre?" 



"No plans for involving in such dirty works. No plans for joining related to governing." Malamig na sabi niya sabay ayos ng kaniyang salamin. 



"Talaga? Lalim no'n, ah?" Humagalpak pa siya ng tawa at hindi iyon tinetake ng seryoso. "Hmmm. Siguro ayusin ko muna grades ko. I mean, ano ha, sakto lang naman grades ko pero ewan! Parang gusto ko na lang maghanap ng magsasagot sa mga ipapasa kong written! Nakakapagod din kayang magsulat! Mag-isip pa nga lang halos mamatay na ako!"



"Tanga, tamad ka lang talaga." Bugaw ko sa kaniya. 



"Hoy! Sabi ko nga diba na hindi naman mababa grades ko! Anong tamad!"



"Bobo! Tanga! Inutil! Gano'n lang din naman 'yun! Huwag mo nang ibahin ang usapan!" Sabi ko sa kaniya with feelings. Kairita, eh! Balak pa niyang tumakbo. Pero hindi rin naman masama na lumaban siya kasama ng mga magiging iba pang kandidato. Sadya lang baka mas lalo pa niyang mapabayaan 'yong pag-aaral niya.



"About sa grades mo," Pagdagdag ko. "Seryoso ba?"



"Curious ka?" Tanong niya sa akin sabay taas ng isang kilay kaya hindi na lang ako sumagot. "Okay. Wait. Hear me out you two." 



Tumingin siya sa labas at nagsimula ngang mag-kuwento, "Don't judge me but the pressure... in achieving a high grade, I had enough with that. Simula Elementary, 'Nate, do your best always!', 'Nate, ikaw 'yung pag-asa ng kapatid mo', 'Nate ano ba 'to? kulang pa 'tong 85 mo. Nakakahiya ka'." Medyo nag-iba ang kaniyang boses sabay ng tensyong namuo kung nasaan kami kaya napainom siya sa shake para manlang maayos ang kaniyang pagsasalita muli. "I'm done with it. Until... until my mom lost a day just after my 7th birthday."



Biglang pinutol ni Jan ang pagsasalita, "I'm sorry."



"No, no! Ayos lang p're, 'no ka ba?!" Sabi niya sabay tawa. "T-Tuloy ko pa ba?"



"Your choice, douche." Pag-iling ni Jan sa kaniya.



"Douche amp," Halos nagsalubog ang kilay ni Nate nuong sinabi niya ito. Hayan na naman sila, puro away! "Okay, uh... my world tear apart since that day. I'm so young to lost my beloved mom.  Siguro ganito ako because ito 'yung namulatan ko? Siguro ganito ako dahil ito 'yung kinalakihan ko. I'm trying to be a good boy just for my little brother honestly."



Matagal-tagal tumahimik ang ere sa aming tatlo. Iyong tipong walang may gustong magsalita, "May galit ka sa papa mo?" Tanong kong mahinahon sa kaniya.



"You wouldn't like to know how much I hate him, Leigh." Reply niya sa akin kaya bigla akong natahimik. Parang pareho lang pala kami ni Nate. He suffered enough, so do I. Kung may paraan lang ako kung paano ko siya matutulungan, gagawin ko. Mabait naman pala 'tong kumag na 'to, eh. Kailangan mo lang pala kilalanin ang tao para mas makita mo ang tunay nilang nais sa buhay. Dahil sa nais, mas makikita mo kung anong mga lihim nila.



"Alam niyo bang... walang may alam sa pamilya ko na nagtatrabaho ako part-time?" Mahirap sabihin sa kanila pero alam ko namang mapagkakatiwalaan naman sila. Siguro nabanggit ko na rin dahil gusto ko na ring may alam na nag-aaral ako sa umaga, nagtatrabaho ako sa hapon hanggang gabi.  



"Malapit na 4th Quarter Examination diba?" Ani ko. Iniba ko na lang ang usapan, alam kong gulat sila. Ngayon ko na lang din naalala na nalalapit ang examination days. Hindi naman ako nababahala. Basta makapasa, ayos lang.



Tumayo na ako saka kinuha ang mga pinagkainan. Tinulungan naman ako ni Jan habang nakatingin lang si Nate sa amin.



"I guess so." Sambit ni Jan sabay tingin sa akin habang naglalakad kami papuntang counter na naging sanhi ng pagtaas ko ng isang kilay. "Nothing. Geez, you all are hateful to me." 



"Uh, Leigh. I'm proud of you." Napigil ang aking paglalakad nuong nagbitaw ng salita si Nate, "Napagsasabay mo 'yung work and studies mo plus keeping a huge secret, It's really hard. You can lean on to us, or kung ayaw ni Jan, just to me. I can foresee that days right now is a challenge for you to win. Hindi ko naman sinasabi na you didn't have enough yet, but we're still in teens. I-enjoy mo kaya muna 'yong pagiging kabataan mo, stress-free!"



Binigyan ko na lang ng ngiti si Nate. Tama siya. Dapat kong i-enjoy 'yung mga panahon na estyudante ako. Dapat nga...



Pagkatapos naming ibalik ang tray sa counter ay tinulungan na rin ako ni Jan sa pagtapon ng basura sa labas. Kaya kinuha ko na rin 'tong opportunity para makausap siya patungkol sa nangyari, 



"Jan, About kanina... kung hindi ka lang ba naunahan ng tropa ni Nate, papaluin mo ba talaga 'yon?"



"Shush. I'm just willing to protect you." Direkta niyang sabi na nagpagulat sa akin.



Agad naman akong napatawa, "Proportektahan mo ako pero hindi naman tayo magkaibigan!"



"Should we be friends, so I can be your shield to the people you face in your way?"



"Huh? Siyempre naman! Para may connection tayo. Kahit manlang... hmmm... ano ba muna level bago friends?" Pagtatanto ko habang ni-wrawrap ang itim na plastik.



"I don't know." Malamig niyang sabi.



"Eh, bahala ka nga."



Tinapon ko na ang basura at nagsimula ng maglakad papasok para iwan siya, ngunit bigla ko na lang narinig ang kaniyang huling sinabi, "All right! Okay! You are important to me so I do not want to see anyone hurt you. We are not friend or strangers. But I am willing to be your guardian angel or so."



Lumipas ang mga araw at laging pagkatapos ng klase ay rito kaming dumidiretsong tatlo para mag-review sa nalalapit na huling markahang pagsusulit. Napapansin ko rin na madalang na lang sumama si Nate sa mga tropa niya. Basta ang alam ko siya lang ang Gang Leader na kilala ko. Minsan sumusulpot siya sa mga review days namin, pero napapapunta ko naman siya kapag narinig niya na libre ko ang Iced Coffee namin.



Dumating ang recognition day at naalala ko nuong kung gaano kasaya si Nate dahil napasa niya ang mga subjects na nais niyang makuhang mataas. At buti na lang din ay nakakuha ako ng karangalan. Hindi naman may mataas katulad ng mga kaibigan ko ay ayos na rin ito. Para maging proud lang sa akin ang mga magulang ko pati sa aking sarili.



Simula noon hindi ko na alam kung seseryosohin ko pa ang buhay pag-ibig ko ngayong High School.



Sumubok ako... pero agad kaming naghiwalay dahil pala away siya. Hindi ko na rin alam! Parang wala na talagang tao ang nararapat at nababagay sa isang katulad ko. Kung kay Nate, hindi naman talaga naging kami. Ang issue lang ng paligid kaya pati ang mga kaibigan ko ay nadangwit sa fake news na 'yun!



Sa kabilang banda, hindi ko maunawaan kung bakit napakabilis ng panahon. Iyong tipong nagsasaya kami ng mga kapatid ko sa labas at tinreat pa kami ni Kuya Leandro ng tig-isang ice cream! Siguro isa iyon sa mga Summer na masaya ako... na masaya kaming magkakapatid. Ngayon kaharap ko na naman ang isang napakalaking maroon gate ng Novaliches High School, ilang araw na rin ang lumipas nuong humakbang ako sa aking Ikalawang baitang. 



Kumapit ako sa aking strap ng bag habang nakikita ko ang mga ka-grade level ko na nakahinto rin sa labasan. Dahil nga hindi pa kami pinapapasok. 



"Leigh! Bieh!" Agad namang naagaw ni Emma ang aking atensyon habang kitang-kita ko ang kaniyang ribbon na nakatali sa kaniyang mga buhok. "Bakit hindi mo ko hinintay? Agh!"



"Senyorita ka ba?" 



"Why so bardagulan this early, huh?" Sambit ni Natasha na nanggaling sa aking likuran sabay tingin sa kotse nilang mamahalin. "Thank you Kuya Roland and Ate Lita! Our class hours changed by the way. Call ko na lang po kayo kapag tapos na class namin." Huli niyang sabi bago inayos ang kaniyang uniporme at tumabi sa aming dalawa ni Emma. 



"Si Soph? Nasaan na siya?" Tuloy-tuloy na tanong ni Emma sa amin.



"Let... me... call... her." Dahan-dahan na banggit ni Natasha sabay nang pagkuha ng kaniyang Iphone. Ilang minuto ay bungad agad, "Where the fuck are you?!" 



"Wow! Mura agad, sis?" Biglang bumungad sa kawalan si Ashley. "Morning, guys! Sana maganda araw niyo kasi ganoon din ako!"



"Morning ka?" Sabat ko. 



"Huh? Maganda ako!" 



"Gaga, self-proclaimed!"  



"I said what I said! Pretty ako! Pasensya na kung na-offend man kita." Patawa niyang banggit.



"Saan banda?"



"Leigh, Ash! Stop it already! Leigh, baka pumunta rito mga fans ni Ashley at ikaw ang maramay sige ka."  Pagbibiro ni Emma sa aming dalawa.



"Fans, fans. Durugin ko sila, eh." Ani ko.



"Hala, eh! Sumali ka rin kaya sa stream ko sometimes!" Sabi ni Ashley sa akin. 



"Tanga, nagbibiro lang ako. Busy na ako masiyado sa buhay kaya wala na rin ako panahon sa mga leisure-leisure."



"Just a try?" Pagpapabebe ni Ashley sa akin. "Come on! Punta ka na sa amin! Addition, miss na rin kayo ni mama, kaya bumisita kayo paminsan-minsan!"



"Yayain mo sila." Kuripot kong sabi. 



"Edi don't!" Huli niyang banggit saka ipinalibot ang kaniyang braso. 



"Hey! Hey! Sophia's already over there!" Turo ni Natasha sa isang babaeng nakatayo sa loob ng gate. 



"Free pass na naman! Hay! Ang saya talaga maging kaibigan ko kayo!" Pag-iingay ni Ashley sabay lakad doon papunta kay Sophia. Nakita ko lang na napailing si Emma sa maagang bungad na bunganga nito.



Napahinto naman ako bigla bago tuluyang makapasok sa loob. Bagong baitang, bagong mararanasan. Hindi ko alam pero nararamdaman kong may bagong mangyayari sa akin simula ngayon. 



"Leigh? Let's go!" Pagyayaya ni Emma sa akin para tuluyang pumasok.

__________________________________________________________________________________



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top