21

CHAPTER 21
Ideal

Life is not always about happy things. It is also about surviving all the trials that you are facing. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa panig mo ang lahat at nasusunod ang gusto mo. Minsan, nagkakamali tayo sa mga desisyon natin pero ang mahalaga ay natututo tayo mula sa pagkakamaling iyon.

Happiness can not always be found in other places. Sometimes, you can be happy wherever you are when you are with the right person. Hindi mo naman madalas mahanap ang kasiyahan lalo na kung hindi ka nakokontento sa buhay.

Katulad ko, sa pagtapak ko rito sa states, akala ko hindi ako magiging masaya dahil malayo ako sa mga taong mahal ko. But I chose to be happy. Mas pinili kong tumingin sa bright side ng buhay.

Mabuti na lang at hindi ako nabuntis ni Dominique. Dahil kung nagkataong nabuntis niya ako baka pauwiin ako ni tita sa Pilipinas.

“Lia, you're spacing out again,"Khalil snapped his fingers in front of me.

Isa siya sa mga naging kaibigan ko rito. He's a Filipino-American that's why he can speak Filipino. Mabuti na lang at may mga nakilala akong Filipino students dito kaya hindi ako nahirapang makipag-socialize.

“I'm sorry. May iniisip lang ako,"sabi ko at ipinagpatuloy at pagbabasa.

Nasa library kami ngayon dahil free time namin. Pareho kaming nagbabasa pero dahil naalala ko na naman ang pamilya ko sa Pilipinas ay natulala ako.

It's been three years since I left Philippines. Madalas naman akong bisitahin ng mga magulang ko pero iba pa rin kapag kasama ko sila araw-araw sa bahay. Though, kasama ko naman sila Tita Marielle dito.

“Missing your family?"Khalil asked. I nodded. “Alam mo, huwag na lang tayo magbasa. Sumama ka sa akin para hindi mo masyadong ma-miss ang family mo,"

Nagtataka man ay sumama pa rin ako sa kanya. Mabait na tao naman si Khalil. Siya iyong tipong kaibigan na gagawa ng paraan para mapasaya ka. He's an ideal friend. At kung hindi lang committed ang puso ko sa taong iniwan ko sa Pilipinas ay hindi malabong magkagusto ako kay Khalil.

Dinala niya ako sa isang ice cream parlor. It's winter season here in America but the store felt warm. Kabaliktaran ng itinitinda nila na malamig.

“Khalil, are you aware that it's winter?"I asked him when we both sat at the corner of the store.

He nodded making his blonde hair bounce. “Of course. Kaya nga ang kapal ng suot kong coat. I also wear my gloves."

“Yun naman pala. Bakit dito mo pa ako dinala? Baka manigas na ang katawan ko sa lamig!"singhal ko sa kanya at tumawa lang siya.

May lumapit na waiter sa amin at inabutan kami ng menu. Wala akong choice kundi mamili ng order.

“I'll have one blueberry ice cream,"Khalil said then he looked at me.

“I want chocolate ice cream,"I said.

Umalis na ang waiter para kunin ang order namin. Napaka-weirdo ng mga pinaggagawa ni Khalil pero lagi ko naman siyang sinasamahan. Nakakalimutan ko kasi ang lungkot kapag nakiki-hang out ako sa mga kaibigan ko.

Biglang tumunog ang phone ko. It's a video call from Erich. Agad kong sinagot iyon at bumungad ang mukha ng kaibigan ko. Lagi siyang tumatawag sa akin kapag may pagkakataon. Umaga rito so ibig sabihin gabi na sa kanila.

“Lia! I missed you so much! Umuwi ka na rito!"bungad niya.

Napatingin sa akin si Khalil at sinenyasan ko siya na kausap ko ang kaibigan ko. Naintindihan naman niya iyon at nanahimik na lang muna.

“Lagi mo na lang sinasabi 'yan kapag magkausap tayo. I missed you too. Pero hindi pa ako makakauwi. Kumusta ka na?"tanong ko.

“Ayos lang naman. Busy lang sa school pero nakakaya pa naman. Ikaw? Mas lalo kang gumaganda, ah."

Inirapan ko siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng 'to. Bolera pa rin.

“Ayos lang din. Pero s'yempre naho-homesick pa rin ako,"sagot ko at bumuntong-hininga. “Ahm, Erich, kumusta na siya?"

Sa nakalipas na dalawang taon ay kay Erich ako nakikibalita sa mga nangyayari doon sa Isla Felice. Lalo na kung tungkol sa lalaking 'yon. Gusto ko lang naman malaman kung ano ng ganap sa buhay niya. At balita ko, itinuloy niya ang pagtakbo bilang Mayor at nanalo siya. Siya na ngayon ang Mayor ng Isla Felice. I'm happy for him.

“Ah, Lia, hindi naman sa nagiging malisyosa ako pero madalas ko silang makitang magkasama ni Sabelle. Alam ko naman na close sila pero basta."

Hindi ko ipinakitang nalungkot ako sa sinabi niya. Pilit akong ngumiti dahil inaasahan ko naman na mas magiging malapit silang dalawa. Pero may parte pa rin sa akin na nanghihinayang. Kung hindi ba ako umalis, ako pa rin ang kasama niya?

“Ayos lang, Erich. Basta masaya si Dominique, masaya na rin ako," sambit ko.

“Ano ka ba, huwag kang malungkot! Baka magkaibigan lang 'yung dalawa. Besides, wala pa namang kino-confirm si Dominique tungkol doon. Pati si Sabelle walang sinasabi,"pampalubag ng loob na sabi niya.

“They were both silent because they want to keep it private. Basta, kung kami talaga, kami pa rin hanggang sa huli."

Natapos ang pag-uusap namin ni Erich at parang imbes na makatulong itong ice cream na kinakain ko ay mas lalong lumala.

“Love is a magical and powerful feeling. It can make you feel happy and sad at the same time. You love this guy that much, that it pains you when you heard that he's with someone else,"Khalil said out of a sudden.

“Ang dami mong alam, 'no? Wala ka namang love life!"pang-aasar ko sa kanya.

Kung makapagsalita kasi siya parang may pinanghuhugutan. Samantalang wala naman siyang girlfriend. Hindi ko nga alam kung may pinopormahan ba siya.

“Excuse me, mas magaling mag-advice ang mga walang love life. Kayo kasing mga mayroon, kapag nasaktan kayo akala niyo katapusan na ng mundo. Kaya hindi kayo nakakapag-isip nang tama,"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Real talk 'yun ah.

“So, sinasabi mong hindi na tama ang pag-iisip ko? Napakasama mo!"singhal ko sa kanya.

Ganito talaga kaming mag-asaran. Bawal mapikon. Nire-real talk namin ang isa't isa pero alam naman namin ang limits namin.

Tinapos na namin ang pagkain ng ice cream at iniwan ang bayad doon sa mesa.

“Mabuti pa, umuwi ka na,” sabi ni Khalil pagkalabas namin ng ice cream parlor.

“Oo uuwi na talaga ako. Wala naman akong pupuntahang iba. Bye!"sabi ko at nagpara na ng taxi.

Wala akong driver dito kaya naman madalas akong mag-taxi sa tuwing may pinupuntahan ako. Ayos lang naman sa akin 'yon, mas gusto ko na kasi ngayong bumabyahe mag-isa. Hindi ko kasi nagagawa 'yon sa Pilipinas. Mas gusto ko ang buhay rito, malaya ako. Pero nakakalungkot dahil hindi ko naman kasama ang mga magulang ko.

“Lia, nandyan ka na pala. How's your day?"Auntie Marielle asked when I entered the house.

Hinubad ko ang coat ko at isinampay iyon sa sabitan ng coat bago ako dumiretso kung nasaan si tita.

“Ayos lang naman po. Dumaan po kami ni Khalil sa ice cream parlor kaya po ngayon lang ako,"sabi ko.

Inabutan niya ako ng hot chocolate at humigop ako roon. Ang sarap sa pakiramdam nito lalo pa at malamig ang panahon.

“Looks like you two are getting closer, huh. Khalil is a nice guy. I bet you look good together,"

Napakunot lang ang noo ko dahil never kong naisip na magkakaroon kami ng relasyon ni Khalil. Kaibigan ko lang siya at alam niya 'yon. T'saka, focus ako ngayon sa pag-aaral ko lalo pa at graduating na ako.

“Tita, we're just friends,"I said.

“I know. You only like him as a friend because your heart belongs to the one you left in the Philippines,"

Nagulat ako sa sinabi ni tita. Hindi ko alam na may alam pala siya tungkol doon. Hindi naman ako nagkukwento sa kanya dahil hindi rin ako komportable na pag-usapan si Dominique dito.

“Don't worry, hija. Hindi na kita pipilitin pang mag-stay dito nang matagal. Alam ko namang marami ka ng natutuhan dito tungkol sa pagnenegosyo. Papayagan na kitang sa Pilipinas na mag-umpisa ng negosyo,"

Mas lalo akong nagulat dahil sa sinambit niya. Nang magtungo kasi ako rito ay nabanggit ni tita na gusto niya akong patulungin sa pagpapatakbo ng business niya. Kaya nga pinag-aral niya ako para mas matutunan ko ang tungkol sa negosyo. Pero ngayon, sinasabi na niyang puwedeng sa Pilipinas na ako magnegosyo.

“Oh my gosh?! Talaga po, tita? It means, p'wede na akong umuwi next year?"I asked.

Tumango si tita. “Yes, Lia. Tama na ang tatlong taon na pananatili mo rito. Sigurado akong gusto mo na ring umuwi,"

Talagang gusto ko nang umuwi. Hindi na ako makapaghintay na maka-graduate at maasikaso ang requirements ko. Mas gagalingan ko pa ang pag-aaral ko para naman walang maging hadlang sa pag-uwi ko.


_____

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top