24
CHAPTER 24
Hired
Maaga akong nagising kinabukasan at napagpasyahan kong mag-jogging paikot dito sa subdivision namin. Madalas ko itong gawin sa America pampalipas oras. I'm not a fan of exercise but due to the boredom I started exercising.
Hindi rin naman kasi ako madaling tumaba kahit pa kumain ako nang marami. Ayaw ko naman nang magpa-sexy. Kontento na ako sa katawan ko.
Ilang beses akong tumakbo paikot ng subdivision hanggang sa pagpawisan ako. Nang sumikat na ang araw ay bumalik na ako sa bahay at naabutan ko sila Mom at Dad na nanonood ng T.V.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang kasalukuyang ini-interview ng mga reporters.
“Mayor Dom, ano pong masasabi niyo sa kumakalat na balitang balak niyo nang bumaba sa puwesto dahil handa na raw kayong magpakasal?”
Napahinto sa paglalakad si Dominique at hinarap ang nagtanong.
"That's just rumors. Hindi pa ako handang mag-asawa,"sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. Muli siyang hinabol ng mga taga-media.
“Mayor, marami pong nagtatanong kung may girlfriend ba kayo?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong na iyon. Parang hindi naman dapat tinatanong 'yan sa mga ganyang balita. I mean, s'yempre nacu-curious din ako kung taken na ba siya pero hindi pa rin importanteng tanong 'yon.
"I don't have a girlfriend. I'm open for applicants,"he answered then he laughed.
Natulala ako nang makita ko siyang tumawa. Ang tagal ko nang gustong marinig ulit ang tawa niya. Wala namang masyadong nagbago sa mukha niya, mas nag-mature lang ito. Siguro dahil sa T.V ko lang naman siya nakikita.
“Lia, baka matunaw ang T.V natin. Ano pa bang hinihintay mo? Mag-apply ka na,"biro ni Mommy.
Napasimangot ako at dire-diretsong nagtungo sa kwarto. He's open for applicants daw pero hindi naman binanggit kung anong mga requirements ang kailangang dalhin. Binalewala ko na lang iyon at naligo na ako. Aasikasuhin ko na lang ang pagbubukas ko ng negosyo.
At iyon nga ang ginawa ko buong araw, nagplano ako para sa business ko. Mas mabuti na iyon para hindi ko masyadong maisip ang lalaking 'yon. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-type nang tumawag si Erich.
“Hello,"bungad ko sa kanya.
“Check your email. May sinend akong file,"sabi ni Erich kaya agad kong tiningnan ang email ko.
Resume ang laman ng file na iyon. And take note, it's not the usual resume for applying a job. Dahil may nabasa pa akong vital statistics and such.
“Para saan 'to? Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa isip mo Erich?"tanong ko at narinig ko ang malakas na tawa ng kaibigan ko.
“Pumunta ka sa munisipyo bukas. Mag-apply ka kay Mayor! Bilang girlfriend!" Sinundan ito nang malakas niya na namang tawa.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa sinabi ni Erich. Seriously? Ginawan niya ako ng resume para mag-apply bilang girlfriend ni Dominique?
“No! Nakakalimutan mo na ba? He's a mayor now. Hindi ko na siya p'wedeng lapitan basta-basta!"saad ko.
“Sus! For all I know, hinihintay ka lang din ni Mayor. Dali na, subukan mo lang. Naaawa ako sa 'yo, wala kang love life."
I rolled my eyes even though she can't see me.
“Akala mo naman may love life ka. Tigilan mo nga ako, Erich. I'm busy,"
“Please! Subukan mo lang. Chance mo na 'to para makausap siya,"
Napaisip ako sa sinabi ni Erich. Kaya ko bang gawin iyon? Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari, nahihiya na ako. Baka isipin niya sobrang nagkakandarapa na ako na makasama siya. Pero totoo naman. Hayst.
Buong gabi ko yatang pinag-isipan ang gagawin ko. Kaya ngayon para akong zombie dahil wala akong tulog. Pero gano'n pa man, nakapagpasya na ako na itutuloy ko ang sinasabi ni Erich. Kakapalan ko na ang mukha ko at mag-a-apply ako bilang girlfriend niya.
Bumangon na ako at naligo. I decided to wear a white sweetheart tube top beneath my white coat. I matched it with my white high-waisted skinny jeans. I also put light make-up on my face and I tied my hair into a ponytail. Then, I slipped on my white pumps.
Nang makontento sa itsura ko ay dinampot ko ang bag at ang envelope kung saan nakalagay ang resume ko. Lumabas na ako ng kwarto at mabuti na lang wala sila Mom at Dad.
“Manong, sa munisipyo po tayo,"sabi ko sa driver namin.
Nagmaneho na siya at ilang sandali lang ay nakarating na kami. Hindi naman kasi gano'n kalayo ang munisipyo. Agad akong lumapit sa front desk lady.
“Excuse me, nariyan ba si Mayor Dominique Aranda?"tanong ko.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang bahagyang pagngiwi niya na parang hindi angkop ang suot ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Miss, hindi niyo po p'wedeng basta-basta makita si Mayor. Unless, may appointment po kayo,"sambit ng babae.
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Appointment? Hindi ko na kailangan no'n. Pupuntahan ko siya kahit kailan ko gusto,"sabi ko at dire-diretsong nagtungo sa elevator.
May limang palapag ang munisipyo dito at sa pagkakaalam ko ay nasa pinakataas ang opisina ni Dominique. Pagkabukas ng elevator ay napansin kong iisa lang ang pintong naroon. May nakalagay na pangalan sa harap nito.
Mayor Dominique Lyndon Aranda
Lalapitan ko na sana iyon nang may babaeng humarang sa akin. Nanggaling siya doon sa cubicle na hindi ko napansin kanina.
“Miss, hindi po kayo p'wedeng pumasok. Wala po kayong appointment sa mayor,"sabi nito.
Kanina pa nila ako sinasabihan nang ganyan. Naiinis na ako sa kanila. So, kapag may nangangailangan ng tulong kailangan magpa-appointment muna?
“For your information, I am his future girlfriend. Huwag mo akong haharangin kung mahal mo pa ang trabaho mo,"pananakot ko sa kanya at nilagpasan siya.
“Pero miss-
Agad kong binuksan ang opisina ni Dominique at nakita ko siyang may kausap.
“Mayor,pasensya na po. Nagpumilit siyang pumasok,"sabi ng babaeng humarang sa akin kanina sa labas.
"It's okay," sabi ni Dominique sa sekretarya niya bago ako sinulyapan. Sobrang seryoso ng kanyang mukha. “So, anong maipaglilingkod ko sa 'yo, Miss Fortalejo?"tanong niya na halos magpakaba sa akin. Naubos yata lahat ng confidence ko sa katawan. Tiningnan ko ang babaeng kausap niya kanina.
Bakit nandito siya? Don't tell me, may something na sila? Totoo ba ang usap-usapan tungkol sa kanila? Kung gano'n, huli na nga yata ako.
“I'm here to submit an application,” I said and dropped my requirements on his table. Tinignan niya lang 'yon bago nag-angat ulit ng tingin sa akin.
“Application for what? We don't have vacancies. And also we are not hiring,” he answered.
“Liar! You just said yesterday that you are open for applicants. And here I am, applying as your girlfriend."
Nakita ko kung paano siya magulat maging ang babaeng nasa harap niya. Siguro nag-aapply din siya bilang girlfriend? O baka naman hired na kaya naman close na ang application. Damn!
“You're applying as my girlfriend?"He asked like he can't believe it.
“Yes. I am here to get what's mine. "
Seryoso kaming nagtitigan. Gusto kong malaman niya na hindi ako nagbibiro. Kung kailangan ko siyang habulin, gagawin ko. Dahil mahal ko pa rin siya.
“I'm sorry but you're not qualified,"he said.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. How dare him embarrassed me again in front of this girl? Ginawa na niya ito noon tapos ginawa niya ulit ngayon?
“Why? Dahil ba nauna nang mag-apply ang babaeng 'yan?"tanong ko at itinuro si Sabelle.
Sabelle's forehead creased. “Excuse me, hindi ko na kailangang mag-apply dahil matagal na akong hired."
What the fvck?! She has the guts to tell that to me?? Aba, at sumasagot na siya ngayon.
“Really? Napakabilis mo naman pala. Bakit hindi mo pa noon ginawa 'yan? At ikaw naman Dominique, mas pinipili mo siya kaysa sa 'kin?!"
“Miss Fortalejo, you may leave now. Sinasayang mo ang oras ko,” sabi ni Dominique at doon kumirot ang puso ko.
I looked at him in disbelief. He really wants me to leave so that they can have more time together, huh? Gano'n ba talaga niya kaayaw na makita ako?
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Damn this man! Siya lang ang may kakayahang paiyakin ako sa mga salita niya. Hanggang ngayon mahina pa rin ako pagdating sa kanya.
“Fine. I will leave for now. But don't expect me to stop chasing you. You will be mine again, mark my words,"I said then I went out of his office.
Padabog akong naglakad patungo sa elevator. Nang magsasara na sana ito ay biglang may pumigil. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Dominique. Seryosong nakatingin sa 'kin.
“Anong ginagawa mo rito-
Nagulat ako nang bigla niya akong ma-korner sa gilid ng elevator. Kumalabog ang dibdib ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Hindi ako handa sa ganito.
“How dare you leave me that day?! Tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari? Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto pa ba kitang makita? Hindi mo man lang tinanong kung ayos na ba ako nung wala ka?!"
My eyes were clouded with tears again. Hindi ko na makita nang maayos ang mukha ni Dominique pero alam kong bakas ang galit sa mukha niya. I know that he deserves some explanation from me but I don't know where to start. At ayaw ko ring malaman na hindi na niya ako kailangan dahil masakit. Sobrang sakit sa puso ko.
“I don't want to see your face again. Umalis ka na noon, sana hindi ka na bumalik."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli siyang lumabas ng elevator at naiwan ako. Nanghihinang napaupo ako habang umiiyak.
'I'm sorry, Dominique..'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top