Chapter 02

LAPTRIP ka, Sassa! Ha-ha! Pati ba naman sa damit, naaagawan ka pa rin?”

Lukot ang mukhang inirapan ni Sassa si Aryan na maiyak-iyak sa kakatawa matapos niyang ikwento sa mga kaibigan ang inabot niyang kamalasan sa mall n’ong nakaraang araw.

“Oo nga! Jusko! May ipaglalaban chenes ka pang nalalaman, ipinaubaya mo rin naman sa bandang huli 'yong damit!” Tumatawang segunda naman ni Taki sa kanya. “Hindi ko alam kung maaawa ako sa’yo o ano, eh!”

“Patayuan na kaya natin ng monumento 'tong si Sassa? Masyadong mapagbigay. 'Yong mga ganitong tao 'yong maganda pagawan ng monumento, eh!” Nagpipigil naman ng tawang sabi ni Luna na tinapik-tapik pa ang balikat niya. “Saan kaya maganda itayo ang monumento mo? Ah! Palitan natin si Bonifacio sa monumento circle. Monumento mo na lang ang ilagay natin d’on!”

“Manahamik ka, Luna! Baka gusto mong paliparin kita papuntang outerspace at magkita kayo ng mga kapwa mo buwan doon,” asar na sabi niya sa kaibigan.

“Eh, kung hindi ka rin naman kasi timang! Sinabihan na kita na kapag gusto mo, ipaglaban mo! Isa ka talagang invertebrate! Wala kang backbone,” nakangising alaska naman ni Italia sa kanya.

Iningusan ni Sassa si Italia at binato ng nilamukos niyang papel.

“Naman kasi, Sassa! 'Di ka matuto-tuto. Ilang beses ka na ba naming pinagsabihan? Kapag may gusto ka, gawin mo ang lahat para makuha mo. Whether it’s a thing or a person. Hindi naman masama ang gustuhin makuha ang mga bagay na gusto mo as long as you’ll get it fair and square,” sermon naman sa kanya ni Riva.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sassa at matapos ay pinaikutan niya ng mga mata ang mga kaibigan. “Tapos na girls. Nangyari na. Tama na ang homily. Don’t worry. Sa susunod, kung kailangan umabot sa korte ang pakikibaka para lang makuha ang gusto ko, gagawin ko.”

Napapailing na muling tinawanan siya ng mga kaibigan sa sinabi niya.
“Kailan ang susunod na 'yon, Sassa? Kapag naging apat na ang season dito sa Pilipinas?” Ani Italia na nakataas ang isang kilay.

Sumimangot siya. “Hindi imposibleng mangyari. Sa global warming ba naman, ewan ko na lang kung manatiling isang season na lang dito sa 'Pinas.”

Naramdaman niyang tinapik-tapik ni Taki ang ulo niya. “Hopeless case. Papagawan na kita ng autobiography sa kakilala kong writer nang malaman ng mga tao kung gaano ka ka-masokista.”

“Leech ka, Taki! Por que nakukuha mo palagi lahat ng gusto mo, ginaganyan mo 'ko!” Nakangusong sabi niya at nag-iinarteng humikbi.

Sa kanilang magkakaibigan ay si Taki ang masasabing kabaligtaran niya. Ito kasi ang tipo ng tao na kapag may ginusto ay gagawa at gagawa ng paraan para lang makuha iyon. Golden motto nito ang ‘What Taki wants, Taki gets’ kaya naman minsan ay nakakaramdam siya ng inggit dito. Nagagawa kasi nitong ipaglaban ang gusto nito hindi katulad niya na madalas magpaubaya.

“Tigilan mo kami sa kaartehan mo, Sassa! Hindi na bebenta sa amin 'yan. Kasalanan mo rin naman kaya ka naaagawan. Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa mga ginagawa natin. Mayamaya lang ay magbubukas na ang café natin at kailangan pulido ang grand opening natin!” Wika ni Riva at tumayo na.
Malalapad ang ngiting napatango silang lahat kay Riva bilang pagsang-ayon at tumayo na rin.

Excited silang lahat dahil ngayon ang grand opening ng kanilang café. Mayroon silang maliit na programang inihanda sa mga bisitang darating at may mumunting regalo sa mga magiging unang customer ng café. 

“Let’s do this, girls!”

KAHIT nakakaramdam ng pagod ay mataas pa rin ang enerhiya ni Sassa para asikasuhin ang mga bisita at customer ng Break-Up Café. Masaya siya dahil naging successful ang grand opening niyon.

Hapon na pero halos puno pa rin ang café dahil sa dami ng customers na naroon. Marami kasing na-curious sa café dahil sa kakaibang pangalan niyon at syempre pa dahil sa inumin at pagkain na ino-offer nila. Idagdag na rin na ilan sa mga kaibigan niya ay mga kilalang personalidad. Tulad na lang ni Luna na isang model-painter at si Taki na isang sikat na musician.

“Aryan, labas muna ako. Mag-iinat lang ako saglit at nananakit na ang ligaments ko,” mayamaya’y wika niya sa kaibigan na abala sa counter.

Nakangiting tumango sa kanya si Aryan bilang tugon kaya naman umalis na siya sa tabi nito. Pagkalabas niya ay saktong may humintong magarang sasakyan sa harap ng café. Napakunot tuloy ang noo niya dahil doon at kyuryosong dahan-dahang lumapit sa sasakyan.

Bago pa siya tuluyang makalapit ay bumukas ang pinto sa unahang bahagi ng sasakyan. At mas lalong kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang bumaba roon. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ay ang matandang lalaki na nakita niya sa mall kasama ang bakulaw na lalaki na naging dahilan kung bakit hindi niya nabili ang gusto niyang damit.
Excuse me, gwapong bakulaw na lalaki, Sassa, anang echusera niyang utak na lihim na ikinapaikot ng kanyang mga mata.

“Manong,” tawag niya sa matandang lalaki.

Nakakunot ang noong dumako ang tingin sa kanya ng matandang lalaki pero kapagkuwa’y umaliwalas din ang mukha nito nang bumakas doon ang rekognasyon.

“Oh, ikaw pala 'yan, Miss. Magandang hapon sa'yo,” nakangiting bati nito sa kanya at bahagya pang yumukod ito.

Napangiti siya. “Magandang hapon din po, manong,” aniya. “Napadpad kayo rito?”

“Ah, kasi may kailangan si—”
Hindi na natapos ang sinasabi ng matanda sa kanya nang bumukas muli ang pinto ng kotse. At mabilis na nalukot ang kanyang mukha nang makita ang pagmumukha ng lalaking hanggang ngayon ay nagpapakulo ng dugo niya sa tuwing naaalala niya ang ginawa nito sa kanya.

“Anong ginagawa mo ritong bakulaw ka?” Mataray na tanong niya sa lalaki. Pinameywangan niya pa ito at pinanlakihan ng mga mata.

Tinapunan lang siya ng tingin ng lalaki at matapos ay parang hangin na nilagpasan lang siya nito.

Napasinghap tuloy siya ng malakas at naikuyom ng mariin ang mga palad dahil sa ginawa nito. Ngali-ngali niya itong batuhin ng suot niyang high-heel sandals kung hindi nga lang nakakahiya sa mga customer na mukhang nabighani sa kagwapuhan nito dahil nakasunod ang tingin ng mga ito rito.

Naku, girls. Gwapo nga 'yan pero kapatid 'yan ni satanas!

“Manong, boss mo ba 'yon? 'Di ba siya naturuan ng GMRC? Letse! Paki-enrol nga ulit sa grade one nang matuto ng kagandahang asal!” Inis na sabi niya sa matandang lalaki na 'di niya namalayang nasa tabi na pala niya.

Nangingiting umiling sa kanya ang matanda. “Pagpasensyahan mo na miss si Sir Kyle. Hindi kasi maganda ang mood niya nitong mga nakaraang araw kaya ganyan siya kasungit.”

“Kung badtrip siya, 'wag siyang mandamay ng ibang tao! Leech siya. Ipakain ko siya sa dragon, eh!”

“Kyle!”

Naagaw ang atensyon ni Sassa pati na rin ang matandang lalaking katabi niya nang makarinig sila ng malakas na pagtawag. Nakita niya ang nakangising si Taki na tila modelong nakatayo sa pintuan ng café. Base sa ekspresyon ng kaibigan, tila ba inaasahan na nito ang pagdating ng lalaking bakulaw.

Kilala ni Taki ang bakulaw na 'yan? Takang tanong niya sa isip.

Masama ang tingin ng lalaki na padarag na inabot kay Taki ang hawak na malaking regalo. Napataas tuloy ang kilay niya.

Wala na talagang pag-asa ang lalaking ito! Kung pasamaan ng ugali in the scale of one to ten, nasa one hundred ang bakulaw na 'to!

“I give you already what you want. Sumunod ka sa kasunduan natin,” madiing wika ng lalaki sa kaibigan niya.

Umiling-iling si Taki sa lalaki at matamis na ngumiti rito. Sa tingin niya ay naka-saltik mode na naman ang kaibigan base sa nakakalokong ngiti nito.

“Not so fast, Kyle. Remember, one out of ten pa lang ang nagagawa mo,” ani Taki.

Nakita niyang naglapat ang ngipin ng lalaki sa sinabing iyon ni Taki at masama ang tingin na tinalikuran nito ang kaibigan niya.

“Hey, Kyle! Nandito ka na rin lang, meet my friends! Promise, if you do this, I’ll tell your mom that we’ve gone into date,” tawag muli ni Taki rito.

Sa pagkakataong iyon ay nakita na siya ng kaibigan. Sinenyasan siya nitong lumapit. Dahil curious siya sa pinagsasabi nito ay pinuntahan niya ito.

Pagkalapit niya ay hinawakan siya ni Taki sa kamay habang ang isang kamay naman nito ay inabot ang laylayan ng damit ni Kyle. Mukhang tatanggi pa sana ang lalaki pero bumuntong hininga na lang ito ng marahas at tila natalo sa gyerang sumunod kay Taki.

“Let’s go inside!” Masayang wika ni Taki.

Tinapunan muna ni Sassa ng masamang tingin ang lalaki bago tuluyang sumunod sa mga ito.
Pagkapasok nila sa loob ay mabilis na tinawag ni Taki ang mga kaibigan nila. Inaya sila ni Taki na maupo sa bandang dulo ng café malapit sa fire place para doon mag-usap.

“Girls, this is Kyle Marcus Chua. My fiancé!”

Halos malaglag ang panga ni Sassa nang marinig ang sinabing iyon ni Taki sa kanila. Hindi siya makapaniwala. Kailan pa nasama ulit sa dictionary ni Taki ang salitang commitment? Sa pagkakaalam niya kasi ay matagal ng burado ang salitang iyon sa bokabularyo ng kaibigan.

“Fiancé mo ang baklang 'yan, Taki?” 'Di niya napigilang bulalas niya.

Ang mga kaibigan niyang tila tulala pa sa announcement ni Taki ay mabilis natuon ang atensyon sa kanya. Mukhang nagulat din ito sa nasabi niya.

“Are you referring to me, witch?” Nagbabantang wika ni Kyle. Halatang nagpipigil ito ng galit.

Tinaasan niya ito ng kilay at humalukipkip. “Bakit? May nakikita ka pa bang ibang bakla rito bukod sa’yo, devil?”

Nakita niyang nag-igting ang mga panga ni Kyle sa sinabi niya. Kung nakamamatay lang siguro ang masamang tingin na ibinabato nito sa kanya, baka kanina pa siya nailibing.

“Hold a sec! Do you know each other, Sassa? Kyle?” Ang nakakalokong ekspresyon ni Taki kanina nang i-announce nito na fiancé nito ang lalaki ay naglaho na. Napalitan na iyon ng pagkalito at kyuryosidad habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa lalaki.

“It just so happen that that fiancé of yours ay ang taong nakipag-agawan sa akin ng dress n’ong nakaraang araw,” nakaingos na sabi niya. “Paano mo naging fiancé ang lalaking iyan, Taki? Eh, bakla naman 'yan. 'Di kayo talo niyan. Dress nga ang gusto niyang isuot, eh!”

“Shut up witch or I’m gonna wring your ugly neck!” Galit na sabi ni Kyle sa kanya.

“Try me, devil! Bago mo ko masakal, naihatid na kita sa lungga ng kapatid mong si satanas!” Singhal niya.

Stoooooooooooop!” Sa pagkakataong iyon ay si Luna na ang nagsalita. Kunot na kunot na ang noo nito na tila ba gulong-gulo na ito sa nangyayari. “Let’s talk about Taki’s engagement first to this handsome man bago ang namumuong gyera niyo, Sassa.”

Inirapan muna ni Sassa ang lalaki bago nagpasyang tumahimik.
“Okay,” panimula ni Taki. “To make the long and very cliché story short, because of family tradition, our parents decided na i-enggage kami ni Kyle. Arrange marriage per se.”

“At pumayag ka, Taki? May sakit ka ba?” Gulat na tanong ni Riva.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Taki kay Riva. “Well, if Kyle here can’t do the things I want him to do then we’ll end up getting married.”

“Shut up, Taki. I’ll never gonna marry you,” badtrip na singit ni Kyle.
Humalakhak si Taki sa sinabi Kyle. “Anyways, continuing my introduction...” Gumalaw ang mga kamay ni Taki at tinuro sila isa-isa. “Kyle, these are my friends. This is Luna, Aryan, Riva, Italia and your newly found best friend, Sassa.”

Sassa gave Kyle another dagger look. At katulad ng inaasahan niya ay gan’on din ang isinukli nito sa kanya.

“We need to talk later, Taki. We need clarifications on this,” ani Italia na mukhang na-sense 'ata na may kakaiba kay Taki.

Well, kahit siya rin. Alam niyang hindi basta-basta papayag si Taki na ma-arrange marriage lalo na’t allergic ito sa salitang commitment.

Tumango lang si Taki kay Italia bilang sagot. Pagkatapos ay sabay-sabay na dumako na naman ulit sa kanya ang tingin ng mga kaibigan.

“Now your turn, Sassa. What’s with you two?” Ani naman ni Riva at inginuso si Kyle.

Umikot ang mga mata niya. “Ang bingi niyo mga friendship! Sinabi ko na kanina, duh!” Aniya at humalukipkip. “Remember 'yong kinwento ko sa inyo kaninang umaga? 'Yong mang-aagaw ng dress? Unfortunately, that’s him. What a small world, indeed!” Sarcastic na dugtong niya pa.

Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata.

“You mean…” Biglang humalakhak si Taki. Ang malaking regalo na ibinigay ng bakulaw na Kyle dito ay binuksan nito sa kanilang harapan. At nagulat siya nang iniluwa nito roon ang damit na pinag-agawan nila ng lalaki sa mall!

“Sorry, Sassa! Ito ba 'yong pinag-agawan niyo ni Kyle? Sorry talaga. I asked him to buy this for me since it’s a limited edition. Ito dapat 'yong bibilhin ko n’ong nagpunta tayong mall pero dahil sa epal kong kapatid ay hindi ko na napuntahan. I made this dress as one of our deals ni Kyle. Kung hindi niya ito nabili, there will be a consequence on his end,” tawang-tawang sabi ni Taki.

Ah! The ever-may-saltik na Taki! Siya pala ang puno’t dulo ng kamalasang inabot niya sa bakulaw na si Kyle.

Padarag na tumayo na si Kyle. “Keep your promise, Taki. Or else, we’ll both suffer on this!”

Tumatawa pa ring iwinasiwas ni Taki ang kanang kamay. “Yeah, yeah! Aalis ka na? Kain ka muna. 'Tsaka bonding muna kayo ni Sassa. Mukhang na-miss niyo ang isa’t isa.”

“Shut up, Taki!” Inis na sabi ni Sassa na sa gulat niya ay kapareho rin ng sinabi ni Kyle.

“Talking in unison, huh? That’s nice. I can feel that something is about to happen in the near future,” ani Italia na nakangisi sa kanya.

Tumatawang sumang-ayon ang iba niya pang mga kaibigan sa sinabing iyon ni Italia at nag-apiran pa. Napaikot na naman tuloy ang kanyang mga mata.

Si Kyle naman ay gusot ang mukhang nag-walk out. Nakaismid na napasunod tuloy ang tingin niya dito.
“Alam mo, Lia, pareho kayo ng bakulaw na 'yon ng ugali. Rude,” 'di niya napigilang sabi sa kaibigan.

Isang batok ang natanggap niya rito kaya naman napa-aray siya. “Ayaw mo na bang masikatan ng araw, Sassa? Sabihin mo lang. I can make sure you’ll be in darkness forever.”

Napapangiwing hinawakan niya ang nasaktang ulo. “Joke lang. Hard mo talaga sa akin! Sabi ko nga magkaiba kayo ng ugali. Mas mabait ka sa kanya ng 0.00001 percent.”

“Pero in fairness, gwapo 'yon, Sassa. At ang cute niyo tingnan. Malakas ang chemistry niyo. Pak na pak,” singit naman ni Luna na may mapanuksong ngiti.

Pinaikutan niya ito ng mga mata. “Thanks but no thanks. Ireto niyo na ako sa iba 'wag lang sa bakulaw na 'yon. Isa pa, ikakasal na 'yon kay Taki. Mahiya kayo sa dry skin niyo.”

“Na-ah! I think you perfectly fit each other, Sassa. I will not marry Kyle if you’re concerned about that. Pinagti-trip-an ko lang ang lalaking iyon. Mas matindi pa kasi sa akin ang pagtanggi niya noong kinausap kami ng mga parents namin na i-arrange marriage kami,” malawak ang ngisi na sabi naman ni Taki.

“My gosh, friends! Are you nuts? Can’t you see? Kulang na lang patayin ko ang lalaking iyon sa asar ko sa kanya tapos makatulak kayo akala niyo kung sinong santo ang bakulaw na 'yon! Parang 'di niyo naman nakita ang pag-uugali n’on!” Pikong wika niya.

Matunog at buhay na buhay na tawa ang muling kumawala sa labi ng mga kaibigan niya dahil sa litanya niya. Mukhang na-amuse talaga ang mga ito sa nakitang bangayan nila ng lalaki.

“Sassa and Kyle. I think Cupid is having a hard time right now to shoot both of you,” nakangising wika ni Aryan at nangalumbaba pa sa mesa.

“Mga baliw!” Wika niya at nakasimangot na tumayo na. Tinalikuran niya na ang mga ito at naisipang bumalik na lang sa counter para tulungan ang naiwan nilang mga staff doon.

“Mahal mo naman!” Narinig na lang niyang sigaw ni Taki.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top