18
CHAPTER 18
Afraid
Sumakay siya sa kotse niya at sumunod na rin ako. Pinaandar niya ito papunta sa kung saan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong una kong sasabihin.
Sorry? Kasi hindi ko agad ipinaalam sa kanya? O diretso na agad ako sa pagpapaliwanag ng plano ko?
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa may tabing-dagat. Malalim na ang gabi kaya kaming dalawa na lang ang nandito. Kitang-kita ko ang maliwanag at bilog na buwan mula sa malayo. Tanging ang hampas ng alon ang naririnig naming dalawa.
Masarap sana sa pakiramdam kung nandito kami sa ibang pagkakataon pero nandito kami ngayon para mag-usap tungkol sa pag-alis ko.
Bumaba ng sasakyan si Dominique. Agad din akong sumunod. Pareho na kaming nakaharap sa dagat ngayon.
"Is it true? You're leaving?"He asked without looking at me.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko maiiyak ako ano mang oras.
"Yes. Pupunta ako sa America bago matapos ang taon. Doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko,"sagot ko sa malumanay na paraan para hindi ko siya mabigla. Pero nabigla na nga siya kanina nang marinig niya ang usapan namin ni Erich.
"Kailangan ba talagang sa ibang bansa ka mag-aral? You can study here. Hindi ba maganda ang pagtuturo sa FSU?"tanong niya ulit, ngayon ay nilingon na ako.
His bloodshot eyes were illuminated under the moonlight. I can't help but to look away. Hindi ko siya kayang tingnan nang ganyan ang itsura. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak at nasasaktan nang dahil sa akin.
"FSU is a great university. Hindi naman porke't aalis ako ay ayaw ko na rito. Gusto ko lang na magkaroon ng maraming opportunities. Besides, hindi naman lahat nagkakaroon ng chance mag-aral abroad,"
"Pero marami rin namang opportunities kahit narito ka lang. Bakit kailangan mong umalis? Wala bang dahilan para manatili ka rito?"
Nabasag ang boses niya at napatingala siya. Para bang pinipigilan niyang umagos ang kanyang mga luha pero nakawala pa rin ang mga ito at dahan-dahang umagos pababa sa kanyang pisngi.
Damn! He's crying! Dominique is crying because of me?
"Para rin naman sa akin 'to. Bakit ba parang ayaw mo akong umalis? Hindi mo ba ako kayang suportahan sa pangarap ko?"tanong ko sa kanya dahil akala ko madali niyang maiintindihan ang lahat.
He looked at me with confused eyes. "Susuportahan kita sa pangarap mo pero hindi sa pag-alis mo! Ayaw kong umalis ka. 'Di ba sabi ko, magkasama nating tutuparin ang mga pangarap natin? Bakit iiwan mo ako?!"
"Babalik naman ako! Sana maintindihan mo-
"Bullshit!"he shouted and I almost jumped. " I don't understand! P'wede namang dito ka na lang...hindi ba puwedeng dito ka na lang?"
"Don't curse please.."I whispered because I'm getting afraid of him.
Pumungay ang mga mata ni Dominique habang nakatingin sa akin at bumuntong-hininga. Nag-iwas ako ng tingin.
"Bumalik ka na sa kotse,"sambit ni Dominique kaya napabaling ako sa kanya.
Nakatalikod na siya sa akin ngayon at kitang-kita ko ang bahagyang pag-alog ng balikat niya. Umiiyak pa rin siya.
Gustuhin ko mang samahan siya rito ay alam kong gusto niyang mapag-isa kaya bumalik na ako ng sasakyan. Nakatanaw ako sa kanya mula roon at nakikita ko ang bawat pagtingala niya sa kalangitan.
Nang mukhang napakalma na niya ang sarili ay bumalik na rin siya sa kotse at agad itong pinaandar. Wala na namang nagsasalita sa aming dalawa. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik siya.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Bye,"sambit ko pero hindi siya sumagot. Ni hindi siya sumulyap sa akin kaya lumabas na ako ng kotse niya. Agad niya rin itong pinaandar palayo.
Bagsak ang balikat ko habang papasok ng bahay namin. Madilim na ang paligid dahil tulog na ang parents ko. Dumiretso na lang ako sa kwarto at pabagsak na humiga ng kama.
Pakiramdam ko sumakit ang ulo ko dahil sa mga nangyari. Ang bigat pa ng puso ko matapos nang pag-uusap namin ni Dominique.
Bakit ba kasi hindi niya maintindihan? Ano bang dahilan at ayaw niya akong paalisin? Hindi naman kami. At hindi naman sapat na rason na gusto namin ang isa't isa para manatili ako.
Kinabukasan, tinanghali ako ng gising. Mabuti na lang at wala ng pasok dahil Christmas break na ng FSU. Nagtungo ako sa banyo para makaligo dahil nakatulog pala ako kagabi nang hindi nakakapaglinis ng katawan.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at sinabayan ang parents ko sa almusal.
"Hija, how was the party yesterday?" Dad asked after he sipped on his cup of coffee.
"It's great, Dad. Though, the night didn't end well,"I muttered.
I bite on my toasted bread and drank my juice. Wala ako sa mood para kumain ng kanin sa almusal ngayon kaya tinapay na lang muna.
"Why? May nangyari ba?"si Mommy naman ang nagtanong.
Naalala ko na naman tuloy ang pag-uusap namin ni Dominique kagabi. Sigurado akong galit siya sa akin dahil hindi ko sinabi agad. Sino ba namang hindi? Nangako pa ako na mananatili ako sa tabi niya tapos aalis din pala ako. Hayst.
"I told Dominique about my plan. We had an argument,"I said.
"Lia, siguro hindi niya lang matanggap na aalis ka. Bigyan mo muna siya ng time para makapag-adjust. I'm sure hindi ka matitiis ni Dominique,"saad ni Mommy.
I sighed. Sana nga hindi na magalit si Dominique. Ayaw ko namang umalis nang may sama siya ng loob sa akin. Baka mamaya hindi pa ako matuloy.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto. Mag-uumpisa na akong mag-impake ng mga gamit ko. Nang biglang tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag.
Unregistered number ang tumatawag pero sinagot ko pa rin.
"Hello? Who's this?"I asked.
"Good morning, Miss Fortalejo. This is Royce, secretary of Mayor Enrique, he is requesting for your presence in his office today if you're not busy,"
Napakunot ang noo ko. Gusto akong makausap ng Daddy ni Dominique? Bakit naman? May nangyari bang masama kay Dominique?
"Okay, sure. I'll be there."I said before hanging up.
Agad akong nagbihis ng pormal na damit dahil haharap ako sa Mayor. Mabilis lang akong natapos sa pag-aayos at nagpahatid ako sa driver namin papunta sa opisina ni Mayor Enrique.
"Good morning. Nandyan po ba si Mayor? Gusto niya raw po kasi akong makausap,"sabi ko sa lalaking nasa cubicle sa harap ng office ni Mayor.
"You must be Miss Fortalejo. You can come inside, he is waiting for you,"the secretary said and I nodded.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at huminga muna ako nang malalim bago pumasok. Maaliwalas ang buong opisina at malinis. May dalawang bookshelves sa kaliwang bahagi at sa kanan naman ang isang sofa at may coffee table sa gitna. Sa gitnan ng opisina ay naroon ang mesa at nakaupo sa swivel chair si Mayor Enrique.
"Good morning po, Mayor,"I greeted him.
"Good morning, Camellia. Please sit down,"he said and motioned me to sit on the visitor's chair in front of his desk.
Umupo ako roon at muling nilibot ang paningin sa paligid bago ko itinuon iyon sa Daddy ni Dominique. Nakatitig na ito sa akin kaya naman bahagya akong nailang.
"Bakit ni'yo po ako pinapunta rito?"tanong ko.
"I noticed that you and Dominique have been closed these past few weeks. Akala ko simpleng pagkakaibigan lang dahil hindi naman interesado si Dominique sa pakikipagrelasyon pero mali pala ako." Panimula ni Mayor at tumayo saka humarap sa malaking salamin kung saan natatanaw ang malawak na dagat. "Darating pala ang araw na may isang babaeng pupukaw sa interes niya, to the point na handa niyang talikuran ang mga taong matagal nang umaasa sa kanya."
Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapang 'to. Tungkol ito sa relasyon namin ni Dominique. Pero wala namang namamagitan sa amin.
"Alam mo ba kung anong epekto mo sa anak ko?"tanong niya at hindi ako sumagot. "Masyado siyang na-attach sa 'yo at dahil gusto ka niyang protektahan, ayaw niya nang maging susunod na Mayor ng lugar na 'to. Alam mo ba 'yon?"
Napayuko ako. Ito 'yung sinasabi ni Sabelle sa akin. Na ayaw na raw maging Mayor ni Dominique. Samantalang pangarap niya ito mula pa noong bata siya. Hindi ko alam na magagawa kong baguhin ang pananaw at interes ni Dominique. Hindi ko nga alam kung mabuti ba iyon.
"Wala naman po kaming relasyon. At hindi na rin po mangyayari iyon. Huwag po kayong mag-alala, pagkatapos ng taon na 'to, babalik na ho sa dati ang anak ni'yo,"sambit ko.
Naguguluhang tumingin sa akin si Mayor Enrique.
"What do you mean?"He asked.
"I'm leaving by the end of the year. Iiwan ko na po ang anak niyo. Kaya sigurado po akong babalik na sa dati ang interes niya at itutuloy niya ang pagtakbo bilang Mayor."
___________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top