04

"Che, matulog ka na." 



Mag-isa nalang ako rito sa sala, tahimik, at tanging ilaw na lamang ang kasama ko. Bigla ko nalang narinig yung boses ni kuya Leandro. 



"Wala pa nga akong ma-gets sa binabasa ko, papatulugin mo na agad ako?"  Tanong kong pabulong. Natutulog na kasi yung mga kapatid ko pati si nanay na maagang aalis bukas, base sa narinig ko kanina. Si tatay? Pumunta na naman ata siya sa kabilang baryo para mag-sugal.  



"Hindi ka na niyan makakapasok sa first period niyo niyan, Che. Anong oras na, magbasa ka nalang sa school kapag may oras pa." Huli niyang binanggit bago siya pumasok sa banyo. 



Naiwanan naman ako rito, nakabukas ang mga libro. Alam ko naman na pre-test pa lang naman 'to, pero gusto ko pa rin naman makapasa. Ayokong biguin yung mga magulang ko at ayokong balewalain nalang yung perang ginagastos nila para sa pang-araw-araw. 



Wala naman akong no choice kung hindi ay ituloy yung pagbabasa ko, hindi naman ata totoo yung sinasabi ng kuya ko na baka raw na hindi ako papasukin sa klase kapag na-late ako. 



Pumasok na si kuya sa silid at kunyari ay sinara ko ang libro para maniwala siya sa akin na tapos na ako magbasa, hanggang sa dumating na ang madaling araw at nakaidlip ako sa sala. 



May narinig akong tunog na nagbubukas ng damitan na nagpagising sa akin. Hindi pa malinaw ang aking nakikita dahil nga kakagising ko palang. 



"Che, anak,  gising ka na pala." Mahinahong boses ang bumungad sa akin. Kinusot ko ang aking mata at nakita ko na nag-iimpake na pala si nanay. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, o baka naman ay nag-iimpake siya dahil nga magtratrabaho na siya sa Mayor. Maraming katanungan ang pumapasok sa utak ko pero hindi na rin ako makapag-isip ng tama dahil nga bangag ako.



"Saan ka nay pupunta?"



"Ay! Sa Mayor, anak!" Binigyan niya ako ng malaking ngiti at dapat ay ikatutuwa ko ang balitang ito. 



"Aalis ka na ngayon? Bakit niyo po nilalagay yung damit niyo po sa bag?" 



Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang aking buhok. "Para matustusan ko ang pag-aaral niyong magkakapatid, namasukan ako bilang kasambahay diyaan sa ating mayor ng lungsod. Buti nalang at napakabait niya dahil siya pa ang nag-alok  sa akin nito." 



Ngumiti nalang ako dahil wala na rin naman akong magagawa. "Ah, nay, bibili lang ako ng almusal." 



Binigyan ako ni nanay ng pambili atsaka nandito ako sa bilihan ng pandesal. Wala pang araw kaya dama ang simoy ng hangin sa aking katawan. Nakasandal ang aking kamay habang pumipili ng puwede naming makain. Tatawagin ko na sana si kuyang nakaupo kaso ngalang may biglang tumawag sa akin.



"Hi, bieh!" 



Napatingin naman kaagad ako kung saan nanggagaling yung boses na 'yun. 



"Gago, ba't ka nandito?" Bungad kong tanong.



"Bakit ikaw ang nandito?" Pabalik niya.



"Tanga, Ako unang nagtanong!" 



"Ikaw lang ba pwedeng bumili ng tinapay?" Tanong niya sa akin. Halata na naasar na siya sa akin.



"Ako lang pwede, ano? Sige! angal ka pa diyan!" Sunod-sunod kong sabi.



"Ay, ayaw paawat ni ate mo girl, ah." Sabi niya sa akin at saka humarap na rin para makapili ng bibilhin.



Nagulat na lang ako noong tumingin ako sa harap dahil nakita ko ang binata na nakatayo sa harapan namin at gulong-gulo ang mukha. 



Tinulak ko kaagad si Emma papalapit sa akin.  "Tangina! Gago, ang gwapo!" 



"Tigilan mo nga ako please lang." Bulong ni Emma sa akin habang hawak-hawak ko pa rin siya sa damit niya.  



"Hays! Basta mine!" Kinikilig kong sabi. Humarap na ako at binanggit ang mga pandesal na bibilhin habang nag-lilip bite. 




"Uhm... Ishe ngang ganete." Sabi ko habang dahan-dahan na tinuturo. Alam kong nakatingin sa akin si Emma pero wala akong pake. 



"Papalate ka pala?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad na kami pabalik. Tapos na kami makabili at tinanong ko rin ang pangalan ng kuya. 



"Maglakad ka nga nang maayos! Para kang baliw." Imbis na sagutin niya ako ay ayan ang binanggit niya.



"Kapag ba naglakad ako nang maayos, parang baliw pa rin ba ako?" Tanong ko. "Tangina kasi! Ang soft ng face niya, tapos yung muscles kahit bata pa lang siya! Tapos nung ngumiti siya kanina noong tinanong ko 'yung name niya, lumabas yung dimples niya. Like, diba?!" 



"Ah..." Dahan-dahan nalang siyang tumango sa akin, at halatang gusto na niya akong sampalin sa irita. "Hindi pa 'ko nagbabasa eh pero ayokong magpa-late--"



"Magpa-late ka na bieh! Kasama mo naman ako, eh."



"Hindi lang ako sure ha--"



"Anong hindi? Sure na 'yan!" Pagpipilit ko. 



"Sige, kita nalang sa sakayan?" Patanong niyang sabi.



"Anong oras gusto mo?" Tanong ko at may ngiting namumuo sa aking mga labi.



"Wala akong gusto." 



"Ha?" Natatawa kong banggit. "Natulog ka rin ba? Bangag amputa." 



"Basta, wala akong gusto."



"Hoy, Emma!" Sigaw ko dahil naglalakad na siya pahiwalay. Hindi ko pa rin talaga mawala sa isipan ko ang na-meet ko kaninang lalaki! "Sa tingin mo ba bagay kami?" Pahabol ko.



"Hindi." Halata naman na hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

"Luh! Ba't naman?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko ma-gets. Kaibigan ko naman siya pero bakit hindi niya ako sinusuportahan?



"Kasi..." Pabitin niya.



"Kasi?"



"Kasi...t-tao... kayo. Kaya please lang, tigil-tigilan mo na'ko."  Naramdaman ko na iritang-irita na siya sa'kin. Kahit naman tao kami, puwede pa rin naman kaming bumagay diba? 



Nakauwi na 'ko sa aming bahay, pero wala na si nanay. Nakita ko nalang ang papel na nakalagay sa table at pagpapaalam lang ang nakasulat. Hindi pa raw siya maninirahan doon sa Mayor at makakauwi pa raw siya. Mabilis lang ang pangyayari, normal lang ang pagpasok sa eskwelahan. Pinilit ko pa si kuya na magpapalate ako ng kaunti, pero lagi niyang sinasabi sa akin na hindi nga raw ako papapasukin kung ganoon akong oras na aattend pero sa huli, napilit ko naman siya.



"Puta! Sana nakinig nalang pala ako kay kuya!" Pagdadaing ko sa STE Hallway. Tama nga si kuya! Hindi nagpapasok! 



"May kuya ka?" Tanong ni Emma na katabi ko. Kalma-kalma lang kaming naglalakad kanina sa gate, pero ngayon ay mukha na kaming tanga dahil sa kadahilanang ilang beses na kami bumati para pumasok, pero hindi kami pinansin!



"Meron 'no!"



"Dito rin nag-aaral?" Tanong niya sa akin habang may nilabas na mansanas sa bag niya.



"Siya yung naging dahilan kung bakit ako nasa STE rin." 



"Ah! STE rin pala siya..." 



"Gago, hindi ba halata?" Bulong ko.



"Nagtatanong lang naman." Sabi niya sabay kagat sa mansanas. Nahahalata ko na puro prutas kinakain nito, ha.



"Taga-bundok ka ba?" Natatawa kong tanong. Nahalata ko naman na biglang nag-iba ang kaniyang ekspresiyon at mukhang hindi siya komportable sa tanong. "Kasi ang sarap mong akyatin..." Binigyan ko nalang siya ng mga pilit na ngiti at saka tumingin sa bubong na nakikita ko sa harap. Sa katunayan, bubong ng court ang aking tinitingnan. Tangina, ginawa ko ba 'yon?! May connect naman ata...



Lumabas na si ma'am at nalaman kong Filipino teacher namin siya. Napaka-seryoso naman niya sa kaniyang buhay! Mukhang single forever.



"Grabe sis, kakayanin pa ba natin 'to?" Tanong sa akin ni Emma pagkatapos namin batiin si ma'am. Nakita ko naman bigla si Natasha, ang pinakamaarte naming kaklase. Hindi ko naman pa siya nakikilala pero wala akong pake. 



"Hi! Natasha." Bati ko sakaniya at biglang may sumapak sa likod ko.



"Putangina mo ka masakit!" Napasigaw nalang ako sa sakit at ang bumungad ay si Gielan na nakangiti.


"Hoy, tama na 'yan, ang aga-aga." Pagsuway naman ni Emma sa akin. "Ikaw nga Gie umayos ka, nakakahiya ah."



"What the fuck just happened?" Narinig kong bulong ni Natasha at tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Hindi pa ako nakakaupo pero biglang may tumawag sa aking boses lalaki sa pintuan. 



"Si L-leigh Xi-xienne po..." Utal na sabi habang hawak-hawak niya ang uniporme niya.



Agaran naman kaagad ako lumapit, si utal boy nga! 



"Ba't?" Tanong ko.



"Pinapa-pinapatawag l-lang po k-kayo..." 



"Ni?"



"Ni Sir Master po... Yung p-president." 



"Ha? Bakit?" Tanong ko ulit. May nakaligtaan ba ako? May offense ba kapag late sa klase, Sinumbong ata ako ni Ma'am! 



"Pakisabi... wala akong pake sakaniya." Tatalikod na sana ako pero napaisip ako na baka may cute rin na na-late kanina diba? Baka ipagtitipon kaming lahat! Chance ko na 'to. 



Sabay kaming naglakad papuntang sa Guard House, nakita ko na naman si ate guard na may ka-call. Balak ko sana siyang kausapin pero baka kalandian niya 'yun. Pinasok na namin ang daanan para makapunta sa office ng mga SSG.



"Come on, Cameron! Don't dissolve the Cheerdance club!" Narinig kong sigaw. Halos tagos na 'yun sa labas, at partida hindi pa kami nakakapasok. Ang aga naman para sa ganito.



"Angel, the officers talked about that. We don't want to repeat what happened before. Ayaw na naming magkaroon ng casualties." 



"It's just one bone! And she said that she had recovered! So why not approving our club?"



"You don't understand, binibini..." Sabi ng boses lalaki at halatang si Cameron 'to base sa baba ng boses niya.



"Where the shit that I didn't understand? You are so mayabang!" Pag-aamok  naman ng babae.



"What if I break your one bone huh? Deal?"



"I don't want! Kadiri ka naman!"



"I hope you get the drift now..."



Bago bumukas ang pinto ay nagsalita ang babae. "Then we will start a petition."



"Go on! I'm not afraid. As if someone will sign."



Tumingin naman ako kaagad sa lalaking nagsundo sa akin sa room "Ay, tapos na 'yon? wala na bang part 2?"



"W-wala na p-po ata." Huli niyang banggit bago kami naman ang pumasok sa ulit. Wala namang bago, may paso pa ring nakalagay sa table sa aking kanan, at nakita ko ang lalaking mukhang na-stress sa mga pangyayari kanina.



"Psst." Tawag ko sa lalaking nakalagay ang mga kamay sa mukha niya. "Goosebumps!" Pag-appreciate ko sa President. Grabe siya makiapag-palitan ng mga salita! "Totoo sinabi ko."



"Glay." Sabi ng President sa katabi ko. Ayun pala pangalan ni utal ha.



"B-bakit po S-sir Master?" 



"Pakisabi kay Leigh that she just come back on Monday. Kindly prepare my coffee din. Thank you." 



"Mga joker talaga kayo 'no? Pagkatapos niyong balabugin--"



"Just say guluhin, binibini."



"Ay, judgermental naman ngayon." Sabi ko habang nakapamewang sa kaniya.



"There's no such na word na judgermental. Ugh! Kindly shut your mouth instead kung walang magandang sasabihin 'yang bunganga mo, Leigh."


"Sige, wala akong pake naman." 



"Glay!" Sigaw niya bigla at biglang tumayo yung mga buhok ko sa aking braso. "Do your job!"



"S-sorry po, Si-sir Master, ito na po."



Hinawakan na ako sa kamay ni Glay pero hindi pa rin ako nagpapahatak. "Bakit niyo ba kasi ako pinapunta rito? Late ba ako? Sabihin niyo naman na para inform ako."



"Y-yung sa 1 week clean service po." Sabi ni Glay. Hindi na niya mapigilan ata ang kaniyang bibig kaya niya nabanggit.



"Ah. Ayun lang ba? Oh pakshet, ilabas na ang lahat ng mga walis. Lilinisin ko na 'tong buong Nova High! Dali! Labas niyo na!" Huli kong banggit bago ko pinagsisihan ang mga nangyari kanina sa office. Nandito na ako sa C.R. ng Mathay building, naglilinis ng banyo ng mga lalaki. Kakatapos ko lang linisan ang sa mga babae at hindi ko na kinakaya dahil sa baho. Hindi rin nila maiwasan na matawa sa akin kapag papasok sila. Wala pa akong kain simula recess, at mukhang malapit na matapos ang morning classes namin. 



"Woo! Tangina mo Leigh. Tapang mo pa kanina, ha." Bulong ko sa sarili ko sabay buhos ng sabon sa tiles para i-mop. "Tangina rin noong President kuno. Ang sarap sapakin sa mukha. Akala ko stress sa buhay, ang galing magpanggap--" 



"Puwedeng pumasok?" Sabi ng lalaking hawak ang zipper ng pantalon niya. 



"Mukha ba? Umalis ka nga!" Irita kong sabi at nagpunas ako ng pawis. Halata sa mukha niya na ihing-ihi na siya, at namumula na ito. Biglang nag-iba ang ekspresyon ko sakaniya dahil  namumukhaan ko itong lalaki. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinapasok. 



Nakatalikod siya sa akin, kaharapan ang cubicle habang umiihi. 



"Leigh, diba?" Tanong niya sa akin at may halong tawa. Hindi ko mabukha ang aking bibig dahil sa hiya. Sa dinami-raming lugar na puwede kaming magkita dito pa sa C.R.? At naglilinis pa ako ng banyo. 



"Aw! Hindi mo na ako natandaan? Hakim." Pagpapakilala niya ulit sa akin. "The guy you met at the bakery."

__________________________________________________________________________________

Hello! This is a short message so bear with me. Since I'm gonna start my online class this Monday, The update will slow-down. Hope y'all doing fine. Laban lang! Thank you again for reading the chapter. 












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top