HIS POV
Dominique Lyndon Aranda
“Surprise!"
Malakas na sigaw namin nang pumasok si Dad sa loob ng bahay pagkagaling niya mula sa munisipyo. Ngayon kasi inilabas ang resulta ng botohan bilang Mayor dito sa Isla Felice at si daddy ang nangunguna.
Sinalubong namin ni Mom si Dad. Niyakap siya ni Mommy.
“Congratulations! Proud ako sa 'yo mahal. Sabi ko naman sa 'yo, mananalo ka,” sambit ni Mommy na nagpangiti kay Dad.
Maging ako ay napangiti dahil ramdam ko ang pagmamahalan nila. Hindi ko sila kailanman nakitang nagkatampuhan nang matagal. Palagi nila itong inaayos agad. Kaya naman napakasuwerte ko sa kanilang dalawa.
“Nagawa ko iyon dahil sa suporta ni'yo ni Dominique. Sa inyo ako humugot ng lakas," sagot ni dad.
“Congrats, Dad,"sambit ko naman at niyakap ko siya.
“Salamat, hijo. Balang araw ikaw ang gusto kong humalili sa posisyon ko. Tutal nasa wastong edad ka na no'n."
Ngumiti na lamang ako. Iniidolo ko si Dad kaya walang problema sa akin kung susundan ko ang landas niya.
Hindi perpekto ang pamilya namin pero masaya kami. Aaminin kong parehong mayaman ang angkan na pinagmulan ng mga magulang ko pero kahit gano'n at palagi pa rin nilang itinuturo sa akin ang kahalagahan ng pera. Na dapat pinaghihirapan ito at hindi inaaksaya.
Pero kahit gaano pa kabait at matulungin ang mga magulang ko, hindi pa rin nawawala ang mga taong naiinggit sa pamilya namin. Lalo pa ang mga kalaban ni Dad sa politika.
It's already three in the afternoon. Last subject ko na at kikitain ko si Mommy sa mall. Nagpapasama kasi siyang magshopping dahil wala siyang makasama. Ayos lang naman sa 'kin dahil wala na akong gagawin.
I started the engine of my car then I drove to the mall. Kanina nag-text si Mommy na nasa entrance daw siya at natanaw ko nga siya agad. She saw me then she waved before crossing the street.
Ngunit gano'n na lang ang pagkabigla ko nang biglang may humaharurot na motor ang bumangga kay Mommy. Sobrang bilis ng pangyayari na maging ako ay napahinto sa paglalakad. Natauhan na lang ako nang makita ko si Mom na nakahandusay sa semento, duguan. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya.
"Mom! Mom! Hold on,dadalhin kita sa hospital,"nanginginig ang boses ko maging ang buong katawan ko pero nagawa ko pa rin siyang dalhin sa kotse.
Hindi ko alam kung paano ako nakapagmaneho nang ligtas gayong napakagulo ng isipan ko. Sino ang bumangga kay Mommy? Isa na naman ba 'yun sa mga kaaway ni dad? Aksidente lang ba 'yun o sinadya?
Agad na inasikaso ng mga doktor ang Mommy ko. Hindi ko magawang kumalma dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko kakayanin kapag nawala si Mommy. Hindi ko kaya.
“Dominique? Anong nangyari sa Mommy mo? Sinong bumangga sa kanya? Ano bang nangyari?"sunod-sunod na tanong ni Dad nang dumating siya.
Tanging iling lang ang naisagot ko. Hindi ko rin alam kung sino ang gumawa nito. Hindi ko nga napigilan ang bumangga kay Mommy. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong anak.
“Sorry, Dad. Hindi ko po naprotektahan si Mom,"sambit ko at napayuko na lamang.
Niyakap ako ni Dad at muli na naman akong umiyak. Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang sa lumabas ang doktor mula sa emergency room.
“Doc, kumusta na po ang asawa ko?"tanong ni Dad.
Nagtanggal ng face mask ang doktor bago bumuntong-hininga. Kumabog ang puso ko sa kaba.
“Mayor Enrique, your wife lost too much blood. We tried to save her but her body gave up already. I'm sorry,"
Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Wala na si Mom. Wala na siya. Nawala na ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Dahil sa kapabayaan ko patay na si Mommy.
Nakita ko kung paano kuwelyuhan ni dad ang doktor.
“Bakit hindi niyo siya niligtas? Bakit hinayaan niyo siyang mamatay?!" Bulyaw ni Daddy sa doktor.
Gustuhin ko man siyang awatin, wala akong lakas.
“Mayor, we are doctors. Trabaho naming magpagaling pero hindi ang bumuhay ng patay. We understand that you are mourning but please don't blame it on us,"mahinahon pa ring sabi ng doktor.
Hindi naman talaga sila dapat sisihin. Kasalanan ito no'ng bumangga kay Mommy. Napakasama niya. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa Mommy ko.
Agad akong tumayo at akmang aalis na sana para umpisahang hanapin ang hayop na pumatay sa Mommy ko. Nilingon ako ni Dad.
“Saan ka pupunta?"tanong niya sa 'kin.
“I'll hunt that bastard who killed my Mom. Pagbabayarin ko siya sa kasalanan niya—
“Have you lost your mind? Anong laban mo sa mga taong 'yun? You're still eighteen years old and should be studying! Hayaan mong ako ang humanap sa taong 'yun at sisiguraduhin ko sa 'yong, mabibigyan ng hustisya ang Mommy mo."
Hindi na ako umimik pa dahil alam kong tama si Dad. Wala pa akong magagawa ngayon. Baka pati ako ay idamay ng mga taong gumawa nito.
True to his words, hindi nga tumigil si Dad hanggang sa tuluyan na niyang malaman kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Mom. At tama ako sa hinala ko, isa sa mga nakalaban ni Dad sa politika ang nag-utos na banggain si Mommy.
Simula ng araw na 'yon, nalaman ko kung gaano karumi sa politika. Gagawin nila lahat para hindi ka sumaya sa tagumpay na naranasan mo. Kaya sinisiguro kong hindi ako magpapakita ng kahit na anong kahinaan sa mga taong makakalaban ko. Hindi ko hahayaang masaktan din nila ang mga taong mahal ko sa buhay.
“Good evening ladies and gentlemen. I would like to express my gratitude to each and everyone of you who came here to celebrate my birthday. Alam nating lahat na ito na ang huling termino ko bilang Mayor ng islang ito. Ngunit huwag kayong mag-alala sapagkat hindi ko hahayaan na hindi mapunta sa magandang kamay ang bayang 'to. Dahil ang aking nag-iisang anak ay tatakbo bilang Mayor sa susunod na eleksyon. I would like to introduce to you, my son, Dominique Lyndon Aranda."
Nang marinig ko ang pagbanggit ni Dad sa pangalan ko ay lumabas na ako mula sa backstage. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin ngunit hindi ako ngumiti. Ayaw ko munang magsaya dahil baka matinding sakit at lungkot na naman ang kapalit nito.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita at dumapo ang paningin ko sa isang babae. She's wearing a blue gown that made her looked like a princess from a movie. I noticed that I'm staring at her too much that's why I immediately return my gaze to my father.
I don't need any distractions now that I will run as the next Mayor of this town. Kailangan nakatuon lang ang atensyon ko sa trabaho.
“So, itutuloy mo talaga ang pagiging Mayor? I thought you're just kidding," Alex said, my friend.
Napailing na lang ako sa kanya. Noon ko pa sinasabi sa mga kaibigan ko na tatakbo ako bilang Mayor, hindi lang talaga siguro sila makapaniwala. Lalo pa at puwede naman akong magpatakbo na lang ng plantasyon namin.
Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong tumili. Nilingon ko ang pinanggalingan n'on at nakita ko na naman ang babaeng nakaasul na damit at mukhang natapunan ng alak ng isa sa mga maids.
“Shit! My dress!" The lady exclaimed. She has a bad mouth, huh?
Dahil sa pagmumura niya ay nataranta si Sabelle.
“Sorry po, ma'am. H-hindi ko po sinasadya—
“Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo! Kung pabayaran ko sa 'yo ang dress na 'to? I'm sure you're income is not enough."
Okay. That was below the belt. Mukhang kailangan ko ng pumagitna sa gulo nila.
”Bumalik ka na sa pwesto mo,”sambit ko at agad na umalma ang babaeng nasa harap ko.
“No! Bakit mo siya pinapaalis? She ruined my dress. Ganyan ba ang mga maids ni'yo rito? Stupid."
My brows furrowed. She's so mean. Maganda sana kaya lang maldita.
“Hindi niya raw sinasadya na mabunggo ka. Ganyan ka ba talaga umasta sa mga taong hindi mo kapantay ng estado ng buhay?"balik-tanong ko sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko. I felt guilty dahil mukhang na-offend siya pero hindi ko na babawiin ang sinabi ko.
“So, it's my fault now? Bakit ba pinagtatakpan mo ang babaeng 'yon? Don't tell me, may relasyon kayo?"
Seriously? This woman is really out of this world. Sabelle is my friend, nothing more.
“Whether I'm in a relationship with her or not, it's none of your business. The problem here is your attitude towards her. Pwede mo namang tanggapin ang sorry niya at mag-move on pero mas pinili mong laitin siya."
We are creating a scene here but I don't care. I need to teach this woman a lesson. But when I saw how her eyes glistened with tears, I almost lost it. Naaawa ba ako sa kanya? Sumobra ba ako?
Her parents came and she just walked out. Mukhang sumobra nga ata ako. Pero sobra rin naman ang mga sinabi niya kay Sabelle.
Buong gabi ginulo ng babaeng iyon ang isip ko. Hindi ko naman siya dapat iniintindi dahil may mas importanteng bagay pa akong dapat asikasuhin. Sana hindi ko na siya makita ulit.
Hindi ako nakatulog kaya naman naisipan ko na lang na mag-jogging. I was trying to remove that girl from my mind but then today wasn't my luck. Pagbalik ko ay nasa harap na siya ng bahay namin. What does she need now?
I asked what she needs then she showed me the paperbag she's holding. Regalo niya raw kay Daddy. Para makaalis na siya agad ay pinayagan ko na. I want to get rid of her presence immediately. Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kakaiba kapag nasa malapit siya.
Mukhang hindi ko talaga araw ngayon. Dahil makakasama ko pa siya sa planta. Si Dad mismo ang nagsabi kaya kailangan kong pakitunguhan nang maayos ang babaeng nasa kotse ko ngayon.
“About last night, gusto ko sanang mag-apologize sa inasal ko sa maid niyo. Ayaw ko lang talaga na nadudumihan."
I tried to hide my smirk at her statement but I can't help it. Masyadong nakakatuwa ang sinabi niya.
“Ayaw mong nadudumihan pero sasama ka sa planta? Baka mamaya awayin mo lahat ng trabahador doon."
"Hindi naman ako warfreak, 'no. At saka si Mayor kaya ang nagpasama sa akin sa 'yo,"nakasimangot niyang sabi.
“I know what you're doing, Camellia. Don't try to flirt with me, wala ka lang mapapala,"
“Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. I'm not flirting with you, 'no!"
Pagak akong tumawa. Masyado yata siyang defensive. Pero seryoso ako, wala siyang mapapala sa 'kin. I have nothing to do with her.
“Sir, girlfriend niyo po ba ang magandang babaeng 'yon?" Tanong ni Carlos, isa sa mga trabahador dito sa planta.
Sinulyapan ko rin ang tinatanaw niya at nakita ko si Camellia na naglalakad papunta sa taniman. She's walking like a model on a rampage. Napailing na lang ako. Napaka out-of-place niya tingnan doon.
“Nope. Just someone I know,"I simply said. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang sasabihin ko. Hindi ko rin sigurado kung magkaibigan ba kami.
I just checked some paperworks before I looked for Camellia. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakaluhod sa harapan niya si Sabelle.
“Anong nangyayari rito?"tanong ko.
“I don't know. She thought I'm going to hurt her father," Camellia said.
Pinauna ko na si Camellia sa kotse bago ko kausapin ko si Sabelle at ang tatay niya.
"Sabelle, hindi sasaktan ni Camellia ang tatay mo. Sinama ko lang siya since gusto niyang mamasyal dito,"sabi ko kay Sabelle.
Tinitigan ako ni Sabelle na parang sinisigurado ang sinabi ko. I smiled at her to ease her nervousness.
Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon samantalang hindi ko pa naman masyadong kilala si Camellia. Pakiramdam ko lang hindi siya ganoon kasama. She has the attitude but I know that she's not that bad to hurt someone.
I invited her for lunch and it ended well. Nang dumating na ang oras na uuwi siya ay para akong nakahinga nang maluwag. Ano bang ginagawa sa 'kin ng babaeng 'yon?
The next day, I went to plantation to check on some things. Trabaho ko talagang siguraduhing maayos ang lagay ng planta. Since wala namang ibang mag-aasikaso nito. Nag-iisang anak lang ako at abala pa si dad sa pagiging Mayor kaya ako pa ang namamahala dito.
This is my usual routine everyday. I will go to plantation then I will fetch Sabelle from school. Ako ang nag-offer na isabay siya pauwi para makatipid siya sa pamasahe. Hindi siya pumayag noong una pero ang tatay niya mismo ang nagsabi sa kanya. Kaya ngayon nandito na ako sa parking lot ng FSU.
Bumaba ako mula sa sasakyan nang matanaw si Sabelle na palapit. Binuksan ko ang front seat nang may lumapit sa amin. Guess what? The unica hija of Fortalejos.
Hapon na pero parang hindi man lang siya dumaan sa maghapong klase. She still looked fresh and radiant. Pero ano na naman bang kailangan nito?
“Hi. Puwedeng makisabay? Wala pa kasi ang driver ko at kailangan ko nang umuwi,"sabi ni Camellia.
This girl is really trying to take every chance she gets, huh? Akala niya hindi ko alam ang ginagawa niya.
"Ihahatid ko pa si Sabelle sa kanila baka matagalan ka rin kung sa amin ka sasabay,"sambit ko at umaasang magbago ang isip niya pero mas lalo siyang natuwa. Hindi pa raw siya nakakarating sa kabilang side ng isla. So it means, she's been in her comfort place all this time.
Hinatid ko si Sabelle at sinunod ko naman si Camellia. Ayaw kong seryosohin ang sinabi niyang sa akin na siya sasabay palagi. Knowing her, she can't leave without her driver and just commute all the way home.
"Salamat. At gusto ko lang sabihin na seryoso ako na sasabihin ko kay Dad na hindi na ako magpapahatid. Kasi sasabay na ako sa 'yo. Pero kung ayaw mo, magco-commute na lang ako."
My brows furrowed.
“I told you, stop this already. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo,"banta ko sa kanya.
Hindi niya alam kung gaano kadelikado ang maging malapit sa akin. Kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko siya.
“Trust me I know what I'm doing," She said before she leaned closer to my face. “Bakit natatakot ka bang mahulog?"
Damn this girl!
I'm not afraid, okay? I shouldn't be afraid to fall in love. Mas nakakatakot pa ngang malaman na pinaglalaruan lang ako ng babaeng 'yon. Hindi dapat ako magpadala sa mga ginagawa niya.
Kaya dapat ko talaga iwasan si Camellia. Pero paano ko naman gagawin 'yon kung lagi siyang sumasabay sa amin pauwi? At hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Nasa katauhan ko na ang pagiging maalalahanin sa ibang tao at nakakatakot na baka bigyan niya ng kahulugan iyon.
And now, as I stare at her sleeping face, I can't help but think about her intentions in getting closer to me. Actually, she looked like an angel. A beautiful angel with a little horns on her head. I smirked at her image in my head.
"Oh my God! What happened to Lia? Bakit buhat-buhat mo siya Dominique?"tanong ng ina ni Camellia.
Nakatulog kasi si Camellia pagkagaling namin sa hospital.
“She had a stomachache. But don't worry she's fine." I assured her.
Her mom eyed me suspiciously. Ano kaya ang iniisip niya?
“Don't tell me you got my daughter pregnant?! Oh God! You should've used any protection!"
Nabigla ako sa sinabi niya kaya muntik ko nang mabitawan si Camellia. Gusto kong matawa pero mukhang seryoso talaga ang Mommy ni Camellia sa binibintang niya sa akin.
"Madam, she's not pregnant. May nakain lang po siya kaya sumakit ang tiyan niya,"malumanay kong paliwanag.
Mukha namang nakahinga siya nang maluwag sa nalaman. Hindi ko alam na advance pala siya mag-isip.
"Buti naman. Halika, dalhin mo na siya sa kwarto niya,"
Iginiya niya ako sa kwarto sa ikalawang palapag. Kulay puti ang pintuan nito at pagpasok ko ay nalanghap ko ang pabango ni Camellia. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya at saglit pang pinagmasdan ang kanyang mukha. Akala mo kung sinong mabait kapag tulog samantalang napakapasaway kapag gising.
"Mauuna na po ako,"sambit ko sa mommy ni Camellia nang ihatid ako nito sa gate nila.
"Thank you ulit, ah. Ingat ka."
Tumango ako at sumakay na sa kotse. Hindi ko alam kung bakit parang may naiwan ako. Parang ayaw ko pang umalis. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Am I starting to fall for her?
But damn, I can't love her. Wala ito sa plano ko. I should stop this.
"Puwede bang sabihin mo sa 'kin ang dahilan kung bakit sinabi mong wala akong mapapala sa 'yo?"bigla niyang tanong habang nasa sasakyan kami.
I shrugged. "Because I'm not interested pero mukhang magbabago ako ng pananaw."
She looked like she wasn't satisfied with my answer.
"Siguro bakla ka, 'no?"
I was stunned by her question that I immediately stepped on the brakes. Pinakatitigan ko si Camellia dahil naisip kong kakaiba rin talaga siya mag-isip katulad ng mommy niya.
"Kung bakla ako, gagawin ko ba 'to?"
I didn't think twice and I kissed her lips. The moment our lips met, I could almost feel the paradise. Napakalambot at napakatamis ng labi ni Camellia. I know I need to stop this but I can't. I felt intoxicated.
"Shit! Your lips taste so sweet. I might get addicted to it." I whispered and kissed her again.
The last day of rehearsals came and I am one of the sponsors of this event that's why I want to see how is everything going. Gusto kong makita kung pulido na ba talaga lahat bago ang pageant. I was eyeing every candidates while they are walking on the stage. Sa isip ko ay naglilista ako ng mga kulang at sobra sa isang candidate.
Hindi naman talaga sila parepareho ng pagkatao sa stage. May ibang mapapansin mong sanay na sanay na sa ginagawa at may ibang halatang nahihiya pa rin.
Camellia's turn came and I stared at her as she walked with confidence and elegance. She is beautiful. She has a strong personality that made her stand more. Kaya hindi na ako nagtataka kung maging ako ay hindi kinaya ang katauhan niya. Pati ako ay walang nagawa kun'di tumiklop at magpaubaya.
Nagtama ang paningin naming dalawa pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Kagaya ng ibang kandidata ay nagpakilala siya at muling bumalik sa likod. Sumunod naman si Sabelle. I am a proud friend here. Alam kong gagamitin niya ang pera para sa tatay niya at natutuwa ako na sinusubukan niyang tumayo sa sariling mga paa. Hindi niya nais na umasa sa tulong ng pamilya ko sa kanya.
After the rehearsal, I was waiting for Camellia when Sabelle approached me.
"Kumusta ang performance ko? Panget ba?"tanong niya at natawa ako.
"It's good. You just have to feel yourself more. And also don't forget to enjoy."I said.
She smiled. "Thank you. Sana nga manalo ako."
I was about to say something when someone approached us. Nilingon ko iyon at nakita si Camellia.
"Can we go home now? I need to have a beauty rest for tomorrow,” she said.
Muli kong nilingon si Sabelle at nagtanong.
"Hindi ka talaga sasabay sa amin?"tanong ko. Umiling si Sabelle kahit na parang gusto niyang sumabay. Hindi ko lang alam kung bakit parang umiiwas siya nitong mga nakaraang araw. Dahil ba kay Lia?
"Hindi na. May pag-uusapan pa kasi kami ng mga kagrupo ko,” sagot niya at umalis na. Napabuntonghininga na lang ako at pinagmasdan siya palayo.
Habang nasa biyahe ay pansin ko ang pananahimik ni Camellia. She must be tired but I can feel that there is another reason for her silence. Kaya naman bago pa siya makababa ng kotse ko ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Are you okay?" I asked.
She stared at me for a while. Para bang nakikipagtalo siya sa isip niya.
"I'm fine. Just tired. Papasok na ako."
Gusto ko pa siyang tanungin pero kita kong pagod na talaga siya.
"Take a rest. Good night."I said but she didn't answer.
The pageant day came and we are now on the question and answer portion. Pareparehong tanong ang ibinigay sa mga candidate kung saan pinapapili sila between dreams or love life. May mga pumili ng dreams at meron namang pinili ang love life.
Wala namang tama at mali sa dalawang sagot. Ang tinitingnan lang ay kung paano nila dedepensahan ang napili nilang sagot.
Si Sabelle na ang tinawag para sumagot at halata kong kinakabahan siya.
"For me, I will not choose between my dreams and my love. Why would I choose if I can handle the both of it? I just need to balance my time so that I won't need to sacrifice anything. Thank you."
Hindi agad naka-react ang mga tao sa sagot ni Sabelle pero maya-maya lang ay pumalakpak na sila. Ngunit napansin ko ang pag-iling ng ibang judges sa sagot niya. Maging ako ay hindi inaasahan iyon. She should have chose one answer only but then it's her choice after all.
Pagbalik ni Sabelle sa backstage ay t'saka tinawag si Camellia. Gano'n din ang tinanong sa kanya.
“Basically, it is a choice between my dreams and my love life. Of course I would choose to pursue my dreams abroad, because I believe that true love will let you grow to be a better version of yourself. If the two of you really meant for each other, nothing, not even the distance, will stop your love from each other. So, I will definitely pursue my dreams, after that, I will pursue the love of my life also when I come back,"
Her answer is nice. Pero parang hindi ako natuwa. Ibig sabihin ay kayang-kaya niyang iwan ang mahal niya para sa pangarap niya. Hindi ko naman sinasabing masama 'yon pero kung sakaling ako ang taong mamahalin niya, ibig sabihin kakayanin niya rin akong iwan?
But I don't want to think about that now. It's not like I'm gonna let her leave me.
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang final walk kung saan ia-announce ang nanalo. But something unexpected happened when it's Camellia and Sabelle's turn to walk. Nagkatapakan sila ng gown kaya nahulog si Sabelle mula sa stage.
"O my god! Nahulog si Sabelle!"
"Shit! Si Sabelle!"
Sa pag-aalala ay mabilis kong tinakbo ang puwesto ni Sabelle at nakitang wala siyang malay. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad ko siyang itinakbo sa kotse ko. Dinala ko siya sa hospital para magamot agad.
Mabuti na lang at minor injury lang ang natamo niya. Sinagot ko na ang bayad sa hospital dahil alam kong hindi niya kakayanin ang gastos.
"Huwag ka nang mag-alala, Dominique. Kailangan niya lang magpahinga at bukas makakauwi na siya,” sabi ni Doktor Santiago.
Tumango ako. "Salamat, Doc."
Nang makaalis siya ay saka sumagi sa isip ko si Camellia. Kumusta kaya siya? Sana hindi siya nasaktan sa nangyari.
Before I could go back to Sabelle's room, my phone rings. It's an unregistered number but I answered it anyway.
"Hello, who's this?" I asked.
"Dom,si Erich 'to. Lia's friend. Can you come over here at Elite? Si Lia kasi—
"I'll be there. Look after her for now."
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Erich at agad akong nagmadaling magtungo sa Elite kahit hindi ko alam kung ano bang nangyari. Nag-aalala ako sa kanya.
Pagkarating doon ay pumasok agad ako at nakita si Erich. Iginiya niya ako kay Camellia na natutulog sofa. Tinapik niya ang pisngi nito upang gisingin.
"Huy Lia, nandito na si Dom. Gumising ka na diyan,” sabi ni Erich habang ginigising siya. Humarap ito sa 'kin. “Ahm, Dom I suggest na buhatin mo na lang si Lia. Nag-aalala na ako sa paa niya, eh."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad na pinagmasdan ang binti ni Camellia.
Damn! Mukhang hindi na maganda ang lagay nito.
“Don't touch me or I'll kick you!" she warned but I didn't budge.
Tinanggal ko ang suot niyang heels para mas maginhawaan ang paa niya. Mas lalo kong nakita ang kabuuhan nito. Namamaga na ang buong paa niya at kailangan nang gamutin.
“Ouch! Ano ba?!"
I looked at her but she rolled her eyes on me. Kaya naman binuhat ko siya agad nang walang sabi.
“Ayaw ko pa umuwi,"sabi niya at mas lalong sumiksik sa katawan ko.
“I won't take you home but I'm not going to let you stay here a little longer," I said.
Isinakay ko siya sa front seat at pinakatitigan siya.
“Hindi ka na dapat nagpunta rito. I can handle myself,” she said.
“Really,huh? Alam mo namang na-injured ka nag-party ka pa. Look at your foot, it's swollen," I said seriously.
I am trying to calm myself. Ayaw kong tuluyang magalit dahil sa ginawa niya. Para bang wala man lang siyang pag-iingat sa sarili.
“So, now you're concerned about me? Si Sabelle nga ang tinulungan mo kanina,"sambit niya at nag-iwas ng tingin.
Here we go. I know that she will open up this topic.
“I'm sorry, it's just that—
“Mas mahalaga siya kaysa sa akin, gano'n? Oo nga pala, mas malapit kayong dalawa. Ayos lang. Hindi mo na kailangan magpaliwanag,"putol niya sa sinasabi ko.
I sighed before closing the door. Umikot ako sa kabila at nag-umpisa ng magmaneho. Walang umimik sa aming dalawa. Naisip kong sa pentsuite ko na lang siya dadalhin tutal ayaw niya pa namang umuwi.
Pagkarating sa Aranda Hotel ay mabilis akong bumaba para buhatin si Camellia. Hindi naman siya umalma. Dumiretso ako sa elevator at sa repleksyon ay kitang kita ko ang paninitig sa akin ni Camellia.
I hate to admit it but I'm turned on right now because of her stares.
“Don't look at me like that,"I said.
“Like what?"
“Like you want to kiss me."
“I want to kiss you,"she said while looking at me.
That's enough to cut my remaining patience. Hindi na niya kailangan pang ulitin iyon dahil agad ko siyang pinagbigyan. Who cares if we're on the elevator? I also want to kiss her.
Days passed and I became more attached with Camellia. Madalas kaming magkasama at kung hindi naman ay nagte-text ako sa kanya.
"Dominique, can we talk?"
Napaangat ako ng tingin kay Dad nang pumasok si Dad dito sa office ko. Nasa planta ako ngayon dahil may trabaho pa ako.
"What is it, Dad? May problema po ba?" Tanong ko.
Umupo si dad sa visitor's chair sa harap ng mesa ko. Isinantabi ko na lang muna ang mga trabaho ko dahil mukhang seryoso ang usapan.
"Wala naman. Pansin ko lang na madalas kayong magkasama ni Lia. Girlfriend mo na ba siya?"
Bahagya akong nagulat doon. It feels so good to think of her as my girlfriend but we're not a thing. I'm not even courting her.
"No, Dad. She's special to me but she's not my girlfriend," I said.
Tumango si Dad. "Good. Hindi naman sa tutol ako para sa inyong dalawa pero alam mo naman ang priorities mo. Sana hindi mo makalimutan."
Alam ko 'yon. Kaya nga hangga't maaari ay pinipigilan ko ang nararamdaman ko kay Camellia kahit na mukhang malabo na.
Nang makaalis si Dad ay lumabas ako ng office at nagtungo sa likod ng pabrika. Pinanood ko ang ginagawa ng mga trabahador. Sinisigurado kong tama ang trabaho nila para walang papalya.
"Napakaseryoso naman ng future Mayor ng bayang 'to."
Nilingon ko ang nagsalita at nabigla nang makita si Camellia. Itinaas niya ang bitbit na paperbag.
"Lunch?"
"Hindi ko alam na pupunta ka. Dapat sa office ka na naghintay,” sabi ko.
“Hindi ko talaga sinabi sa 'yo. At saka sabi ng mga tauhan mo, nandito ka raw kaya nagpasama ako."
Napakunot ang noo ko. Parang hindi ko yata nagustuhan iyon. Nagpasama siya sa mga tauhan dito?
“P'wede mo naman akong tawagan para sana hinintay kita sa office. Hindi mo na kailangang magpasama sa mga trabahador dito,"seryosong sabi ko bago hinawakan ang kamay niya at iginiya sa may shed. Baka mainitan siya doon.
“Eh, surprise nga 'di ba? Mabait naman sila, mukha nga raw akong anghel.” Natatawang sabi pa niya.
“What? Who told you that?"
Sinabihan pa talaga siyang mukhang anghel. The nerve of that guy?
“Bakit galit ka? Hindi ba ako mukhang anghel?"
“It's not like that. Tara na nga, samahan mo ako sa office, pero ituro mo muna sa akin kung sino ang nagsabing mukha kang anghel,” sambit ko.
Iginiya ko na si Camdellia papunta sa office at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti niya sa mga trabahador doon. Sinamaan ko ng tingin ang mga tauhan ko kaya naman nag-iwas tingin sila.
“Stop smiling at them. Pumasok na tayo sa office at pinagpapawisan ka na rito,"sabi ko at sumunod na siya papasok sa office.
I ate the food she brought for me. Ayos lang naman kahit hindi siya ang nagluto at least naisip niyang dalhan ako ng pagkain. I was staring at her while she's busy taking selfies in my phone. Napailing na lang ako habang napapangiti.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako na lalabas saglit dahil may aasikasuhin saglit. Pabalik na sana ako sa opisina nang makarinig ako nang sigaw.
Nang makita ko si Camellia sa tapat ng malapit ng bumagsak na mga kahon ay biglang bumilis ang kilos ko at agad siyang hinila palayo roon.
"Damn! I'm almost late!" I cussed. Tinulungan ko agad na tumayo si Camellia para tingnan kung ayos lang siya. "Are you okay? Nasaktan ka ba?"
My heart is beating fast. Sobrang natakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kakayanin kapag nasaktan siya. Damn!
“Why are you doing this?"she suddenly asked that made me stilled.
Nagtatakang tiningnan ko siya. "I'm doing this because you're my responsibility. Narito ka sa planta namin at ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sa'yo,"
Totoo naman 'yon. Kargo ko siya kapag may nangyaring masama sa kanya.
“That's not what I mean. Bakit ganito ka kabait sa 'kin? Bakit? Gusto mo ba ako? Kasi ako, gusto kita,"
I was stunned for a moment. Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. She likes me?
“Camellia, you can't like me,"I said.
Hindi niya talaga ako puwedeng magustuhan. I have so many responsibilities in my life. At kahit posible ngang gusto ko rin si Camellia hindi ko alam kung mapagbibigyan ko ba kaming dalawa.
“Ito naman napakaseryoso, ang ibig kong sabihin, gusto kita bilang kaibigan."
Now I'm confused. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. Parang kanina lang sinasabi kong hindi puwede pero ngayon naiinis na ako kasi bilang kaibigan lang pala.
Napansin kong nagmamadaling umalis si Camellia. At iyon na ang huling beses na nagkita kami. Hindi man niya sabihin alam kong umiiwas siya hindi ko lang alam kung bakit. Dahil ba sa naging usapan namin no'ng nakaraan?
I even texted her but she just kept on denying me. Nafufrustrate na ako sa nangyayari sa aming dalawa. I regret rejecting her. Sana pala hinayaan ko na siya sa sinabi niya. Baka nasaktan ko siya.
Damn! This is frustrating!
“Are you avoiding me?"I asked while staring directly into her eyes.
Sobrang nami-miss ko na siya kaya naisipan kong puntahan na lang siya rito sa library ng school nila.
“No. Bakit naman kita iiwasan? Marami lang talaga akong ginagawa. Kung ikaw hindi busy, p'wes ako busy,"sagot niya na hindi ko kayang paniwalaan.
“I don't know, Camellia. Simula no'ng nagpunta ka sa planta, hindi ka na sumabay sa akin pauwi. Mas maaaga ka na ring umaalis ng bahay ni'yo. Bakit pakiramdam ko, lumalayo ka? And don't give me the reason that you're busy. I've been staring at you for hours in the library, wala ka namang ginagawa kundi titigan ang mga text ko sa 'yo."
“Hindi nga kita iniiwasan. Hindi rin ako lumalayo. Busy lang talaga ako."
She was about to leave but I quickly dragged her to the parking lot.
“Ano ba, Dominique? Hinihintay ko si Erich, sa kanya ako sasabay pauwi."
Hindi ko siya hinayaang makaalis. Gusto ko siyang makasama kahit ngayon lang. Pero mukhang nagalit siya sa ginawa ko kaya nanatili siyang tahimik. Agad naman aking na-guilty dahil pinilit ko ang gusto ko.
“Are you mad?"I asked. “I'm sorry. Just let me drive you home today. Bukas, kay Erich ka na ulit sumabay kung gusto mo."
Ang sabi ko sa sarili ko titigilan ko na siya. Hahayaan ko na siyang mapag-isa pero tadhana nga talaga yata ang naglalapit sa aming dalawa. Nandito kami sa ospital ngayon dahil muntik nang ma-harass si Camellia. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko hinayaan si Camellia hindi sana mangyayari sa kanya ito.
“I'm sorry. Dapat sinundo kita. Hindi ka sana umuwi mag-isa. Hindi ka sana napahamak. Sorry—
“Dominique, wala kang kasalanan. It's my fault. Kung hindi ako umiwas sa 'yo, hindi sana nangyari 'to."
“So,you're really avoiding me? But why?"I asked.
“Because I'm scared...natatakot ako sa nararamdaman ko. Natatakot akong mahulog sa'yo dahil alam ko namang hindi mo ako sasaluhin...Alam ko namang hindi mo ko gusto, kaya nga pinipigilan ko itong nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kaya...mas nasaktan lang ako nang lumayo ako sa 'yo... I'm sorry, I can't do anything to stop this..."
I didn't say anything. Nanatili akong nakatitig sa kanya dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya. May nararamdaman siya para sa akin.
“You don't have to be afraid of falling in love because from now on, I'm going to catch you,” I said.“Nang dahil sa nangyari, nalaman ko na hindi ko pala talaga kayang mawala sa 'kin. Hindi ko kaya kung may mangyaring masama sa 'yo at wala akong nagawa para iligtas ka. Natakot ako na baka hindi na kita makasama. Kaya simula ngayon, poprotektahan na kita sa abot ng makakaya ko. Hindi na kita iiwan."
It's true. I am willing to protect her at all cost. Even if I risk my life.
“P-pero takot kang makipagrelasyon. May nakapagsabi sa akin na kapag ikaw ang naging Mayor ng lugar na 'to, ayaw mong magkaroon ng girlfriend o asawa,"sambit niya.
“Oo natatakot ako noon. Pero handa na akong gawin ang lahat para makasama ka. Kahit pa talikuran ko ang bayang 'to—
“Yan ang huwag na huwag mong gagawin Dominique. Huwag mong ipagpapalit ang pangarap mo para sa akin. Huwag mong hayaan na hadlangan ng pag-ibig na 'yan ang mga pangarap mo. Gusto kong maabot mo ang mga 'yon. At huwag mong tatalikuran ang bayan na 'to. Kailangan ka nila,"
Kahit na gusto kong sumalungat sa sinasabi niya ay wala akong ginawa kundi sumang-ayon. Ayaw kong biguin siya. At ayaw ko ring maging selfish.
“Pangako, hindi ko tatalikuran ang bayan na 'to dahil magkasama nating aabutin ang mga pangarap natin. Dito ka lang sa tabi ko, poprotektahan kita,"sabi ko at maingat siyang niyakap.
Silence enveloped us. It was a comfortable silence. Hanggang sa nagtanong si Camellia.
“Dominique, ngayon na umamin na tayo sa isa't isa. Ano na tayo ngayon?"
I was caught off guard. Hindi ko alam kung anong isasagot. Ayaw kong biglain si Camellia. Kung ako ang masusunod gusto kong maging girlfriend na siya.
“Masaya tayo. Iyon ang mahalaga, masaya tayo sa isa't isa."Tanging sagot ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang pinakakinatatakutan ko. Ang araw na iniwan ako ni Camellia para sa pangarap niya. Sinubukan ko siyang pigilan pero umalis pa rin siya. Nagising na lang akong wala na siya.
"Dom, what is happening to you? Ilang araw ka nang nagmumukmok sa kwarto mo. Is it because of Camellia?" Dad asked when he suddenly entered my room.
Mula nang umalis si Camellia at pinutol ang koneksyon namin ay nawalan na ako ng gana sa ibang bagay. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis. Kung bakit kailangan niya akong iwan. Alam ko namang para sa pangarap niya iyon pero masakit pa rin. Sobrang sakit.
"Dad, just leave me alone," I answered.
"Fine. Pero bukas na bukas din ay aasikasuhin mo na ulit ang pangangampanya mo. Umalis si Camellia para sa pangarap niya kaya sana tuparin mo rin ang pangarap mo."
That was when I realized that I made a promise to Camellia. That I will not sacrifice my dream for anything. Hindi ko dapat naisipang isakripisyo ang islang 'to para sa babaeng hindi handang ipaglaban ang pagmamahal namin sa isa't isa.
"Mayor Dominique Aranda, nice bagay na bagay!"sambit ni Sabelle kaya napatawa ako.
Months of campaigning and now I am the new Mayor of Isla Felice. Natupad ko na ang pangako ko kaya hindi na ako magi-guilty sa oras na magkita kami. Iyon ay kung may balak ba siyang umuwi. Ni wala akong balita sa kanya.
Nang manalo ako bilang Mayor ay sa office na ako ni Dad nagtatrabaho. I hired Sabelle as one of my direct employees. She deserves it because she's been loyal to us since before.
Palagi siyang nandyan para sa akin kaya nga madalas na napagkakamalang may relasyon kaming dalawa. How ridiculous, I can't move on from the girl who left me. But let's see.
"So, what are your plans now?" Sabelle asked.
"I have so many plans. Just wait and see."
Ginugol ko ang panahon sa pagseserbisyo sa islang 'to. Sinikap kong maging mabuting Mayor at tugunan ang mga hinaing nila. I worked so hard so that I will divert my attention. Dahil kung hindi ako gagawa ng mga trabaho paulit-ulit ko lang iisipin ang sakit na nararamdaman ko at paulit-ulit ko lang ding kukuwestyunin ang sarili ko. Kung bakit hindi ako naging sapat para sa kanya.
"Dominique, I have something to tell you."
Seryoso kong tiningnan si Sabelle nang bigla siyang nagpunta dito sa office ko. It was past working hours and I don't know why she's still here. Mukhang problemado siya at kinakabahan.
"What is it?" I asked.
"I'm sorry. Alam kong matagal ng nangyari iyon pero gusto ko pa ring humingi ng tawad–
"Wait.. Bakit ka ba humihingi ng tawad? Ano bang ginawa mo?"
She stopped for a while to take a deep breath. Naguguluhan na ako sa kinikilos niya.
"A-Ako ang dahilan...kung bakit muntik nang maharass si Camellia noon... I'm sorry... Na-nadala lang ako sa selos kasi lagi ka niyang kasama.. Hindi ko naman sinasadya—
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinasakal si Sabelle. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.
"Ang kapal pala ng mukha mong magpakita at magpanggap na kung sinong kabait gayong napakasama mo rin pala! Akala ko pa naman hindi mo magagawa 'yon! Pero mali ako!"
"D-Dom... H-hin..di..a-ko...ma-kahi-nga.."
Agad ko siyang binitawan kaya napasalampak siya sa sahig. Wala akong balak patayin siya. Hindi ko gustong dungisan ang palad ko.
"Kung nagsisisi ka talaga sa ginawa mo, aminin mo 'yan sa mga magulang mismo ni Camellia,” sambit ko at tinalikuran na siya.
I don't want to envolve myself with the Fortalejos anymore. Kaya sila na ang bahala kung anong gagawin nila kay Sabelle.
Nadala lang ako sa galit dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya. Itinuring ko siyang kaibigan tapos gano'n ang gagawin niya sa babaeng minsan kong minahal dahil sa selos?
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi na nagsampa ng kaso ang magulang nila Camellia. Gusto na rin nilang matapos ang lahat ng isyu tungkol doon. Siguro nga maayos na ang buhay ni Camellia sa ibang bansa kaya hindi na nila nais pang masangkot sa isyu.
Kararating ko lang galing Singapore at puro reporters ang sumalubong sa akin sa airport. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may kumakalat na namang isyu tungkol sa akin.
'Mayor Dom, ano pong masasabi ni'yo sa kumakalat na balitang balak niyo nang bumaba sa puwesto dahil handa na raw kayong magpakasal?'
Napahinto ako sa paglalakad dahil doon. That was one of the rumors. Balak ko na raw mag-asawa when in fact, wala akong girlfriend.
"That's just rumors. Hindi pa ako handang mag-asawa,"sagot ko.
'Mayor, marami pong nagtatanong kung may girlfriend ba kayo?'
"I don't have a girlfriend. I'm open for applicants,"I joked before entering the car.
Hayst. Mga tao nga naman. May mapag-usapan lang pati personal life tinanong na. At hindi ko talaga alam kung bakit iniisip nilang may girlfriend ako. Samantalang wala naman akong babaeng palaging kasama.
Dumiretso ako sa office at nagpahinga. Sumagi sa isip ko ang imbitasyon ni Erich no'ng nakaraan. I declined her invitation because I was busy. And besides baka ayaw rin akong makita ni Camellia sa pagbabalik niya. Who knows, baka may boyfriend pa siyang kasama. I smiled bitterly.
Kinabukasan ay pinatawag ko si Sabelle para tanungin tungkol sa funds. Mag-uumpisa pa lang sana kami pero biglang may pumasok sa opisina ko.
Look who's here. Camellia Fortalejo. At kahit ayaw ko ay kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Para itong nabuhayan nang makita ulit ang babaeng minsan nang nagpatibok dito. Damn!
" It's okay. So, anong maipaglilingkod ko sa'yo, Miss Fortalejo?"malamig kong tanong.
“I'm here to submit an application."
May inilapag siyang envelope pero tiningnan ko lang iyon.
“Application for what? We don't have vacancies. And also we are not hiring."I answered because that's the truth. Walang halong personal na issue.
“Liar! You just said yesterday that you are open for applicants. And here I am, applying as your girlfriend."
I was stunned for a moment. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. She gain too much confidence in States, huh.
“You're applying as my girlfriend?"I asked again.
“Yes. I am here to get what's mine. "
Kahit masarap malaman na gusto niya akong bawiin, hindi iyon gano'n kadali. Iniwan niya ako kahit nagmakaawa ako sa kanya tapos babalik siya na parang gano'n na lang 'yon. Parang napakadali ng lahat?
“I'm sorry but you're not qualified,"I said. Okay that was a lie. She's more than qualified but I need to teach her a lesson.
“Why? Dahil ba nauna nang mag-apply ang babaeng 'yan?"tanong niya at itinuro si Sabelle.
Sabelle's forehead creased. “Excuse me, hindi ko na kailangang mag-apply dahil matagal na akong hired."
Damn! Sumabat pa itong si Sabelle!
“Really? Napakabilis mo naman pala. Bakit hindi mo pa noon ginawa 'yan? At ikaw naman Dominique, mas pinipili mo siya kaysa sa 'kin?!"
“Miss Fortalejo, you may leave now,” I said.
Dahil baka hindi ko lang din mapigilan ang sarili ko. Ayaw ko pa siyang patawarin sa ginawa niya. Ayaw kong maging gano'n kadali ang lahat. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon kaya hindi ko siya maaaring pagbigyan agad.
Kahit pa nang makita kong tumulo ang luha sa mga mata niya ay nanatili akong matigas.
“Fine. I will leave for now. But don't expect me to stop chasing you. You will be mine again, mark my words,"
Nang makalabas siya ay agad din akong sumunod. May kailangan akong sabihin na dapat siya lang ang makakarinig.
“Anong ginagawa mo rito—
“How dare you leave me that day?! Tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari? Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto pa ba kitang makita? Hindi mo man lang tinanong kung ayos na ba ako nung wala ka?!" I stared at her for a moment. “I don't want to see your face again. Umalis ka na noon, sana hindi ka na bumalik."
And with that, I left her there. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sana tumigil na siya. Tingnan natin kung hanggang kailan siya maghahabol.
But then ako rin pala ang unang susuko. Hindi ko pa rin pala kayang pahirapan siya nang husto. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil sobrang mahal ko pa rin siya. Sobra-sobra na kahit gaano kasakit ang ginawa niya noon ay handa akong patawarin siya. Handa akong tanggapin siya ulit.
I don't care if she hurt me again as long as she will come back to me. Hindi na importante kung nasaktan niya ako basta mahal namin ang isa't isa.
Simula nang angkinin ko siya muli pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na siya pakakawalan pa. I will do everything to make her stay with me forever.
“Please, don't ever remove it again. Let's get married soon baka umalis ka na naman. Hindi na kita pakakawalan hangga't hindi mo gamit ang apelyido ko. Let's stop the chase please, stay with me from now on."
And when we sealed a kiss on our wedding day, we officially ended the chase. Wala ng maghahabol at hahabol dahil sabay na kaming maglalakbay patungo sa masayang yugto ng aming buhay.
Ang wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top