Chapter 05

TARAGIS ka, Taaaaaaaaaaaaaaakiiiiiiiiiiiiii! Ipapakain talaga kita sa buwaya kapag nakita kitaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!”

Kulang na lang ay lumabas ang kaluluwa ni Sassa kakasigaw. Masakit na ang lalamunan niya pero mas gugustuhin niyang mawalan ng boses kaysa kimkimin ang matinding takot na nararamdaman niya.

Kapag nakababa lang talaga siya sa roller coaster na 'yon ay unang-una niyang ililibing ng buhay ang bakulaw na katabi niya! 'Tila ba hindi man lang ito naaapektuhan ng paikot-ikot at mabilis na andar ng roller coaster. Alam niyang lihim din siya nitong pinagtatawanan dahil kita niya sa nakakalokong ngisi nito na naaaliw ito sa pagsisigaw na ginagawa niya.

Kaya pala malakas ang kabog ng puso niya kanina n’ong umalis sila sa Break-Up Café! Iyon pala ay tanda iyon ng masamang pangitain!

Ang bruhang si Taki! Ang kondisyon nito kay Kyle ay kailangan nilang sumakay sa roller coaster at dapat may video!

Hindi niya alam kung si Kyle ba talaga ang pinagti-trip-an nito o siya. Alam naman kasi nito na hindi siya sumasakay sa mga nakakatakot na rides tulad ng roller coaster pero iyon talaga ang napili nitong kondisyon!

Mapapatay talaga kita, Taki! H’wag kang papakita sa akin kundi babalatan kita ng buhay!

Halos isang oras din siyang nakipag-tug of war kay Kyle bago siya nito tuluyang nahatak para makasakay sa roller coaster.

“Isa ka pa, Kyyyyyyyyyyleeeeee! Ililibing kita ng buhay na tissue lang ang nakabalot sa’yo kapag buhay akong nakaalis ditooooooooo!” Sigaw niya pa habang mariing nakapikit ang mga mata at matindi ang kapit sa harness ng kinauupuan.

Nang tuluyang huminto sa pag-andar ang roller coaster ay nanlalatang napasandal si Sassa sa kinauupuan niya. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang tinakasan ng kaluluwa niya. Hinang-hina at nanginginig ang mga tuhod niya. Hilong-hilo rin siya at feeling niya ay may kakambal lahat ng madaanan niya ng tingin.

“Are you okay?”

Kung hindi lang siya nanghihina ay malamang nasuntok na niya si Kyle. Mukha ba siyang okay sa lagay niya? Ang lakas ding makapang-asar ng tanong nito sa kanya. Palibhasa kasi mukhang sisiw lang dito ang pagsakay sa nakakatakot na roller coaster na 'yon kaya malakas ang loob nitong mang-alaska.
Dahil pakiramdam niya ay naubos na ang kanyang boses at ni ang pag-angat ng kamay ay 'di niya magawa ay hindi na lang niya pinansin ang lalaki.

Ipinikit niya muli ang mga mata para bumawi sana ng kahit kaunting lakas pero mabilis din siyang napamulat dahil naramdaman niyang umangat ang pwet niya sa kinauupuan.

Nanlalaki ang mga matang napatingin at napakapit siya kay Kyle. Buong-kisig na binuhat kasi siya nito paalis sa cart ng roller coaster.

She heard the loud cheer from the crowd because of what Kyle did to her but it seems like it really didn’t reach her ears. All she can hear is the loud beating of her crazy heart that slowly deafening her.

Sinubukan niyang kalmahin ang nagwawalang puso ngunit matigas ang ulo niyon. As the moment pass by, mas lalong lumalakas ang kabog niyon at parang pilit kumakawala sa ribcage niya. She’s afraid that any moment, Kyle will hear it. At mas gugustuhin niyang kainin na lang siya ng lupa kaysa ang ma-kompronta kung bakit nag-iingay ang pasaway niyang puso.

C’mon, heart! When will you stop defying me?

She knows that signal. At hindi niya talaga lubos-maisip kung bakit nararamdaman niya iyon sa lalaki. She keeps on telling herself that she shouldn’t be acting like that. Pero ang pasaway na senses at puso niya. Tila may mga sariling utak na kumikilos salungat sa gusto niyang ipaunawa sa mga iyon.
Mayamaya’y naramdaman na lang niya na ibinaba siya ni Kyle sa isang bench.

“Wait here,” anito at mabilis na tumalikod sa kanya.

Hindi na siya nakapagtanong kung saan ito pupunta at napasunod na lang siya ng tingin dito.

Nakita niyang pumunta ito sa malapit na food stall at mukhang may binili. Matapos ay patakbong bumalik ito muli sa kanya at may hawak na itong dalawang bote ng mineral water.

“Here,” anito at inabot sa kanya ang tubig.

Kinuha niya iyon sa kamay nito at mabilis na ininom ang tubig. Nang sa tingin niya ay napawi na ang kanyang uhaw at nakabawi na siya ng kaunting lakas ay hinampas niya sa balikat si Kyle. Nagulat ito sa ginawa niya kaya naman sumabit siguro sa lalamunan nito ang iniinom na tubig at napaubo.

“Masaya ka na? Hindi na talaga kita tutulungan sa susunod!” Inis na sabi niya.

Sisiguraduhin niyang hindi na mauulit iyon! Kung buhay lang din naman niya ang kapalit para lang matulungan ito ay 'wag na lang. Punta na lang siya ng Korea at mag-abang na magkaroon ng fan meeting o concert ang BTS kaysa naman ilagay niya sa hukay ang isa niyang paa.

Hindi kumibo si Kyle sa sinabi niya. Sa halip, sa gulat niya ay bigla itong bumunghalit ng tawa.

It is full of sound and joy that Sassa can’t help but to stare at him. It’s the first time she saw him laughing. At ang makita ito sa gan’ong estado ay nagpakabog na naman sa kanyang puso.

She realized that Kyle is in his most handsome state kapag tumatawa ito. The happy aura radiating in him immediately takes away the nervousness, fear and irritation she felt a while ago while they were in the roller coaster.

Hindi niya lubos maisip na ang grumpy na si Kyle ay marunong din palang humalakhak. Or maybe it’s because he never show her that side of him before.

Syet na malagket. 'Wag kang pumasok sa crush-meter ko! Andwaeee! Kenaaat be, hijo!

“I’m…I’m sorry,” Kyle said trying to suppress the smile on his lips after laughing so hard. “Nakakatawa ka kasi talaga kanina…It’s as if it is better for you to jump off the cliff rather than riding that roller coaster!”

Hinampas niya ito muli ng malakas sa balikat, trying so hard na huwag ipakita rito na naaliw siyang makita ang playful side nito. “Kaya nga umaayaw akong sumakay kanina, 'di ba?! You should have been considerate! Ang sarap niyong itapon ni Taki sa Pacific Ocean!”

Kyle laughed again. For the second time. At kahit na naiinis siya dahil pinagtatawanan siya nito ay hindi niya magawang magalit dito. It’s as if he chanted a magic spell on her not to get mad and let him have fun.

“Sorry, sorry!” Tumatawang itinaas ni Kyle ang mga kamay. “Babawi na lang ako sa’yo. Say what you want. I’ll give it to you.”

Humalukipkip siya. Nangingiti na siya pero pinipigilan niya ang sarili. Tinaasan niya ito ng kilay. “Sinabi mo 'yan, ha? Walang bawian.”

Tumango ito sa kanya. “But before that, let’s eat first.”

Tumayo si Kyle sa harap niya at matapos ay inilahad ang kamay nito sa kanya.

“Let’s go,” anito.

Napalunok siya bigla. Ramdam na naman niyang may naglilikot sa tiyan niya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Kyle.

Okay, Sassa. Breathe in, breathe out. 'Di ba sabi ko sa’yo 'wag mong pansinin?

Instead of reaching his hand, nakahalukipkip na tumayo siya at tinalikuran niya ito.

Good job, Sassa. Tama 'yan. Don’t let him enter your zone or it will be the end of you.

ISANG malakas na tawa ang kumawala sa labi ni Sassa nang marinig niyang humiyaw ng malakas si Kyle dahil sa takot. Nagulat kasi ito nang biglang may nahulog na bungo sa kanilang harapan.

It’s payback time, bakulaw!

Pagkatapos nilang kumain kanina ay nag-aya siyang maglibot sa amusement park. She’s thinking hard kung ano ang ipapagawa niya sa lalaki para makaganti sa ginawa nito sa kanya kanina pero n’ong makita niya ang nakangiwi nitong ekspresyon nang madaanan nila ang horror house ay napangisi siya.

At hindi nga siya nagkamali. The almighty Kyle also has his weakness. And that is he’s afraid of ghosts and alike.

Nagmamatapang pa ito kanina na kunwari’y ay wala lang dito ang pagpasok sa horror house pero pagpasok na pagpasok pa lang nila ay napasigaw na ito agad.

Naramdaman niyang napahawak si Kyle sa sleeve ng kanyang damit kaya naman nakangising nilingon niya ito.

“Akala ko ba 'di ka takot dito?” Alaska niya.

Kyle gave her a dagger look and let go of her sleeve. Mukhang nahiya sa kanya na makita itong natatakot.

“Let’s go,” anito at nauna nang maglakad.

Hindi pa ito nakakalayo sa kanya nang napahalakhak na naman siya ng malakas dahil halos mapatalon ito sa takot nang may dumaang white lady sa harap nito. He immediately went back at her at sa gulat niya ay nagpunta ito sa likod niya at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

“OMG!” Sassa can’t help but to burst in laughing again.

Seeing Kyle’s afraid expression is so epic! Sa katuwaan niya ay inilabas niya ang kanyang camera at nag-umpisang i-video ang nangyayari.

“Shut it off, Sassa!” Kyle hissed.

She felt a tingling sensation when she felt Kyle’s breath kissed her sensitive skin. Ah, her heart! Mukhang 'di na ata uso rito ang magpahinga! It’s exercising again and she can feel that it’s making a loud noise again.
 
“W-why? I’m…I’m just documenting it,” sagot niya at pilit isinasantabi ang kaguluhang nagaganap sa kaloob-looban niya.

Though there’s still a safe distance between her and Kyle, ramdam ni Sassa ang init ng katawan nito. Dagdag pa na ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa magkabila niyang balikat.

She can see the red light flickering in her head saying she’s in the danger zone. But she can’t move. No. Hindi sa 'di siya makagalaw. Kundi ayaw niyang gumalaw dahil gusto niya ang pakiramdam na malapit ito sa kanya.

Paktay na, Sassa! He’s on the edge of your crush-meter, goodness gracious!

Lihim niyang ipinilig ang ulo. Nag-umpisa na ulit siyang maglakad. She’s not afraid of the creatures that keep on coming out just to scare them. She’s more afraid of being with Kyle every moment pass by because she knew that in a matter of time, she’ll fall to the pit that she’s been avoiding ever since she met him.

Hindi na muling napapatalon sa takot o napapahiyaw si Kyle habang binabaybay nila ang loob ng horror house. Maybe, he felt safe because he’s literally clinging to her. And thinking that she’s giving him such comfort brings unexplainable warmth to her stubborn heart.

Pagkalabas na pagkalabas nila ng horror house ay isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Kyle. Humiwalay na ito sa kanya at kita niya sa mukha nito na pilit nitong ibinabalik ang composure nitong nasira dahil sa takot na naramdaman.

Napangiti tuloy siya. She’s really glad that she was able to see that amusing side of Kyle. At gusto man niyang itanggi sa sarili niya ay gusto niya pang makita ang iba’t ibang side nito na hindi niya madalas makita.

“You’re that happy?” Kyle asked.

Hindi ito galit sa tanong nito. Wala rin ang madalas na iritableng ekspresyon nito o ang mapang-asar na ngisi nito sa labi.

He is just genuinely smiling at her. As if they never fought before over trivial things.

Malapad ang ngiting tumango siya. “I really had fun,” matapat niyang sagot.

“Well then, I’m happy that you say that,” anito at namulsa. Nakangiting inilibot ang tingin sa paligid. “It’s been a while since the last time I also had fun like this. I’ve been busy running our company and trying to save it that I forgot that I also need to relax once in a while.”

Napatitig muli si Sassa kay Kyle. Well, hindi na rin pala masama ang naging kondisyon ni Taki. Though, she almost felt like dying because of that scary roller coaster earlier, knowing that Kyle was able to free himself from stress is enough for her to forget her revenge to her crazy friend.

“Shall we make the most out of it?” Tanong niya Kyle.

Kyle nodded. And to her surprise for the nth time, inakbayan siya ni Kyle at matapos ay tumatawang hinila na siya paalis sa horror house na iyon.

THAT’S twenty five pesos, Mr. Chua. Bayaran mo 'ko!” Tumatawang sabi ni Sassa kay Kyle matapos niyang iabot ang biniling kape.

It’s already dark at mayamaya lang ay magkakaroon daw ng fireworks display sa naturang amusement park. Instead of going home, they decided to stay and watch it. Tumambay sila sa tulay na merong artificial swamp sa ibaba.

“Ang mahal naman! Ten pesos lang naman 'to sa labas. Ano 'to? Nilagyan mo ng mark-up, no?” Kyle grinned.

“Mark-up ka diyan. Kahit tanungin mo si manong na nagtitinda, 'yan ang presyo niyan. Pasalamat ka nga walang dagdag para sa effort kung bumili, eh!” Aniya at bahagyang tumalon para makaupo sa barandilya ng tulay.

“Careful!” Ani Kyle sa kanya at inalalayan siyang makaupo.

She felt her cheeks burned with the sudden gesture ngunit mabilis niya ring kinalma ang sarili at itinago iyon sa isang ngisi. “Alam mo, mabait ka rin pala, 'no? Akala ko talaga 'di uso sa’yo ang GMRC, eh. Sabi ko pa kay manong na palagi mong kasama, i-enrol ka ulit sa grade one para matuto ka, eh.”

“Manong? Ah, si uncle Rem,” anito matapos ay sumandal sa barandilya sa tabi niya. Lukot ang mukhang nilingon siya nito. “Hey! You’ve judged me without knowing the real me. And that’s rude.”

Napangiwi siya. Guilty sa sinabi nito. “Paanong hindi kita i-ja-judge? Rude mo kaya. Tapos nilait-lait mo pa ako n’ong una tayong nagkita kaya masisisi mo ba 'ko?”

Napailing si Kyle. “And here I am thinking you’ve accepted my apology before.”

“I did! Kaya lang napatungan ulit ang kasalanan mo. Natural na 'ata sa’yo ang maging masungit at may pagka-demanding makipag-usap,” depensa niya.

Bumuntong hininga ito ng marahas. “Well, sorry kung nagawan na naman ulit kita ng kasalanan. You see, I always need to look strict and impose authority. Nakasanayan na dahil nagpapatakbo ako ng kompanya at kung hindi ko iyon gagawin ay hindi ako gagalangin ng mga empleyado ko. I’m younger than them and I’m pretty sure that even if I’m the heir of the company, those who are below me and have been in our company longer than I do may feel ill about me.”

“But I’m not part of your company. Isa pa, if it’s within your business premises, okay lang ang maging strict. But once in a while, you need to show that you’re also capable of being with friends with them para wala silang masabing masama sa’yo.”

“Am I being lectured now?” Kyle smiled.

“You can say that. Or you may accept it as a free advise about good governance,” tumatawang sagot niya at kinindatan ito.

Tumawa si Kyle. Tumayo ito sa kanyang harapan at bahagyang yumukod. “Xiè xiè.”

“Talk to me in our native language. 'Wag mo 'kong i-alien talk,” aniya.

“I said, thank you,” sagot nito at bumalik na ulit sa pagkakasandal sa barandilya.

“Ah. Akala 'ko minura mo 'ko, eh!” Biro niya.

“Silly,” naiiling na nakangiting wika nito.

“Siyanga pala, anong trabaho ni Manong Rem sa’yo? Mabait iyon. 'Di katulad mo, minsan alagad ni Lucifer,” tumatawang biro niya ulit.

Tinaasan siya bahagya ng kilay ni Kyle ngunit nakangiti pa rin. “Ah, gan’on? Gusto mong ilaglag kita diyan?”

“Joke lang! So, ano nga? Anong job title ni Manong Rem?”

“He’s my secretary. He’s been actually working in our company since I was small. And I really have a high respect to him kasi napakabait niya at very efficient sa trabaho,” sagot nito.

Napatango-tango si Sassa. “At napagta-tyagaan din niya ang mood swing mo. Hands down ako kay Manong Rem. Siya na ang may pinakamahabang pasensya.”

Tinawanan lang siya ni Kyle sa sinabi niya at matapos n’on ay naagaw na ang kanilang atensyon nang mag-umpisang lumiwanag ang kalangitan.

“Wow!” Manghang bulalas niya.

The fireworks display is making a magical piece of artwork in the night sky. She has seen numerous fireworks display before. Pero pakiramdam niya ay ito na 'ata ang pinaka-magandang display na nakita niya.

And I wonder why, Sassa.

Dahil hindi siya kontento na nakaupo habang pinapanood ang display, tumayo siya sa barandilya. She almost fell. Mabuti na lang ay mabilis na nahawakan siya sa kamay ni Kyle.

Her heart start hammering again as she met Kyle’s gaze. He is looking at her with so much concern in his eyes that she can’t help but to bit her lip and silently sigh.

“Hey, bumaba ka na nga! Mahulog ka pa!” Anito habang mahigpit ang hawak nito sa kanyang mga kamay.

Nakangiting umiling siya. Ah! Bahala na si Batman! I-enjoy na lang muna niya ang nararamdaman niya ngayon. Mamaya na niya iintindihin ang danger sign na paulit-ulit na nagfa-flash sa utak niya.

Inalis niya ang isang kamay niyang hawak ni Kyle at idinipa iyon. Tumingala siya sa langit at malapad ang ngiting pinagmasdan muli ang makukulay na liwanag doon.

Ah, Sassa! Sino nga ang mortal enemy? Narinig na lang niyang bulong ng kanyang isip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top