Chapter 19
Chapter 19
Hindi ako nakinig kay mama. My blood boiled when i realized someone is really stalking us. Kahit nag higpit ako ng security ay walang nagawa 'yon. Kinailangan ko pa itago ang bawat pag punta namin sa school ni Islmond.
I'm worried. Paano kapag bigla siyang sumulpot o kunin ang anak ko? Hindi ko siya hahayaang mapunta sa impyernong 'yon. Ayaw kong mapaligiran siya ng mga demonyong katulad nila.
They're purely disgusting and i despise them through years. Hindi nila alam ang depression at hirap na napag daanan ko dahil sa kanila. Ang sakit ng dibdib ko. How i pray everynight na tumigil na ang mga alaala nung araw na 'yon.
Ilang taon? Almost 7 years. Hindi ako papayag na basta basta nalang matapon ang taong ginugulgol ko para pantayan siya. Para higitan.
"I suggest if we make the title more simple but catchy for millennials. How about Teen Me Collection?"
Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang letratro ng mga models. I lousily closed the folder and looked at Celes, my assistant designer. She pointed the photos of the hair and background we will be using for the upcoming photoshoots.
Ngumuso siya. "Don't you like to try it? Besides you're so young, Vennie! You're also beautiful! Even though you're the fashion director, parang mas okay 'din kung mag model ka."
Pagod akong umiling. "I'm okay, Celes. The models will do it..."
"I'm just saying. Kahit may anak ka na ay 'di halata. Ilang taon ka naba? 28? 29? You're young, huh! Sayang tapos single ka pa,"
Maliit lamang na ngisi ang ginawa ko at kinuha ang cellphone ko. Alyssa update me about Islmond. I hired more than 10 bodyguards para ikalat sa buong school. Alam kong mautak pa si Isaac sa'kin, pero kung kailangan kong gumamit ng dahas ay gagawin ko.
"Okay, let's call it a day." Ngumiti ako at kinuha ang bag ko. Umiling iling lang si Celes at tumayo na din kasama ko.
"You're very busy these past few days, huh."
I chuckled. "Mommy duties."
Tumawa lang siya. Celes is a half Filipino and a half Canadian citizen. When i started as the Fashion director of Ezperanza, she helped me a lot lalo na't nag bubuntis ako noon.
Siguro totoo nga ang mga sinabi nila. Kapag may umaalis, may pumapalit. Kung gaano sila kahayop sa akin sa Pilipinas, dito naman ako nakahanap ng mga taong kabaligtaran nila.
I texted my driver and orient him that i'm here already. Hindi naman ako nag dridrive at thanks god na nag hire si Mama ng driver para sa'kin. I don't know, i hate driving. Natakot ako simula nung malaman ko ang nangyari kay Mama at Papa.
Wearing my deep black and white Chanel tweed suit patnered with high prada stilletos, i confidently walked towards the car. Ngumiti ako sa ilang empliyadong bumati sa'kin. Nakalugay ang aking buhok at nasa isang magandang puesto.
"Have a good day, Ma'am." A white woman greeted me.
Tumango ako at binuksan ang pintuan ng black chevrolet. Pagod akong umupo at marahang hinilot ang ulo sa backseat. Napapikit ako. Medyo sumasakit ang ulo ko sa pagod. God, i feel so exhausted. Ilang araw akong puro 'di makatulog.
"Kuya, diretso ta'yo sa school ni Mon. I'm going to pick him up. Nasabi naman po sa'yo ni Alyssa, diba?"
Nag simulang umandar ang kotse. Hindi naman agad sumagot si Kuya Toto kaya 'di ko na pinansin. I'm so tired. Sanayan na lang sa katawan. Araw araw akong ganito at kailangan kong pag kasyahin ang oras ko para sa trabaho at kay Islmond.
I'm also scared that Mama will retire soon, tapos ako ang mamahala ng Ezperanza. I mean, okay, masaya ako ngunit kailangan ko din ilaan ang atensyon ko sa anak ko. Islmond is growing up at gusto kong lumaki siyang ng maayos.
"Kuya, can you turn off the aircon po a bit? Sobrang lamig po kasi sa office.." natawa ako. "Hindi parin po ako sa sanay kahit nung nasa pilipinas pa. Ang lamig lamig po dito, e."
Medyo dumilat ako at tumingin sa bintana. Mukhang uulan pa ata ngayon. Kakatapos lang nang winter. The same season na nag birthday si Islmond. Napangiti ako at marahang sinuklay ang aking buhok.
Miss na miss ko na ang anak ko.
"About your retirement, Kuya Toto... Ito po sana onting tulong 'din kapag nakauwi ka na nang Pilipinas,"
Inilabas ko ang isang envelope. Ngumiti ako at tumingin sa driver seat. Nang inilahad ko 'yon ay 'di parin siya humarahap. Napansin ko ding iba ang uniform niya ngayon. Nag susuot ba ng ganito si Kuya Totoo? Ang tanda na non, ha.
"Tanggapin mo na, Kuya. Mahirap talaga ang buhay sa pilipinas kasi naranasan ko din.."
"Kuya?"
Medyo lumapit ako para kalabitin siya pero may isang bagay na nag pahinto sa akin. I saw the watch on Kuya Toto's hand. Branded ang label nito at mamahalin. Una palang ay alam ko nang 'di niya ito kayang bilhin.
Unti unting bumaba ang kamay ko at napataas ang tingin sa taong nag da-drive.
Parang huminto ang pag hinga ko nang tumingin ako sa rear view mirror ng kotse. My lips parted. Unti unting lumakas ang tibok ng dibdib ko. Nang mag tama ang tingin namin ay halos sakupin na nang kanyang mata ang buo kong pag katao.
"Isaac..."
Kahit sa salamin lang ay nakita ko ang matatalim na titig niya. He's looking so dangerous and ruthless. Patuloy pa din ang pag andar ng kotse at nakita kong sa school nga ito papunta.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya andito sa kotse ko?
Agad akong nag panic. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang kamay ko ay agad na nanginig sa 'di malaman na dahilan.
"B-bakit ka andito sa kotse ko?" I said with trembling voice.
I saw his face darkened even more and clenched his jaw. Nang mapatingin ako sa manibela ay mahigpit ang hawak niya doon. Tila walang balak bitawan o ano.
"W-Where's Kuya Toto? Bakit ikaw ang nandito?!" Natatakot na ako.
Papunta pa di siya sa school ni Islmond. Paano kapag anduon na kami? Hindi siya pupwedeng makita ng anak ko! I won't let that happened.
"Itigil mo ang kotse! Stop this car!" I spatted.
Tila wala siyang narinig at mas lalong binilisan ang takbo. Agad akong lumusot sa front seat at hinawakan ang manibela. My heart is aching for some reason. Narinig ko ang malakas na pag singhap niya.
"Stop this car! You carnapper! I'll call the cops!"
He cursed. "Fuck! Stay fucking still, Vennie! Masasagasaan ta'yo!"
I insisted. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa manibela at kahit gumigewang gewang kami ay wala akong pakielam. Kung 'di siya hihinto ay malapit na kami sa school! Isang liko na lang!
Sa isang mabilis na pag pihit niya ay bigla huminto ang kotse sa gilid ng kalsada. Para akong mawawalan ng hininga dahil sunod sunod ang panic attack ko. I heard some of his curses. Kahit naninikip ang dibdib ko ay sinikap kong lumabas ng kotse.
"F-Fuck you, Darwin.." i cursed between my heavy breathing.
Padabog niyang sinarado ang pintuan at lumabas. Now, i can see him fully. Nakasuot ito nang black long button down sleeves at white slacks. Tumalim ang titig ko. He's looking matured than before. Lumaki ang pangangatawan niya. Mas dumilim ang ekspresyon.
Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin ng diretso, may halong galit at kung ano. Nag tiim ang bagang ko at kinontrol ang pangangabog ng dibdib.
"Why did you do that? What if we got into a car crash! Damn, woman! You don't know what you're doing!" He frustratedly said.
"Ikaw ang 'di mo alam ang ginagawa mo! Bakit ka andito? Bakit ka nasa kotse ko!? Ipa papulis kita!" I shouted out of my lungs.
Nanginginig ako sa galit. Pulang pula na siguro ang mukha ko ngayon. The thought of him here, wants me to puke before pero ngayon mas malala na ang gusto kong gawin.
I fucking hate him.
"I'm here to see my child." He said with such dangerous tone.
I chuckled sarcastically and comb my hair using my fingers. Nakatingin lang siya sa akin na walang patak ng emosyon sa kanyang mukha. Like he's just waiting na sumabog ako. I looked at him with so much hatred on my eyes.
"Are you joking? Child? Bakit dito ka nag hahanap? You're a married man, right? Such a disgrace for your family," I paused and raised my brows. "I pity that woman."
He knows who's that woman i'm talking about. Lumandas ang galit sa kanyang mata. Ayaw niya palang napag sasalitaan ko ng masama ang asawa niya. Well, they deserves it naman. Hindi rin talagang magandang tignan na nandito siya. Baka kasal na talaga sila ni Rowena... or baka may anak na.
I don't care.
"So let me be, okay?"
Matigas na sambit ko at tutungo na sana nang kotse pero agad niyang hinigit ang palapulsuhan ko. I gasped and forcely take it back, pero 'di siya nag patalo.
"We're not done yet talking. I'd like to know where's my son." Mariin na sambit nito.
Malapit ang mukha namin at nag sukatan ng titig. Kumirot ang dibdib ko at bumibigat. I suddenly remember his words before. It's been a years, Isaac. Wala ka nang mababalikan. It's done.
"Bitawan mo ako."
"You hide him from me, huh? Why did you do that!?"
Halos manlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko siyang sampalin sa narinig ko. Gusto ko siyang saktan.
"Gago ka talaga, ano!? Ano bang trip mo? Why are you bugging me? W-Wala akong tinatago!" Bawi ko sa braso ko.
Suminghap siya. "Fuck it, Vennie. This is too much. You can't do that. I knew about Islmond! I want to see him!"
I bit my lips. Hindi ko hinayaang umiyak sa harapan niya. Hindi ngayon, bukas o kahit kailan. Nakita na nila ang kahiinan ko dati pero 'di na ngayon.
"Ikaw pa ang may karapatan mag sabi niyan? Simula nung araw na 'yon, sinabi ko sa sarili ko na kakamuhian na kita..." I slowly told him as i tried to show my disgust expression. His jaw moved and still looking at me.
"At ngayon..tingin mo ganoon nalang kadaling makuha ang anak ko? Anak ko siya! Sa'kin lang siya! Wala kang karapatan. You're disgusting! Fucker! Cheater!" I shouted on his face.
"Ayaw kong makilala ka ng anak ko.... Hindi ko hahayaan 'yon..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top