01
"Che, bangon na." Naririnig kong mga boses habang nakahilata pa rin ako sa higaan.
Unang araw ng klase at nandito pa rin ako sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ba laging maagang nagigising yung kapatid ko! Sabagay, siya kasi ang panganay sa magkakapatid.
"Kuya, wait lang. Inaantok pa 'ko." I said, sleepy voice. Pero imbis na mawala siya ay naramdaman ko na winisikan niya ako ng malamig na tubig na medyo nagpagising sa akin.
Bawal akong sumigaw dahil madaling araw pa lang at katabi ko pa yung tatlo ko pang maliliit na kapatid na mas bata pa sa akin. Siyempre, dahil maliit lang naman ang bahay namin, no choice kami kung hindi mag-tabi-tabi kaya ganoon.
Bumangon ako nang dahan-dahan at inunat ang buong katawan ko. Nakita ko na yung kapatid ko sa sala na kusina na rin namin dahil nga sa kaliitan ng bahay namin. Tipong mga limang tao lang ang kasya rito kung nasaan kami.
Kinuha ko yung towel na nakasabit sa labas ng bahay namin at napagpasyahang maligo muna para magising yung diwa ko.
Pagkalabas ko ay nakita kong sinusubuan ni kuya yung pinakabunso sa aming magkakapatid.
"Ah!" Utos ni kuya kay Leah habang hawak-hawak niya yung kutsara sa kabilang kamay.
Amoy champorado sa kalayuan ang nakahanda. "Si tatay?" Tanong ko habang pinapatuyo ko yung buhok ko gamit ang suklay. "Nakita mo bang umuwi kagabi?"
"Hindi ko napansin, Che." Pabalik na sagot ni kuya sa akin. Actually ang pangalan ko talaga ay Leigh Xienne. Nakuha nila yung Che dahil sa Xienne, because it was pronounced as Shen. "Baka nasa inuman na naman 'yon." Dugtong niya. "Say Ah!" Balik niya ulit kay Leah.
"Si nanay? Maaga ba ulit umalis?"
"Hindi ko na napansin."
"Ano na lang ba hindi mo napapansin?!" Huli kong banggit bago naglakad nang padabog.
Pumasok ako sa aming kuwarto at nakita ko yung dalawa ko pang kapatid. Ang kambal. Sina Lukas at Luke.
"Hoy! Bumangon na nga kayo!" Sigaw ko sa kanila habang nagsusuot ng skirt. May parang maliit na tela na puwedeng magpalit ng damit kaya hindi namin ako nakikita. "Mga tulog mantika talaga kayo!"
Natapos ko na ang pagsusuot ng necktie at ni-isa sa dalawa ay wala pa ring bumabangon. "Aba! Sige iwanan namin kayo." Nakita ko kaagad na umupo si Lukas at kinusot ang mga mata. I can say na mas mabait siya kaysa kay Luke sa mahabang pagsasama namin. Gano'n ba talaga kapag unang iniri?
"Nasa patay si tatay, ate." Pabulong na sabi ni Lukas atsaka umalis para maligo, dahil dala-dala niya ang tuwalya.
"Kaninong patay?" Tanong ko at alam ko namang nandoon si tatay para sa sugal.
"Uh... Kila Aling... Aling..."
"Aling ka nang aling! Kanino tinanong ko!" Irita kong singit. Nakita ko naman na kaagad siyang yumuko na parang may nasabi akong mali.
"Sige na, salamat nalang." Dagdag ko.
Wala namang bago kung nandoon si tatay, eh. Lagi-lagi lang kami ang lima ang nandito sa bahay. Panigurado na umalis si nanay kanina pang madaling araw dahil may trabaho siya sa kabilang baryo. Pero minsan umeextra siya sa paglalaba, o hindi naman sa palengke. Hindi ko naman siya mapipigilan dahil siya yung nagkakayod sa pamilya habang si tatay ay puro pasarap sa buhay.
"Ikaw, Luke, 'di ka pa babangon?! Anong petsa na."
"Shut up!" Narinig kong boses habang nakahilata pa rin.
"Anong shut up shut up?! Tumayo ka na riyan!" Balik ko at saka inayos na yung kama para umalis na siya roon. Pinatay ko na rin yung electric fan bago ako umalis. Mainitan siya riyan!
Kumakain na ako noong hinanda ni kuya yung champorado sa bowl ko.
Nakita ko na rin si Leah na nakataas yung isa niyang kilay sa akin kasi nakikita niyang sineserve ni kuya Leandro yung champorado sa akin.
"Ang chaka mo biEh!" Inikot ko yung mata ko atsaka sumubo. "Tangina! Chef!" Tingin ko kaagad sa kuya ko na sinusubuan si Leah. Kanina pa 'to kumakain ha!
"Your mouth, ate." Narinig kong lumabas na si Luke. "Shutting the fan down will not makes me awake. I just need to meet my crush."
Lumaki kaagad yung mata ko nung binanggit niya 'yon.
"Yan, manang-mana sa ate." Kuya Leandro tsked.
"Hoy! Bakit niyo ko inaaway!" Sabi kong padabog habang sumusubo ng kutsara.
"Ate, pikon." Rinig ko na sabi ni Leah at nakangisi sa akin. Hahambalusin ko na sana siya ng kutsara pero kaagad siyang tumakbo papasok sa CR nung lumabas si Lukas.
"Leah! Ako muna maliligo! Kanina pa ako rito, oh!" Katok na paulit-ulit ni Luke. Halos masira na nga yung pinto kasi gawa lang 'yun sa kawayan. "Kuya! Palabasin mo nga!"
Natapos na ang lahat sa pag-aayos para sa unang araw ng pasok. Naglalakad na kami sa maikling tulay, papuntang labasan. Nakikita ko na rin ang mga tricycle sa hindi kalayuan at mga estudyante na iba't-ibang kulay ng uniporme.
"Leah, 'wag ka magagalit ha?" Naririnig kong bulong ni Luke kasi nasa harapan lang naman namin siya ni Kuya. Kumbaga, silang tatlo yung nasa harapan, nasa gitna si Leah habang si Luke at Lukas ay nasa magkabilaan habang kami ni kuya Leandro ang nasa likuran nila. Nakikita ko lang na pinaglalaruan ni Lukas yung name tag niya at nakayukong naglalakad.
"Ano 'yun?" Tanong ni Leah kay Luke na may halong pilit.
"Kanina nung inunahan mo 'ko papasok sa cr para maligo, nainis ako sa'yo nun." May damdaming binanggit ni Luke. Medyo natawa naman ako at napaka-seryoso ng bawat isa!
"Anong gagawin ko?" Napahinto si Leah at binalot ang mga braso.
"Say sorry. Kahit 'yun lang. Tatanggapin na kita ulit bilang kapatid. Nakakasama lang kasi talaga." Sabi ni Luke atsaka nagbuhos na ako ng tawa.
"Hoy! Tama na nga ang mga kadramahan sa buhay." Banggit ko sa kanila atsaka tinulak nang slight para maglakad. "Kuya, dito na lang ako." Sabi ko nung nakalabas na kami sa eskinita. Lalakaran ko nalang kasi yung sakayan ng tricycle na papunta sa school. Nakita ko namang may kinukuha siya sa bulsa niya.
"Baon mo, Che." Inabot niya sa akin yung papel na bente atsaka dalawang barya na lima.
"Galing kay nanay naman 'to 'no?" Bulong ko na may pag-aalala. Baka mamaya ginagalaw niya yung ipon niya o hindi naman kaya ay sa kaniya galing 'to.
"Basta." Maikling sagot niya. "Ingat ka nalang."
Kinuha ko 'yun atsaka nilagay sa pockets ng bag ko. Sealed naman 'yun kaya okay lang pag-lagyan ng pera.
"Basta sabihin mo lang yung pablik o hindi naman may makikita ka namang pila na katulad ng uniform mo." Paalala niya. "Tapos pag-uwi, kung may kasabay ka, padiretso nalang kayo rito. 'Wag na dumaan sa Bayan. Para makatipid."
Mga huling bilin niya bago ako nakasakay sa labas ng tricyle. Doon ako pumwesto sa pinakadulo para safe. Ayoko ngang makatabi yung driver! Baka kasi mamaya makatulog ako sa mga bisig nila.
Pinaglalaruan ko yung bag ko habang hinihintay nalang yung dalawang pasahero. Puno na sa loob at puro estudyante ng mga taga-Nova high, ang paaralang papasukan ko sa buong hayskul.
Napahinto nalang ako sa pagbukas sara ng zipper nang may nakita akong cute na nagbayad ng pamasahe sa drayber.
Sakto lang naman height niya. Baka Grade 9! Ang ayos pa ng buhok niya, halata na kakapagupit palang niya. Hinahanap ko yung name tag niya kaso ngalang wala! Paano ko tuloy mahahanap Facebook no'n! Bet ko pa naman i-add.
Umupo na siya kaso ngalang katabi niya yung drayber. Nilagay niya yung bag niya sa harapan niya atsaka kinuha yung cellphone.
Nasa isip-isip ko kung lalapitan ko ba, or bababa ako nang slight sa aking kinauupuan para makatabi siya. Or malay mo nag-Fafacebook siya!
Narinig ko namang may umubo na babae, probably catching the driver's attention. Nakita ko na ring nagbayad siya at bakas sa mukha ang pag-aalinlangan.
"BiEh?" Tanong niya bigla sa akin.
Kumunot naman agad yun noo ko, "A-ano?" Utal kong sagot. Segundo na ang lumipas at katabi ko siya. Mukha rin siyang nahihirapan sa pag-upo, first time ba niyang sumakay sa tricycle?! At hindi ko pa rin ma-process ang lahat, simula sa bakit niya ako tinawag. Kilala ko 'tong babaeng 'to eh! Tangina ba't ko ba nalimutan?
"BiEh?" Pabalik kong tanong habang lumarga na yung tricycle. Na-curious kasi ako eh.
"Diba ikaw yung nag-t-a-n-g-ina sa interview. Yung nakapila palang tayo ha!" Inispell pa niya at inuurong yung katawan niya papasok sa tricycle. Natatawa nalang ako baka mamaya ay malaglag na siya. "Basta ikaw yung katabi ko sa upuan nung mag-iinterview para sa special section! Nanginginig pa nga kaluluwa mo eh, sabi mo sa 'kin 'yun. Never forget!"
Ininspect ko pa yung buong mukha niya. From iris to her pupil, from mouth to her teeth, from nose bridge going down to her nostrils, and from every parts of her face! Napansin ko rin na may suot siyang ribbon sa kaniyang buhok atsaka ko lang nalaman na siya talaga pala 'yun.
"Ah, okay... Sige." Maikli kong banggit. Kailangan ba maging hype rin ako?! "Puwede ba magtanong?--"
"Emma! Emma Chavez!" Kulit pa niya. Hindi ba ako nito tatantanan? Nagkita na kami nung interview dahil kinakabahan lang naman ako no'n! Kinalimutan ko na nga lahat na nangyari.
"Ba't ba ang hyper mo... biEh!" Ginaya ko pa kung paano niya binanggit. "Tangina ha. Aga-aga."
Nakita ko namang bigla siyang nanahimik. Masyado ba 'tong soft? Mabilis ba 'tong matibag?
"Hoy! Gaga! Charot lang. Parang tanga, amputa. Nagbibiro lang ako, gago." Sunod-sunod kong sabi ko sakaniya habang may pag-hampas. "May itatanong kasi ako!"
"Hahaha." Ngiti niya pabalik. "Ano ba 'yun?"
"Yung totoo, ha!" Pagbabanta ko bago ko simulan magtanong.
"Yes! Yes!"
"Kakasakay mo palang ba ng tricycle?" Tanong ko. Halata kasi simula pa kanina at sa mukha niya. Halatang hindi taga-rito.
"Haha! Bakit naman?" Tawa niya, at halatang naiilang.
"BiEh! Halos kasi ako na ang malalaglag sa puwesto. Siksik ka nang siksik sa tricycle, tulak nang tulak yung likod mo. Parang tanga lang." Diretso ko na. Ayoko naman maging plastik 'no!
"Sorry naman..." Dahan-dahan ulit siyang yumuko. Ano ba ang problema nito!? Mood swinging ka biEh?
Nakita ko na rin yung mga estudyanteng naglalakad at mga tricycle na kulay dilaw na nagbababa. Mukhang nandito na nga kami. Maglalakad na sana ako papasok sa gate ng school nang biglang may kumalabit sa akin.
"Bakit... BiEh?" Inaasahan ko na si 'BiEh' sana ang makikita ko pero yung drayber pala yung kumalabit sa akin.
"Bayad mo, ate?" Tanong niya sa akin at mukhang galit.
Wait! Nagbayad ba ako kanina!?
"Hehe. Pasyensa na ho." Ngiti ko pabalik at kinuha yung papel na bente sa bag ko.
"Salamat." Binigyan ko ulit siya ng ngiti pero ngayon mga matatamis na. Pumasok na ako sa loob, nauna na pala si 'biEh!'. Hindi na ako hinintay!
Nakita ko yung mga estudyante na may red na tela na nakabalot sa braso nila. Pamilyar ang mga naka-ukit pero hindi ko ma-translate. Hindi naman kasi ako nag-aaral ng Baybayin!
Doon ako pumasok sa pinaka-kanan na gate ng school kasi roon kailangan pumasok ng mga babae. Sayang lang na wala akong puwedeng mabangga na mga cute guys! Sasabihin ko sanang 'sorry hindi sinasayda', pero sinadya ko naman talaga. Malay mo dahil sa bangga, doon ko matatagpuan ang aking magiging forever.
Nakapasok na ako at inadjust yung bag. Nagulat ako nang may tumawag na nagpahinto sa akin.
"Pangalan, binibini?" Tanong sa akin. Mukha ngang mga SSG ang nagbabantay! Hindi naman bago ang SSG dahil mayroon din naman sa dati kong school kaso ngalang ang tawag ay SPG (Student Pupil Government). Halos nakikita ko na nakapalibot sila sa buong campus. Tumingin muna ako sa building sa kaliwa, at nakikita ko yung shirt nila. Ibig sabihin ay may mga nag-papatrol din doon.
Saka ko nalang ulit nabaling ang atensyon sa nagtanong sa akin nung umubo siya para kuhain ang aking atensyon. Bakit ba lalaki 'tong nagtatanong?!
"Ano muna pangalan mo?" Tanong ko pabalik. Mukha naman siyang pogi!
Narinig kong may mga tumatawa sa likuran niya. May babae at lalaki na naka-SSG shirt din. Nakita ko lang na yumuyuko sila kapag may mga dumadaan na mga Grade 7 at sasabihing Magandang Umaga.
Binalik ko ulit yung mga mata ko sa nagtatanong. "Bakit hindi mo masabi? Masyado ba akong maganda kaya natutulala ka sa akin, Ginoo?"
I saw that he was gripping his hands that much. Titingnan ko sana kung may namumuong ugat sa ulo niya, kaso ngalang natatakpan 'yun ng bangs niya. Nakasalamin pa 'to at black yung frame.
Inayos niya yung salamin niya atsaka tiningnan ako simula sa baba hanggang sa taas. Sabi na nga ba at type ako nitong mokong na 'to eh! Ayaw pa aminin.
"You're wearing the skirt wrong. It must be below the knee. Your hair have color. I don't think that brown is your natural hair color, maybe you did a Salon during the Summer. And lastly, your necktie was inappropriate." Sabi niya sa akin at walang emosyon ang naka-bakas. Nilagay niya yung hawak-hawak niyang notebook at pinasok sa loob ang ballpen sabay ipit sa kaniyang katawan.
Inilapit pa niya kung mukha sa akin, halos isang pulgada nalang yung pagitan namin at sabay hinawakan niya yung aking kurbata na nagpa-gulat sa buong katawan ko.
"I'll teach you how to wear a necktie properly, binibini."
__________________________________________________________________________________
♤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top