31

This is the last chapter of Chasing Your Love. Thank you for being with me throughout the journey of Dominique and Camellia's life. The next chapter will be Dom's POV.

CHAPTER 31
Found

Wala nang mas sasaya pa sa mga pusong puno ng pagmamahal. Lahat naman tayo ay naghahangad ng taong magmamahal sa atin nang buo at tapat. At ang sa 'kin? Dumating na. 

“Lia, I'm so happy for you. Ano ba 'yan naiiyak tuloy ako,"sambit ni Erich at bahagyang pinunasan ang gilid ng mga mata niya.

“Thank you, Erich. For everything. Salamat sa pagtitiis sa ugali ko at sa pagsuporta sa 'kin. Thank you and I love you, Erich,"I said before I pulled her in to a hug.

This is the day that I've been waiting for. Ikakasal na ako kay Dominique kaya naman kasama ko ngayon dito si Erich sa kuwarto ko. Siya kasi ang kinuha kong maid of honor, s'yempre siya ang best friend ko. As expected, we had a little heart to heart talk.

“Wala 'yun, Lia. Alam mo namang nandito lang ako palagi para sa 'yo. Susuportahan kita kung saan ka sasaya. I love you, Lia,"sabi niya at muli akong niyakap.

Mabuti na lang at waterproof ang make up ko dahil kun'di ay magkakalat na ito sa mukha ko dahil hindi ko na mapigilan ang umiyak. God knows how much I am thankful because I have a friend like Erich. I don't know what to do if she'll leave me.

Natigil lang ang kadramahan namin nang kumatok ang parents ko. Saglit akong iniwan ni Erich para makausap ko sila.

“You're stunning, iha. Napakaganda mo lalo na ngayon at buntis ka,"sabi ni Mommy habang tinitingnan ang kabuuan ko.

I am wearing a beige long sleeves wedding gown. Medyo maluwag ito sa bandang bewang para hindi maipit ang tiyan ko. Noon, gusto ko kapag kinasal ako ay sexy ako, pero ngayon hindi iyon ang mangyayari. Pero masaya pa rin ako dahil kasama ko ang anak ko sa paglalakad sa altar. Nararamdaman ko siya sa sinapupunan ko.

“Be happy, Camellia. I hope that you'll get what your heart desires. Sana maging masaya kayo ni Dominique sa bubuuhin niyong pamilya,"sambit naman ni Daddy na nagpaluha na naman sa akin.

Niyakap ko sila pareho. I will always be their baby even though I already have a baby.

“Thank you po. I may not be a perfect daughter, I hope you know that I love the both of you so much,"I said.

“Your mom and I love you too. We're always here for you, sweetheart. Hindi kami mawawala,"sagot ni Daddy.

“Tama ang dad mo, Lia. Kahit na mag-aasawa ka na, p'wedeng-p'wede mo pa rin kaming makasama. I love you," Mom stated.

My heart was filled with so much joy and love from them. They are the best parents in the world. No one could ever change my mind.

Mabilis na lumipas ang oras at namalayan ko na lang na nasa labas na ako ng simbahan dito sa Isla Felice. Ihahatid ako nila mom at dad patungo sa altar kung nasaan naghihintay si Dominique.

I can't wait to call him my husband.

Bumukas ang tarangkahan ng simbahan kasabay ng pagkabog ng aking puso. Nagtama ang paningin namin ni Dominique at mas lalo lamang nagwala ang buong sistema ko. Ganito ba talaga kapag kinakasal?

Nanatili akong nakatingin kay Dominique at ganon din siya sa'kin. Ang mga mata ay puno ng pagmamahal at napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Damn! The Mayor of Isla Felice is crying. Everyone witnessed that special moment of him.

“Take care of my daughter, Dominique."Daddy said then he shook the hand of Dominique.

“Yes, tito. She'll be safe with me,"he answered.

Sumunod naman na nakipagbeso si Mommy sa kanya bago ako tuluyang ipinaubaya ng mga magulang ko. He held my hand and squeezed it tight before we faced the priest.

Muli niya pa akong nilingon at umusal ng mga salita.

“I love you, wife,” he said.

“I love you, too,"I answered.

Ang lahat ng mga nangyari sa amin ay patunay na kahit ilang beses pa kaming paglayuin ay babalik pa rin kami sa isa't isa. Kahit napakaraming pag-iwan, pagsubok at paghahabol ang dinanas namin, lahat ng iyon ay napalitan ng walang kapantay na kasiyahan.

It only proves that love has its own perfect timing. We just need to wait and trust that you will be together someday. Hindi naman porke't nagkahiwalay kayo ngayon ay wala nang pag-asa. Maaaring wala pa kayo sa tamang panahon para magsama.

“You may now kiss the bride,"the priest announced.

Dominique slowly lifted up my veil before he kissed me passionately. Around applause echoed in the whole church.

“Congratulations! Best wishes to the both of you. Excited na akong makita ang apo ko,” sabi ni Tito Enrique na nagpatawa sa aming mag-asawa.

Mag-asawa. Ang sarap pakinggan. I am now Mrs. Camellia Aranda. Bagay na bagay.

“Congrats, Lia at Dom! Ingatan mo ang kaibigan ko, ah. Kapag 'yan nagsumbong sa 'kin na pinaiyak mo wala na kong pakealam kung Mayor ka pa rito. Ilalayo ko siya sa 'yo,"pambabanta ni Erich kay Dominique.

Mukhang hindi naman natakot si Dominique. Tumawa pa nga.

“Don't worry, hindi ko siya sasaktan. At iiyak lang siya sa saya at hindi sa sakit,"sabi niya.

Talaga lang ha. Iyakin pa naman ako. Baka hindi niya mapanindigan ang sinabi niya.

Nauna na sa reception ang mga bisita at susunod na lang kami. Pero mukhang iba ang plano nitong asawa ko. Kanina pa kasi humahaplos sa braso ko.

“Didiretso pa ba tayo sa reception? Hindi ba p'wedeng mag-honeymoon na tayo?"bulong niya sa akin nang nasa sasakyan na kami.

Agad ko siyang siniko dahil sa kapilyuhan niya.

“Ano ka ba Dominique? Napaaga na nga masyado ang honeymoon natin kaya nga buntis na ako ngayon, 'di ba? Manahimik ka na muna diyan kun'di, walang honeymoon,"banta ko sa kanya.

Nanahimik naman siya agad pero nakalingkis pa rin sa akin. Kung wala lang sigurong driver dito sa kotse baka kanina niya pa ako hinalikan. Hindi makapagpigil, eh.

Pagdating sa reception ay naroon na halos lahat ng bisita. Maging ang mga pamilya at kaibigan namin. May mga inimbitahan din si Dominique sa mga kaibigan niya kaya hindi na ako magugulat kung puro sikat ang nandito.

“Camellia!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at napangiti nang makita si Amarantha.

Malaki rin ang tulong sa akin ni Amara lalo na sa negosyo. Mas lalo kasing nakilala ang mga products ko nang i-endorse niya iyon. She's really a good model. Halatang mahal niya ang ginagawa.

“Amarantha, buti at nakarating ka,"sambit ko at nakipagbeso sa kanya. Napansin ko agad ang lalaking nakasunod sa kanya.

“Of course. We've been working together and I consider you as my friend already. By the way, congrats sa inyong dalawa," sabi ni Amara at nginitian din si Dominique.

“Best wishes, Dom and Camellia,"Jordan said while shaking our hands.

“Thank you. I see, hanggang dito nakasunod ka pa rin kay Amara,"biro ko at natawa si Jordan habang napasimangot si Amara.

“Hey, for your information, hindi ko sinusundan dito si Mara, nagkataon lang na invited din ako,"depensa ni Jordan at napansin ko ang bahagyang pandidilat niya kay Dominique.

“I thought you wouldn't come because you're busy? Nalaman mo lang na a-attend din si Miss San Diego nagpunta ka na,"sabi ni Dominique.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jordan at namula ang tainga. Para bang nahiya siya sa isiniwalat ng asawa ko.

“See! You're stalking me. Bahala ka nga sa buhay mo!"inis na singhal ni Amara at padabog na umalis. Agad din naman siyang sinundan ni Jordan.

Napailing na lamang ako. Halata naman na gusto nila ang isa't isa, hindi ko lang alam kung bakit laging lumalayo si Amarantha.

“They looked good together,"I muttered and I saw Dominique nodded.

“They just need to open up themselves and accept each other. Pero kung may isang magmamatigas, wala ring mangyayari,"makahulugang sambit ng asawa ko.

Magkahawak kamay kaming nagtungo sa pinakaharap kung nasaan ang mesa para sa amin. Nakuha namin agad ang atensyon ng mga tao. There are unfamiliar faces and I guess they are Dom's friends and acquaintances.

“Hello everyone. First of all, I would like to thank all of you for coming here to witness our wedding ceremony. These past few years have been a roller coaster ride for the both of us. Napakaraming pagsubok ang dumating sa buhay namin ng asawa ko,"maramdaming sambit ni Dominique at tiningnan ako. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi talaga pumapalya si Dominique sa pagpaparamdam na mahal niya ako.

“But despite of all the challenges, we are still here. Holding and loving each other. Our love get us back together.  And I intend to keep that love alive. I will love her until my last breath. I love you, wife,"Dominique said that made me teary-eyed.

“I love you, too."I answered him.

Sunod-sunod na pagkalansing ng mga baso at kutsara ang narinig namin. We smiled at them before we sealed a kiss.

The chase is over. Wala nang aalis at wala nang maiiwan pa. Dahil natagpuan na namin ang kanlungan sa piling ng isa't isa. We are no longer lost souls because we already found each other. Napagtagumpayan na namin ang bawat pagsubok at ngayon ay handa na kaming harapin ang mga parating pa. Basta magkasama kami, wala kaming hindi magagawa. 

....

A/n:

Brace yourselves for Dominique's POV.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top