Epilogue
“BALIW ka talaga, Taki!” Bulalas ni Sassa nang marinig niya ang kahindik-hindik na ginawa ng kaibigan.
“Syet, Taki! Mabuti hindi nahimatay sina Tita sa ginawa mo!” Nanlalaki ang mga mata na sinabi naman ni Aryan dito.
Si Luna, Riva at Italia naman ay nananatiling tahimik ngunit halata sa mga ekspresyon ng mga ito na hindi nito mapaniwalaan ang ginawa ng kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa Break Up Café. Sassa called her friends to meet her. She wanted to apologize for being missing in action for the past few days. Miss niya na rin kasi ang mga ito kaya naman gusto niyang makita ang mga ito. Isa pa, she wanted to hear from Taki herself what she did to call off her engagement with Kyle last night.
She learned from Kyle earlier that it was really chaotic where the engagement party of him and Taki should take place last night. That shocking surprise Kyle told her last night is really one of a heck a “shocking surprise”!
Bago pa magsimula ang engagement party ay gumawa na ng karumal-dumal na kalokohan ang kaibigan kaya naman wala ng nagawa ang mga magulang nito kung hindi humingi ng tawad sa pamilya ni Kyle at i-cancel ang engagement ng mga ito.
Tumawa ng malakas si Taki. Kita niya ang amusement sa mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang mga kaibigan.
“Truth be told, halos isumpa ako nila Mommy at Daddy dahil sa ginawa ko before our engagement party namin ni Kyle starts,” anito at kumindat pa. “They were so embarrassed to Kyle’s parents that they were left with no choice kung hindi tulungan ang kompanya nila Kyle na makaahon muli to compensate in ruining our engagement.”
Napailing-iling si Sassa. Hands down na talaga siya sa kakaibang pag-iisip ng kaibigan. Sa tingin niya ito lang ang natatanging tao na makakaisip ng gan’on kapag napunta sa gan’ong sitwasyon.
Taki and her peculiar brain…what the heck!
“Wait, Taki…you texted me before that you were left with no choice kaya bigla kang napapayag sa enggament niyo ni Kyle. Bakit mo nasabi iyon?” Tanong muli ni Sassa.
That question is still unanswered to her. It’s time to hear Taki’s explanation about that.
“Well, it is true…Actually, they fooled me that my grandfather was severely ill and it was his dying wish for me to get married with Kyle. You know how much I love my lolo. But after days passed by, I saw through their lies. And that’s why I came up with that solution,” sagot nito at ngumisi.
“And your solution is bringing a marriage certificate with your name on it and Lucas?” Stunned Italia said. “Papaano ka nakakuha ng marriage certificate? Is it even authentic? At isa pa, of all people na pwedeng ma-involve sa’yo, si Lucas pa? Papaano mo siya nauto? I don’t think Lucas just easily yes to your craziness? We all know how much he hates you back then. Isa pa, matagal na kayong walang communication, 'di ba? Nagbalik na pala siya sa Pilipinas? And most of all, kung totoo nga ang prinesentang mong marriage certificate, bakit hindi namin alam na kasal ka na palang bruha ka sa lalaking iyon?! As far as we all know, you're allergic to commitment, Taki!”
Humagikhik si Taki na tila ba kinikilig.
Sassa can sense how happy Taki is in the situation she’s in. And she doesn’t get it. Iba talaga ang takbo ng utak ng baliw niyang kaibigan. Sabagay, kailan ba niya ito naintindihan?
But Lucas and Taki? Something is off…and Sassa thinks Taki did something again just to make him involved in her “situation”. Napailing na naman tuloy siya.
“I’ll tell you soon to feed your curiosity,” anito at kumindat pa sa kanila. “But for now, tama na muna ang pang-ha-hot seat sa akin. Mabalik muna tayo kay Sassa…” sabi a nito na malapad ang ngising bumaling sa kanya. “Okay na ba kayo ni Kyle, friend?”
Naramdaman ni Sassa ang pag-init ng kanyang pisngi. Nangingiming tumango siya sa mga ito.
Narinig niya ang impit na pagtili ni Riva at Aryan, si Taki naman ay pumalakpak ng malakas habang si Italia naman ay ngumisi sa kanya.
“Mission accomplished! My gosh!” Tuwang-tuwa na sabi muli ni Taki at nakipag-apir pa kay Aryan na pumalakpak na rin.
“So, worth it ba, Sassa?” Ani Riva na nakangisi na rin.
“Well, yes?” Sassa answered and grinned.
“Syet! Inggit akoooo!” Muling daldal ni Taki.
“Manahimik ka, Taki! May Lucas ka na! Wala kang karapatang mainggit!” Singit naman ni Aryan at tinaasan ito ng kilay. “Kami lang ni Riva ang may K mag-ganyan!”
Parang batang binelatan naman ni Taki si Aryan. “So, kailan ang kasal, bru?” Baling muli nito sa kanya.
“Leech ka talaga, Taki! Kasal ka riyan? Kita mong kakapasok pa lang namin officially sa relationship, kasal agad?” Masungit pero nakangising sagot niya rito.
Nakita niyang umiling-iling si Italia at bumaling kay Taki. “Hina ng manok mo, Taki.”
“Heh! 'Wag ka na ngang makisabay, Lia! Isa ka pa!” Nakangusong sabi naman ni Sassa kay Italia. Kapagkuwa’y bumuntong hininga siya. “Honestly, hindi pa rin ako makapaniwala…alam niyo naman ang pinagdaanan ko, 'di ba? And I am somehow not used to this. Na ako ang pinili. Na kahit hindi ko pinaglaban, sa akin pa rin napunta. It feels so surreal.”
Naramdaman ni Sassa na may humaplos sa kanyang likod kaya naman napatingin siya at sa gulat niya ay ang nakangiting Kyle ang sumalubong sa kanyang mga mata.
Nginitian niya ito at sa gulat niyang muli ay hinalikan siya nito sa ulo. Namumulang pinanlakihan niya ito ng mga mata samantalang ang mga kaibigan naman nila ay panay at halakhak. Halatang kilig na kilig ang mga ito sa ginawa ni Kyle sa kanya.
“Hey, Taki, tsupi ka riyan. Makaramdam ka!” Ani Aryan at pinalipat ng upuan si Taki sa tabi nito. Walang nagawa si Taki kundi sumunod dito.
“Thanks,” ani Kyle at tumabi sa kanya. Mabilis na kinuha nito ang kanyang kamay at pinagsalikop.
“Pwede ba lubayan niyo ako ng katamisan niyong dalawa! Naiinggit ako!” Nakairap na sabi ni Riva ngunit nakangiti naman.
Iningusan lang ito ni Sassa at sumandal pa kay Kyle para inggitin ang kaibigan.
“Wala na. Uwian na. May nanalo na!” Ani Taki na tumayo na akala mo ay aalis na pero bumalik din sa pagkakaupo. Tumawa silang magkakaibigan dahil doon.
“Anyways, thanks pala uli Taki sa tulong kahapon. Actually, I feel sorry for you because you have to bear the consequences alone. Dapat dalawa tayong humarap sa parents natin para kausapin sila but you took it all in. And I am really sorry for that,” sinserong sabi ni Kyle kay Taki.
Kumumpas ang kamay ni Taki. “Sus, don’t mention it! Isa pa, whether it’s you or another person, I won’t have my family have their way to control me. Gagawa at gagawa ako ng paraan para lang makatakas…well, as long as it is not a matter of life and death that might change my decision.”
Napangiti si Sassa sa sinabing iyon ng kaibigan. “But seriously, Taki. Thank you. I know that what you did yesterday will have a big effect with you and your relationship with your family. Isa pa, si Lucas. I don’t know how you managed to make him help you on this knowing his personality. We know it will not be easy. But remember, we will always be here for you. You can always count on us whenever you need.”
Taki gave her a warm smile. Kapagkuwa’y tumayo ito at lumapit sa kanya. She gave her a tight hug.
“Anything for you, bru. And thank you rin. Alam niyo naman na kahit ganito ako ka-aning, mahal na mahal ko kayo,” anito sa kanya at ngumiti.
Tumayo sina Riva, Aryan at Italia. Lumapit din ito sa kanya at kapagkuwa’y nag-group hug sila including Kyle.
“Love na love ko talaga kayong mga bruha kayo kahit binu-bully niyo 'ko palagi!” Naiiyak pero natatawang sabi ni Sassa sa mga kaibigan.
Isang masaganang halakhakan ang kumawala sa kanilang magkakaibigan.
Sassa wants to thank God for giving her such a good friends. Kahit na mga loka-loka ang mga ito at may pagka-saltik minsan pero kapag meron kang problema, hinding-hindi ka nila iiwan at tutulungan ka ng mga ito sa abot ng kanilang makakaya.
Alam niyang marami pa silang haharaping magkakaibigan na challenges sa mga susunod na panahon at alam niya ring tulad ngayon ay mananatili silang magkakasama at hahaharapin ang mga iyon na may mga ngiti sa labi.
At sa kanila naman ni Kyle…they are just starting to write their story. And she’s excited to what fate will bring to them. It may not be an easy road but she knows that neither she nor he will let go easily just because they’re struggling to much.
Sassa’s friends let go from the group hug. Then, suddenly Kyle hugged her alone and whispered, “wo ài nĭ…”
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top