05
Naalala ko na kung sino ang lalaking iyon!
"Ah!" Pigil na ungol ko sa loob ng C.R. Hindi ko alam kung bakit dumating sa punto na nakasandal ang buong katawan ko sa pader, kahalikan ang lalaking kakakita ko palang kanina. Namumuo ang init sa aking katawan at nadagdagan ang aking pawis dahil sa nabubuong tensyon.
"What should I do next, Leigh?" Tanong niya sa akin habang kaharap ko ang kaniyang mukhang sarap na sarap sa pangyayari. Buti nalang at hindi masyadong rinig dahil nakasarado ang pintuan at walang puwedeng makapasok.
"Kahit ano." Tugon ko. "Gawin mo 'kong alipin."
"Sure." Banggit niya bago niya simulang himasin ang aking mga binti hanggang sa mapunta sa aking itaas, unbottoning my top. Hinalikan niya ulit ako bago tuluyang matanggal ang aking kurbata.
"Ugh!"
"You want this right?" Tanong niya bago ko naisipan na baka mahalumpasay ako dahil hindi pa nga ako kumakain.
"Tangina, mamaya nalang natin 'to ituloy." Bulong ko sa kaniyang tainga at saka binalik ang pagkakabutones ng damit ko.
"B-bakit?" Balik niya. Mukhang hindi pa ata siya satisfied sa kakahalik sa akin kanina ha. "Hindi ka ba nasarapan?"
"Basta!" Inikot ko yung mga mata ko at saka inayos ang mga mop at mga iba pang-linis ng banyo. Tinipon ko 'yon sa pinakadulo dahil ayun ang sabi ng naglilinis. Kung i-rarate ko naman yung kissing skills niya ay baka nasa lima. 4 ang highest score.
Pagkatapos kong gawin lahat ay tumingin ako sa salamin at halos gulo-gulo na ang buhok ko. Nilibot ko ang banyo at noong nakita ko na maayos at malinis na ay tuluyan na akong lumabas. Hindi ko na rin nakita yung mokong na 'yon ha! Kiss and Run lang!?
Tumingin ako sa aking bulsa, buti nalang na nakauwi si nanay kaya may extra akong pera. Nakita ko naman na puwede pa akong makabili ng pagkain na may kanin. Mukhang nakatipid ako dahil hindi ako kumain kaninang recess.
Nabanggit din pala ni Kuya Leandro sa akin na mas makakatipid ako kumain kung sa labas ako ng school bibili ng makakain. Tinuro na niya rin sa akin na may powers yung mga S.T.E. at isa na riyan pagdating sa Security. Siyempre, kailangan mo muna magpakilala na isa ka sa mga special sections para malaman at matandaan ka nila. Sarap maging S.T.E. 'no? Mas masarap pa sa halik ni Hakim kanina!
Naglalakad na ako papunta sa isa pang gate rito sa Nova High. Matatagpuan 'yon malapit sa canteen, pero kakaliwa ka pa at diretso. Hanggang sa makarating na ako roon at may mga guard na nagbabantay. Mukhang mahihirapan ata ako dahil wala pa kaming I.D.!
Niyuko ko nalang yung ulo ko, disguised sa mga kapwa-Grade 7 students, para makaraan. Kapag sinita ako, saka ko nalang sasabihin yung magic word!
"Pst!" Ah! Tangina!
"S.T.E. po ako kuya." Ngumiti ako ng pilit sabay banggit noon. Tulad ng aking inaasahan, ay nakalabas na ako.
Nakita ko naman yung karinderya roon at nakapili na rin ako ng mga kakainin ko.
"L-leigh! B-bakit na po kayo nandito!"
Napakunot naman yung noo ko sabay tingin sa lalaking uutal kung banggitin ang pangalan ko. Glay!
"B-bakit ka n-nandito, G-glay." Utal kong balik.
"Oh no! Glay, 'wag kang lumapit diyan." Rinig kong bulong ng babae at tumingin sa akin ng masama. "Hello, ate! May COFD po si Glay. Kaunting respeto naman po. Salamat."
Nakita ko nalang na bigla akong tiningnan ni Glay at binigyan ng maliit na ngiti bago sila umalis. Agad namang bumigat yung pakiramdam ko. Bakit parang kasalanan ko pa? Pero ano ba yung COFD?
Kakaisip ko ay hindi ko alam na may kumakalabit na palang manong sa akin. Naka-suot ito ng construction worker na damit. May hard hat pa siya.
"Miss, nilalangaw na pagkain mo. Kung ayaw mong kainin, akin nalang. Baka maubos na kasi ng mga langaw yung pagkain. Sayang."
Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan ang pagkain. Pagkatapos kong makakain ay sa wakas nabusog na ako. Tangina! 1 week ko pa 'tong titiisin?! Isang linggong pa akong mag-gaganito?!
Sumabay na ako sa mga kumpulang estudyante na ang iba ay papasok palang at ang iba ay pauwi na. Napagdesisyonan ko na munang pumunta sa office ni Cameron pero iba ang bumungad sa akin noong nakarating na ako roon.
"So, what do you think about the deal, Miss Cheerleader?" Tanong sa akin ng pamilyar na babae habang naka-upo kami sa labas. "Oh, come on! Why so quiet? Bagay ka maging part ng club namin!"
Napagtantuan ko ba kung anong sinasabi niya sa akin kanina pa. Ka-akit-akit daw ako, sakto ang pangangatawan, at kung sa kagandahan ay maayos pa naman daw! Sinong hindi maiinsulto sa sinabi niya?
"Mama mo bagay sa club." Bulong ko sa sarili ko.
"Since your mouth is not opening, I will just give you this letter, whether you like it or not, you are part of our squad now!" Pagpipilit niya sa akin habang bakas ang ngiti niya sa mga mukha niya.
Tiningnan-tingnan ko ang papel at may nakalagay dito na kailangan pa ng pirma ng magulang.
"May--" Ipapakita ko pa sakaniya ang parte na iyon kaso ngalang pinutol niya ang pagsasalita ko.
"I'm going to forge your parent's signature don't worry." Ngiti niya ulit sa akin.
"Angel!" Inabot niya kaagad ang kamay niya sa akin at binalot na kaagad niya iyon sa aking kamay."From S.T.E. Boyle! And you?"
"Laki ng problema mo talaga." Gitgit ko na sa usapan. "Parang ikaw."
"What?! No way! I'm not fat!" Nag-iba naman kaagad ang mukha niya at parang paiyak na. Yung mga labi niya na mapupunit na dahil sa lungkot nito. Parang tanga. "Bawiin mo 'yon!" Huli niyang sinabi bago siya umalis at inirapan pa ako. Napatawa nalang ako sabay tingin sa papel na binigay niya.
Kung ganiyan naman pala ka-attitude yung nag-rerecruit sa akin. Sa tingin ko dapat ako sumali. Na-eenjoy ko na!
"H-hello!" Rinig kong pautal na banggit.
"Oy! Ba't ka nandito?" Agad ko namang bungad kay Glay. Naalala ko na naman tuloy ang ka-putanginahan na ginawa ko sa kaniya kanina sa karinderya. "Ah, sana mapatawad mo 'ko kanina--"
"No! A-ayos lang po." Pagputol niya sa akin. "Bakit p-po pala kayo nandito?" Tanong siya sa akin habang binubuksan niya ang pintuan at rinig ang pagkalas ng mga susi. Nahalata na ata niya kanina pa na may hinihintay ako. Noong makapasok kami sa loob ay agad niya akong binigyan ng isang basong may lamang malamig na tubig.
"Hindi ko kasi alam kung anong meron kanina... kaya, hindi ako aware." Sabi ko dahil sa nangyari kanina sa karinderya.
"Ah, g-ganoon po ba?" Ngumiti siya sa akin at saka lumapit. "Simula p-po kasi noong p-pinanganak ako... mayroon na akong sakit na tinatawag ni mama na child-childhood on-set dis-disorder kaya ganito p-po ako magsalita."
Agad naman akong napahinto sa pag-inom, "Talaga? Sorry."
"Ah, hindi-di na p-po. Naiin-intindihan ko naman p-po kayo."
"Nasaan yung Presidente mo?" Tanong ko habang nakataas yung kilay ko. Bakit niya iniiwan 'tong si Glay eh assistant nga siya!
"A-ahm nasa m-meeting po."
"Saan dito?" Agad ko namang banggit sabay tayo.
"W-wala p-po siya rito." Banggit niya sa akin habang nakayuko ang kaniyang leeg. "Nasa D-doña Rosaryo po--"
Bigla nalang siya napahinto noong may nagbukas ng pinto at sinarado ito ng napakalas, halos masira na ang pintuan.
"Glay! Sabi kong lumayo ka na diyan diba?!" Sigaw ng babaeng pamilyar. Hinawakan niya ito sa kamay atsaka nilayo sa akin.
"Pinagsasabi mo?!" Sigaw kong pabalik. Nakuha ko naman na ang impormasyon at pupuwede na akong makalabas. "Tangina, ang ingay mo." Sabi ko bago ako tuluyang makalabas sa office.
Lumipas ang mga araw. Kinabukasan ay nagpractice kami para sa Interpretative ng Filipino. Akala ko sa una ay napaka-arte ni Natasha, ang yaman pa pala niya! Akalain mong isasabay ka sa sasakyan nilang BMW at dinaan pa nila 'to ng driver niya at kasambahay sa Bayan! Nakapag-apply na rin ako sa bakery malapit sa amin. Part-time job kumbaga para mamulat na rin ako sa reyalidad, dahil hindi naman habang-buhay ay nandiyan si nanay para magtustos sa aming magkakapatid. Buti nalang din at napapayag ko si kuya Leandro na tutol sa aking desisyon.
"So, babe, what happened to your decision? Sasali ka ba sa cheerdance?" Tanong sa akin ni Hakim. Kami na ba ng naging kahalikan ko sa C.R. ng school? Oo. Kakatapos lang bumili ng isang babae at umupo na rin ako, kaharap ang telebisyon.
"Sasali ako 'no!" Sabi ko habang may pag-tawa. Buti nalang at Linggo ngayon at makakapagtrabaho ako hanggang mamayang hapon, dahil mamayang gabi ay may simba kami.
"Eh wala ka ngang pambayad ng costume niyo." Sabi niya sa akin habang inaasikaso ang kakatawag palang sa amin na mamimili ng tinapay.
"Gago ka ba? Kaya nga nagtatrabaho."
"Alam na ba 'yan ng nanay mo?" Tanong niya habang nakatalikod sa akin.
"Hindi."
"Parang tayo lang pala," Bulong niya. "Salamat po!" Banggit niya sa bumili. Umupo na siya sa aking harapan sabay tanggal ng apron.
"Sinasabi mo?" Naguguluhan kong banggit.
"Wala." Agad naman niyang balik.
"Anong wala? Eh, may sinasabi ka nga kanina!" Pagtaas ko ng boses. Ilang beses na niyang binabanggit ang pagiging legal namin. Pwesyo, bakit walang nakakaalam tungkol sa relasyon namin. Pake niya ba? Hindi pa ba siya kuntento sa ginagawa namin? Naiinis na rin ako sakaniya!
Agad ko namang tinanggal yung apron at tinapon 'yon sa lamesang nasa harapan namin.
"Tangina mo ka! Wala ka ng ibang alam!" Sigaw ko sa kaniya habang nasa labas ako ng bakery. Wala akong pakielam kung maririnig ako ng mga kapitbahay o yug mga taong dumadaan, ang mahalaga naisigaw ko yung mensahe ko sa kaniya. Ito na rin ang araw na hind ako magtratrabaho pang muli. Agad naman akong dumiretso sa computer shop malapit dito at saby tweet ng:
'Ano? Lagi nalang na ako iniiwan?
#First_relationshit
"thankunext'
Pagka-tweet ko ay agaran namang nagreply si Emma. Tama siya! Huwag iiyakan ang mga lalaki kung kaya namang palitan!
Agad naman ako nakahanap ng kapalit na trabaho. Buti nalang at may kakilala ako at sakto ay sa coffee shop.
Habang suot-suot ko ang kulay brown na uniform namin ay hindi matigil sa pagtawag ang nakilala kong Sky.
[Saan ka? Pwede naman kitang puntahan.]
"Ehm, kehet hende ne."
[Sureness?]
"Haha. Oo!"
"Hoy, Leigh Xienne! Magtrabaho ka nga!" Pagsiko sa akin ni Alita, isa sa mga kasamahan kong nagtratrabaho,
"Hey, Sky, memeye neleng elet he, i love you my sky!"
[ah, sige, ingat]
Agad naman ko namang sinipa si Alita at tumawa.
"Bobo ka! Tawag-tawag ka pa sa bebe mo ah! Baka mamaya makita ka ng maarteng Cora! Pati yung anak niyang napaka-kapal ng kilay!"
"Haha! Gago!" Iling ko habang tumatawa. Wala naman akong pake sa mag-ina, ang mahalaga ay sumwesweldo ako rito.
"Oh, kumusta pala cheerdance mo ate girl? Kineri namam ba yung squat and split?" Tanong niya sa akin habang nagpupunas kami ng lamesa.
"Baka naman flexible kausap mo." Nakapag-ipon na pala ako sa cheerdance costume namin at pinoproblema nalang namin ay ange execution dahil malapit na ang laban. Hindi ko mapigilang matawa kapag naiisip ko si Angel, ang assistant leader ng club, kapag finafail ko ang mga backflips. Natatawa naman tuloy ako kapag naiisip ko yung mukha niyang parang timang!
"Hoy! May costumer na kakapasok palang! Asikasuhin mo na!" Pagsiko muli sa akin ni Alita.
"Tangina mo! Ikaw nalang!" Tinatamad ko pang pagyayaya. Gusto ko nalang umupo dahil kagagaling ko palang din sa school! Sabagay, unti-unti na rin naman akong nasasanay sa routine ko.
"Busy ako 'te, akuin mo na, kapag nakita tayo ni Madam Cora diyan!" Sabi niya bago ako pumunta sa counter. Napilitan? Tangina yes!
Hindi ko masyadong makita ang coffee costumer dahil nakasombrero siya.
"Good evening, what's your order, Sir?" Galang kong tanong.
"One loveable vanilla bean latte please."
__________________________________________________________________________________
♤
Hello! This is a short message so bear with me. Since I'm already starting my online class , the update will slow-down. Hope y'all doing fine. Laban lang! Thank you again for reading the chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top