Chapter 09
GABI na at nagkakasayahan sina Sassa sa dalampasigan. Gumawa sila roon ng bonfire at doon nag-celebrate ng birthday ni Rias. May mga alak sa paligid at mga pagkain. Nag-ihaw din sila ng mga isdang nabili nila sa bangkerong nakita nila kanina.
Everyone is having fun. Or Sassa thought. Dahil siya mismo ay hindi tuluyang makapagsaya. Bumabagabag pa rin kasi sa kanya ang kakatuklas na damdamin para kay Kyle. And being next to him is not helping. Kahit na may ngiti sa siya sa mga labi, nakikipagbiruan, nakikipagtawanan, her inside is in chaos. She doesn’t want to deal with it right now because she doesn’t want to spoil the fun. Pero panaka-naka’y sumisingit iyon sa kanyang isipan kaya naman natitigilan siya at kapagkuwa’y natatahimik.
“Okay ka lang?”
Napatingin si Sassa kay Italia. She has this concern look on her face kaya naman nginitian niya ito.
“Of course!” Sagot niya rito, pilit itinatago na may bumabagabag sa kanya. “Ikaw? Okay ka lang? Parang 'di kayo masyadong ang-uusap ni Tanner?”
Napansin niya na iyon kanina bago sila sumakay ng eroplano. Something is off between the two of them pero hindi niya ma-figure out kung ano. It’s as if there’s a cold war happening between them at hindi masyadong nagpapansinan.
Bumuntong hininga si Italia. “I…I really don’t know. 'Di ko alam kung anong problema ni Tan at ganyan siya makaarte.”
“Baka kulang sa lambing,” biro niya na lang para pagaanin ang nararamdaman nito. Inakbayan niya ito at inabutan ng s’mores. “Kausapin mo ng masinsinan. You’ve been in a relationship for ten years. 'Yang bagay pa ba na 'yan ay hindi niyo pa mareresolba?”
Italia and Tanner are childhood sweethearts. High school pa lang sila ay mag-syota na ang mga ito. To be honest, she still really find it amusing na sa kanilang magkakaibigan, kung sino pa ang pinakamataray, straight to the point at walang kiyemeng magsasabi ng kung ano ang opinyon ay siya pa ang may relasyon na pinakamatagal sa kanilang anim. Sabagay, kahit naman gan’on ang pag-uugali ni Italia ay mabait ito at maalaga. She can be harsh with her words but sure as hell she’s ready to help you in times of need no matter what.
Isang buntong hininga muli ang kumawala sa labi ni Italia. Kapagkuwa’y ngumiti ito sa kanya. “Yeah. I should talk to him. Baka kasi kapag nagpatuloy pa siyang ganyan, itapon ko na siya dagat,” anito at bahagyang tumawa. “Thanks for this.” Turo nito sa s’mores na ibinigay niya. “And as for you, you can’t hide from me Sassa. I know something’s troubling you. Or rather, someone. And that someone happens to be coming here so I’ll leave you now. Better talk to him about it. And for the nth time, Sassa, sinasabi ko sa’yo, fight for what you want. Or else, you’ll forever live in regret.”
With that, Italia left her. Gusto niya pa sanang magsinungaling dito ngunit hindi na niya nagawa. Napapailing na napasunod na lang siya rito ng tingin.
“Here.”
Lumipad ang tingin niya kay Kyle na nasa harapan na niya at may hawak na baso ng pineapple juice. Inabot nito iyon sa kanya.
“Juice talaga? Sabi ko, beer,” napapailing na sabi niya rito at bahagyang tumawa.
Nang tumayo kasi si Kyle ay tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang inumin. Sinabi niyang beer ang gusto niya dahil gusto niyang malasing ngayong gabi. She wants Kyle out of her system just for the night kaya naman gusto niyang lunurin ang sarili sa anak.
“I don’t want to see you drunk kaya magtiis ka sa juice,” nakangising sabi nito at naupo sa kanyang tabi. Ang hawak ng isang kamay nitong beer in can ay dumiretso sa bibig nito at nilagok iyon.
Muli na naman siyang napailing kasabay nang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Ah! Paano niya marerendahan ang puso niya kung ganitong sweet ito sa kanya?
Ayaw niyang ma-inlove kay Kyle dahil unang-una, hindi niya alam kung ano ang mangyayari rito sa hinaharap. There’s still a pending marriage waiting for him at kahit na sabihin na gumagawa ito ng paraan para makawala roon ay hindi pa rin maaalis na pwede ring matuloy iyon. Pangalawa, maybe Kyle just finds her amusing. They were enemies before pero dahil nga nagkasama na sila at nagkausap ng matino, maaaring naaaliw lang ito sa kanya dahil sa ipinapakita niya rito. Pangatlo, at ang pinakamalaking posibilidad kaya madalas na itong dumikit sa kanya, ay dahil kaibigan na ang turing nito sa kanya. They can be allies if they want to. Nagkakasundo na rin sila sa ilang mga bagay kaya naman hindi na siya nagtataka kung itinuturing na siya nito bilang kaibigan. But that’s it. She can never be more than that to his eyes. At iyon ang mas nagpapasakit sa kanyang puso.
Yes. Friendzoned again. Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon.
Those reasons are enough for Sassa not to fall in love with Kyle. But heck! Anong gagawin niya? Tuluyan na siyang nahulog. Gusto niyang umahon pero walang taling makakapagsalba sa kanya para makaalis sa kinahulugan niya.
“That’s not fair!” Aniya at tumayo siya. She needs alcohol to get rid of her feelings for him. Even just for this night.
Palakad na sana siya patungo sa lagayan ng mga beer ng maramdaman niyang hinawakan ni Kyle ang pala-pulsuhan niya.
“Sit down, Sassa. I told you I don’t want to see you drunk so don’t argue with me,” anito at hinila siya ng malakas para maupong muli.
Dahil sa gulat niya sa ginawa nito ay hindi siya nakapag-balanse. She was expecting she’ll hit the ground but two firm arms enveloped her and saved her from kissing the sand.
Iminulat niya ang mga matang naipikit dahil sa gulat at nag-angat ng tingin. Sumalubong sa kanyang mga mata si Kyle na matamang nakatitig sa kanya. He was lying on the ground while she was on top of him.
For a moment, she can’t escape from Kyle’s gaze. There’s something in the way he looks at her that drowning her. It’s as if his eyes are telling her a million words that she can’t comprehend no matter how she tries to understand it.
“Get a room, guys! 'Wag dito! Ayaw namin ng PDA!”
Pakiramdam ni Sassa ay namula ang buo niyang pagkatao nang marinig ang sigaw na iyon ni Taki. Kasabay rin n’on ay ang sunod-sunod na pag-alaska sa kanila ng mga kaibigan. Even Rias and her friends are on fire to tease them.
The magic spell was broken. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ni Kyle at kagat-kagat ang pang-ibabang labi na tinulungan niya itong tumayo.
Pakiramam niya ay pinagpawisan siya ng malamig dahil sa kakahiyan. Kung bakit naman kasi napunta siya sa napakakompromisong sitwasyon!
“Shut it, guys! Sassa’s feeling embarrassed!” Narinig niyang wika ni Kyle at tumawa.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata at iningusan. “In your face, Mr. Chua!”
Masaya siya dahil nagawang makipaghalubilo ni Kyle sa mga kaibigan niya at ni Rias. N’ong una nga ay nabigla pa siya dahil hindi niya inaasahang makikipag-bonding ito sa mga iyon. Knowing Kyle’s attitude, madali itong mairita at mapikon. Pero sa gulat niya ay nagawa nitong makipagbiruan, makipaglokohan at makipagtawanan sa mga kasama nila roon.
Even though Kyle looks intimidating, he knows how to get along with people. At masaya na naman siyang makita ang side nitong iyon.
Hindi matapos-tapos ang tukso sa kanila ni Kyle dahil sa nangyari. Nahihiya siya dahil sa pinagsasabi ng mga ito sa kanila kaya madalas ay binabara niya ang mga ito. Pero si Kyle ay tinatawanan lang ang mga ito. Napapaisip tuloy siya kung nasaan ang bakulaw na mainitin ang ulo at hindi niya mahagilap kung kailan kailangan niyang patahimikin ang mga alaskador na mga kaibigan.
Halos alas dos na ng madaling araw nang magpulasan ang mga kasama nila. Hindi na rin niya namalayan dahil napahaba ang kwentuhan niya, ni Kyle, ni Taki at ni Aryan. Kahit na pinagbawalan siya ni Kyle kanina na huwag uminom ay nakalusot din siya. Naka-ilang beer din siya kaya naman ramdam na niya ang hilo at antok.
“Balik na tayo sa resthouse, guys,” humihikab na wika ni Aryan. Nakainom na rin ito pero kahit papaano ay diretso pa ang tingin nito at nakatayo pa ng maayos.
“Na…nashaan na sina Luna at Riva?” Humahagikhik na wika ni Taki. Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinakalasing. “'Yung magsyota, gumagawa na 'ata hik ng baby,” tukoy nito kina Italia at Tanner nang mapansing wala na rin ang mga ito.
Tumawa siya sa sinabi nito. “Baka nga…Baka sa susunod na linggo, ia-announce na niya na may inaanak na tayo.”
Humalakhak ang mga kaibigan niya. Kahit si Kyle ay nangiti sa sinabi niya.
“We better go back. Lasing na kayo, ladies,” ani Kyle at inalalayan siyang tumayo.
Taki whistled when she saw what Kyle did to her. “Weew! Tamis talaga!”
Sa hindi niya mabilang na pagkakataon, nag-init na naman ang pisngi ni Sassa. She can’t really get used with her friends teasing her with Kyle.
“Enough of that, Taki. Let them be,” ani naman ni Aryan na ngumisi. Tumingin ito kay Kyle. “Ikaw na ang bahala kay Sassa. Ako na ang bahala rito kay Taki.”
“I’m fine, Aryan. Mas kailangan ni Taki ng tulong,” sansala niya.
Sa kanilang dalawa ni Taki, si Taki ang halos 'di na makatayo sa kalasingan. Gumegewang na kasi ito habang nakatayo. Mabuti na lang at nakaalalay si Aryan dito.
“It’s okay, Sassa. Ako na ang bahala rito kay Taki. Isa pa, nasa iisang room lang kami kaya keri lang na ako na ang umalalay sa kanya,” sagot nito sa kanya at muling binalingan si Kyle. “Bro, take over.”
Matapos n’on ay nauna ng maglakad si Aryan habang inaalayan si Taki. Kyle held her firmly para makalakad siya ng maayos at kapagkuwa’y sumunod na rin sila sa mga kaibigan.
Lihim siyang napabuntong hininga. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na hawak siya ni Kyle. Gustong-gusto niya na malapit dito. Pero paulit-ulit na sumisignal sa kanya ang ‘danger zone’. She knows she needs to pull herself together. If she really wants Kyle out of her system, kailangan niyang lumayo rito. She can’t let herself be hurt again sa isang sitwasyon na paulit-ulit ding nagbibigay ng sakit sa kanya.
Nang makarating siya sa tapat ng inookupang kwarto nila ni Luna ay umalis na si Sassa sa pagkakahawak kay Kyle. Nginitian niya ito at nagpasalamat.
“Thanks, Kyle,” aniya at bahagyang humagikhik. “Salamat din dahil wala ngayon ang alter-ego mo at 'di tayo nagbangayan ngayon. Nagawa mo rin makipag-bond sa iba nang hindi umiinit ang ulo mo kaya praise the Lord!”
“Silly,” Kyle chuckled. “Sige na. Pumasok ka na sa loob nang makatulog ka na.”
Humahagikhik na tumango siya rito at tumalikod na. Pipihitin na sana niya ang seradura nang maramdaman niyang hikawan ni Kyle ang braso siya. Kunot-noong muli niya itong nilingon at nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
Sa bigla niya ay inilagay ni Kyle ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang balikat at matapos ay tinitigan siya.
“Goodnight, Sassa…” Bulong nito sa kanya at naramdaman niya na lang na lumapat ang labi nito sa kanyang noo.
NAPANGITI ng malapad si Sassa nang mabasa ang natanggap niyang text mula kay Kyle. Tinatanong siya nito kung busy siya at kung hindi naman ay kung pwede niya raw itong samahan na kumain ng street foods sa kinainan nila dati noon. Nami-miss na naman daw kasi nito ulit kumain n’on kaya naman nakikiusap ito sa kanya na samahan niya ito.
Simula nang manggaling sila sa Bohol ay madalas na niyang kasama si Kyle. Madalas siya nitong puntahan sa opisina para lang sunduin at matapos ay pupunta sila kung saan para kumain at minsan ay mamasyal. Nagiging tampulan na nga siya ng tukso sa opisina dahil palaging nakikita ng mga katrabaho niya si Kyle. Kahit ilang beses na sinabi na niya sa mga ito na kaibigan niya lang ang lalaki ay hindi naman naniniwala ang mga ito sa kanya.
Sa totoo lang, naninindigan pa rin siya na hindi siya dapat palaging dumikit kay Kyle kung gusto niyang makalimutan ang feelings niya rito. Pero wala siyang magawa. Palagi na lang kasi si Kyle ang lumalapit sa kanya. Hindi naman niya ito maitaboy dahil ayaw naman niyang isipin na iniiwasan niya ito.
Lihim na napapabuntong-hininga na nga lang siya minsan dahil nagiging asadora na naman siya ng taon. Parang ganoong-ganoon kasi ang nangyari sa kanya kay Ranz noon. Though, hindi naman sila nag-away ni Ranz noong una silang nagkakilala, pareho naman si Kyle ng ikinikilos kay Ranz ngayon sa tuwing kasama niya ito.
Kyle is sweet when you get to know him. Maalaga rin ito at gentleman. 'Yon nga lang talaga ay hindi na mawawala rito ang kasungitan paminsan-minsan but tolerable na para sa kanya. Dahil doon ay hindi na naman niya mapigilan ang sariling umasa. Kyle is making her feel being loved without him knowing. At kahit anong saway niya sa kanyang puso na huwag umasa at mag-assume ay balewala rin. Madalas ay naiisip niyang may gusto na sa kanya si Kyle kaya gan’on na lang ang inaakto nito sa kanya. And she’s scared with that thought. Dahil alam niyang katulad ng kinahantungan niya kay Ranz, friendzoned lang ulit siya. At gusto lang nito ang company niya kaya ito madalas makipagkita sa kanya.
“Ay, iba na 'yan, girl. Improving ang lovelife!”
Naitago niya bigla ang cellphone sa kanyang bulsa. Lumingon siya at nakita niya si Riva na malapad ang ngisi habang nakatanaw sa kanyang balikat.
Mga baliw talaga ang kanyang mga kaibigan. Kaya 'di uso ang salitang ‘privacy’ sa kanila dahil hindi mo magagawang makapagtago ng kahit ano sa mga ito.
“Sira! Alam mo namang friends na kami ng bakulaw na 'to kaya gan’on,” depensa niya at pilit itinago ang pamumula ng mukha.
“Kuuuh! Friends daw. Eh, halata namang more than friends ang feelings nila sa isa’t isa,” sabat naman ni Italia na nakangisi habang abala sa pagbabalanse ng financial statement ng café.
“Tigilan niyo nga akong dalawa! 'Wag niyong bigyan ng hope ang puso ko. Mamaya, hopia na naman ako,” nakasimangot na wika niya.
Alam na ng mga kaibigan niya kung ano ang nararamdman niya kay Kyle. At katulad ng inaasahan niya, mga dakilang pusher ang mga bruha. Pilit niyang ipinaintindi sa mga ito na kaibigan lang ang turing sa kanya ni Kyle pero ang mga ito, may sariling opinyon. Kesyo na mutual daw ang feelings nila ni Kyle at hindi magtatagal ay aamin na si Kyle sa kanya.
Sa totoo lang ay kinikilig siya sa tuwing sinasabi iyon ng mga kanyang kaibigan. Pero pinipigilan niya ang sarili. Dahil alam niyang ang dulo niyon ay kaibigan pa rin ang kababagsakan niya.
“Sige na. Puntahan mo na si Kyle. Ako na ang bahalang magtapos na mag-mop ng sahig,” ani Riva sa kanya at kinuha na sa kanyang mga kamay ang mop at bahagya pa siyang tinulak sa direksyon patungo sa locker room.
Gusto niya pa sanang mag-protesta at sabihing tatapusin na muna niya bago niya puntahan si Kyle ngunit hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon. Napapailing na lang tuloy siya na dumiretso na sa locker room at nagpalit ng damit. Matapos n’on ay nagpaalam na siya sa dalawa at umalis na ng café.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top