Chapter 11

TAHIMIK na pinagmamasdan lang ni Sassa si Kyle na kanina pa tahimik na nakaupo sa bench. They were back there again. Sa may amusement park kung saan nila unang ginawa ang kondisyon ni Taki.

Matapos siyang hilahin ni Kyle kanina paalis ng furniture shop na iyon ay isinakay siya nito sa kotse nito. Tahimik itong nag-drive. She tried to talk to him but to no avail. Kaya hinayaan niya na lang ito. After for she don’t know how long he drove, napansin niya na lang na huminto ito sa tapat ng amusement park.

“Erin and I…used to be in a relationship…”

Nakagat ni Sassa ang pang-ibabang labi. Tama nga ang kanyang hinala. Kahit na handa siyang marinig kung ano man ang sasabihin nito ay masakit pa rin pala.

“Nag-break lang kami dahil sa kasunduan ng pamilya ko at ni Taki,” muling dugtong ni Kyle sa sinasabi nito at napabuntong hininga. There’s a smile painted on his lips but his eyes are showing otherwise. “It was her who initiated the break up. Sabi niya sa akin n’on ay wala na rin namang patutunguhan ang relasyon namin dahil nga nakatakda na akong ipakasal sa iba. But I fought for her. She’s actually the reason that’s why I went against the marriage. But hell. Ang bilis niyang bumitaw. Ni hindi man lang siyang sumubok na ipaglaban ako at nakipaghiwalay agad siya sa akin.”

Sassa can feel Kyle’s pain as he continues to tell his story. And for her, seeing him like that is like stabbing her heart with double-edge sword. The pain is excruciating. And she doesn’t know if she can still bear it until the end.

“Now I understand. Hindi talaga political marriage ko ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay,” Kyle gritted his teeth. “She really wanted out because she already has someone else. O mas tamang sabihin, marami siyang nakareserba kaya madali niya lang akong itapon….I loved her…but I guess that’s the end of it. There was never a story of us.”

Lihim na napasinghap si Sassa. Kyle declaring how she loved that girl is too much for her. Pero kahit gan’on ay nagpapasalamat siyang natauhan na ito. At kahit na alam niyang nasasaktan ito ay hindi ito nagpabulag sa nararamdaman. He still can make sound decision despite of the situation.

Hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin si Kyle. She hugged him tightly with tears in her eyes.

“Aagawin kita sa kanya…aagawin ko ang puso mong ibinigay mo sa kanya,” she sobbed.

She doesn’t want Kyle be hurt anymore. And she doesn’t want herself waiting on the sideline again. Tama ang sinabi sa kanya ng mga kaibigan. She should fight for what she wants. Even if it may hurt her in the future, at least she tried. Dahil katulad nga ng sinabi ng isang sikat na personalidad na si Matthew Hussey, “Rejection is better than regret”.

Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Kyle. Kahit na matagalan bago masuklian ang nararamdaman niya rito…O kahit na hindi rin masuklian. Ang importante ay lumaban siya. Ang importante ay ipinaglaban niya ang gusto niya.

SASSA!

Parang binging nagmadaling maglakad si Sassa. Hindi siya pwedeng maabutan ni Kyle. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin siya rito sa mga pinagsasabi niya n’ong nakaraang araw.

Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya at nasabi niya ang mga iyon. Totoong gusto niya iyong gawin. Pero hindi niya akalain na maisasaboses niya 'yon at masasabi niya iyon kay Kyle. Kaya ngayon, talo niya pa ang puganteng umiiwas dito dahil ayaw niya muna itong makarahap. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin niya rito kapag nagkausap sila nito.

“Watch out!”

Pero huli na ang warning ni Kyle. Tumama na ang noo niya sa poste. Nasapo niya ang noo at nakapikit ang mga matang umaaray na napaupo siya.

Kapag minamalas nga naman siya! Kung bakit ba naman kasi hindi siya tumitingin sa nilalakaran niya! 'Ayan tuloy ang napala niya. Nasaktan na siya, napahiya pa siya.

Double kill, Sassa! Kahiya, maygas!

“Are you okay?”

Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Kyle. Nagmulat siya ng tingin at nakita niyang naupo ito sa kanyang harapan. Hinawi nito ang mga kamay niyang nakahawak sa noo niya at ito ang humawak doon. Hinipan pa nito iyon na para lang siyang batang nasugatan.

Oo na, Kyle! Hulog na 'ko. Tama na ang pagpapakilig. Aagawin na nga kita, 'di ba?

“Dapat kasi tumitingin ka sa dinadaanan mo, eh! Hindi naman tatabi ang poste kapag dumaan ka,” anito at napailing pa.

Kahit nangingiti ay napasimangot siya sa sinabi nito. “Sorry, ha? Akala ko kasi invisible 'yong poste na kapag dinaanan ko, tatagos lang ako.”

Kyle chuckled. “Bakit ka ba kasi nagmamadaling maglakad? Kanina pa kita tinatawag pero parang bingi ka na 'di mo 'ko nililingon!”

Napangiwi si Sassa. Paano niya ba sasabihing iniiwasan niya ito dahil nahihiya siya rito? “H-hindi kita narinig…Ano…marami kasi akong iniisip kaya 'di ko na napansin ang paligid ko.”

“Maraming iniisip? Katulad ng?” Kyle looked at her with playful smile on his lips. Nag-init ang mukha niya dahil doon. Maygudnes! Nasa mood mang-asar ang bakulaw! Mukhang alam na nito kung bakit siya umiiwas.

“Katulad ng…katulad ng ano…ng kung anong kakainin ko para sa dinner!” Pagsisinungaling niya. Tumayo na rin siya para magkaroon sila ng distansya ni Kyle. Nararamdaman na naman kasi niya ang malakas na kabog ng puso niya dahil sa pagkakalapit nito sa kanya.

Tumawa si Kyle sa sinabi niya at umiling. Matapos ay tumayo na rin ito. “Halika na. Samahan kitang mag-dinner. My treat.”

“Ano…'wag na… Sa bahay na lang ako kakain,” mabilis na tanggi niya.

Susmiyo marimar! Ayaw niyang ipagkanulo ang sarili niya rito. Baka bigla na lang siyang mag-propose dito kahit walang singsing kung hindi nito titigilan ang ginagawa nito sa kanya.

Ngumisi lang sa kanya si Kyle. Matapos ay walang ano-ano ay kinuha nito ang kanyang kamay.

“You have no right to decline my offer, Sassa. Aagawin mo pa ang puso ko 'di ba?” Anito at tumatawang hinila na siya nito patungo sa kotse nito.

Jusme, Kyle! Ang puso ko, ang puso ko! Nanlalandi ka na naman!

AKALA ko ba aagawin mo ang puso ko? Bakit parang imbes na gumawa ka ng paraan ay dumidistansya ka?”

Sinamaan ng tingin ni Sassa si Kyle matapos niya itong batuhin ng nilukot niyang resibo. Kanina pa siya nito inaasar. At kanina pa rin kulay kamatis ang mukha niya. Hindi siya makakibo sa tuwing sinasabi nito iyon sa kanya.

Gusto niya ng bawiin ang sinabing iyon dito pero sa tuwing bubuka ang kanyang bibig ay ang konsensya naman niya ang pumipigil sa kanya.

She’s a living contradiction. Iba ang sinasabi ng kanyang isip kaysa ng katawan niya.

“Can you stop teasing me, Kyle?” Aniya na lang dito at napabuntong hininga.

Kyle gave her an innocent look. “I’m not,” depensa nito.

“Whatever,” wika niya at pinaikutan ito ng mga mata. Matapos ay itinuon na lang niya ang paningin sa kinakaing pasta.

“But I would love if you’ll really do it.”

Natigil si Sassa sa pagsubo ng kinakain. Hindi niya namalayan na nabitiwan na rin niya ang hawak na tinidor. Mabilis na lumipad ang tingin niya kay Kyle.

“And I think, hindi ka na rin mahihirapan gawin iyon kung sakali…”

Nalaglag ang panga ni Sassa. Tila may fireworks na nagkalat sa kanyang utak. At ang puso niya. Jusme, ang puso niya! Nagtatalon na sa kasiyahan!

Feeling niya lahat ng sakit na naramdaman niya nitong mga nakaraang araw ay biglang naglaho. Parang nabigyan din siya ng panibagong lakas dahil sa sinabi nito.

OMG!

Kinikilig siya! Pisti! Ano ba ang dapat niyang isagot sa sinabi nito?

Tumikhim siya. Pilit na kinakalma ang nagwawalang isipan. “'Wag ka ngang Pagsanjan Falls diyan. Mamaya maniwala ako sa’yo. Tapos kapag ginawa ko, 'di mo rin naman ako sasaluhin sa dulo.”

Bahagyang tumawa si Kyle sa sinabi niya kapagkuwa’y bumalik ang seryoso nitong ekspresyon. “Beats me, Sassa…All I can say is that you’ve already infiltrated my system even without doing anything.”

Tumambling ang puso ni Sassa. Nag-party. Sumigaw ng malakas.

Hindi niya akalain na sasabihin nito ang mga iyon sa kanya. Kung gan’on, may pag-asa siya! Mukhang kaya nga niyang maagaw ang puso nito! Kailangan niya lang galingan sa pagdiskarte!

Sa ngalan ng lovelife, Sassa! Laban!

ABALA sa pagli-layout si Sassa ng bagong interior design nang marinig niyang may tumawag sa kanya. Her eyes are welcomed by a boquet of red roses. Napakunot ang noo niya.

“Kanino ito galing?” Tanong niya sa kanilang receptionist matapos niyang kunin ang mga bulaklak galing dito. Malakas ang kutob niya kung kanino iyon galing ngunit ayaw naman niyang maging siopao sa pagiging asado muli.

Nakita niya sa kanyang pheriperals ang paglapit ng kanyang mga kaopisina at tila ba kilig na kilig na tinukso siya.

“Tinatanong pa ba 'yan, ma’am? Haba talaga ng hair mo po!” Dinig niyang wika ng kanilang Admin Assistant na tila ba siya ang binigyan ng bulaklak dahil kilig na kilig ito.

Imbes na hintayin ang sagot ng kanilang receptionist ay mabilis niyang kinuha ang card na nakaipit doon at binasa ang nakasulat.

To my Heart-Snatcher,

           When will you officially start to make a move to snatch my heart? Though I think you don’t have to, I am still excited to see what tricks you are going to make.

                        Patiently Waiting,
                       Kyle

Kinilig ang tumbong ni Sassa. Nyemas! Parang baliktad 'ata. Mukhang si Kyle ang gumagawa ng paraan para kunin ang puso niya!

Well, hindi na niya kailangan gawin iyon, susme! Nakuha na niya ng walang kahirap-hirap!

Nag-party ang brain cells niya. Kailangan niya pa ba gumawa ng magic tricks kung ito na mismo ang nagpapakita ng paraan na hindi na niya iyon kailangan gawin?

Siya na po ba, Lord? Siya na po ba si Mr. Right?

Gusto niyang tumalon sa tuwa at kilig. Pero syempre dahil nasa opisina siya ay pinigilan niya ang sarili. Pinilit niyang gawing blangko ang kanyang ekspresyon ngunit hindi niya magawa. Oh, well! Paano niya magagawa iyon kung kahit ang dead cells niya sa katawan ay nagpupunyagi.

BUONG araw na masaya si Sassa dahil sa natanggap na bulaklak mula kay Kyle. It became her inspiration that she was able to finish her work immediately that supposedly to be submitted next week.

Napailing na nga lang siya sa kanyang sarili kanina nang ma-realize ang himala niyang nagawa sa trabaho. Iba rin talaga siya kapag inspirado. Bumibilis ang kanyang gawa dahil napupuno ang kanyang utak ng iba’t ibang ideya.

Ngumisi siya ng may pumasok na ideya sa kanyang utak. Naisip niyang sorpresahin si Kyle sa pinapasukan nito. Doon nga lamang siya sa labas dahil baka magkaroon pa ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa lalo na’t naka-pending pa rin ang arranged marriage nito kay Taki.

Nagliligpit na siya ng kanyang gamit ng mapansin niya ang kakaibang katahimikan sa opisina. Inikot niya ang kanyang tingin niya at nakita niya ang lihim na pagsulyap sa kanya ng mga kaopisina habang kanya-kanyang tutok sa mga cellphone at computer nito.

Nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi niya alam kung bakit gan’on na lang kumilos ang mga tao sa paligid niya. Tumunog ang kanyang cellphone kaya panandaliang nawala ang atensyon niya sa mga kaopisina.

“Hello,” sagot niya kay Italia na tumatawag.

“Sassa…”

Bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman niyang may kakaiba sa pagtawag ni Italia sa kanya. Kinakabahan siya. Anong meron at bakit gan’on na lamang ang paraan ng pagtawag nito sa kanya?

“Bakit?”

“Si Taki…at Kyle…the details about their wedding is already in the news…”

Napasinghap siya sa narinig. Tila nabingi siya matapos sambitin iyon ng kaibigan. Dahan-dahan niyang iniikot ang kanyang tingin sa paligid. Ngayon alam na niya…kaya pala…

Naramdaman niya na lang ang kusang pagtulo ng kanyang mga luha. Ni hindi niya naramdamang naiiyak na pala siya.

What the fck, Sassa! Get a grip!

Pero paano? Paano niya gagawin iyon kung gan’ong balita ang sasalubong sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top