Chapter 2

Chapter 2

Ilang araw na ang nakalipas simula nung na interview ako sa DGC at isang linggo narin ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan ang katangahan ko. Kung sa bagay ay gawin ko ba naman ang ganoong bagay ay sino ang matutuwa? Grabe at isang makapangyarihan ang nagawa kong ganunin!

Lagot ka talaga Vennie!

"What's with that face?"

Umupo sa harap ko si rowena at kumain ng patatas na iprinito ko kanina. Kumuha din ako nito at malungkot na nakapalumbaba sa lamesa.

"Kasi kailangan ko nang magbayad ng renta sa apartment ta's namomoblema pa'ko dahil sa utang ko sa banko." Bagsak balikat kong sabi.

"I can lend you some money. Kailan mo ba kailangan?" Nagalalala nitong sambit sakin kaya dali akong umiling ako at umupo ng maayos.

"Ayos lang, Wena. Kaya ko naman. Dami mo nading napautang sa'kin," Ngumiti ako. "Nakakahiya."

Hindi na siya sumagot at tumango nalamang. Tumahimik kami at nagpatuloy nalang sa pagpapak ng patatas nang may biglang tumawag sa aking phone.

Hapon na hapon sino naman ang tatawag sa'kin?

"Oh sino yan? Hulaan ko yung manliligaw mo, ano?" Ngiting ngiti niyang sabi sabay dungaw sa phone.

Umiling ako at tumingin din sa naka rehistrong telephone number. Telephone talaga siya at 'di phone. Baka isa sa mga inaaplyan kong trabaho! Agad ko itong sinagot at tumayo.

"Travejo Vennie, Speaking.." sumulyap ako kay Rowena na nakangiti.

"Good day, Ms. Travejo. This is from Darwin Group of Companies. The CEO itself invites you for uh.... private interview tommorow. Bring the complete requirements."  

Napatigil ako at nalaglag ang panga. Private interview sa akin? Hindi ba at natapos na ang interview last week? Teka paano nangayari na kailangan pa ko interview ngayon? Tsaka CEO? Si Isaac!

"Anong nanyari?" Hindi ko pinansin si Rowena at huminga ng malalim.

"P-po? P-private? Interview?" Gulat kong sambit at napatingin kay rowena na nakataas ang kilay.

"Yes. Mr. Darwin is expecting your attendance. That's all, Miss. Travejo. Thank you! Have a good day!"

Inoff niya na ito at nanlaki ang mata ko agad ako napatili ganoon rin si Rowena. We jumped and almost bumped to each other. I hugged her tightly at ganoon din siya. Grabe ang swerte ko ngayon! Totoo ba?

"Magkakatrabaho kana!" Masayang sabi nito pero may naisip ako kaya agad din akong huminto.

"But what if hindi ako makapasok?  I mean... private interview lang yun," malungkot na sambit ko.

"Hndi moba napapansin bat ikaw lang ang may private interview? May nagawa kaba?" Makahulugang sambit ni Rowena.

Agad akong napahinto at naalala na naman yung mga nagawa ko. Kwinento ko lahat kay Wena ang pinagagagawa ko nun sa interview bakas dito ang pagkagulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"What? You did that? That's actually embarrassing. Anu bayan, Vennie?!" Pagsasaway nito.

"Sandali nga! Ano bang itsura nung boss mo?" nagtataka nitong tanong.

Napaisip tuloy ako actually mukha itong anghel na nahulog sa langit, hindi mo mahahalataan na hindi anak mayaman dahil mukha palang alam mo na.

Matangkad, Malaki ang pangangatawan tama lang sa tangkad niya may pagkamagulo ang buhok, manly at higit sa lahat may mysterious look.

Gaya ng sinabi ni Ethan, makapangyarihan siya kaya niyang bilhin kahit sino kaman, billionaire.

"Hindi naman kagwapuhan! Tss...Mataba atsaka panget!" Sabi ko sabay tayo.  nagsinungaling ako rito dahil para matapos na tsaka di naman talaga gwapo.

Talaga ba, Vennie? Hindi gwapo?

"Pero ang sabi nila bilyonaryo at gwapo raw ang may ari ng DGC.." napaisip ito at ngumuso pa.

"Hay nako, Wena! panget siya panget!" napailing na lamang ako at umalis.

Kinabukasan ay sobrang kaba ko ganuon din si Rowena. Maaga siya pumunta sa inuupahan ko para lang piliin ako ng magandang damit. Inayusan niya rin ako para maganda naman daw ako sa paningin ng boss ko.

She made me wear this red fitted sphagetti dress with matching black coat, she also comb my wavy hair at naglagay ng kaunting powder at pink tint para kahit sexy ang dating may innocent face parin daw.

"Ang ganda mo!" Palakpak nito napailing nalang ako habang tinitignan ang sarili ko.

"Parang hindi naman ako sa interview pupunta nito," sabi ko habang sinusuri ang sarili ko.

"Ayos na 'yan! Maganda kaya. Ano? magcocommute ka?" tanong nito.

Kinuha ko ang white sling bag ko at tumango. Ganoon din siya at tinulungan ako sa pag kuha ng folder.

"Magtataxi ulit ako.." ngiti ko rito at niyakap ng mahigpit.

"Magiingat ka. Sana makapasa ka sa interview mo! Bye!" sigaw nito ngumiti ako at naghanda na ulit.

When i reached the company building nagtanong ako sa receptionist. Ngumiti ako kahit kabado.

"Uhm Good day po! Asan po rito ang office ng CEO niyo?"

"Any appointment, ma'am?" tumingin ito sakin ng nakangiti at tumango naman ako.

"Opo... Vennie Travejo po." Hinanap niya ito sa book at tumango naman ito saakin.

"Hinihintay napo kayo, Ma'am. Nasa 15th floor po ang office niya." Ani to at itinuro ang elevator.

Tumango ako rito at agad na sumakay ng elevator halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

"Easy Vennie Margaret... kaya mo yan!" bulong ko sa sarili ko at tinignan ang repleksyon sa salamin. Maayos naman ang mukha ko ngunit ang damit ay masyadong maikli at 'di kumportable.

Pero pabayaan mo na! Gawin nalang natin!

Walang tao sa 15th floor at tanging mga taga linis lang isang office lang ang nakita ko roon. Hindi na ako kumatok dahil automatic naman na bumubukas ang pinto.

Inayos ko ang aking sling bag at unti unti naglakad patungo sa desk ni Sir Isaac. Halos di na ako makahinga dahil sa sobrang  kaba na aking nararamdaman, pinagmasdan ko ng mabuti siya.

He's so serious sa ginagawa niya, nakakunot pa ang nuo nito at parang stress dahil sobrong gulo ng buhok niya.

Naka fold ang white longsleeves niya hanggang siko at nakasampay naman ang coat niya sa upuan.

Agad din akong bumalik ako sa wisyo ng tumingin ito sakin ng seryoso. Umayos siya ng upo at pinagmasdan muna ko. Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa suot ko.

Agad akong pinamulahan at nag iwas.

"I'm expecting you today... Have a seat." Nanuyo ulit ang aking lalamunan at nabuo ang kahihiyan na kanina pa gustong lumabas.

"I bet you already knew why you're here." Sumadal ito sa upuan at patuloy itong pinaandar ng parang bata.

Ngising ngisi itong tumitig sakin, sobrang lakas ng pintig ng aking puso na hindi na malagay sa normal.

"Okay, let's start this interview." Lumapit siya. "Again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top