Chapter 12

KANINA pa tunog ng tunog ang cellphone ni Sassa. Karamihan sa tawag na natatanggap niya ay mula kay Taki at Kyle. Ayaw niyang sagutin iyon dahil hanggang ngayon ay emotionally unstable pa rin siya dahil sa balitang natanggap niya tungkol sa mga ito. Hindi niya nga alam kung paano siya nakauwi ng bahay sa gan’ong estado, eh. Ngayon na kahit papaano ay nahimasmasan siya ay nagpapasalamat siyang nakauwi siyang ligtas.

Sa totoo lang ay gusto niya naman talagang makausap si Kyle at Taki. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng mga ito. Kaso, natatakot siya sa maaaring marinig. Papaano na lang pala kung katulad niya ay tuluyan na ring nahulog si Taki kay Kyle kaya naman pumayag na itong ituloy ang kasal sa lalaki? Papaano na lang kung katulad ni Ranz ay pinaasa lang din pala siya ni Kyle? Na nilandi lang siya nito para asarin si Taki pero ang totoo ay ang kaibigan pala ang totoong gusto nito.

Maraming negatibong ideya ang pumapasok sa isip niya. Pero pilit din naman niyang kinokontra. Kilala niya si Taki at alam niyang hinding-hindi siya kayang traydurin ng kaibigan. Pero si Kyle? Hindi kaya masyadong nagtiwala rito at nagpadala sa mga kwento nito at hindi niya nakita ang tunay na pagkatao nito?

Napaluha na naman siyang muli.
Letse kang puso ka! Kumalma ka nga, please! Baka bigla ka na lang huminto sa pagtibok, ma-tegi pa ako!

Tumayo siya sa kama. Pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili. Okay. Lalakasan na niya ang loob niya. Walang mangyayari kung hindi niya hahayaan ang sarili na makausap ang dalawa. Baka naman kasi wala namang kwenta ang inaatungal niya at may malalim na dahilan kung bakit lumabas ang balita tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.

Tama na ang pag-iinarte, Sassa! Jusko. Whether it’s good or bad, you need to hear it from them, okay? For now, tama na muna ang pagiging Drama Queen.

Huminga siya ng malamim. Matapos ay dinampot ang cellphone. Pipindutin niya na sana ang call button para makausap muna ang kaibigang si Taki ng makatanggap siya ng text mula rito.

I’m sorry, Sassa…I just need to do this. I am left with no choice but to marry Kyle. I’m really, really sorry. I hope you can forgive me…

Aw, shit. Does she need to hear more? Does she need to talk to both of them if she will be hearing the same words that Taki texted?

To hell with them!

FINALLY, you’ve answered my call! Nasaan ka ba? We’ve been looking for you for how many days! Are you hiding from us?”

“What do you think?” Mapaklang sagot ni Sassa kay Italia nang mapag-desisyunan niyang sagutin ang tawag nito.

Isang linggo na siyang nagtatago sa mga kaibigan. Ayaw niya kasing makita ng mga ito ang kamiserablehan na nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang makita si Taki. Pakiramdam niya kasi ay trinaydor siya ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakaharap ito.

“Hey, Sassa…I know…I know it’s not easy to accept it…but…” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng kaibigan. “We miss you…”
She felt Italia’s sincerity on her words. Nangilid ang luha niya.

Gusto niya rin naman na makita ang mga kaibigan, well, except for Taki. Gustong-gusto niyang maglabas ng sama ng loob sa mga ito, samahan siya ng mga ito na magpaka-gaga dahil sa nasasaktan siya. Iyon nga lang, ayaw naman niyang masira ng tuluyan ang pagkakaibigan nila. Oo. Masama ang loob niya kay Taki dahil sa ginawa nito sa kanya. Pero hindi naman niya gugustuhin na kamuhian nila Italia si Taki. After all, kahit anong sama ng loob ang nararamdaman niya, sa kaibuturan ng puso niya ay itinuturing pa rin niya itong isa sa matatalik niyang kaibigan.

“I miss you too, Lia…” Aniya at malungkot na ngumiti.

“Where exactly are you, Sassa? I want to see you…All of us want to see you…”

Bumuntong hininga siya. Of course she feels the same. Nag-isip muna siya ng ilang saglit bago tuluyang sagutin ang tanong ng kaibigan. Maybe, it’s okay for them to know where she is. Afterall, she made them worry about her.

“I am in Guimaras, Lia. Meron akong project dito and I decided to check the place to start the planning,” she said.

Luckily, before the sad news came out, sinabihan na siya ng boss niya na bisitahin ang ancestral house project na binigay sa kanya weeks ago for her to start layouting the interior design. And she immediately grabbed the opportunity to avoid her friends and also to keep her busy. She doesn’t want to dwell too much on the heartache she has. Though, she can’t say that it’s successful because from time to time, she finds herself silently crying because of it.

Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ni Italia sa kabilang linya. Kapagkuwa’y nagsalita ito, “kailan ang balik mo?”

“I’ll be back today. Around six in the evening to be exact,” aniya.

Narinig niya ang pagsinghap ng kaibigan. Bahagya tuloy siyang nagtaka dahil doon. “Is there a problem, Lia?”

“W-wala naman, Sassa.”
She can sense that something is bothering Lia. At alam niyang kahit kulitin niya pa ito ay hindi ito sasagot.

“I’ll see you in the airport, then…” Mayamaya’y sabi nito sa kanya.

Napangiti siya. “You don’t have to, Italia. I can go direct to the café to see all of you.”

And I hope Taki’s not there, malungkot na bulong niya sa kanyang sarili.

“No!”

Bahagya siyang nagulat sa halos pasigaw na sagot nito sa kanya.
“I-I mean, susunduin na lang kita sa airport…then, then…we’ll see them tomorrow, okay?” Tila ba aligagang sagot nito sa kanya.

“What’s going on, Lia?” Hindi niya napigilan ang sarili na tanungin ito.
It’s as if Italia is hiding something to her.

“W-wala naman, Sassa….I-I just miss you and want to talk to you….”

Napangiti na lang siya. Alam niyang merong hindi sinasabi sa kanya ang kaibigan ngunit ayaw niya itong pilitin. She’ll see her soon afterall. Malalaman at malalaman din niya iyon.

Matapos ang pag-uusap nilang iyon ng kaibigan ay naghanda na siya para umalis papuntang Iloilo Airport. Habang nasa eroplano ay iniipon niya ang lakas ng loob na harapin ang mga kaibigan…lalo na si Taki at Kyle kung suswertehin niyang makita ang mga ito.

Pagkababa niya ng eroplano ay dumiretso agad siya sa labas ng airport upang magtawag ng taxi. Sinabihan niyang muli si Lia na hindi na siya nito kailangang sunduin at didiretso na lamang muna siya bahay nito. Mabuti na lamang at sa pagkakataong iyon ay napapayag niya rin ito.

Habang naghihintay ay isang itim na kotse ang huminto sa kanyang harapan. Bumukas iyon at sa gulat niyon ay niluwa n’on si Kyle.

“A-anong---"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa gulat niya ay hinalikan siya nito ng mariin sa labi.
Pilit siyang kumawala sa halik nito but Kyle is strong enough para ikulong siya sa mga bisig nito.

Galit siya rito but feeling his lips against hers makes her anger slowly fade away. And she knows that if he’ll explain everything to her, even if it hurts, she’ll forgive him.

Gustuhin niyang murahin ang sarili. Bakit ang dali niyang bumigay pagdating kay Kyle?

She tried to push him away again but he won’t budge. Kyle’s rough kiss slowly became tender. At hindi na niya napigilan ang sarili na magpaubaya.

She can somehow feels Kyle’s longing to her as he moved his lips to hers. It’s as if he is silently saying to her that he will no longer allow her to leave his side.

She doesn’t want to assume. But that is what her heart is saying. It’s as if Kyle is pouring his heart to her through that kiss.

Tumulo ang kanyang luha. From there, Kyle stopped kissing her. Tiningnan siya nito ng mariin at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.

“Sassa…”

There’s a pain in his eyes as he gazed at her.

Yumuko siya. She can’t look at him.
Hinawakan ni Kyle ang kanyang baba at inangat ang kanyang tingin.

“I’m sorry if I hurt you…” Pain is evident in Kyle’s voice. “Taki and I…”

Mabilis na inalis ni Sassa ang pagkakahawak ni Kyle sa kanya at dumistansya. She composed herself and breathed. Lakas-loob na sinalubong niya ang tingin nito.
“What was that for, Kyle? You are marrying Taki and here you are, taking---”

“I love you…”

Natigilan si Sassa at napalunok. She isn’t ready for Kyle’s sudden confession.

Wake up, Sassa! Pull yourself together! Remember, she’s Taki’s fiancé for goodness sake!
Umiling-iling siya at kapagkuwa’y tumawa ng pagak.

“H-huwag ka ngang magpatawa, Mr. Chua—”

“You know very well my feelings, Sassa. And I know that this is the first time I directly said it to you…but you know, you’ve already been in my heart for a time being. I love you. And I won’t tell how and when it happens because it’s still a mystery to me. We’ve just met for a short while, I was hurt back then by the girl I used to love when I met you. We just kept on bantering to each other whenever our path crossed. We just happened to be on good terms lately that’s why I can’t figure out how and when did I fall for you.  All I know is that whenever I am with you, I always pray that we don’t need to part ways. If only I can put shackles both in our hands just to make sure that you’ll always stay beside me, I am very much willing to do so.”

Naluha si Sassa. Why does it pain her hearing his words? She should be rejoicing but why she can’t? Maybe because she knows that even if Kyle pours his heart to her now, they aren’t meant to be together, not today, not in this lifetime.

Because at the end of the day, he will walk down the isle with Taki.

“Stop it, Kyle…You are marrying Taki…and it doesn’t make sense telling me those words now…”

“No, Sassa…I’m not marrying Taki,” Kyle said to her with full of conviction.

Napalunok si Sassa. She saw a glimpse of hope in his words. However, she doesn’t want to hold on into it. Yes, he may not want to marry her friend but what about Taki? She doesn’t know what’s going on between them until now but she doesn’t want her friend to get hurt. And even if she needs to step back million times to get out of their way, she will do so.

Thinking rationally, alam niyang may mabigat na dahilan si Taki kung bakit bigla-bigla na lang itong pumayag sa kagustuhan ng mga magulang nito na magpakasal kay Kyle. At katulad ng sinabi nito sa text sa kanya noon, maaaring iyon na lang ang nag-iisang option na meron ito kaya naman wala na itong nagawa kung hindi pumayag sa kagustuhan ng mga magulang. She knows Taki doesn’t love Kyle. And that’s for sure. Dahil hindi naman nito ipagtutulakan ang lalaki sa kanya kung may nararamdaman ito para rito.

“Don’t fool me, Kyle. Taki already agreed on that. Kaya huwag mo na akong paasahin,” she said trying to be firm with her words.

Pakiramdam niya ay tila siya isang nauupos na kandila. At hindi niya alam kung hanggang kailan manananatiling matatag ang kanyang mga tuhod na tumayo sa harapan nito ng buong tapang.

“No, no…Sassa… Before I came here, Taki and I already talked…our engagement party that both our parents rushed to make it happen is supposedly today and we both agreed that we will not be attending it that’s why I came running here to catch you,” anito na napailing-iling pa.

Nagulat si Sassa sa sinabing iyon ni Kyle at napatitig dito. Now, she understands why he looks extraordinarily handsome today. He’s wearing three piece suit that suits him well. Napansin niya na iyon kanina but because her mind is busy shooing away thoughts that they can be together and so she neglected it.

Maybe this is also the reason why Lia doesn’t want her to come to the café and instead ay sunduin siya nito at silang dalawa muna ang mag-usap. Dahil alam niyang mababalitaan niya na ngayon ang engagement party ng mga ito.

“W-where…where’s Taki?” Confused na tanong niya.

Kyle give her a small smile. “I think she’s on her way to give her parents a shocking surprise.”

Kumunot ang noo niya. “What?”

Lumapit sa kanya si Kyle at kapagkuwa’y hinalikan siya sa labi. Niyakap siya nito ng mahigpit.

“If I’ll be marrying someone someday, that person should definitely you… There's no way that I'll marry someone that's not you. I'll do everything to make sure that you'll only walk in the isle while I am waiting in the altar for you."

Napakapit si Sassa kay Kyle at muling bumuhos ang kanyang mga luha. Oh, well. Maybe, this is what really the lovestory God has written for her. Before, palagi na lang siya umaasa at sa huli ay umuuwing luhaan. But now, she’s going home with a happy and contented heart.

Na-realize niya na oo nga’t minsan kailangan mo talagang ipaglaban ang mga bagay na gusto mo kung ayaw mong maagawan. You need to exert effort and time to get things you want. Pero minsan, may pagkakataon na kahit na hindi mo ipaglaban, kahit na gusto mo ng sukuan at pakawalan, kung para sa’yo ay makukuha mo pa rin iyon sa huli. Afterall, God knows what we need in this lifetime.

“I love you, Kyle…” she whispered to his ear.

No more explanation needed. She knows that those words she said are enough to reach Kyle’s heart.

Now, she'll put everything to God's hands. Alam niyang hindi pa tapos ang problema ni Kyle tungkol sa arrange marriage nito pero kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya bibitiwan ang kamay nito.

He chose her. And she'll definitely make sure na hinding-hindi ito magsisisi.

Kahit hindi niya nakikita, alam niyang napangiti si Kyle sa sinabi niya. Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya at muli ay hinalikan siya nito sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top