Chapter 06
“KUMUSTA date? Enjoy ba?”
Isang malakas na hampas sa balikat ang sinagot ni Sassa sa tanong na iyon ni Taki sa kanya. Napa-aray tuloy ito sa ginawa niya kaya naman iningusan siya nito.
“Mukhang enjoy, Taki. 'Ganda ng ngiti kanina pa, eh. Full bloom pa ang aura. May after effect kahit noong linggo pa nangyari ang date,” nakangising wika naman ni Aryan na may hawak ng libro.
“Pwede ba? Hindi iyon date! Jusme! Pahamak ka talaga Taki kahit kailan! I should have declined your offer una pa lang. Alam kong 'di mo padadaliin ang buhay ko. Bakit ba hindi ko agad naisip 'yon?” Nakaismid na sabi niya.
Kasalukuyang nasa Break-up Café si Sassa. Pagkagaling niya sa trabaho ay dumiretso siya agad doon para bungangaan ang kaibigang si Taki. Kahit naman kasi na na-enjoy niya ang pagpunta nila ni Kyle sa amusement park n’ong Sunday ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang pahamak na kondisyon nito sa lalaki.
“You should be grateful Sassa instead of hating me,” ani Taki at tumawa. “Ayaw mo n’on? Nagawa mo nang harapin ang isa sa mga kinatatakutan mo? Kung hindi ko ginawa iyon, you’ll never feel the joy of riding a roller coaster!”
“Joy ka diyan?! It’s hellish! Gosh! Kung alam mo lang! Feeling ko panandaliang nawala ang kaluluwa ko dahil sa roller coaster na 'yon!”
“Still, you survived,” maagap na sagot nito at kapagkuwa’y nakangising iwinasiwas ang isang kamay. “But enough of that. I want to hear if you really enjoy your date with Kyle.”
“It wasn’t a date for pete’s sake!” Asar na sagot niya.
“It was!” Sabay na sagot naman ng dalawa.
Pinaikutan niya ito ng mga mata. “Oh, eh 'di kayo na! Kayo ang nagpuntang amusement park n’ong sunday. 'Eh, 'di date ang itawag niyo!”
Aryan and Taki laughed at her sarcastic remark. Matapos ay lumipat ng upuan si Taki at tumabi sa kanya. Nangalumbaba ito habang may malapad na ngiti sa labi nitong tinitigan siya.
“'Di nga, Sassa? Kumusta si Kyle? Kumusta ang lakad niyo? World war four pa rin ba?” Tanong nito.
Sassa immediately averted her eyes. Hindi niya gusto ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ni Taki. Pakiramdam niya ay binabasa nito ang kaloob-looban niya at alam niyang in no time ay may mapapansin na ito sa kanya.
“Okay lang,” aniya at pilit na pinakaswal ang boses. “Bukod sa halos mamatay-matay ako sa roller coaster, okay lang ang mga sumunod na nangyari.”
Never she will confess na na-enjoy niya ang lakad nila ni Kyle sa mga kaibigan. Dahil kapag ginawa niya iyon ay paniguradong siya na naman ang nasa hot seat. Magiging tampulan na naman siya ng tukso at paniguradong mabu-bully na naman siya. Knowing her friends, kapag nakakita ang mga ito kahit na maliit na pagkakataon ay hindi palalagpasin ng mga ito 'yon.
Nakita niya sa kanyang peripherals na nagkatinginan si Aryan at Taki matapos marinig ang sagot niya. Kapagkuwa’y isang ngiting nakakaloko ang muling gumuhit sa labi ng mga ito.
“Okay lang means wala ng giyera at in good terms na. Wow! From hate to love, ang bilis!” Ani Aryan at tumatawang nakipag-apir kay Taki.
“Mga baliw! Hate to love ka diyan? You and your assumptions, Aryan! Eh, kung hambalusin kita ng librong hawak mo, gusto mo?” Nakasimangot na sabi niya kay Aryan.
“Kaya mo? Baka bago pa tumama sa akin 'yan, nabalian ka na ng kamay,” nakangising hamon sa kanya nito.
Napasimangot na lang siya. Takot niya lang kay Aryan na totohanin iyon. Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinakabruskong kumilos. Kaya nga ito napagkamalan dati na tomboy kasi may pagka-lalaki ito kumilos.
“Pero 'di nga Sassa? Okay na kayo ni Kyle?” Tanong muli ni Taki.
Muling napaikot ang kanyang mga mata. “Para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo, yes, kamahalan. Isa pa, kailangan naming magbati kasi kung 'di namin gagawin 'yon, 'di naming magagawa ang kabaliwan mong kondisyones, duh!”
Napapalakpak si Taki sa sagot niya. Akala mo ay nanalo ito ng award sa lapad ng ngiti nito dahil sa sinabi niya.
“My ship is sailing!” Humahalakhak na sabi nito at binalingan si Aryan. “Aren’t I good, Aryan? Magpalit na kaya ako ng profession?”
Tumawa si Aryan sa sinabi nito. “Stick with your job, Taki. Let that cute little boy with bow and arrow in his back do his work.”
Hindi slow si Sassa para hindi maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng kaibigan. Ngayon ay napatunayan niyang tama nga ang kanyang hinala! Taki is playing a matchmaker between her and Kyle. Pero sorry na lang ito, hinding-hindi ito magtatagumpay!
Hindi nga ba, Sassa? Bakit parang iba-ibang ang reaksyon mo n’ong kasama mo si Kyle n’ong Sunday? Lihim na ipinilig niya ang kanyang ulo at napasimangot sa bulong na iyon ng kanyang isip.
“Ship ka diyan, Taki! I know what you are planning at 'di ka magtatagumpay sa plano mo!” She said with smirk on her face. “Tsaka, 'di ka ba nag-aalala, bru? What if hindi pumayag ang parents mo na 'wag kayong magpakasal ni Kyle? At hindi mo matupad ang kasunduan niyo? Kawawa naman 'yong tao. You know his condition and it will be very difficult on his end kapag hindi nangyari ang plano niyo.”
Kinindatan siya ni Taki. “Don’t worry, Sassa. Everything is under control,” cool na sagot nito.
Kahit na malaki ang tiwala ni Sassa kay Taki ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Taki is the heiress of one of the richest family in the Philippines. At sigurado siyang malaki ang magiging benefit ng political marriage nito kay Kyle kahit pa sabihing pabagsak ang kompanya ng huli. Somehow, she knows the twists and turns of conglomerates dahil anak din siya ng isang businessman. Surely, the merger of the companies of both parties will gain more investments in the near future. Kaya iyon ang plinano ng mga magulang ni Taki.
“Ewan ko sa’yo,” sagot na lang niya at bumuntong-hininga. Kapagkuwa’y nakasimangot na tiningnan niya ulit ito. “What’s your next condition? Sabihin mo na para makapag-isip ako kung gagawin ko o hindi. Baka mamaya, death-defying stunt na naman 'yan, eh!”
Taki laughed again. “Ang sabihin mo, miss mo agad si Kyle kaya gusto mong malaman kung ano ang susunod na kondisyon. Nahiya ka pa. You know naman na pwede kang maging honest sa amin, 'di ba?”
Nag-init ang pisngi ni Sassa dahil sa sinabi ni Taki. Tinamaan kasi talaga nito ang pinupunto niya. Kahit na anong tanggi niya kasi sa kanyang sarili ay nami-miss niya talaga ang presensya ng lalaki.
Though they had fought endless times before, knowing the side of Kyle she’d seen last Sunday makes her want to know him more. See him more. And if possible, be with him more.
Doomsday, Sassa! You just confirmed na pasok na siya sa crush-meter mo!
Lihim siyang napabuntong-hininga. Oo na. Hindi na niya itatanggi. Tinamaan na siya ng lintik na crush sa lalaki. She had felt the attraction before n’ong unang beses sila nitong magkita. At sa maikling panahon ay mabilis iyong lumago. Even she hated him for being rude and snob, hindi rin niya maitatanggi na may magaganda rin itong katangian. Mga katangian na mas lalong nakadagdag ng atraksyon niya rito.
“Spell asa, Taki?” Aniya at pinaikutan niya ito ng mga mata. Pilit niyang itinatago ang kompirmasyon sa mukha niya na tama ito sa sinabi nito. “Gusto ko lang matapos na para wala ng problema at makita ko na si Taehyungie mahal!”
“Liar!” Taki smirked. “But anyways, as for the second condition, hintay lang. I’ll be sending it to both of you so prepared, okay?”
Taki rose from her seat and immediately went to the mini-stage and played the piano. Ni hindi man lang siya nito hinintay na makapag-react at nilayasan siya nito. Napailing na lang tuloy siya rito.
“I think someone will be in a relationship in no time soon,” narinig na lang niyang pakantang wika ni Aryan at sumipol. Tumayo na rin ito at iniwan siya sa mesa.
DAHIL tapos na ang office hours, mabilis na iniligpit ni Sassa ang gamit niya. Hindi siya mag-o-overtime ngayon dahil plano niyang magpunta sa mga furniture shops para tumingin ng magagandang furnitures na pwede niyang gamitin sa layout ng ginagawa niyang interior design. Mayroon kasi siyang kliyente ngayon na masyadong maselan at gusto nito ay maganda at organize ang gagawin niyang interior sa bahay nito.
Binuksan niya ang drawer sa ibaba ng kanyang working table para kunin ang bag niya roon nang makarinig siya ng impit na tili at bulungan ng mga katrabaho niya. Napaangat tuloy siya ng tingin at tiningnan ang mga ito. Napakunot ang noo niya nang makita na tila kilig na kilig ang mga ito habang nakatingin sa iisang direksyon.
Lumipad ang tingin niya sa tinitingnan ng mga katrabaho niya. At nagulat siya nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Si Kyle! Ang bakulaw na si Kyle ay nakatayo sa pinto ng opisina habang inililibot ang tingin sa paligid! Napatayo tuloy siya ng wala sa oras.
Anong ginagawa niya rito?
Nakailang beses na ring punta si Kyle sa building na pinagtatrabahuhan niya. Pero ito ang unang beses na dumiretso ito sa opisina nila. At napapaisip tuloy siya kung bakit.
“Sassa!”
Ang mga mata ng mga ka-opisina niya ay mabilis na natuon sa kanya nang tawagin siya ni Kyle. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkailang dahil doon.
“Boyfriend mo, Sassa? Ang gwapo, ha?” Kinikilig ng tanong sa kanya ni Meng, kapareho niyang interior designer at nasa kanang cubicle niya lang.
Isang alanganing ngiti lang ang sinagot niya rito at nagmamadaling pinuntahan si Kyle. Matapos ay hinila na niya ito palabas ng opisina. Ayaw niyang manatili sila roon ni Kyle sa opisina. Knowing her working mates, paniguradong may tsismis na namuo roon. At siya ang topic.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya nang nasa elevator na siya.
Though she’s happy to see Kyle, hindi niya maiwasang makaramdam ng gulat dahil sa pagpunta nito sa opisina nila.
“Binigay na ni Taki 'yong pangalawang kondisyon niya,” sagot nito at pinindot ang ground floor button ng elevator.
Pakiramdam ni Sassa ay lumagpak ang confidence niya. Aaminin niya, akala niya ay binisita siya ni Kyle sa opisina dahil gusto siyang makita nito. Kahit papaano naman kasi ay in good terms na sila at masasabi niyang magkaibigan na sila nito.
Pero asa pa siya. Malamang ay lalapit lang ito sa kanya dahil sa kondisyon ni Taki. At medyo na-hurt ang nag-iinarte niyang feelings dahil doon.
Ayan! Asa pa, Sassa! Saya 'no? Asa-dora ka talaga ng taon!
“Anong kondisyon niya?” Ayaw man ipakita ni Sassa ay naiinis talaga siya. Hindi niya tuloy naiwasan na magtaray sa tanong niya.
“Ang sabi ni Taki, kailangan kong kainin ang mga paborito mong pagkain at video-han ulit,” sagot nito na tila ba hindi nito napansin ang masungit niyang aura.
Lumipad ang tingin niya rito. Medyo tumaas ng point one percent ang na-down niyang confidence. Sa wakas ay may naisip ding matinong kondisyon si Taki!
Dahil na-bad mood siya kay Kyle, tama lang na kumain siya ng mga pagkain na gusto niya ngayon. Ipagpapaliban na lang muna niya ang pag-iikot sa mga furniture shops. Pwede naman niya iyon gawin bukas.
“Ano ba ang mga paborito mong pagkain?” Tanong sa kanya ni Kyle habang nakapamulsa.
Tinitigan niya ito. Kapagkuwa’y napangisi siya. Mukhang hindi nito masisikmura ang mga pagkain na gusto niya. Dahil RK ito, mukhang hindi pa ito nakakakain ng mga pagkaing gusto niya. Isa pa, dahil may lahi itong intsik (itsura pa lang, kita na), paniguradong isa ito sa mga taong mahilig sa malalasang pagkain. Which is kabaligtaran ng iba niyang paboritong lantakin.
Feeling niya ay biglang sumulpot ang invisible niyang sungay. Revenge two point zero ang peg niya. At laking pasalamat niya kay Taki dahil iyon ang naisip nito.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kay Kyle at tinapik-tapik niya ang balikat nito. “You’ll see later. Sana ma-enjoy mo ang foodtrip natin ngayon.”
Nagdududang tiningnan siya ni Kyle. Mukhang nakakaramdam ito ng masamang pangitain. Tulad ng masamang pangitain na naramdaman niya n’ong ginawa nila ang unang kondisyon ng baliw niyang kaibigan.
Bwa-ha-ha! Ikaw naman ngayon ang mahirapan, Kyle!
NAPATULALA na lang si Sassa habang vini-video-han si Kyle na maganang kumakain ng ceasar salad. Hindi niya akalain na mahilig din pala sa damo ang lalaki! Ang alam niya kasi sa mga intsik ay karamihan sa kanila ay hindi mahilig sa mga raw vegetables. Mas okay pa kasi sa mga ito na kumain ng raw meat at seafood pero hindi ang gulay. Sa pagkakaalam niya, mahilig ang mga intsik sa malalasang pagkain. At ang kumain ng bland na pagkain ay hindi nila gusto.
“'Yong totoo, may lahi ka talagang intsik?” Manghang tanong niya kay Kyle. “'Di ba 'di kayo mahilig sa mga vegetable salad? Bakit parang sarap na sarap ka diyan?”
Nag-angat si Kyle sa kanya ng tingin matapos ay pinunasan ang bibig. Ngumisi ito sa kanya. “I’m not pure Chinese, Sassa. And please, do not generalize. Kahit anong lahi, may iba’t iba pa ring preferences sa pagkain ang mga tao. Isa pa, dito ako lumaki sa Pilipinas at ang nanay ko ay Filipina kaya sinanay niya ako kumain ng mga ganitong klaseng pagkain. I can even eat carrot right in your face if you want.”
Napailing-iling si Sassa. “No…need. Sige, kain ka pa.”
Palpak ang revenge ni Sassa! Akala niya ay pagkakataon na niyang makabawi ulit sa lalaki ngunit napahiya siya. Mukhang mas nag-e-enjoy pa ito sa kondisyon ni Taki kaysa sa kanya.
“Why do you look disappointed, Sassa?” Tanong sa kanya ni Kyle.
Nakangisi pa rin ito sa kanya at tila alam nito ang tumatakbo sa kanyang utak. Napairap tuloy siya rito.
“Hindi, ah! Bakit naman ako madi-disappoint? Kain ka lang, masarap 'yan,” nakaingos na sabi niya at binigyan na lang niya ng pansin ang pagkain niya.
She heard Kyle chuckled but didn’t bother to talk. Dahil tapos na itong kumain ay siya naman ang pinagmasdan nito. At nailang na naman siya.
Being under Kyle’s gaze is really making her feel tense. May kung anong naglilikot din sa tiyan niya na mas nakakadagdag ng edgy feeling na nararamdaman niya. Gusto niya itong sawayin sa ginagawa nitong paninitig ngunit hindi niya magawa. Pakiramdam niya kasi ay kapag sinalubong niya ang tingin nito ay maipagkakanulo niya ang sarili. Na baka malaman nito na may crush na siya rito.
Matapos ang pahirapang pagkain ni Sassa ng vegetable salad dahil sa mariing paninitig ni Kyle ay nag-aya na siyang lumabas sa restaurant na iyon. Mayroon pa siyang balang natitira. At sisiguraduhin niyang sa pagkakataong iyon ay mangyayari na ang revenge na gusto niya.
Dinala niya si Kyle sa hilera ng mga stall na puro street food ang itinitinda. She immediately saw disgust in Kyle’s face nang tingnan nito ang mga pagkain.
“Ready ka na ba?” Tanong niya kay Kyle na mayroong malapad na ngisi sa labi.
Kyle looked at her. Bahagyang nakataas ang isa nitong kilay ngunit wala naman itong sinabi. Tumango lang ito sa kanya bilang tugon kaya naman maligaya siyang nag-umpisang um-order.
Una siyang um-order ng one-day old chicken. Of all street foods, iyon talaga ang pinakapaborito niya at binabalik-balikan niya.
Nang tanggapin ni Kyle ang maliit na mangkok na may lamang one-day old chicken ay napahalakhak siya ng malakas. Napapangiwi pa kasi ito habang tinitingnan ang pagkain. Na para bang kulang na lang ay sumuka ito sa kanyang harapan.
She readied her camera. She will not miss this! Dagdag koleksyon na naman niya sa mga epic na reaksyon ni Kyle sa paggawa ng mga bagay na hindi nito gusto.
“Kain na. Masarap 'yan, pramis,” tumatawang sabi niya.
Gusto niyang supilin ang tawa niya ngunit hindi niya magawa. Nakaagaw na tuloy siya ng atensyon na pati ang kasabayan nilang um-order at kumakain doon ay napapatingin na sa kanila.
Napapailing na nag-umpisang kumain si Kyle. At sa gulat niya ay walang ano-anong naubos nito iyon. Na para bang sarap na sarap ito sa kinain! For the nth time ay natulala na naman siya at halos malaglag ang panga niya sa nakita. Hindi niya akalain na kakainin iyon ni Kyle!
“G-gusto mo pa?” Manghang tanong niya rito nang ilapag nito ang mangkok na walang laman.
“Yes. Order ka pa nga,” anito at ngumisi sa kanya.
Naguguluhang tinitigan niya ito. “Akala ko…akala ko ayaw mo niyan? Mukhang nasusuka ka pa kanina n’ong tinitigan mo, eh…”
Lumapit ng kaunti sa kanya si Kyle. He leaned to her giving them a small distance with each other and made her brain gone haywire.
“I just faked it,” anito at ngumising muli. “I love the mischievious look in your face when you thought I hate eating it. And your laugh, it’s really a nice sound to my ears. Nakakaaliw.”
For a split second, napakurap si Sassa. She felt her heart is on the race again. Ah! His words! Bakit ba kailangan pa nitong sabihin ang mga salitang iyon? Kinikilig tuloy ang tumbong niya! Kahit na sabihing niloko lang siya nito, ang mga sumunod na salita naman nito ay naghatid ng masarap na pakiramdam sa kanyang puso.
Pinigilan niya ang sarili na mangiti. She made a face at bahagyang itinulak si Kyle para magkaroon ulit sila ng sapat na distansya. “Badtrip ka! Panira ka ng trip! Buset!”
Kyle burst into laughing. At iyon na naman siya. Hindi na naman niya napigilan ang mapatitig dito. Kung bakit ba naman kasi ang gwapo-gwapo nito kapag tumatawa! Mas lalo tuloy tumitindi ang pagka-crush niya rito!
Um-order na lang siya ng pagkain kaysa naman hayaan ang sarili na manatiling nakatitig dito. Kailangan niyang rendahan ang puso niya! Baka kasi lumevel up lalo ang atraksyon na nararamdaman niya rito at mapunta sa iniiwasan niyang lebel. At hindi iyon pwedeng mangyari dahil alam niyang siya lang kawawa sa bandang huli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top