26
CHAPTER 26
Lonely
Totoo nga pa lang, sa pagmamahal lahat kaya mong gawin. Kahit ang mga bagay na hindi mo madalas gawin noon, buong puso mo nang gagawin ngayon. Like me, I don't chase a man before him, sila ang humahabol sa akin. Pero para kay Dominique, binababaan ko ang pride ko.
Oo, aaminin ko. Nasasaktan ako sa tuwing ipagtatabuyan ako ni Dominique. Pero naniniwala pa rin ako na may nararamdaman pa siya sa akin. Imposible namang mawala agad iyon sa loob ng tatlong taon.
Weeks passed and I'm still following Dominique wherever he goes. I always make sure that he will see me everywhere. Para naman isipin niya na pinagtatagpo kami ng tadhana. Hindi niya pa rin ako pinapansin pero ayos lang. Alam kong napipikon na siya sa ginagawa ko at wala akong pakealam. Hindi ako titigil kakasunod sa kanya hangga't hindi niya ako ulit kinakausap.
Mabuti nga at hindi niya pa ako pinapahuli sa mga bodyguards niya. Malaya pa rin akong sumulpot kahit saan.
Abala ako sa pagbabasa ng libro dahil nasa bahay lang ako ngayong araw. Magpapahinga muna ako sa pagsunod kay Dominique. Hahayaan ko muna siyang mag-akala na makikita niya ako ngayong araw.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatigil ako sa pagbabasa. Pumasok si Mommy at may dala siyang gold na envelope.
“Lia, we're invited again to the party of the Mayor. Magpa-deliver ka ng bagong dress mula sa company natin,"sabi ni mom.
Napangiti ako. Akalain mo nga naman, wala sa plano ko ang makipagkita kay Dominique pero mukhang tadhana na talaga ang nagtatagpo sa amin.
“Okay, Mom. Tatawag po ako mamaya.,"sabi ko.
Pagkalabas ni Mommy ng kwarto ay tinawagan ko agad ang Secretary ni dad at nagpasend ng mga bagong design na dress. Mamimili na lang ako through online dahil tinatamad na akong magtungo sa shop namin. Alam naman na nila ang sukat ko kaya hindi na problema iyon.
It was already five in the afternoon when my dress came. Eight O'clock ng gabi ang party kaya naman makakapg-ayos pa ako. Hindi na kasi ako sumama kay mommy sa salon dahil kaya ko namang mag-ayos sa sarili ko.
I just put on a light make up then I straightened my hair before tying it in to a ponytail. Nang matapos ako sa pag-aayos ay saka ko isinuot ang gown ko. Black and white ang theme ng party kaya naman kulay black ang pinili kong gown. It has a sweetheart neckline that shows a little bit of my cleavage. It is floor-length gown that fits my body perfectly. I put on my heels then I'm done.
I grabbed my purse then I went out of my room. Nasa sala na ang parents ko at naghihintay sa akin. Nang makita ako ay tumayo na sila at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay.
“Have you talked to Dominique?" Mom asked while we're on our way to the party.
“We talked. Pero hindi pa po kami ayos ngayon,"sagot ko.
Dad sighed. “That's why you're not his date for tonight,"
My brows furrowed. Date? Kailangan ba may date sa party mamaya? At sino naman ang niyaya ni Dominique? Si Sabelle?
Pagkarating sa venue ay may mga taga-media na nakaabang sa bawat bisitang dumarating. Pagkababa namin ng sasakyan ay halos mabulag ako sa sunod-sunod na flash ng cameras. Mabilis na pumalibot sa amin ang mga guards para makapasok kami sa loob ng hotel pero may isang nakalusot sa kanila. Sa akin ito dumiretso.
“Miss Camellia, gaano katotoo na nagkaroon kayo ng relasyon ni Mayor Dominique noon?"tanong nito.
Natigilan ako sa tanong niya at hindi agad nakalakad. Hanggang sa hilain na lang ito ng isang guard palayo sa akin.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung dapat ko bang sagutin. Anong sasabihin ko? Wala kaming relasyon ni Dominique pero hindi lang kami magkaibigan. Sigurado ako dahil hindi naman naghahalikan ang magkaibigan lang. I'm also confused, why are they curious about that? Don't tell me they've been stalking us all this time?
“Lia, let's go,"dad said before he pulled me inside the hotel.
Iginiya kami sa table namin na malapit sa may stage. Hindi pamilyar ang ibang mukhang naroon, marahil ay mga nasa politika rin. Hindi ko nga alam kung bakit ini-invite pa kami rito. Negosyante naman ang parents ko at wala sa politika.
Maya-maya lang ay napansin kong nagsilingunan ang mga bisita sa may entrance kaya tiningnan ko rin kung sino ang dumating. Wearing a black tux is Dominique with Sabelle, clinging on his arm like a koala. Sabelle is wearing a white long gown.
Naningkit ang mga mata ko sa nakikita. Sinadya niya bang gawing date si Sabelle dahil alam niyang aattend ako? Kung pinagseselos niya ako, puwes hindi ako nagseselos. Nagagalit ako. Hahanap lang naman siya ng ipampapalit sa 'kin, iyong mas mababa pa sa level ko. Ha!
Ayan ba ang sinasabi niyang walang girlfriend? Tapos ipinangangalandakan niyang kasama niya si Sabelle? Aba, sinungaling naman pala ang isang 'to.
“If looks could kill, they will be probably six feet underground by now,"someone beside me said.
Nilingon ko iyon at nakita ang isang lalaking naka-black suit. He looked at me and smirked showing his dimples. I rolled my eyes on him.
“Who are you? Why are you talking to me?"I asked.
He touched his chest like he was hurt. “I'm offended. You don't know me?"
My forehead creased. Sino ba 'tong lalaking 'to at parang obligasyon ko pang kilalanin siya?
“Just kidding. I am Giovanne Zabala. You can call me, Gio, Van or love if you want,"
Pinagtaasan ko siya ng kilay. May saltik yata sa utak ang lalaking 'to at ako pa ang napagtripan. Hindi naman siya mukhang taga-politika. Baka, nakikikain lang ang isang 'to.
“Hayst. Tama nga si Niq. Nakakatakot ka tumingin. Kung ako sa kanya, hindi ko gagawin ang ginagawa niya ngayon,"bulong ni Gio.
Niq? Sino naman 'yon? At bakit parang pinag-uusapan nila ako?
Dahil sa pagsasalita ni Gio ay hindi ko namalayang nakalapit nasa mesa namin sila Dominique at Sabelle. Seryoso ang tingin ni Dominique kay Gio na parang binabantaan ito.
“Hey, Niq. You didn't invite me, mabuti na lang at date ko si Camellia kaya nakarating ako,"biglang sabi ni Gio.
Damn! So, ang Niq na tinutukoy niya ay si Dominique? Wait...date? Kailan ko siya naging date?
Aalma na sana ako nang hapitin ako ni Gio palapit sa kanya at saka bumulong sa akin.
“Let me handle this. You don't want to get embarrassed, right?"
Hindi na ako pumalag lalo pa at nakita kong mas lalong dumilim ang mukha ni Dominique. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Gio na nasa beywang ko.
“Engineer Zabala, magkakilala pala kayo ni Camellia?"tanong naman ni Sabelle.
Hmmm. Engineer pala itong asungot na 'to. Pero salamat pa rin sa kanya at hindi ako mukhang kawawa sa harap nila Dominique.
“Of course. Madalas siyang ikuwento ni Niq sa akin noon,"sagot ni Gio at bahagyang tumawa.
I smirked. So, he's talking about me with his friends, huh? Ano naman kaya ang pinagsasabi ni Dominique sa mga kaibigan niya? Ipinagmamalaki niya ba kung gaano ako naghabol sa kanya noon? At hanggang ngayon?
“Gio, we have to talk,"Dominique said then he walked way. Leaving Sabelle behind. Muntik na akong matawa dahil mukhang nagulat si Sabelle na basta na lang siyang iniwan ng date niya.
“Looks like I need to brace myself from the wrath of Aranda,"Gio muttered then he laughed again. Sumunod din siya agad kay Dominique.
Naiwan kami ni Sabelle. Inirapan niya ako bago umalis. Napailing na lang ako. Wala ako sa mood makipag-away sa kanya.
Umupo na ako ulit sa puwesto ko at napansin kong nakatingin sa akin ang parents ko.
“Lia, you didn't tell us that you're friends with Engineer Zabala,"dad said.
“You know him?"I asked.
Dad laughed like I just said a funny words. “Of course. He is one of the engineers of our building in Manila. Don't tell me, hindi mo siya kilala?"
I shook my head. Hindi ko naman talaga siya kilala. Kailangan ba kilalanin ko lahat ng nakakasalamuha ng parents ko?
Hindi ko alam kung ano bang purpose ng party na 'to. Pang-social gatherings lang yata at para magkilala ang mga tao rito. Dapat pala hindi na ako pumunta.
Nang maburyo ako sa table namin ay tumayo ako at nagpasyang lumabas. Naabutan ko doon si Gio na naninigarilyo. May pasa na siya sa pisngi.
“Anong nangyari sa 'yo?"tanong ko.
Tinapakan niya ang upos ng sigarilyo at kumain ng chewing gum bago ako hinarap. Ngumisi siya na parang may naisip.
“You know, iisipin ko na lang na concern ka sa akin kaya ka nagtatanong. But don't worry I'm fine,"he said.
“For your information, I'm not concerned about you. Pakitang-tao lang ang pagtatanong ko,"sabi ko.
Bigla naman siyang tumawa nang malakas pero napaigik din dahil nabanat ang pisngi niyang may pasa. May saltik talaga.
“Miss Camellia, you should go back inside now dahil baka madagdagan pa ang pasa ko,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang koneksyon ng paglabas ko rito sa pagkakaroon niya ng pasa? Ako ba ang bumugbog sa kanya? Oh shit! Si Dominique.
“Si Dominique ba ang may gawa niyan?"tanong ko.
“Nope. Niq would never hurt his friend, you know. Just someone. Pero kung hindi ka pa babalik sa loob baka ako pa ang unang masuntok ni Niq sa aming magkakaibigan.”
Tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala. Si Dominique lang naman ang kasama niya kaninang lumabas. Imposible namang mapagtripan siya rito samantalang may mga security. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagpasyang bumalik na sa loob.
Nasalubong ko si Dominique at lalampasan ko na sana siya nang hilahin niya ako ulit palabas.
“Hey! Where are you taking me?"I asked but he kept dragging me until we reached the parking lot. “Ano bang problema mo? Bigla mo na lang aking hinihila sa kung saan!"
“Nananadya ka ba talaga?! Dahil hindi mo makuha ulit ang atensyon ko kaya kaibigan ko naman ngayon?!"pasigaw niyang tanong sa akin.
I looked at him, dumbfounded. “What are you talking about?"
“Will you stop playing innocent? Bakit si Gio pa ang niyaya mong date? Dahil balak mo akong pagselosin??"
“No! Ano ba talagang pinupunto mo?! Hindi naman kita pinakealaman nang makita kong nakalingkis sa 'yo sa Sabelle, 'di ba? Bakit ka nagkakaganyan?? Kapag lumalapit ako pinagtatabuyan mo ako! Pero kapag hindi na kita kinukulit, ikaw naman itong sumusunod! You're confusing me! Ano ba talaga, Dominique? May pag-asa pa ba ako sa 'yo?"
His face was blurry in my eyes due to the tears that are threatening to fall. Hindi ko na kaya. Nasasaktan ako sa ginagawa ni Dominique. Handa naman akong habulin siya pero paano ko mahahabol ang taong pilit lumalayo sa akin?
Sa tuwing ipinagtatabuyan niya ako, parang paulit-ulit akong nadadapa. Pero paulit-ulit din akong bumabangon para habulin siya ulit dahil mahal ko siya. But I can't take it anymore. This is too much!
“I want you to stop this already. Tigilan mo na ang kahahabol mo sa akin. We're done, since the day you left,” he said.
“W-Why? Hindi mo pa rin ba maintindihan hanggang ngayon? I left for my dreams. Umalis ako para matupad ang pangarap ko. At gano'n din naman ang ginawa mo 'di ba? Tinupad mo ang pangarap mo...maayos na ang buhay natin ngayon, bakit hindi na tayo p'wede? Oo nga pala, wala nga palang 'tayo' kahit noon pa...."
“Stop. You're just hurting yourself."
I shook my head while tears are falling from my eyes.
“Ano bang nagbago, Dominique? Hindi mo na ba talaga ako mahal? May bago na ba? Si Sabelle? Hindi ko kasi alam kung bakit hindi na p'wede. Kung bakit wala nang pag-asa...Ano bang dahilan?! Sabihin mo! Tatlong taon lang akong nawala, bakit ang bilis mo namang magmahal nang iba?!"
Napaluhod ako sa semento dahil sa panghihina. Hindi ko matatanggap na wala nang pag-asa. Hindi ko kaya. Hindi puwede. Ayaw ko.
“There are so many things I am willing to sacrifice to be with you. But then you are not willing to sacrifice for me. Kaya mas alam ko na ang kahalagahan ng pangarap. At mas pipiliin ko iyon ngayon kaysa sa'yo,"sambit ni Dominique bago naglakad palayo.
Naiwan akong mag-isa dito. Habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. My heart is shattering in to pieces. The cold wind of the night makes me feel how lonely I am. Without him. Without my love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top