22

CHAPTER 22
Excited

“Congratulations, Lia! Finally, graduate ka na!"sabi ni Tita pagkababa ko ng stage.

Niyakap ko sila ni Tito. Ngayon ang araw ng graduation ko at dahil hindi nakarating ang parents ko ay sila Tita at Tito ang nagsabit ng medalya para sa akin.

Ang sabi ng parents ko na-cancelled daw ang flight nila rito kaya naman hindi sila umabot sa graduation ko.

“We have to celebrate! Nagpahanda ako sa bahay para doon na tayo mag-celebrate,"sabi ni Tita habang papunta kami sa kotse.

“Lia!"

Nilingon ko ang sumigaw at nakita ko si Khalil na tumatakbo palapit sa akin. Malawak ang ngiti sa kanyang labi at bitbit pa niya ang diploma. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

“Sa wakas, graduates na tayo! With flying colors pa! Worth it lahat ng paghihirap natin!"masayang sambit niya at muli akong niyakap.

“Congrats din sa 'yo. Worth it ang pamimilit mo sa akin na mag-review sa tuwing may exams,"biro ko.

Si Khalil naman kasi talaga ang namimilit sa akin na mag-aral kahit pa tinatamad ako. Sa tuwing ayaw kong magbasa, siya mismo ang magbabasa para sa akin. Siya ang mabuti sa aming dalawa at ako ang medyo bad influence.

“So, what are your plans now?"he asked.

Napangiti ako nang maalala na malapit na akong umuwi ng Pilipinas. Aayusin ko lang ang mga papeles ko t'saka ako luluwas pauwi ng Pinas.

“I'm going back to the Philippines!"I said while smiling widely at him.

Nakita ko kung paano naglaho ang ngiti sa labi niya. Napakunot ang noo niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.

“What do you mean? Uuwi ka na? O bakasyon lang? Kasi 'di ba tutulungan mo pa ang tita mo sa business niya?"sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Nabanggit ko kasi sa kanya ang tungkol doon sa pagtulong ko kay Tita sa negosyo niya. Pero bigla naman kasing nagbago ang isip ni Tita at gusto na akong pauwiin.

“Well, change of plans. After a month, babalik na ako ng Pilipinas. Ikaw ba? Wala kang balak umuwi doon?"tanong ko sa kanya.

“Wala naman akong babalikan sa Pilipinas. Nandito na akong pamilya ko. Pero dahil uuwi ka na, mukhang may rason na para magpunta ako doon,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Really? Bibisitahin mo ako doon?"tanong ko.

“Oo naman. At saka, kapag nagsisi ka na umuwi ka pa doon, tumawag ka lang sa akin at ako pa mismo ang mag-aasikaso ng flight mo,"

Napanguso naman ako. Hindi naman ako magsisisi na uuwi ako sa Pilipinas. Hometown ko iyon, eh. At saka nandoon ang parents ko pati ang mga kaibigan ko. Nandoon din si Dominique so walang rason para magsisi ako sa pagbabalik ko.

“Para namang ayaw mo akong pauwiin,"sabi ko.

“Hindi naman sa gano'n. Sinasabi ko lang na kung gusto mong bumalik dito, tawagan mo lang ako,"

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Muli niya akong niyakap at natanaw ko ang parents niya mukhang hinihintay na siya.

“Sige na. Bumalik ka na doon at hinihintay ka na ng parents mo,” sabi ko at bahagya siyang itinulak palayo.

“I'll miss you,” he said.

“Sus! Okay fine. I'll miss you, too,” I answered.

Tinanaw ko siya habang papalayo at saka ako dumiretso sa kotse namin kung saan naghihintay sila Tita at Tito. Sumakay na ako sa back seat at muling sinulyapan ang phone ko.

Hanggang ngayon hindi pa tumatawag ang parents ko. Kahit man lang sa message hindi nila ako na-congrats. Ano bang nangyayari sa kanila? Nakalimutan ba nila na graduation ko ngayon?

Pagkarating sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto ay biglang may nagpaputok ng confetti.

“Congratulations!"sabay-sabay na sigaw ng parents ko maging ang mga maids dito sa bahay.

Hindi ko na napigilang maiyak. Naka-decorate ang buong sala at may mga pagkain. May malaking tarpaulin din na may mukha ko at nakalagay na 'Congratulations'.

“Mom, Dad...akala ko hindi na kayo makakarating,"naiiyak na sabi ko at niyakap silang dalawa.

“P'wede ba 'yun? We can't miss your graduation," Mom said.

“I thought your flight got cancelled?"I asked them.

Ngumiti silang dalawa sa akin at tumingin din kila Tito at Tita.

“Well, sinabi lang namin iyon para masorpresa ka. Kagabi pa kami dumating at nandoon din kami sa graduation mo kanina,"paliwanag ni Daddy.

Mas lalo akong naging emosyonal. Itong magulang ko talaga ang hilig akong sorpresahin. Madalas din nila akong paiyakin. Pero mahal na mahal ko naman sila.

“Thank you, Mom, Dad. I love you both!"I said and I kissed their cheeks.

Nag-umpisa na kaming mag-picture taking bago kami kumain. Isa pala si Mommy sa mga nagluto kaya naman ganado ako dahil miss ko na ang luto niya. Pagkatapos kumain ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Erich.

“Erich! Oh my gosh, graduate na ako!"bungad ko sa kaibigan ko.

“I'm happy for you, Lia! Ako naman next week. Congratulations!"she said.

“By the way, I have a good news for you,"

“What is it?"she asked.

“I'm going back to the Philippines next month!"I exclaimed.

Nanlaki ang mata ni Erich at inalog-alog ang laptop niya kaya naman nagulo ang camera. Itong babaeng 'to porke't may pambili ng laptop basta na lang hinahampas.

“Kyaaahhh!!! Uuwi ka na talaga?! Seryoso?? Bilisan mo! Excited na ako!!"

Natawa ako dahil halatang-halata na excited talaga siya sa pag-uwi ko. Ako rin naman hindi na makapaghintay na bumalik sa Pilipinas.

“Gusto ko may pa-welcome back party ako pagdating ko. Asikasuhin mo na agad!"biro ko sa kanya.

“Sure! Basta ikaw. Ako na rin ang bahalang mag-invite ng mga dadalo. I'm sure matutuwa ka,"sabi niya at tumawa na parang pangdemonyo.

Parang nagsisi pa ako na sinabi ko iyon. Baka mamaya kung sino naman ang imbitahin niya sa party. Puno pa naman ng kalokohan ang utak ni Erich.

.....

“We will wait for you in the Philippines. Mag-iingat ka,"sabi ni Mommy nang ihatid ko na sila sa airport.

Mauuna kasi silang bumalik sa Pilipinas at susunod na lang ako next month. May kailangan daw kasing asikasuhin si Dad sa trabaho niya kaya kahit gusto nilang manatili pa rito ay hindi na p'wede.

“Yes, Mom, Dad. Take care also. "I said before hugging my parents.

Pinagmasdan ko silang pumasok sa airport bago ako muling sumakay sa kotse. Nagpahatid na ako pauwi. Pagdating sa bahay ay inumpisahan ko nang i-impake ang gamit ko.

Hayst. Parang no'ng nakaraan lang nag-impake ako para umalis ng Pilipinas. Ngayon naman, muli akong mag-aayos ng gamit para bumalik na sa hometown ko. Napakasarap sa pakiramdam.

Napapaisip tuloy ako kung ano bang aabutan ko sa pagbabalik ko? Ano bang nga nagbago? May babalikan pa kaya ako? At paano kung wala na? Anong gagawin ko?
___________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top