Chapter 07
NAPABUNTONG-HININGA si Sassa nang mabasa ang natanggap na text. Hindi niya alam kung ano ang ire-reply niya roon. Pwede siyang sumagot na “okay” or pwede rin namang “ayoko nga”.
“Pupuntahan mo?” Napaangat ng tingin si Sassa kay Italia. Nakasilip ito sa kanyang cellphone kaya malamang nabasa nito ang text.
Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa niya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mesa. “Oo?”
“Gaga! Pupuntahan mo talaga? Eh, 'di ba nga pinaiyak ka niyan? Masokista ka talaga ng taon!” Umiikot ang mga matang wika ni Italia at pinameywangan siya.
Napasimangot siya. “Maka-gaga naman 'to! Eh, ano naman? 'Di naman naging kami. Ako lang ang makakaramdam ng awkwardness kung sakali. 'Tsaka nakakahiya naman kung sakaling tumanggi ako. Baka sabihin, iniiwasan ko siya.”
Ang totoo niyan ay nakatanggap siya ng text kay Ranz. Sinasabi nito na gusto nitong makipag-bonding sa kanya dahil ‘miss’ na raw siya nito at gusto siya nitong ipakilala sa girlfriend nito.
Okay lang naman na sa kanya kung sakali. Wala na rin naman siyang nararamdaman dito kaya okay lang makipagkita rito. Pero isang parte niya ang umaayaw. Kahit naman kasi na sabihing move on na siya rito, nandoon pa rin ang inis niya dahil pinaasa siya nito. Isa pa, ipapakilala pa siya nito sa babaeng naging dahilan kung bakit insekyora na naman siya.
“Ewan ko sa’yo, Sassa! Ipagtitirik ko na lang ng kandila 'yang puso mo mamaya. Paniguradong deads na naman 'yan kapag nakita mo ang malandot na lalaking iyon,” nakaingos na wika ni Italia at nilayasan na siya. Ni hindi man lang nito tinapos ang paglilinis sa katabing mesa ng nililinisan niya.
Napailing na lang tuloy siya. Palibhasa kasi akala ng mga kaibigan niya ay nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon kay Ranz kaya gan’on na lang maka-react ito.
Kung alam niyo lang friends. Iba na ang apple of the eye ko, jusme!
HINIHINGAL na huminto si Sassa sa pagtakbo at nakangiting sinalubong si Ranz. Late na kasi siya ng halos isang oras dahil tumulong pa siya sa mga gawain sa café. Isa pa ay panay ang talak sa kanya ng mga kaibigan na huwag siyang makipagkita kay Ranz pero dahil naka-oo na kasi siya ay sumige pa rin siya.
“Sorry for being late,” aniya rito at huminga ng malalim para kalmahin ang baga. “Kanina ka pa ba?”
“It’s fine, Sassa. Do you want to rest muna? Mukhang napagod ka sa pagtakbo,” nakangiting wika sa kanya ni Ranz.
Umiling siya. “Okay lang ako,” nakangiting sagot niya at inikot ang paningin. Napansin niyang wala itong kasama. “Nasaan na ang girlfriend mo? Akala ko kasama mo siya?”
“Erin’s not here. Unfortunately, nagkaroon ng emergency meeting sa pinapasukan niyang trabaho kaya hindi siya makakarating,” paliwanag nito.
Somehow, Sassa felt relieved. Siguro kasi ay ayaw niya talagang makilala kung sino ang babaeng pinalit sa kanya ng paasang lalaki.
“So, anong gagawin natin?” Mayamaya’y tanong niya.
Kasalukuyan silang nasa MOA. Doon kasi napili ni Sassa na makipagkita kay Ranz. At katulad ng inaasahan niya ay napakaraming tao roon.
“Hmm, we can watch a movie and then kung gusto mong mag-ice skating, we can try that too,” nakangiting sagot nito.
Nakangiting napatango siya rito. Gusto niya ang ideya nito. “Okay. Let’s go!”
Ranz came to her and to her surprise, hinawakan siya nito sa kamay.
“I’m sorry. Habits are really hard to break,” apologetic na wika ni Ranz sa kanya na napansin siguro na natigilan siya nang hawakan nito ang kanyang kamay.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala na ang pamilyar na pakiramdam niya sa tuwing mapapadikit siya rito. Ah! Confirmed. Wala na talaga siya ni katiting na feelings para rito.
“It’s okay,” aniya. “Kaso baka mag-selos ang girlfriend mo kapag nakita kang may ibang hawak na kamay.”
Bumitaw si Sassa sa pagkakahawak ni Ranz sa kanya. Ngumiti lang ulit ito sa kanya at humihingi ng tawad na tiningnan siya.
They walk past through the people who were also strolling in the mall. Dahil nga sobrang dami ng tao ay napapahuli ng lakad si Sassa. May pagkakataon pa na nababangga siya. Nakita iyon ni Ranz kaya naman muli nitong hinawakan ang kanyang kamay.
“Hanggang makarating lang tayo sa sinehan. Baka kasi bigla ka na lang mawala sa dami ng tao,” biro nito sa kanya.
Natatawang napatango na lang siya rito at hinayaan na lang itong hawakan ang kanyang kamay.
Nang sumakay sila ng escalator ay biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib.
Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya o ano pero parang nakita niya si Kyle. He was staring back at her with intimidating look on his face.
Was she dreaming? Pinaglalaruan ba siya ng kanyang paningin? At kung sakaling totoo ngang nakita niya ito, ano naman ang ginagawa nito roon? At bakit gan’on na lang kasama ang tingin na ibinabato nito sa kanya?
“You okay?”
Naagaw ang atensyon niya ni Ranz. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
Lito man ang kaloob-looban niya ay napatango na lang siya rito.
Guni-guni mo lang 'yon, Sassa.
TAWA ng tawa si Sassa matapos nilang lumabas ng sinehan. Nanood kasi sila ni Ranz ng isang comedy fillm at dahil mababaw ang kaligayahan niya ay mabilis na nakuha ng palabas na iyon ang kanyang kiliti.
She really enjoyed Ranz’ company. Kahit naman kasi sabihin na kalahi nito ang Pagsanjan falls dahil dakilang pa-fall ito, mabait naman ito at sweet. May pagka-madaldal din ito kaya walang boring moments sa pagitan nilang dalawa.
“Shall we eat first bago tayo mag-ice skating?” Nakangiting tanong sa kanya ni Ranz.
Tumango siya rito bilang pagsang-ayon. “Sige. Medyo nagutom din ako. Bitin ang popcorn na kinain natin.”
Ranz laughed at her. “I figured. Ikaw pa. May dragon 'ata diyan sa tiyan mo. Eh, ang payat-payat mo naman.”
“Hindi lang dragon. May anaconda pa. Marami akong pinapakain sa tiyan kaya palaging tag-gutom,” tumatawang sagot niya.
Naghanap sila ng makakainan. Dahil trip ni Sassa na kumain ng pizza ay sa isang pizza parlor sila nagpunta.
Kahit na tumatawa at nag-e-enjoy siya sa daldalan nila Ranz, nakakaramdam ng uneasiness si Sassa. Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya ay may pares ng mga mata na nakasunod sa kanya kanina pa. Kahit nga sa loob ng sinehan ay gan’on din. Pilit niya lang isinasantabi.
'Di kaya nagising ang sixth sense ko? OMG! 'Di kaya may multong sumusunod sa akin?
Kinilabutan siya sa naisip. Though, hindi naman siya takot sa mga multo-multo, iba pa rin ang nakakaramdam at nakakakita.
“Sorry nga pala kung 'di ako nakarating sa opening ng Break-up café, 'Sa. Nagkaroon kasi kami ng out of town na seminar that day kaya 'di ako nakarating,” wika ni Ranz sa kanya habang kumakain sila.
To be honest, laking pasalamat ni Sassa n’ong hindi dumating si Ranz sa opening ng café. She was still hurting that time. At baka kung nagpakita ito ay malamang nabugbog niya ito at nakuyog din ng mga kaibigan niya.
Kahit naman kasi bully ang mga friends niya, kapag alam ng mga ito na may nanakit sa kanya ay nagiging kalahi ang mga ito ni Gabriela Silang at handang lumusob sa gyera para lang makaganti sa nanakit sa kanya.
“Okay lang,” sabi niya matapos sumubo ng pizza. “You can always drop by kung may oras ka.”
Out of courtesy ay sinabi niya iyon kay Ranz. Pero dalangin niya ay hindi ito magpunta sa café. Hindi niya kasi masisigurong makakauwi pa ito ng buhay kapag nakaharap nito ang mga kaibigan niya.
“I will. Medyo busy lang talaga ngayon dahil sa trabaho,” anito at tumingin sa kanya. “Wait may dumi ka…”
Instead of finishing his sentence, umalis si Ranz sa kinauupuan niya at lumapit sa kanya. Pinunasan nito ang gilid ng kanyang labi. She was taken aback because of that pero mabilis din siyang nakabawi. Nginitian niya ito at nagpasalamat.
Pabalik na sana si Ranz sa kinauupuan nang biglang may bumunggo rito. Bahagya tuloy itong napaatras dahil sa nangyari at muntik ng matumba.
Kunot noong mabilis na lumipad ang tingin niya sa lalaking bumunggo rito. And lo and behold! Hindi na siya namamalikmata sa pagkakataong iyon. Siguradong-sigurado siya na si Kyle ang nakikita niya. At lukot na lukot na naman ang mukha nito habang nakatingin kay Ranz na masama na rin ang tingin dito.
“Kyle…”
Ranz looked at her. Mukhang nakuha niya ang atensyon nito nang tawagin niya si Kyle.
“Do you know him, 'Sa?”
“A-ah, yes…” Muling ibinaling ni Sassa ang tingin kay Kyle. “What are you doing here, Kyle?”
Bumaling ang tingin ni Kyle sa kanya. The old Kyle she’d known is back. Walang kangiti-ngiti sa labi nito at para bang handa siya nitong tirisin kapag nagkamali siya magsalita.
“Why? Am I not allowed to eat here?” Masungit na balik nito sa kanya.
Napipilan siya. Oo nga naman. Bakit ba ang tanga ng tanong niya? Malamang ay naroon ito para kumain.
“T-that’s not what I meant…”
Linsyak! Nara-rattle siya sa presensya ni Kyle. At hindi niya alam kung bakit. 'Yong feeling na nahuli siya na may ginawang krimen at si Kyle ang prosecutor. Gan’on ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
“Bro, aren’t you going to say sorry?”
Napatingin si Sassa kay Ranz. Kita niya sa mukha nito na inis ito. Well, naiintindihan naman niya ito dahil nabunggo ito at muntik ng matumba.
Kyle looked at Ranz with smirk on his face. “Don’t call me ‘bro’, I don’t even know you.”
Nanlaki ang mga mata ni Sassa! Goodness gracious! Lumabas na naman ang kalahi ni Lucifer! Nagmamaldito na naman si Kyle!
“Kyle!” Saway niya rito. “That’s rude!”
Bumaling ang tingin sa kanya ni Kyle. Masama ng tingin nito sa kanya na para bang kulang na lang ay gusto siya nitong isako at ipatapon kung saan.
“You’re not the one to tell, Sassa,” anito.
Lumapit sa kanya si Kyle. Sa gulat niya ay kinuha nito ang kanyang kamay at pinatayo siya.
“We’re going,” nakangising wika nito kay Ranz at matapos ay hinila na siya palabas ng kainan na iyon.
Dahil nabigla sa pangyayari, hindi na nakaimik si Sassa. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam kay Ranz at hinayaan na lang niya si Kyle na tangayin siya.
Kyle let go of her hand nang makarating sila sa kotse nito. He’s still have that annoyed look on his face matapos siyang pagbuksan ng kotse nito.
“Get in,” anito.
Walang imik na sumunod na lang siya rito.
“Bakit mo ginawa iyon?” Mayamaya’y tanong niya kay Ranz nang umandar na ang kotse nito.
Naiinis siya dahil sa ginawa nito kay Ranz. Kahit naman kasi na nasaktan siya dahil kay Ranz ay itinuturing niya pa rin itong kaibigan. At hindi niya gets kung bakit gan’on na lang ang inakto ni Kyle dito.
Hindi sumagot si Kyle sa tanong niya. Nananatili ang mga mata nito sa daan.
“Kyle!” Sa inis niya ay napasigaw na siya.
“What?!” Ganting sigaw din nito sa kanya.
Nag-iinit na ang bumbunan ni Sassa. Gusto niya ng paliwanag pero ang bakulaw na lalaki ay wala man lang 'atang balak ibigay iyon sa kanya. Sinigawan pa siya nito.
“What the hell was that, Kyle?!” Muling sigaw niya.
“Then, what the hell was that, Sassa?!”
Napatanga si Sassa. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinupunto ni Kyle. Bakit ba ito nagagalit sa kanya? Inaano niya ba ito? Hindi niya deserve ang masigawan kaya bakit siya nito sinisigawan na akala mo siya ang may nagawang kasalanan?
“Ano bang problema mo? Inaano ba kita? Bakit nagagalit ka?!”
“Your stupidity is what’s making me angry, Sassa!”
Muling natigagal si Sassa sa narinig. Ano bang pinagsasabi nito? Anong katangahan ba ang pinupunto nito?
“Can you at least be clear? 'Di ko kasi gets kung anong ipinupunto mo!”
Iginilid ni Kyle ang sasakyan at matapos ay ihininto iyon. Inihilamos nito ang kamay nito sa mukha tsaka siya binalingan ng nagbabangang tingin.
“Are you really that stupid, Sassa? Sinaktan ka na n’ong tao tapos nakipag-date ka pa rin? At alam mo na ngang may girlfriend na pero nilalandi mo pa? Where’s your dignity? I didn’t know that you’re such a flirtitous bitch!”
Isang malakas na sampal ang sinagot ni Sassa sa tanong na iyon ni Kyle. Galit na galit siya. Buong buhay niya ay wala pang nakapagsabi sa kanya ng ganoong kasakit na salita.
Siya malandi? Kailan pa? Kung malandi siya ay sana lahat ng mga nagustuhan niya noon ay inagaw niya sa mga naging girlfriend ng mga ito. Tinatawag na nga siyang masokista ng mga kaibigan niya dahil masyado siyang mapagparaya. Na kahit gusto niya ang tao ay hahayaan niya na lang ito sa taong gusto nito.
Kaya anong karapatan ni Kyle na sabihan siya ng ganoon? Hindi siya nito kilala kaya wala itong karapatan na husgaan siya nito.
“Hindi mo 'ko kilala kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan,” galit at may diing wika niya. “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang impormasyon tungkol kay Ranz pero para sa ikalilinaw ng judgmental mong isip, hindi ko nilalandi si Ranz! Hindi ako tanga para maging third party ng isang relasyon! I’m too good for that, Kyle!”
Naramdaman niya ang panunubig ng kanyang mga mata. She’s hurt. Masakit na marinig sa taong gusto mo na hinuhusgahan ka. At mas masakit lalo na kung ang hinuhusga sa’yo ay taliwas sa kung ano at sino ka.
“Sassa…” Tiningnan siya ni Kyle na may litong ekspresyon. Mukhang hindi nito inalintana ang pagkakasampal niya rito at bagkus ay mas mukhang apektado ito sa nakikita nitong galit sa kanyang mga mata.
“Your words are really sharper than a sword. I commend you for that,” she spat. “Huwag ka nang magpapakita sa akin, Kyle. Baka hindi kita matantya at mabugbog na kita sa susunod.”
With that, bumaba siya sa sasakyan nito at umiiyak na naglakad palayo rito.
Pakyu ka, Kyle! Maputulan ka sana ng dila!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top