Chapter 1
Chapter 1
"Goodluck sa interview mo...."
Tumango ako at ngumiti kay Rowena. Isang kaibigan sa'kin. Kasalukuyan ako ngayong nag aayos ng bag para sa aking interview. Lumapit sa akin si Rowena at tinulungan akong ilagay ang iilang gamit sa maliit na bag.
Ngumuso ako. "Sana nga ay qualified ako dahil sabi nila mahirap daw makapasok sa kumpanyang iyon..."
"Think positive naman, Vennie. Isipin mo paano kapag nakapasa ka? 'di nabili mona yung kwintas na gusto mo." Tumawa siya. "Yung sinasabi mo sa aking malaki ang bato."
Umiling iling ako at sinarado ang zipper ng bag. Tinignan ko si Rowena at talagang nahihiwagaan sa ganda ng aking kaibigan. Matanda Ito sa akin pero tinuturing akong tila kapatid. Morena nga lamang ito at may katangkaran.
Minsan pa nga ay napag kakamalan kaming mag kapatid ay ayos na ayos ito sa'kin.
"Thank you, Wena. Buti nalang nandito ka,"
Sumimangot siya. "Ano kaba? Sino paba magtutulungan? Tayo lang naman."
Parehas kaming nag tawanan at umiling. Kinuha ko ang bag at inayos ang suot na damit. Isang pencil cut skirt at white fitted turtle neck ito. Ipinaheram sa akin ng kaibigan dahil walang damit.
"Anong oras an? Malelalate kana!" Bulyaw niya sa akin at itinulak ako sa pinto. Napatawa lang ako at sunod sunod na tumango dito. Nang marating ang pinto ay yumakap na ako at tinahak ang daan paalis.
"Magiingat ka! Sana makapasa ka!" Sigaw nito ng malayo layo nako sa unit namin npangiti ako at tuluyan ng umalis.
"Dyan nalang po sa tabi..."
Sabi ko sa taxi driver na agad naman niyang hininhinto at agaran akong bumaba. Napahanga nalang ako sa laki nitong building talaga palang malaki at mayaman ang kumpanyang ito. Napahawak ako sa dibdib at huminga ng malalim.
Sobrang daming aplikante dahil nga job fair ngayon. Lahat sila ay mukhang handang handa at confident. Yung iba pa ay nagkakabisado ng kanilang sasabihin.
Sa sobrang daming nakapili feeling ko ay di nako makakapasok, pinanghihinaan ako ng luob.
"Travejo, Vennie?"
Napaangat ang tingin ko sa isang babae at napaawang ang bibig. Ngumiti siya bago inilahad ang kamay patungo sa office. Agad akong napatango at nanginginig na tinahakang daan.
Sobrang kabado ko dahil sa tatlong lalaking mag iinterview sa akin, umupo ako sa gitna at iniyos ang aking mukha. Lumilikot ang tingin ko ngunit may isang aurang mas lalong nag papakaba sa akin.
Ang lalake sa harapan ko ay seryosong seryoso ngayon. Tinignan ako nito ng matalas at tila binabasa ang aking galaw. Lumunok ako. Bakit niya ako tinitignan ng ganyan? May mali ba sa akin?
"Vennie Margaret Travejo..."
Bangit sa akin nung nasa kaliwang lalake, maputi siya matangkad at mga nasa mid 30s pero mukha itong 20s lang.
Mukhang may lahi rin itong amerikano, Actually they all have the same features para silang magpipinsan o magkakapatid. Kung tama ang hinala ko'y mag pipinsan siguro.
"You're 23 years old, Single..." Tumango ito. "You're waist line is-"
"Niro." Babala ng lalake sa gitna. Huminga ako ng malalim ng sumulyap sa akin ang nasa kanang lalake at nag taas ng kilay.
Tumawa si Niro at nagtaas ng kamay. "Oh! Chill Isaac!"
Tumingin sa akin yung lalake sa gitna. Isaac ang pangalan. Mabilis akong nagbawi dahil mukhang nasobrahan ang titig ko dito. Muling umusbong ang kaba sa akin.
"You think 5 years experience is enough to be qualified in this job, Miss...." Umigting ang panga niya. "Vennie?"
Manuyo ang aking lalamunan ng magsalita muli si Isaac. Seryosong seryoso at malalim ito. Inayos ko ang upo ko at ipinagdikit ang binti, mukhang napansin niya 'yon kaya sumulyap ito.
"Isaac, i think her experience is better than other--"
"Shut up, Ivo. I'm not asking you." Tumingin muli ang tila galit na expression sa akin ni Isaac.
"I can prove that i'm qualified in this job. Using my five years experiences as a personal assistant, I have mastered managing budgets, bookkeeping, attending telephone calls, handling visitors, maintaining websites, travel arrangements, and preparing expense reports." Ngumiti ako ngunit hindi sa harap. "So yes, i think i'm qualified for this job."
Napangisi lamang sakin si Niro at Ivo. Ngunit si Isaac ay nag taas ng kilay at tila kinukutya pa ang aking sagot. Nag iinit tuloy ang dugo ko ngayon.
"But you seems not to be professional the way you talk. You're well rehearsed." Ngumisi siya. "I think you're not."
Tumukhim ang dalawang interviewer sa sinabi ni Isaac. Nag tiim ang aking bagang sa galit. Anong ibig niyang sabihin? Minamaliit niya ang kagaya ko? Anong karapatan niya?
"You're also too small to be my assi-"
"That's not what i saw on the requirements. If you're rude to all of your applicants, sana ay wala ng mag apply dito. You're also judging my appearance. Ganon ba talaga kapag mag hahanap ng trabaho? Dapat perfect ka?"
Tumayo nako, hindi ko alam ang lumabas sa aking bibig pero wala na akong pakeelam don. Minaliit niya ang limang taong kong pagtratrabaho, alam niya bang lagi kong inaaral yon?
"We're not yet done, Miss Travejo." Matigas na sambit niya.
Umiling ako. "Aalis nako. Wala naman pala akong mapapala dito."
Padabog akong lumabas ng building at umirap. Pasalamat siya ayun lang yung sinabi ko. Nag ring yung phone ko at nakita na tumatawag si Aling Lena yung may ari ng inuupahan kong bahay.
Napatingala ako sa pagka dismaya. Oo nga pala ngayon pala yung bayaran sa renta! Ang malas naman oh!
"O-oh! Aling Lena! Nak--"
"Magbayad kana, Margarita! Ilang buwan kanang di nakakabayad ng renta! Baka gusto mong mapalayas!"
Inalayo ko ang cellphone sa tenga sa lakas ng boses nito. Napangiwi ako.
"A-ayun na nga ho tayo-"
Napairap nalang ako ng putulin niya ang aking sinasabi.
"Mababayad kana?! O Aalisin ko lahat ng gamit mo dito!?"
"Aleng lena, Chill lang kayo gusto nyoba tumanda agad baka dumami wrinkles nyo bahala kayo...."
"Ay nako margarita! Huwag mo ako-"
"Sige ka tatanda kang dalaga, pag pumangit ka wala ng magkakainteres sayo po!" Putol ko.
Biglang tumahimik sa kabilang linya at narinig kong bumuntong hininga ito.
"Hay nako kang bata ka, sige pagbibigyan kita basta ngayong next month kailangan nakapagbayad kana!"
Inoff niya na ito at lumuwag naman ang paghinga ko. Naalala ko yung sinabi ko dun sa isaac nayon. Nakakahiya ang tanga mo naman vennie.
"Wanna ride?" huminto ang isang kulay pulang kotse sa akin.
...at sino panga bang hangal na magsusundo sa akin, edi si Ethan.
Nakasuot ito ng salamin kahit maiinit at talagang naka leather pa ito. Kaibigan ko si Ethan at classamate nung college. Masugid kong manliligaw pero binasted din kaagad. Tingin ko kasi mas maganda kung inuuna ko ang pag aaral.
Wala na akong nagawa kaya pumasok ako dito at tinaas ang isa kong kilay. Sumulyap siya sa akin at ngumisi.
I chuckled. "Anong trip yan, Ethan? Nasa pilipinas ta'yo."
"You knew that shirts are not my style. Masanay ka na, Sweetie." I rolled my eyes when he winked at me.
Nanatili nalang akong tahimik at pinanuod ang nadadaanang gusali sa aking gilid.
"Kamusta interview sa DGC? Masungit ba si Isaac?" Putol niya sa katahimikan.
"You know him?" Gulat kong sabi.
"Seriously?" Kumunot ang nuo nito. "Nag apply ka sa DGC ng walang alam kay Isaac?"
Tumango ako. Huminga siya ng malalim. "Well, Isaac is the most influential business man in the Philippines. Billionaire, Vennie. He also ranked #9 place on that category sa Forbes. My father is great friend of him," Sulyap nito sa akin.
Nanigas ako sa kinauupuan at tumikhim.
"Billionaire? You mean Billionaire? Tsaka M-Magkaibigan ba kayo nun?" kinakabahan kong tanong.
"Yes, Hmm Actually we're close dahil tropa ko ang pinsan niya si Ivo."
Bigla itong napatihimik ng saglitan.
"You're interested at him?" Natatawa niyang tanong at sumulyap sa akin.
Hindi ko ito pinansin at tumingin sa malayo. Kinakabahan ako dahil makapangyarihan siya at nasagot ko ito kanina. Bakit ba kasi pasmado lagi ang bibig ko? This is embarassing! Paano nalang kung....
Napakagat ako ng daliri at di pinansin si Ethan na nag kwekwento pa.
Napapikit ako. "Ang tanga mo talaga Vennie!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top