29
CHAPTER 29
Mastermind
"Ano ba 'yan, Lia. Ang dami mong kinakain baka tumaba ka niyan nang husto,"sambit ni Erich nang magpunta siya rito sa bahay.
Sinimangutan ko siya. Hindi naman kasi marami ang kinakain ko. Macaroni salad lang naman na isang bowl. Hindi naman ako tataba agad doon. At saka, nagugutom talaga ako at nagci-crave ako sa salad kaya nagpagawa ako.
"Hindi naman marami. Huwag mo nga akong pansinin,"sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sungit, ah. Mayroon ka ba ngayon?"tanong niya na nagpatigil sa akin.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi ni Erich. Agad kong tiningnan kung anong petsa ngayon at napamura sa isip. Bakit nakalimutan ko iyon? Isang buwan na akong hindi dinadatnan. Hindi kaya...
"Ayos ka lang? Namumutla ka, may sakit ka ba?"nag-aalalang tanong ni Erich.
I looked at her with wide eyes. "Erich, hindi pa ako dinadatnan."
"Baka naman delayed ka lang. Huwag kang paranoid, unless.."pambibitin ni Erich bago ako makahulugang tiningnan. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. "You two did it again?"
Napayuko ako sa tanong niya. I'm guilty as charged. Wala namang rason para magsinungaling pa ako sa kaibigan ko.
"Oh my God! You did it again and now you're delayed. Baka may laman na 'yang tiyan mo-OUCH!"napalakas ang pagkakasabi niya kaya agad ko siyang hinampas sa braso.
"Ang ingay mo, baka may makarinig,"sabi ko.
Nag-peace sign naman siya at umaktong ni-lock ang bibig. Ang sarap niyang sabunutan dahil sa kaingayan niya.
"Mabuti pa, bibilhan kita ng PT para malaman mo kung buntis ka nga. Mabilis lang ako,"sambit ni Erich at agad na lumabas ng bahay namin.
Hindi ako mapakali habang naghihintay sa kaibigan ko. Paano kung buntis nga ako? Sasabihin ko ba agad kay Dominique? O sa parents ko muna? Ano na lang sasabihin nila mom at dad? Alam ko namang boto sila kay Dominique pero baka hindi nila magustuhan ang pagbubuntis ko bago ang kasal.
"Lia, ano na? Ang tagal naman,"dinig kong reklamo ni Erich sa labas ng banyo dito sa kwarto ko.
Nagamit ko na ang pregnancy test at hinihintay ko na lang ang resulta. Parang gustong tumalon palabas ng puso ko sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na rin ako at nanginginig ang aking mga kamay.
Ang sabi sa packaging, one line means negative and two lines is positive. Nang tapos na ang oras ng paghihintay ay kinuha ko ang PT at lumabas ng banyo. Ibinigay ko iyon kay Erich.
"Ikaw ang tumingin. Kinakabahan ako,"sabi ko.
Ngumiwi siya sa akin at parang nandidiri. "Alam mo, Lia. Kadiri ka. May urine mo 'yan tapos ipapahawak mo sa akin. Ilapag mo diyan sa mesa at ako ang titingin,"
Inirapan ko siya bago ko inilapag sa coffee table ang pregnancy test. Agad iyong sinilip ni Erich habang hinihintay ko ang reaksyon niya.
"Ano na? Ang tagal naman Erich. Sabihin mo lang kung one or two alam ko na 'yun,"sabi ko nang hindi na makapaghintay.
"Lia,"seryosong saad niya. "Magiging ninang na ako!!!"
Nagtatalon siya sa tuwa habang hindi ako makapaniwala sa narinig. Sinilip ko rin ang bagay na 'yon at nakitang may dalawang linya nga. Buntis nga ako. Magkakaanak na ako.
"Oh God! What should I do? Should I tell them? Anong sasabihin nila?—
"Hey, relax. Huwag kang ma-stress masyado at masama sa baby 'yan. I think mas mabuti kung sabihin mo muna kay Dominique ito,"
Saglit akong kumalma nang maalala ang baby sa tiyan ko. Nakalimutan kong nakakaapekto nga pala kay baby lahat ng emosyon ko.
"Tama ka. Pupuntahan ko na si Dominique,"sabi ko at agad akong kumuha ng bagong damit sa closet para magbihis.
Nagpahatid ako kay Erich papunta sa office ni Dominique. Agad din naman akong pinapasok dahil kilala na nila ako. Pagpasok ko sa loob ng office ni Dominique ay napahinto ako nang makita si Sabelle. Mag-isa lang siya doon at parang may hinihintay.
"What are you doing here?"I asked.
She looked at me and then she smiled. Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako sa ngiti niya. Ano ba kasing ginagawa niya sa opisina ni Dominique? At bakit p'wede siyang pumasok dito kahit wala ang Mayor?
"Hi, Camellia. Nice to meet you again. Actually, si Dom ang ipinunta ko rito pero dahil nandito ka na rin, kakausapin na lang kita,"ani Sabelle.
Kumunot ang noo ko pero naupo pa rin ako sa isa pang visitor's chair doon.
"Anong pag-uusapan natin? Balak mo na naman bang agawin si Dominique? Puwes, para sabihin ko sa 'yo, ikakasal na kaming dalawa,"
Nanatili ang nakangiti niyang labi. Parang hindi siya naapektuhan sa sinabi ko.
"I know. At wala akong balak manggulo sa inyong dalawa. Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga ginawa ko noon. I already told this to Dominique but I still want to tell you. Sorry for everything. Nagawa ko lang ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko kay Dom,"
Puno ng sinseridad na sinabi niya.
"Alam ko namang hindi mo intensyon ang mga bagay na nagawa mo noon. Mahal mo si Dominique at nagselos ka na napapalapit siya sa akin kaya naisip mong gawin iyon. Pinapatawad na kita,"
Parang gulat na tumingin siya sa akin. Hindi yata siya makapaniwalang napatawad ko siya agad.
"Napatawad mo na talaga ako? Kahit muntikan ka ng magahasa nang dahil sa akin?"
This time ako naman ang gulat at nagtatakang tumingin sa kanya. Magahasa? Anong ibig niyang sabihin?
"What are you talking about?"I asked.
"Don't tell me, Dom didn't tell you about it? Mukhang hindi niya talaga ako inilaglag sa 'yo. He's good at keeping secrets, huh?"
"I'm confused. Ano bang pinagsasabi mo? P'wede ba diretsahin mo na ako?"
This conversation is giving me headache. Hindi ko alam kung niloloko ba ako ng babaeng 'to o talagang may sikreto siyang tinatago.
"Ako ang nag-utos sa mga lalaking 'yon na takutin ka. Remember? No'ng sumakay ka ng jeep at muntik ka nang ma-harassed? Ako ang mastermind at inamin ko iyon kay Dominique dahil nagsisisi na ako. I'm surprised he didn't tell you,"
Naikuyom ko ang kamao sa panggigigil. Agad ko siyang sinugod at sinakal.
"Walang hiya ka! Ikaw pala ang nagpahamak sa akin noon! Ang kapal ng mukha mo! At dinadamay mo pa sa kasinungalingan mo si Dominique. Kung totoong umamin ka sa kanya, sana nakakulong ka na!"
Galit na galit ako sa kanya. Hindi ko maisip kung paano niya nagawa iyon sa akin. Grabeng trauma ang inabot ko sa nangyaring iyon tapos siya pala ang mastermind ng lahat!
"Camellia!"
Narinig ko ang boses ni Dominique at agad akong inilayo kay Sabelle na ngayon ay namumutla na. Umubo-ubo pa siya dahil sa higpit ng pagkakasakal ko. Kung hindi ako inawat ni Dominique ay baka napatay ko na ang babaeng 'yan.
"Anong nangyayari rito?"seryosong tanong ni Dominique. Agad akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa akin.
"Umamin ka nga Dominique, alam mo ba na siya ang mastermind sa nangyari noong muntik na akong magahasa?! Alam mo ba?!"tanong ko kay Dominique.
Nakita ko kung paano siya natigilan. Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero umiwas ako. He looked like he doesn't know what to do. His silence confirms everything. May alam siya sa nangyari at hindi niya man lang sinabi sa akin.
"Camellia, calm down—
"How can I fucking calm down?! You didn't tell me about that! Bakit? Pinoprotektahan mo siya kasi babae mo siya?!"
"Camellia, please. Calm down first then I'll explain to you. I'm not protecting her, may dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo,"
Umiling ako habang unti-unting dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sama ng loob.
Oh God! Ang baby ko. Baka maapektuhan siya. Damn!
'I'm sorry, baby..'
"I don't want to talk to you anymore. Ayaw kong magpakasal sa taong mas pinipiling alalahanin ang nararamdaman ng iba kaysa sa akin. Let's call off the engagement,"I said before I removed the ring from my finger.
Padabog kong inilapag iyon sa mesa niya bago ako lumabas mula sa office. Saktong may taxi na paparating kaya agad kong pinara iyon.
I grabbed my phone and called Erich. Ilang rings lang ay sinagot niya na.
"Hello, Lia. How was it? Nasabi mo ba?"tanong niya sa kabilang linya.
"Erich...help me. Book me a ticket. Kahit saan basta hindi ako mahahanap ni Dominique,"
"Hah? Bakit? Ano bang nangyari? Teka, umiiyak ka ba?"
Nasapo ko ang bibig ko para pigilan ang tunog ng pag-iyak.
"Just please, book me a ticket. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat.”
I want space. Gusto kong mapag-isa muna at hindi ko magagawa iyon sa bahay dahil sigurado akong mangungulit doon si Dominique. Kailangan kong lumayo sa kanya. Nasasaktan ako nang sobra at makakasama iyon sa baby ko.
'Sorry baby. We have to leave daddy for a while. It's for our own good...'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top