Chapter 10
“AREN’T you busy with your company? Mukhang nagbubulakbol ka na, ah?” Natatawang tanong ni Sassa kay Kyle matapos sumubo ng chicken balls.
Naroon ulit sila sa kinakainan nilang stall na puro street foods ang tinitinda. Nagmumukha na ring hang-out place nila iyon ni Kyle dahil madalas na silang naroon para lang kumain ng street foods. 'Yong manong nga na nagtitinda roon ay nangingiti na lang sa kanila sa tuwing makikita sila nito. Minsan din ay tinutukso rin sila nito ngunit hindi na lang nila pinapatulan.
Umiling si Kyle matapos uminom ng sago’t gulaman. “Bulakbol ka diyan. I am still busy with our company. I just realize that I also need to find time for myself. Being in the office is giving me more stress that’s why I always get out to calm my nerves whenever I find a chance,” sagot nito at tiningnan siya. Matapos ay ngumiti ito sa kanya. “And you know what? You are one of my stress relievers.”
Sassa felt her cheek burned with Kyle’s last statement. Iyon na naman ang puso niya. Nagwawala at nagbubunyi dahil sa mabulaklak na salita ng lalaki.
Kalma, heart. Remember ang pakiusap ko sa’yo, please? Para sa ikabubuti natin 'yon.
“Well, then. It’s my honor to be one of your stress relievers,” aniya at pilit itinago ang pamumula ng pisngi sa pag-ngisi. “But gusto ko ng bayad. Hindi pwedeng free ang service ko. I’m a businessman’s daughter kaya alam ko rin ang rule ng ‘give and take’.”
Tumawa si Kyle sa sinabi niya. “Kung hindi mahal, sige ba. You know, I’m not in the position to be luxurious right now so if it’s anything within the means, then, I’ll give it to you.”
“Hmmm…pag-iisipan ko muna kung anong hihingin kong kapalit,” aniya at humagikhik. “For now, ubusin na muna natin itong pagkain.”
Kyle laughed again at matapos niyon ay inubos na nila ang in-order nilang pagkain. Nang matapos sila doon ay nagdesisyon silang maglakad-lakad muna para magpababa ng kinain.
“Alam mo, miss ko na si Manong Rem. Hindi ko na siya nakikita. Bakit 'di mo na siya palaging kasama?” Mayamaya’y tanong niya.
Pansin niya kasi na madalas ay hindi na nito kasama ang sekretarya nito hindi katulad noong una sila nitong nagkakilala na palaging nakasunod dito ang matandang lalaki.
“Uncle Rem is in Bukidnon right now. Ilang linggo na rin siya roon. Pinakiusapan ko kasi siya na tingnan ang planta namin doon.I’ve heard that there are anomalies that’s happening there so I asked Uncle Rem to investigate,” sagot nito sa kanya.
“Oh…” Aniya at napatango. “Kaya pala 'di ko siya nakikita.”
“Do you want me to call him? Para makapag-usap kayo?” Alok nito.
Natawa siya. “No, no…hindi na kailangan. Adik nito. I’ll see him when he comes back na lang.”
They continued walking hanggang makarating sila sa may plaza kung saan may fountain doon na nakukulayan ng magagandang liwanag na may kulay.
“Wala pa bang binibigay sa’yo si Taki na kondisyon ulit? Tatlo pa lang ang nagagawa natin, 'di ba? May dalawa pa,” tanong niya muli rito at naupo sa isa sa mga bench na naroon.
Kyle shrugged his shoulders. “Wala pa. Hindi pa ako tinatawagan ni Taki ulit para doon.”
“Kyle…'di ba kinausap mo na rin ang parents mo tungkol sa pag-decline mo sa arrange marriage niyo ni Taki? Do they still stand on their ground on that? Gusto pa rin ba nilang i-push?”
“To be honest, my father has still the same decision. But my mom is already on my side,” anito at marahas na bumuntong hininga. “I know that I just need an assurance that I can save our company so that my father will not push the marriage to me anymore.”
Napabuntong hininga si Sassa sa sinagot sa kanya ni Kyle. Kakausapin niya ulit si Taki kapag nakita niya ito. She wants to know the status of their pending marriage on Taki’s side because she will be the keyplayer to call it off.
Nagkwentuhan pa sila saglit ni Kyle bago nagdesisyon na umuwi na. Nang makarating sila sa parking lot kung saan nito ipinark ang sasakyan ay napahinto si Sassa sa paglalakad nang makita ang kababa lang ng kotse na si Ranz.
Umikot si Ranz sa kabilang bahagi ng kotse at binuksan ang pinto roon. Isang magandang babaeng may mahaba ngunit maalon na buhok ang bumaba roon. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin kay Ranz na nananatiling nakahawak sa kamay nito.
“Erin…”
Naalis ang atensyon ni Sassa sa dalawang nasa harapan niya nang marinig magsalita si Kyle. Nilingon niya ito at bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita itong mariing nakatitig sa babaeng kasama ni Ranz.
Kilala niya? Tanong niya sa isip.
Bumalik ang tingin niya sa babae at kay Ranz. At nagulat siya nang makitang nakatitig na ang babae kay Kyle. Si Ranz naman ay nakangiting kinawayan siya nito at lumapit sa kanya.
“Sassa! How are you?” Masayang tanong nito sa kanya na niyakap pa siya nito.
“I’m…I’m fine,” sagot niya pero ang mga mata niya ay nananatili sa babaeng kasama nito.
“Kyle…” Narinig niyang halos pabulong na tawag ng babae kay Kyle.
Mabilis na kumalas si Sassa sa pagkakayakap ni Ranz at matapos ay nilingon niya si Kyle. That familiar sadness in his eyes that once she saw was there. Hindi siya nagkakamali. Ang kalungkutan sa mga mata nito na nakikita niya ngayon ay kapareho ng kalungkutan na nakita niya noon nang tanungin niya ito kung bakit ayaw nitong pakasalan si Taki.
Is she…is she the reason kung bakit ayaw magpakasal ni Kyle kay Taki?
Pakiramdam niya ay may sumuntok sa kanyang dibdib. Masakit iyon at pakiramdam niya ay naninikip din iyon.
Hindi na niya kailangan pa ng paliwanag. One look at Kyle’s eyes explains everything to her. She’s very sure that the girl in front of her is the reason why Kyle doesn’t want to marry Taki even if he badly needs it. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kasama ng babaeng iyon si Ranz.
“Oh, before I forget, meet my girlfriend, Sassa,” ani Ranz na mukhang hindi man lang nararamdaman ang tensyon sa paligid. Lumapit ito sa babae at matapos ay hinawakan ang kamay nito. “Erin, this is Sassa, my friend. Sassa, my girlfriend, Erin.”
Mas lalong nalito si Sassa sa nangyayari. If Erin’s the reason why Kyle wants to cancel his wedding, bakit si Erin ay naging girlfriend ni Ranz?
“What’s happening here, Erin?!” Dumadagundong na tanong ni Kyle sa girlfriend ni Ranz.
“Hey, what’s your problem? Bakit mo sinisigawan ang girlfriend ko?” Galit na tanong ni Ranz kay Kyle na mukhang ngayon lang napansin ang presensya ng huli.
“Kyle…I…”
Hindi na pinatapos pa ni Kyle ang sinasabi ng babae. Instead, dumiretso ito sa kotse nito at mabilis na pinaandar iyon. Siya naman ay natutulalang napasunod na lang ng tingin sa kotse nitong humahagibis paalis doon.
What the hell is happening…?
“WHY can’t it be…Just a pathway full of roses, leading to a sunset view…Where the one you’ve always dreamed of waits…Why can’t it be….It was like a movie scene, the way I felt for you, only you, didn’t fall, now it’s not like the movies at all…”
Napangiti nang mapakla si Sassa nang marinig ang kantang iyon ni Taki. She’s playing piano again. At tanging ito lang ang maririnig sa loob ng café. Everyone seems bewitched with Taki’s beautiful voice again.
“Bakit nga ba kasi hindi lang katulad ng isang romantic movie ang lovelife ko? 'Yung may happy ending?” Tanong ni Sassa sa sarili at padausdos na sumandal sa kinauupuang sofa. Tinitigan niya ang kisame at bumuntong hininga.
It’s been three days since the last time she saw Kyle. Ilang beses na niya itong sinubukang tawagan ngunit hindi nito iyon sinasagot. Gusto niya sana itong puntahan sa opisina nito ngunit nahihiya naman siya.
Hanggang ngayon ay masakit ang puso niya dahil sa nangyari n’ong nakaraan. Pero kahit gan’on ay gusto niyang marinig ang paliwanag ni Kyle. Gusto niyang marinig ang buong kwento nito. Kahit masakit. Kahit nakakapatay ng puso.
Masokista na kung masokista. Pero gusto niyang damayan si Kyle kung ano man ang sakit na pinagdadaanan nito ngayon. She’s sure as hell that he was hurt upon seeing that girl named Erin.
She maybe unsure with his relationship with Erin pero sigurado siyang espesyal ito sa puso ni Kyle. And that’s what hurting her the most.
Dahil isa siyang asadora kahit anong pigil niya sa sarili, akala niya ay gusto na rin siya ni Kyle. But hell, yeah! Tama pa rin ang bulong ng konsensya niya noon. They aren’t meant to be. Because Kyle is meant for someone else.
At siya? Isa na naman siyang dakilang ekstra na nagbigay lang ng kaunting kasiyahan sa malungkot na bidang lalaki. At ngayon na nagpakita na ang totoong bidang babae, kailangan na niyang gumilid. Umalis sa eksena. Dahil hindi rin naman siya matatandaan ng mga protagonista. Dahil ang manananatiling nakatatak sa utak at puso ng mga ito ay ang isa’t isa lang.
Ouch.
“Kailan ba na magiging ako naman ang bida?” Naluluha na naman siya. Kahit anong pigil niya sa sarili na huwag bigyang pansin ang sakit ng puso niya ay hindi niya magawa. Masyadong masakit iyon na sa huli’y nararamdaman na lang niya na tumutulo ang kanyang luha.
Lumabas siya ng café. Ayaw niyang manatili roon. Kapag nakita siya ng mga kaibigan niya na umiiyak ay mag-aalala na naman ang mga ito sa kanya.
Alam na ng mga ito ang dahilan kung bakit ilang araw na siyang malungkot. Si Taki nga ay sinisisi pa ang sarili dahil sa nangyari sa kanya. Kung alam lang daw nito na may ibang babaeng gusto si Kyle ay hindi na lang daw sana nito ipinagtulakan sa kanya ang lalaki. Natawa na nga lang siya rito n’ong sinabi nito sa kanya na tutuparin nito ang naging kasunduan nila kahit hindi na matapos ang kondisyon nito kay Kyle.
Naglakad-lakad siya. Gusto niyang alisin ang agiw ng kanyang utak. Isang furniture shop ang kanyang nadaanan. Naisip niyang pumasok doon para aliwin ang sarili.
She is the middle of looking for furnitures nang may mabangga siyang babae. At nagulat siya nang makita si Erin. She’s with another man na hindi niya kilala. Magkahawak ang mga kamay nito kaya naman napakunot ang kanyang noo.
Mabilis na humiwalay ang kamay ni Erin sa lalaking kasama nito. Tila pinagpawisan ito ng malamig nang makita siya nito.
“Y-you…you are Sassa, right?” Kabadong tanong nito sa kanya.
Napangiti siya ng mapakla. Kung sinuswerte nga naman siya. Ang babaeng kinaiinggitan niya ay ang babaeng hindi niya naman pala karapat-dapat na kainggitan.
Nag-iinit ang bumbunan niya sa galit. Matatalim ang mga matang tiningnan niya ang lalaking kasama nito.
“Alam mo bang tinu-two time ka ng babaeng iyan? She has a boyfriend aside from you, mister. And I pity you for falling for a bitch like her,” nakaismid na wika niya at humalukipkip.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ng lalaki si Erin. Si Erin naman ay pinanlalakihan siya ng mga mata at kulang na lang ay patayin siya nito ng tingin.
“Anong pinagsasabi niya, babe?” Tanong ng lalaki kay Erin.
“Huwag kang maniwala sa kanya, babe. Sinisiraan niya lang ako,” ani Erin at pinanlisikan siya ng mga mata.
“Ranz Buenavidez. That’s her boyfriend’s name,” singit niya at binigyan ng nakakalokong ngisi si Erin.
“Sassa!” Galit na sigaw nito sa kanya at aatakehin sana siya nito nang may mga kamay na pumigil dito.
Napatingin siya kung sino ang humawak dito pero nagulat siya nang makita ang si Kyle na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Erin.
Pabalyang binitiwan ni Kyle si Erin. “Thank you for showing me your true colors, Erin. You just made me free from the guilt I felt when we broke up!”
Inabot ni Kyle ang kamay niya. At muli na naman siyang nagulat ng hilahin siya nito palabas ng furniture shop na iyon.
Maygudnes! Ano na ba talaga ang nangyayari? Naguguluhang tanong niya sa sarili habang tangay-tangay na siya ni Kyle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top