Chapter 08

AYOKONG sumama,” ani Sassa kay Taki matapos mapagpasyahang sagutin na ang pang-sampong beses na tawag nito.

Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa Break-Up Café. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob niya sa naging away nila ni Kyle. Dagdag na rin na masama rin ang loob niya sa mga kaibigan.

Nalaman niya kasi kay Luna na ang ikatlong kondisyon ni Taki kay Kyle ay sundan siya nito sa paglabas nila ni Ranz, na sinang-ayunan din ng iba pa nilang kaibigan. Sinabi pa ng mga ito kay Kyle na kapag nakita nitong ‘nahuhulog’ na naman siya kay Ranz ay umeksena na ito at tangayin na siya sa paalis doon.

Naiintindihan naman niya kung bakit gan’on na lang ang concern sa kanya ng mga kaibigan at ginamit ng mga ito si Kyle para mailayo siya kay Ranz. Pero masama ang loob niya dahil walang tiwala ang mga ito sa kanya. Alam niyang hindi naman siya pinaghinalaan ng mga ito na lalandiin niya si Ranz dahil na rin sa pag-uugali niya at mas nag-aalala lang ang mga ito na umiyak na naman siya sa bandang huli dahil napaasa na naman siya. Gets niya. Intinding-intindi niya kung saan nanggagaling ang concern ng mga ito. May kasalanan din naman kasi siya dahil hindi naman niya nasabi sa mga ito na naka-move on na siya. Pero kahit gan’on ay hindi niya pa rin maiwasan ang makaramdam ng pagtatampo sa mga ito.

Si Kyle naman, bukod sa nasaktan talaga siya sa mga sinabi nito sa kanya ay nadagdagan pa ang sama ng loob niya rito dahil nalaman niyang kumilos lang ito dahil sa utos ni Taki. Akala niya ay concern lang din ito sa kanya kaya naman hinila siya nito palayo kay Ranz. Iyon pala ay katulad ng nakagawian, uto-utong sumunod lang ito sa kondisyon ng baliw na kaibigan.

Pakiramdam niya ay hindi na lang crush ang nararamdaman niya sa lalaki. Kasi kung hindi, hindi naman siya masasaktan ng ganoon, 'di ba? Feeling niya ay mas masakit pa ang naging away nila ni Kyle kaysa n’ong nalaman niyang may girlfriend na si Ranz.

Malala na 'ata ang saltik niya sa utak. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao ay kay Kyle pa siya nagkagusto. Kay Kyle na pinaglihi sa sama ng loob at matalas ang dila.

“Sumama ka na, please? Miss ka na rin namin. Isa pa, birthday 'yon ni Rias. Gusto niya kumpleto tayo kaya sumama ka na,” pakiusap ni Taki sa kanya at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

Birthday ng kapatid ni Taki na si Rias sa sabado. Magkakaroon ito ng maliit lang na selebrasyon sa resthouse ng pamilya nito sa Bohol kasama ang ilang mga kaibigan nito pati na rin silang mga kaibigan ni Taki.

Ang totoo niyan ay nakatanggap na siya ng imbitasyon kay Rias. Ngunit hindi pa siya sumasagot dito. Nahihiya rin naman siya na hindi pumunta dahil nakababatang kapatid na rin ang tingin niya rito. Iyon nga lang ay nagtatampo pa rin siya sa mga kaibigan niya kaya umiiwas siyang makita ang mga ito.

“Sige ka. Magtatampo talaga sa’yo si Rias kapag 'di ka nagpunta,” dagdag pa ni Taki.

Napabuntong hininga siya. Bukod sa hindi niya matitiis si Rias ay hindi rin naman niya kaya manatiling nagtatampo sa mga kaibigan. Ilang araw din siyang umiwas kaya naman miss niya na rin ang mga ito.

“Fine,” aniya at bumuntong hininga muli.

“Yey! Thank you, Sassa! See you! And miss you so much!” Maligayang wika ni Taki.

Tuluyan na siyang napangiti. “Miss you too.”

TINANGGAL ni Sassa ang kanyang sandalyas sa mga paa. Tuwang-tuwa siya na parang bata na nakipaghabulan sa along humahalik sa dalampasigan.

Mabuti na lang at hindi na siya nag-inarte pa at sumama sa selebrasyon ng kaarawan ng kapatid ng kaibigang si Taki. Ilang beses na rin silang nakarating sa resthouse na iyon ng pamilya ni Taki. At hinding-hindi talaga siya magsasawa na makita ang mangasul-ngasul na dagat at puting buhangin doon.

“Hey, Sassa! Halika na! Mamaya ka na diyan at ayusin muna natin ang gamit natin!” Sigaw ni Luna sa kanya na kumakaway pa sa kanya.

Nakangiting tumakbo siya papalapit dito. Matapos ay kinuha na niya ang bagaheng inilapag niya sa isang mesang nalililiman ng puno roon at sumunod na kay Luna papasok ng resthouse.

Magkasama si Sassa at Luna sa kwarto. Matapos nilang mag-ayos ng gamit ay nagpalit agad sila ng damit pangligo. She wears a two-piece black swimsuit at pinatungan niya muna iyon ng maluwag na puting tshirt at maikling cotton short.

Lumabas sila ng kwarto at dumiretso sa lanai. Doon ay natagpuan nila ang mga kaibigan kasama si Tanner na boyfriend ni Italia pati na rin ang birthday celebrant na si Rias at mga kaibigan nito.

“Ate Sassa, ate Luna, kain na!” Salubong sa kanila ni Rias matapos ilapag sa mesa ang malaking pitsel na sa tingin niya ay naglalaman ng buko juice.

“Thanks, Ri! At happy birthday ulit!” Maluwag ang ngiting sabi niya rito at naupo na sa bakanteng upuan sa tabi ni Riva. Si Luna naman ay napaupo sa pagitan ng dalawang kaibigan ni Rias na parehong lalaki dahil iyon na lang ang bakante.

Masaya silang nag-kwentuhan habang kumakain. Kilala na nila ang mga kaibigan ni Rias kaya naman hindi na sila nahirapang makisama sa mga ito.

Nasa kalagitnaan ng pakikipagbiruan si Sassa kay Tanner nang marinig niya ang lumapit na katulong na nagsabing may dumating pang isang bisita si Rias.

Napakunot tuloy ang noo niya at napatingin sa mga kasamahan. Mukhang merong inimbitahan si Rias na huling dumating.

Tumayo si Rias at Taki at nagpaalam muna sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din ang mga ito. Ang malapad na ngiti niya sa labi ay nabura nang makita kung sino ang kasama ng dalawa.

Kyle’s eyes immediately fixed on her as he met her gaze. At bahagyang napatalon ang puso niya dahil doon. Mabilis niyang iniwas ang tingin at inabala na lang ang sarili sa pagkain ng pakwan.

Gusto man niyang itanggi pero na-miss niya si Kyle. Kahit na masama pa rin ang loob niya rito ay hindi niya maitatanggi na hinahanap-hanap niya pa rin ang presensya ng lalaki kahit na sinabihan niya itong 'wag nang magpapakita sa kanya.

Nakarinig siya ng pagtikhim. Napatingin siya sa katabing si Riva na nakangiti habang nakatingin kay Kyle.

“Dito ka na maupo, Kyle. Tapos na rin naman akong kumain. 'Tsaka maliligo na rin ako sa dagat,” anito.

Nanlalaki ang mga matang kinausap niya si Riva sa mahinang boses, “Anong kalokohan 'yan, Riva?”

Riva tapped at her shoulder and smiled at her. Imbes na sagutin siya ay tumayo na ito at umalis na roon.

Nakita niyang sumunod pati na sina Luna at ang iba pa niyang mga kaibigan. Si Tanner naman ay nakangising kinindatan pa siya bago sumunod sa girlfriend nito.

Ang mga maldita niyang mga kaibigan! Sigurado siyang ito ang nag-imbita kay Kyle sa celebration ng birthday ni Rias!

“Kuya Kyle, kain ka na muna. Pasensya na kung aalis na rin muna kami. Kanina pa kasi kaming ligong-ligo sa dagat, eh!” Ngising-aso na wika ni Rias at sinensyasan ang mga kaibigan na magsitayo na. “Nandito naman si ate Sassa. Kayong dalawa na lang muna ang mag-usap.”

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Mukhang si Rias ay may alam din sa nangyayari!

Nakangiting tumango si Kyle kay Rias at nagpasalamat. Matapos n’on ay naiwan na silang dalawa roon sa lanai.

Hindi alam ni Sassa ang gagawin. Gusto niyang mag-walk out pero nakakaramdam naman siya ng awa kay Kyle kung iiwan niya ito roon. Inimbitihan pero ang nag-imbita ay hindi man lang inestima. Ngayon talaga napatunayan niyang magkapatid nga si Rias at Taki. 'Di nalalayo sa pag-uugali pagdating sa kalokohan.

“Sassa…”

Nakagat ni Sassa ang pang-ibabang labi. Na-miss niya ang boses nito. Ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. Maygudnes! Nasisiraan na 'ata siya! Ang alam niya ay galit pa siya rito pero n’ong narinig niya ang pagtawag nito sa kanya ay feeling niya ay parang bulang naglaho ang sama ng loob niya rito.

Instead of answering, hindi na lang niya ito tiningnan at kunwaring inabala ang mga mata sa pagtingin sa mga kaibigan niyang naroon na sa dalampasigan na parang mga batang naghahabulan.

Narinig niyang bumuntong hininga ng marahas si Kyle. Matapos n’on ay narinig niya ang pag-ingit ng upuan sa tabi niya tanda na naupo roon.

“I’m sorry, Sassa…”

The regret in Kyle’s voice made Sassa look at him. Ayaw man niya itong pansinin ay hindi niya magawa. Letseng feelings! Traydor ang buset!

“I’m really sorry kung nahusgahan kita…I didn’t mean to…It’s just that…”

Seeing how regretful Kyle is for what he has done to her makes her easily forgive him. Nagkandaletse-letse na! Plano niya pa namang magmatigas at pahirapan ito pero kapag ganitong nakikita niya ang nahihirapang ekspresyon ni Kyle ay ang daling mag-give in ng puso niya.

Bumuntong hininga siya ng malalim at tumingin sa dagat. “Just don’t do it again.”

Nakita niya sa kanyang pheriperals ang pagliwanag ng mukha ni Kyle dahil sa sinabi niya. “Am I forgiven?”

Sa pagkakataong iyon ay nilingon niya ito. Blangko pa rin ang ekspresyon niya kahit gusto na niyang mangiti. “Ayaw mo ba?”

Mabilis na umiling ito. “No, no…Thanks, Sassa. I thought you’re still angry with me for what I have done kaya hindi ako umaasang mapapatawad mo ako agad.”

“I have a golden heart, you know?” Aniya rito at hindi na niya napigilan ang pagkawala ng ngiti sa kanyang labi.

Kyle gave her a warm smile. “I know. And I really regret that day na nakapagbitaw ako sa’yo ng masasakit na salita that’s why I’m really, really sorry.”

“You should be. 'Di mo ba alam na sa tanang buhay ko ay ikaw lang ang nanghusga sa akin ng gan’on? Malayong-malayo ang salitang iyon sa kung paano ako i-describe ng mga bruha kong kaibigan,” aniya. “But enough of that. I don’t want to remember it anymore. Nakaka-bad mood.”

“Sorry again, Sassa. Hindi ko dapat hinayaang mapangunahan ng galit ko,” anito at bumuntong hininga muli. “When Taki told me that I should follow you that day because you’re having a date with that bastard, hindi na ako nagdalawang-isip na sumagot ng oo. Though we’ve fight for I don’t even remember how many times before, I don’t want to see you hurt. You are too good for that guy. And I don’t want to see you lowering your standard just because of that jerk.”

Pakiramdam ni Sassa ay may kung anong mainit na humaplos sa kanyang puso dahil sa mga sinabing iyon sa kanya ni Kyle. Hindi siya makaimik. His words just simply put her in daze at hindi na magawang mag-function ng kanyang utak.

“When I saw you really having fun with that guy, hindi ko maiwasan ang hindi magalit. Ang sabi kasi sa akin ni Taki ay sinaktan ka ng lalaking iyon but you still managed to be with him and enjoyed his company. Dahil doon ay mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon. I really thought you’re flirting with him. Na naisip ko na baka gusto mong agawin 'yong lalaki sa girlfriend niya. Which I really despised. I’ve known you as a kind-hearted woman kahit na may pagka-maldita ka rin. And thinking you stoop that low just to get him irritates the hell out of me. Kaya naman sa inis ko ay hinila na kita palayo sa lalaking iyon. At sa galit ko rin ay nakapagsalita ako ng hindi maganda sa’yo.”

Sassa was left speechless with Kyle’s confession. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Isang parte ng kanyang utak ay kinikilig. Tumatalon sa tuwa at parang nagpa-party na. Bakit ba naman hindi? He acted on his own freewill. Ang ipinagpuputok ng butse niya na kaya lang nito iyon ginawa dahil sa utos ni Taki ay hindi naman pala totoo. She really felt Kyle’s deep concern towards her.
Ayaw man niyang bigyan ng kahulugan ang ginawa ni Kyle sa kanya ay ang utak naman niya ay nangunguna na. Sinasabing nagselos ito kay Ranz kaya ginawa nito ang bagay na iyon. At dahil doon, nag-times two ang kilig na nararamdaman niya.
Pero wait. Ang isang parte ng kanyang utak ay kumokontra. Oo nga’t concern sa kanya si Kyle. Pero hindi ibig sabihin n’on ay nagselos ito. Siguro kasi ay itinuturing na rin siya nitong kaibigan kaya ayaw nitong makita siyang nasasaktan. Gan’on naman 'di ba? Kapag alam mong masasaktan ang kaibigan mo ay gagawa ka ng paraan para maiwasan iyon. Kahit pa magkagalit kayo sa gagawin mo.

Ouch! Don’t tell me…friendzoned again?

Parang may tumusok sa puso niya sa isiping iyon. What the heck? Crush niya lang ang lalaki pero bakit gan’on makapag-inarte ang kanyang puso? Hindi kaya talagang lumagpas na siya sa crush level…?

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Gusto niyang maiyak. Kusa nang sumagot ang kanyang utak. At hindi niya iyon matanggap. Ilang araw din siyang nakipag-away sa utak niya na crush niya lang ang lalaki pero ngayon ay nanalo na ng isang daang porsyento ang kalaban niya.

Bakit gan’on? Bakit ang bilis niya 'atang nahulog? Ilang beses pa lang naman sila nitong nagkakasama? Tapos karamihan pa ng pinagsamahan nila ay puro pagtatalo kaya 'di niya gets kung bakit parang naging instant noodles ang feelings niya. Iyon ba ang tinawag na love at first sight? Totoo ba talaga iyon? Kailangan niya ng paliwanag!

“Hey…bakit ka umiiyak?”
Napabaling muli ang tingin niya kay Kyle. Bakas sa mukha nito ang concern habang nakatitig sa kanya.
Napahawak tuloy siya sa kanyang mga mata. At nagulat siya nang maramdamang basa iyon. Umiiyak nga siya!

“W-wala…na…napuwing lang,” pagsisinungaling niya. Mabilis na pinahid niya ang mga luha.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit sa sobrang ikling panahon ay tuluyan na siyang nahulog dito? Hindi ba pwedeng manatiling crush lang niya ito? Na para kung sakaling masaktan siya ay hindi gan’on kasakit? Na kung sakaling masaktan siya ay mabilis lang siyang makapag-move on? Anong nangyari sa kanya? Ilang beses pa lang naman niya itong nakakasama pero bakit hindi niya namalayang tuluyan na nitong napasok ang sistema niya at naiukit na ang pangalan nito sa kanyang puso?

“K-kumain ka na para makapag-swimming na ako,” aniya rito at pinilit ang sariling ngumiti rito.

Tinitigan siya ni Kyle. Nagtatanong ang mga mata kung anong nangyayari sa kanya. Imbes na magpaliwanag, isang ngiti na lang muli ang ibinigay niya rito.
Hindi ito umimik. Mukhang gets nito na ayaw niyang magsalita. Tahimik na kumuha na lang ito ng pagkain sa mesa at nag-umpisang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top